Naked Truth

Naked Truth

164K Reads 3K Votes 42 Part Story
Aelc By cramming_berry Completed

“Totoo ba na may nangyari na sa inyo ni Kael?” pasigaw na tanong ni Anton kay Faye.
	Nanlaki ang mata ni Faye at di makasagot na lalong nagpainit ng ulo ni Anton.
“Tinatanong kita!! Bakit di ka makasagot?!” muli ay sigaw nito sabay pisil sa braso ng kausap.
	Di alam ni Faye kung maiiyak ba sya o matututwa sa tanong ng boyfriend nyang si Anton. Sa wakas ay kinakitaan nya ito ng selos. Ngunit selos nga kaya ang nararamdaman nito? O tama ang sabi ng mga kaibigan nya na sex lang ang habol nito sa kanya. Tulad ng Ex Boyfriend nyang si Kael. At na kaya ito nagagalit ay dahil di sya ang makakauna sa kanya.
	Gusto nyang sagutin ang tanong nito ngunit natakot sya. Dahil buong akala nya ay tanggap siya ng lalaki gaya ng sinabi nito at wala itong pakialam sa pinagdaanan nya. Pero sa inaasta ngayon ng kasintahan ay mukhang mas naniniwala pa ito kay Kael at sa mga kwentong pinakakalat nya. Bumagsak na ang pinipigil niyang luha kasabay ng pagbagsak ng pag-asa niya na mahal nga din siya ni Anton gaya ng pagmamahal niya dito.

sorrowtears sorrowtears Jul 02, 2014
I like your prologue! Continue this story, I'll support you!