LONGING FOR YOU

LONGING FOR YOU

35.6K Reads 666 Votes 17 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

Bagay sa dalaga ang kanyang pangalan na Angela dahil sa maamo nitong mukha. At sa magandang pag-uugaling taglay ng dalaga. Mabait ito at mapagmahal sa kapwa.Pero kahit gaano kalinis ang kanyang puso ay hindi lahat ng tao ay nakikita ang mga bagay na iyun sa kanya. Katulad ng nararamdaman ni Armin para sa dalaga.

Matinding pagkasuklam at poot ang maramdaman ni Armin sa matalik na kaibigan ng kanyang kapatid. Si Angela na siyang naging dahilan ng pagpapakamatay ng nakababatang kapatid. Kung hindi dahil sa panghihimasok siya sa buhay ng kanyang kapatid ay hindi sana maagang mawawala ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya.

Sa unang pagkakataon ay nagmahal si Angela sa lalaking una pa lamang niyang nakita. Pakiramdam ng dalaga ay matagal na silang magkakilala. Mabilis na napalagay ang kanyang kalooban dito hanggang sa lumalim ang kanyang pagtingin sa lalake. Hindi na niya mapigilan ang sarili na mahalin ito. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang pinakamamahal na si Armin.

Kahit anong kagandahang-loob ang ipinapakita ni Angela sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang poot na nararamdaman niya para sa dalaga. Tuwing magkasama sila ay naaalala niya ang mga masasayang araw nila ng namayapang kapatid. Kung hindi lamang ito pumanaw ay palagi niya sanang nakikita ang kapatid. Pero dahil sa babaeng ito ay naglaho lahat pati ang pangarap niya para kay Camille. Isinumpa niya sa burol ng kapatid na pagbabayarin niya ang dalaga bilang paghihiganti nito sa malagim na sinapit ng kapatid.

Madali niyang naisakatuparan ang kanyang mga plano. Sinamantala niya ang mga sandaling mahal na mahal siya ng dalaga. And time has come for a vengeance. Pinaglaruan niya ang dalaga hanggang sa nasaksihan nito ang labis na pagdadalamhati sa ginawa niyang pagmamalupit sa dalaga.

Gago Yang si Jason, hnd pa papa handa na making ama eh di sana Hindi ka nia binuntis