HIDDEN LOVE

HIDDEN LOVE

33.3K Reads 595 Votes 16 Part Story
Heart Romances By HeartRomances Completed

Nag-iisang anak si Jenika. Mabait, maganda, matalino at masipag. Lahat halos ng mga katangiang hinahanap sa isang dalaga ay nasa kanya na lahat. Hindi rin ito mareklamo kagaya ng mga ibang ka-edad niya. Tahimik at masaya ang buhay ng dalaga kahit simple lang ang pamumuhay na meron sila. Pero biglang nagbago ang lahat ng sabay na pumanaw ang mga magulang niya at tumira ang tiyahing hiwalay sa asawa at ang dalawa nitong anak. Ginawa siyang alila sa loob ng kanyang pamamahay.

Utusan. Ito ang masaklap na naging papel niya sa kanyang mga kamag-anak. Pero kailangan niyang magtiis at tanggapin ang kapalarang ibinigay sa kanya. May malakas siyang pananalig. Alam niyang may magandang dulot lahat ng mga pasan niya ngayong hirap. At iyun ang hihintayin niyang dumating.

Kuntento na sana sa buhay si Jenika ng matuklasang ibinenta siya ng tiyahin sa matanda at pinakamayamang negosyante sa kanilang lungsod upang maging asawa nito. Pakiramdam ng dalaga ay para na rin siyang pinatay ng mga sariling kamag-anak. Walang ibang gusto kundi ang pera.

Akala niya ay tuluyan ng magiging miserable ang kanyang buhay sa piling ng lalakeng kailanman ay hindi niya kilala at lalong hindi niya magugustuhan kahit kailan. Pero pagkakita sa matandang ginoo ay naglaho lahat ng agam agam niyang sumama dito.Napakabait sa kanya si Moreno. Malayong malayo sa ugali ng anak na si Aldritch, ang kanyang future stepson na mas matanda pa sa kanya ng walong taon!

Aldritch is such a hunk,parang kabilang sa mga next generations ni Zeus sa Mt. Olympus, ganito ang description ni Jenika sa binata sa unang tingin niya. Pero pagdating sa ugali nito ay parang siya lang ang itinakwil na anak dahil sa pagiging ungas ng lalakeng ito. Suplado. Hambog. Hindi marunong ngumiti. At higit sa lahat na pinakaayaw ni jenika ang pagiging pakialamero nito sa mga ginagaw niya.

No comments listed yet.