Seducing Mr. Perfect: William James Villamonte COMPLETED

Seducing Mr. Perfect: William James Villamonte COMPLETED

113K Reads 2.1K Votes 21 Part Story
Dark Roman By FrustratedWriterX Completed

5 MILYON.
 
5 milyon kapalit ng isang misyon. Nasasadlak ngayon si THEA sa isang kasunduan. Isang kasunduang kailangang MAPA-IBIG, AKITIN at higit sa lahat ay SAKTAN ang isang lalaki. Isang lalaking alam niyang lahat ng kababaihan ay pinapangarap at hinahangad siya.  

Si William James Villamonte, ang kilalang player ng kanilang Unibersidad. Isang certified babaero/mayabang/barumbado.

Pano nga ba siya napapayag pumasok sa kasunduang ito? Ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ninais na madikit kay William, kinasusuklaman niya ito ng higit kanino pa man. Hindi naman kasi lingid sa kanya ang mga balitang marami ng babae ang pinaiyak nito at matapos gamitin ay basta na lang binalewala. Hinding-hindi siya matutulad sa mga ‘to.

Magsisimula na ang nagbabagang laro sa pagitan nila ni William. Isang laro na hindi niya inaasahang magpapabago ng tingin niya sa lalaki. Dahil ng lubos niyang makilala ito ay hindi sinasadyang mahuhulog din ang loob niya para rito.

Pero pano niya kukunsintihin ang sarili kung nakalagay sa kasunduan na hindi siya pweding umibig sa lalaki.




ABANGAN!!!!!!!!!

No comments listed yet.