Infutile Confession

Infutile Confession

67 Reads 11 Votes 1 Part Story
WitchesWriting By Witchitaxx Updated Apr 20, 2014

ONE SHOT

ALIYA's POV

"Pare ko!" Maligaya kong pag-bati kay Azrael. Napalingon-lingon sa kung saan si Azra para mahanao kung nasaan ako. Nandito ako sa labas ng mall, kanina pa ako nag-hihintay sa kaniya para makapasok na para mapanood ang mini-concert ng isang sikat na banda. 

"Hoy! Nandito ako!" Sigaw ko nang hindi niya ako nahanap. Kumaway ako at nahagip naman ako sa paningin niya. Napangiti ako nang humakbang na siya papalapit sa kinaroroonan ko. Biglang nag-slow-mo ang lahat. Parang may electric fan na pinaandar at hinawi ang buhok ko sa hangin. Hindi mawala ang tingin ko sa naka-slow-mo na si Azra, nag-sparkle yung nasa paligid niya. Kahit mismo yung basurahan na nadaanan niya gumanda sa paningin ko.

"Pare Iya nandiyan ka na pala!" Tumango ako at nag-madaling inakbayan siya. Sa taas nito ay nagmukha akong unggoy na nakasabit sa kaniya. Tumawa siya at hinawi niya yung braso ko na naka-akbay sa kaniya at siya na ang umakbay sa akin. 

"Pare, tara na, baka ma-unahan tayo ng iba s...