philippines constitution tagalog vert.

philippines constitution tagalog vert.

347 Reads 2 Votes 1 Part Story
Reynold Tinio By ReynoldTinio Updated Apr 10, 2014

ANG 1987 KONSTITUSYON 

NG 

REPUBLIKA NG PILIPINAS

PANIMULA

(Preamble)

    Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.

ARTIKULO   I

ANG PAMBANSANG TERITORYO

(National Territory)

    Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupa...

No comments listed yet.