Isang kahig, isang tuka yan si Avina Louwen Casinto, isang babaeng gagawin ang lahat para sakanyang pamilya. Laking Agban, ang kanyang pinakmamahal na probinsiya. Minsan ng natalo sa laban pero patuloy na bumabangon. Hindi niya ugali ang sumuko, palaban kumbaga. Hanggang sa makarating siya ng Maynila, isang lugar na dahilan kung bakit nagbago ang buhay niya.