NEW: Introducing Tap. Addictive chat stories for your 📲 Now in 10 languages
DOWNLOAD NOW!
Watashi no Usui-sama (My Real Usui)

Watashi no Usui-sama (My Real Usui)

16K Reads 439 Votes 12 Part Story
Zai Red By Zai_viBritannia Completed

Para kay Aya Mhiaka, ang mga lalaki ang pinakanakakainis na nilalang na nabubuhay sa mundo.
Mas lalong nawalan siya ng interes sa mga kalalakihan sa paligid niya dahil mas binigyan niya ng pansin ang mga fictional hero na napapanood lang niya sa anime.
Doon lang kasi niya nakita ang perpektong lalaking hinahanap ng bawat babaeng katulad niya, iyong lalaking mapagkakatiwalaan, maaasahan sa lahat ng sandali, magpapangiti, magpapaiyak dahil sa labis na saya, magpapakilig at magmamahal sa kanila ng tunay.
At isa sa minahal niyang fictional hero ay si Usui Takumi ng isa sa mga paborito niyang anime, dito lang kasi siya nakaramdam ng kilig, dito lang niya nalaman na babae rin pala siya na naghahangad ng pagmamahal ng isang lalaki.
Hinihiling nga niya na sana ay may isang Usui Takumi in real life na gugulo, magpapakilig, magpapaiyak at the same time ay mamahalin din siya ng buong buo kung ano at sino siya, iyong lalaking wala nang ibang gusto o pinagkakainteresan kundi siya lamang. 
Hanggang sa magkrus ang landas nila ni Gray, at kung may live action movie ang Kaichou wa maid-sama ito na yata ang perfect na human version ni Usui Takumi, magmula sa grayish color eyes nito, sa matangos nitong ilong na binagayan ng maninipis at mapupulang mga labi. His perfect physical features and his built and his height, ah geez! A real Usui!
Ang unang lalaking nagpatibok sa puso niya, ang unang lalaking pinagkainteresan niya at ang siyang unang lalaki ring kaiinisan niya ng sobra-sobra.
Akala niya ay ito na ang real life usui niya pero nagkamali siya dahil para sa kanya isa itong perverted alien na nanggaling sa planetang nemic.
Kaagad niyang kinainisan ang lalaki at hiniling na sana ay hindi na sila muling magkita.
Pero paanong gagawin niya kung makikita pala niya araw-araw ang lalaki? Paano niya ito iiwasan kung ito pala ang bagong boarder na tinutukoy ng kaniyang ina? Mapaninindigan ba niya ang sariliing iwasan at kainisan ang lalaki o magpapadala siya sa ibinubulong ng puso niya?

Rucaehlydel Rucaehlydel May 21, 2016
Takure! Sama mo na din ahahahaha. Ano ba yan! I love Maid Sama! Ang cute nila!
Rucaehlydel Rucaehlydel May 21, 2016
Oh kita mo na! kita mo na! Ang tingin talaga ay cartoons huhubells talaga hindi naman magkamuka si Uzui at johny bravo ah!
Rucaehlydel Rucaehlydel May 21, 2016
Misaki at Takumi lang ang peg nila Gray at Aya. May something d2 kay Gray eh.
Rucaehlydel Rucaehlydel May 21, 2016
Yan talaga ang papel ng mga ina natin Aya, ANG GISINGIN TAYO SA KATOTOHANAN! HUHUBELLS Ang masaklap pa ang tanda ko na daw para mag-cartoons! Hindi yun cartoons ANIME yun!
khamylyn khamylyn Jul 26, 2015
waaah!!! pareho talaga sila ni mama hahaha... na alala ko tuloy nung na huli ako ni mama na nanunood ng kaichou nang 3 to 4 am sa portable dvd ko hahaha... wala naman daw buhay si Usui at nagsasayang lng nang eyebag ko hahaha... XD
khamylyn khamylyn Jul 26, 2015
waaah!!! author favorite ko din ang kaichou wa maid!!!! mga 20 times na cguro nakin na panuod hahaha.... ganda kasi nang story nila...!!! wala lang relate ako kay Aya hahaha anime lover hehehhe