Flower Prince Trilogy 3: EINAR "My Knight Prince" (PUBLISHED LIB)

Flower Prince Trilogy 3: EINAR "My Knight Prince" (PUBLISHED LIB)

49.6K Reads 1.3K Votes 22 Part Story
Zai Red By Zai_viBritannia Completed

Takang taka si Keitlene kung bakit sunod sunod ang nakukuha niyang maliit na papel na may maikling mensahe na nakaipit sa kanyang libro. May secret admirer kaya siya?
Napatunayan niyang may secret admirer nga siya ng minsang mag confess ito ng nararamdaman, ang mga maiikling mensaheng natatanggap niya noon ay isa palang napakagandang awit. Nagpakilala ito bilang si Knight prince.
Marami ang nainlove sa ginawang love confession on air na iyon ni knight prince at aaminin niya na nacurious din siya sa tunay na pagkatao nito.
Kaya naman gaya ng ibang kababaihan sa university na pinapasukan niya ay nagtungo rin siya sa radio booth subalit bigo siyang makita at makilala ito.
At imbis na si Knight prince ang makita niya hindi kalayuan sa radio club, ang nakita niya ay ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat, ang huli sa listahan ng lalaking gugustuhin niya. Si Einar Park! Ang half Korean transferee noong highschool sila, ewan ba niya kung bakit inis na inis siya dito siguro dahil sa pagiging alaskador nito.
He was the wittiest and mischievous person she’d ever known. 
Hindi niya alam kung kailan ba ito seryoso at hindi kaya naman hindi niya ito masyadong gusto dahil bukod sa mapagbiro ito ay paborito siya nitong asarin.
Pero isang beses ay pinaglaruan siya ng tadhana, binigyan siya ng pagkakataon na makilala niya ito ng lubos, kabaligataran pala lahat nito ang nakilala niyang ugali nito noon.
She realized how sweet and gentleman Einar is. 
Unti unti ay nararamdaman niyang tinatraydor din siya ng puso niya, she found herself falling in love with him.
But she had a problem, may fiancée na pala ito at nakatakda na ang kasal nito. Paano na siya? Paano na ang puso niya na natutunan na itong mahalin?

No comments listed yet.