SORCERER'S LEAGUE-Tawag sa organisasyong humahawak sa samahan ng mga sorsero sa bansa. Binuo ito ng Council of Sorcerer's Affair, ang namamahala sa mga sorsero, upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko mula sa masasamang nilalang na may hindi pangkaraniwang kakayahan. Sila ang nangangasiwa sa mga kasong hindi kayang lutasan ng mga normal na tao. Isa na roon ang kinilala ng marami sa pangalang Hiraya League. Halos animnapung taon nang nagse-serbisyo at isa sa pinakatanyag na liga ng Eastre Vallera. Uusbong ang pag-ibig sa gitna ng mga suliranin. Iba't ibang kuwento ng mga sorsero ng Hiraya ang susuong sa kanilang kinabukasan. Ang paglitaw ng mga tampalasan ay badya ng madilim na bukas. Sa bawat pagdaan ng araw ay panibagong tagumpay at kabiguan. Walang may batid sa mga sorsero ng Hiraya kung ano'ng klaseng pagsubok ang naghihintay sa kanila... wala pa.