"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!"
Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay na wala talaga siyang kahit anong experience. Ano ba naman ang alam niya sa pangse-seduce? At lalo na sa matalino, hot na hot, at super sungit na classmate pa niyang si Drake Palma?!
Ah basta! Gagamitin niya ang lahat ng powers niya para maging "mission accomplished" sa challenge na ito. Hindi siya makapapayag na maging isa sa napakaraming babae sa school na naging brokenhearted dahil sa playboy na si Drake.
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis.
"S-sigurado ka ba dito Aly?" Pinagpapawisan na ako ng malapot lalo na at palapit na palapit na kami kay Blake at sa mga popular friends nya.
Tumigil kami sa harap ng table nila "Ahh excuse me Blake" I said, trembling.
Huminto sila sa paguusap usap at saka sabay sabay na tumingin sa akin
"Yes?" He asked at saka tumayo sa harap ko.
Tumingala ako sa kanya. This is it pansit.
Pumikit ako at saka tumingkayad ako para halikan sya. Naramdaman kong tumahimik ang buong paligid dahil sa ginawa ko. His lips were so soft and sweet.
Nakangiting minulat ko ang mata ko, pero sa halip na si Blake ay ang shocked na mukha ng gorgeous yet bitchy girlfriend nya ni Reese Santillan ang nabungaran ko.
Wtf?! Did I..?? Did I just.?? Did I really..??
Nagdilim na ang paningin ko pagkatapos.