Mictlan, Bakit?

Mictlan, Bakit?

204 Reads 5 Votes 1 Part Story
Arachis hypogaea Tie By Peanut_Tie Completed

Naging saksi ang buong nayon noon.

     Mabagyo ang gabi, ngunit hindi ninyo ito alintana. Nakiusyoso kayo palibot sa bahay-kubo ng pinuno ninyong si Basil habang may isang lalaking taga-kabisera ang kumakausap sa kanya. Mga lamparang nakabitin sa kisame ang ilaw sa bahay-kubo. Siksikan na sa may pinto, pero doon ka pa rin pumuwesto. Isang mata mo lang ang nakasisilip.

     Gaya ng karamihan sa nayon, hindi nakaiintindi ng Tagalog - ang wika ng kabisera - si Basil, kung kaya't katabi niya ang isang babaeng tagasalin na kanayon ninyo.

     Si Lupok.

     Nakarating siya't nakapag-aral sa Maynila. Sa edad mong labinlimang taong gulang, hindi ka pa rin pinapayagang lumagpas sa hangganan ng inyong teritoryo kapag nauutusan ka ng iyong indo - ina - na manguha ng panggatong sa kakahuyan. Hindi mo lubusang masunod ang bilin niya sapagkat naglalakbay ang diwa mo palagpas sa hangganan. Ang sabi, maraming Unat daw ang nakatira sa Maynila. Ngunit napakalayo pa raw ng Maynila mula sa kabiseran...

    No comments listed yet.