SAVING FOREVER 2024 VERSION TO SELF-PUBLISH SOON UNDER WEIRDYGURL PUBLISHING CAMP. (Detailed version, no cuts, more scenes & special chapter) The book version will show my years of growth as a writer and with all criticism considered. Lihim na umiibig si Mahaleah kay Psalmuel Fidalgo ngunit nobyo na ito ng kaibigan niyang si Alyana. Isama pang mortal na magkaaway ang pamilya niya at ang mga Fidalgo dahil sa nagawang kasalanan ng mga Salvatierre sa pamilya Fidalgo na siyang nagpataw ng sumpa sa kanilang pamilya. Dalawa lang ang nagiging anak ng mga Salvatierre, isang lalaki at isang babae. Lahat ng mga babaeng anak ay mamamatay sa oras na tumuntong sila sa edad na bente-tres. Mula sa henerasyon ng mga Salvatierre ay wala pang nakakapag-putol ng sumpa at lahat ng mga babaeng anak ng Salvatierre ay namamatay. Ngunit nakahanap ng paraan ang pamilya ni Mahaleah para maputol ang sumpa. 'Yon ay magkaroon sila ng anak ng isa sa mga binata ng mga Fidalgo na siyang pumataw ng sumpa sa pamilya nila. Nagawang mapapayag ng mga magulang ni Mahaleah ang ama ni Psalmuel kapalit ng buong lupain ng Salvatierre ngunit tutol naman si Psalmuel sa ginawang kasunduan ng ama sa pamilya ni Mahaleah. May pag-asa pa kaya si Mahaleah na mabuhay kung ang nag-iisang anak ng Fidalgo ay isang babae lang ang mahal? O baka magaya lang din siya ng mga naunang babaeng anak ng mga Salvatierre na naglaho nang hindi nakakamtan ang tunay na kaligayahan? Who will save Mahaleah's forever? Genre: Romance Mystery Horror