JAYDEN: Way Back Into Love

JAYDEN: Way Back Into Love

19K Reads 394 Votes 17 Part Story
Syana Jane By syanajane Completed

CHAPTER ONE

Gulat na napalingon si Belle sa humablot ng sigarilyong nakapasak sa bibig. It was Piero, the barangay captain's son. Itinapon nito ang sigarilyo sa pinakamalapit na basurahan.

"Bawal manigarilyo dito. Maraming bata na naglalaro dito ang pwedeng makakita sa'yo." Iginala nito ang paningin sa covered court na iyon. "Baka gayahin ka pa nila."

Sumimangot siya.

"Tanghaling-tapat ngayon, Piero. Namamahinga sa kani-kanilang bahay ang mga batang sinasabi mo."

"Tama. Katanghaliang tapat nga pero nagsusunog ka ng baga."

"At least hindi baga mo ang sinusunog ko." Hindi na siya kumuha pa ng isa pang stick ng sigarilyo. Tiyak kasi na hindi siya titigilan ng lalaki.

"I'm just a concerned citizen. Besides--"

"You're the barangay captain's son. At naturuan ka ng parents mo na maging concerned sa barangay specially sa mga mamamayan dito." Siya na ang nagtuloy sa sasabihin pa nito. Nasaulo na niya ang speech nito sa loob ng tatlong taong panenermon nito sa kanya. "What else is new?"
...

No comments listed yet.