His Queen

His Queen

273K Reads 7.7K Votes 3 Part Story
Jamille Fumah By JFstories Updated Aug 22

ANG SIMULA...

"ALAM MO BANG PINAGPALA KA?"

Tumulis ang nguso ko. 

"Maniwala ka, Ineng, ikaw ang pinakaswerteng nilalang sa bansang Pilipinas. Mararanasan mo ang kakaibang kapalaran na hindi makakamtan nino man."

"Ano naman pong kapalaran 'yan?" 

"Hindi ko rin alam."

Napakamot ulo ako. "Hindi niyo pala alam, e. Pinaglololoko niyo lang yata talaga ako, Ka Gorio."

"Hindi, Ineng." Umiling ang matandang ermitanyo. "Nakakatiyak ako na pinagpala ka, subalit hindi ko lamang matawid sa aking isip kung paano at kung anong magandang kapalaran ang paparating sa iyo. At walang sino man ang makakapigil ng paparating na swerte sa buhay mo. Iyo ang swerteng iyon, kahit pa marami ang magtatangka na agawin ito sa iyo."

"Kaloka," sambit ko.

"Ngunit huwag kang tuluyang magalak at magbunyi."

"Bakit ho? May kapalit ba ang magandang kapalarang iyan, Ka Gorio?"

Matagal bago nagsalita ang matanda. Pinakatitigan muna ako nito. "Oo. At magiging napakahirap nitong tanggapin para sa iyo."

"Kinikilabuta...

  • billionaire
  • fiction
  • husband
  • jamillefumah
  • jf
  • jfstories
  • pain
  • romance
  • vampire
  • vox