Musika at pagkanta-ilan lamang sa mga libangang mayroon si Chris na kumukuha ng kanyang interes. Nagiging palaging biro sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang posibleng pagiging interesado naman niya pagdating sa babae. Subalit para kay Chris, wala siyang oras para sa isang babae-wala siyang oras para sa pag-ibig. Ngunit nang makilala niya si Maxene, bumaliktad bigla ang kanyang mga salita, at hindi niya akalain na magmamahal siya nang ganito para sa isang babae. Inakala niyang ang simula ng pag-ibig na ito ay siya ring magwawakas para sa kanila. Pero mali siya dahil sawi siya, at ito ang naging dahilan para muli niyang pagtuunan ng pansin ang isang bagay na una niyang minahal-ang musika. Ang kanyang musika na ang laman ay pait at sakit ng kanyang nakaraan.