TAG-ULAN (tula ng kalungkutan)

TAG-ULAN (tula ng kalungkutan)

7.3K Reads 13 Votes 1 Part Story
Regi Nald By RegiNald4 Completed

I.

Sa tuwing umiiyak ang kalangitan

Ako'y kasabay nitong nasasaktan

Ang lamig ng kapaligiran

Nagpapaalala ng kanyang paglisan



Sa dilim ng kalangitan

Ginugunita ng kalungkutan

At sa bawat patak ng ulan

Puso'y unti-unting sinusugatan



II.

Mga araw ng pangungulila

Kasing dami ng patak na nailuha

Mga araw ng pasakit

Kasing dilim ng langit



Mga araw ng pag-iyak

Puso'y unti-unting winawasak

Mga araw ng kasiyahan

Mas madalang pa sa minsan



III.

Sana sa muling pag-ulan

Ako'y 'di na muling masaktan

Sana sa lamig ng kapaligiran

Wala na muling lumisan



Sana sa pag-dilim ng kalangitan

'di na muling iwanan

At sana sa bawat pag-patak ng ulan

Puso'y 'di na muling masugatan

No comments listed yet.