LAXAMANA S2: Patricia 'Patty' Laxamana (Completed)

LAXAMANA S2: Patricia 'Patty' Laxamana (Completed)

23.7K Reads 583 Votes 22 Part Story
Dream_Secretly By Dream_Secretly Completed

Patricia 'patty' Laxamana is like a happy-go-lucky-bitch. Siya iyong tipong ginagawa ang lahat ng gugustuhin niya. Aawayin at Aayawan ang mga taong hindi niya gusto. Tatarayan ang kahit sinong mamba-badtrip sa kaniya. Subalit, sa likod ng mga ugali niyang 'yan ay may isang malambot na pusong nagkukubli. Isang pusong wagas kung mag-mahal at magpahalaga ng mga taong importante sa kaniya.

Bata palang siya ay alam niya nang may responsibilidad siyang kailangang hawakan sa probinsiyang pinanggalingan ng kaniyang mommy. Alam niyang siya ang magmama-mana nang mga negosyo nila roon while his brother, Patrick laxamana ay hahawakan ang negosyo ng kanilang ama. Wala naman iyong problema sa kaniya noong una kaya lang ay mula nang may mangyari sa kaniya noong huli niyang punta sa kanilang probinsiya ay parang gusto na niyang umurong sa nakaatas na sa kaniyang responsibilidad. Pero, alam niyang hindi pwede lalo na nang magkasakit ang kaniyang lolo at sinabi nitong kailangan na siya. 

Nang araw na nasa biyahe siya papunta sa kanilang probinsiya ay hindi niya maiwasan ang hindi alalahanin ang mga nangyari sa kaniya sa huling pagpunta niya roon. Mga limang taon na rin ang nakararaan. 'Yon na ata ang pinaka-masakit na nangyari sa buong buhay niya. Kung hindi niya lang siguro nakilala si Sandy at kung wala lang siguro ang mga pinsan at kuya niya ay baka nabaliw na siya. Baka nagpa-kamatay na siya sa sobrang pangungulila.


Naisip niya na, ganon ba talaga kapag umibig ka? kapag hindi para sa'yo ay kailangang saktan ka muna bago kayo paghiwalayin ng tadhana? Atsaka bakit pa ba kayo pinagtatagpo, kung hindi naman pala kayo ang para sa isa't isa? Parang tanga lang pala ang tadhana,  Ang hilig maglaro ng apoy na alam niyang ibang tao ang magdurusa. At masakit mang isipin ay isa na rin siya sa napaglaruan nito. 


Sa muli niyang pagbabalik sa lugar ay inaasahan niyang marami nang pagbabago. at sana'y masabayan niya ang mga ito.

  • heir
  • hurt-comfort
  • longing
  • love
  • past
  • wattys
  • wattys2017