Reiynna
MONTREVELL INSTITUTE : ALL HAIL THE DAMNED
Welcome to Montrevell Institute.
Isang paaralan na hindi para sa mga mahihina. Dito, hindi grades ang labanan. Dito, dugo, teritoryo, at pangalan ang puhunan mo.
Apat na gang ang naghahari sa loob nito.
Black Sovereignty. Golden Venom. Platinum Reign. Dark Dynasty.
At sa gitna ng lahat ng giyera, may isang babaeng walang kaalam-alam na siya pala ang dahilan ng lahat.
Eiravelle Ysoria Montclair.
Bumalik siya sa Montrevell pagkatapos ng tatlong taong pagkawala. Hindi na siya yung babaeng umiiyak. Hindi na siya yung babaeng takot. Ngayon, palaban na siya. Mananampal, manununtok, makikipag-away. Walang takot.
Maliban sa isang tao.
Aevren Dominic Salcedo.
Leader ng Black Sovereignty. Cold. Nonchalant. Walang pakialam sa lahat. Kahit kay Eira, cold siya. Pero possessive. Sobrang possessive.
Hindi siya nagseselos ng maingay. Hindi siya nagmamakaawa. Kapag nagselos siya, tahimik lang siya. Tapos bigla niyang ipipit si Eira sa pader, kakagatin sa leeg, at iiwan na parang walang nangyari.
At si Eira, na lumalaban sa lahat, kay Aevre lang hindi lumalaban. Hinahayaan niya. Kahit hate na hate niya si Aevre, tumitibok yung puso niya everytime na lumalapit ito.
Hindi niya alam na lahat ng gang, nag-aaway para sa kanya.
Hindi niya alam na yung best friend niya, si Evander Saint Clair, ang tahimik na kalaban ni Aevre para sa puso niya.
Sa Montrevell, bawal magmahal ng kaaway.
Pero paano kung yung kaaway mo, yun din yung taong hindi mo kayang labanan?
Sa Montrevell, ang pagmamahal ang unang pumapatay.
Kaya...
All Hail The Damned.