The Dork Knight (Published by...

By isay_pasaway

19.7K 551 318

He's the hero she deserves, but not the one she (thinks she) needs... Parang sa bagyo, dumating sa boring na... More

Chapter One - The Snowhite - Dork Collision
Chapter Two - The Stuttering-Inducing Solution
Chapter Four - The Graymail Tactic
Chapter Five - The Friendship Sublimation
Chapter Six - The Victoria Avellana Complexity
Chapter Seven - The Third Party Occurrence
Chapter Eight - The Heart Fragmentation Potential
Chapter 9 - The Selfless Love Paradigm
Chapter 10 - The Dorkest Hour

Chapter Three - The Hunk-In-Dork's-Clothing Effect

1.7K 55 49
By isay_pasaway

Ayaw sa kanya ni Kiel. Iyon ang pakiramdam ni Tori habang pinagmamasdan ang lalaki na parang hirap na hirap siyang sulyapan man lang.

At ikinaiinis niya iyon dahil: (1) Alam niyang hindi siya pangit. Hindi siya vain, pero aware naman siyang pleasing ang kanyang hitsura. So ano ang problema nito sa mukha niya? (2) Paano siya nito tuturuan kung hindi siya nito titingnan? (3) She thought his eyes were cute but how could she look at those more kung ganoong iniiwas nito iyon sa kanya? ; at (4) Hindi ba talaga siya maganda sa paningin nito?

"I'm sure you know about Medusa, that hideous monster from Greek mythology," bigla niyang sabi.

"Hmm... Medusa? What about her?" wala sa sariling untag ni Kiel, patuloy sa pagbasa sa textbook.

Magkaharap sila sa mesa sa loob ng university library at doon nagtuturuan.

"Well, I'm wondering if you think I look like her. Hindi mo kasi ko magawang tingnan, eh."

Umigkas ang ulo ni Kiel at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya. "Wha-what? N-no, o-of course not! That is not true. Really, really not true," namumula ang mukha, tainga at leeg na bulalas ng kaharap. "You're nothing like Medusa. I'm really sorry."

"Whatever." She rolled her eyes. "Just get on with whatever you're discussing."

Naningkit ang mga mata ni Tori nang makitang bumuga pa ito ng hangin bago nagsalita uli. Para bang ume-effort pa bago magawa siyang tingnan. Nakakainsulto na talaga, ah!

"Anyway, bibigyan kita ng assignment, ah. Okay lang ba?" marahan nitong sabi, medyo apologetic ang expression. Mukhang naramdaman ng kaharap na papakulo na ang dugo niya kaya parang sa nguso ng takure, lumalabas na ang usok sa ilong niya.

Tumango lang siya. "Okay."

"Kailangan mo kasi talagang makabisa ang multiplication table at 'yung mga formula. Hindi tayo makakausad sa kahit anong pag-aaralan natin kung di mo 'yun magagawa. Mauubos lang ang oras mo parati sa kagagawa ng ganito." Pigil ang ngiwing itinaas nito ang scratch paper niyang puno ng tantos.

Buti na lang napigilan niya ang ngiti. In fairness, lihim siyang humahanga sa binata. Sa dami ng pinagdaanan niyang tutor, ito ang pinakamatiyaga. Bah, iyong dati niyang guro ay kulang na lang derechahan siyang tawaging tanga dahil hindi niya alam kung ano ang sagot sa seven times eight, at kailangan pa niyang magbilang habang nagtatantos sa scratch ng pitong grupo ng mga poste na tigwawalo. Tapos, napasobra pa iyong tantos niya kaya ang ending, mali ang sagot. Nakita talaga niyang namula ang buong mukha ng guro at dalawang oras yata siyang sinermunan tungkol sa pag-aaral nang maige dahil utang niya iyon sa magulang niyang nagpapakahirap magtrabaho para lang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Na may punto naman dahil siyempre, hello, ilang taon na ba siya? At Grade I pa lang yata itinuturo na ang multiplication table!

Pero si Kiel, ni hindi man lang niya nakitang kumunot ang noo kahit minsan. Sa halip ay matiyagang pinaliwanag ang mga bagay sa kanya. And he looked so cute doing it.

Sinaway niya ang sarili sa huling naisip.

"Kakabisahin mo lang itong table. Kahit paunti-unti lang." Kimi siya nitong tiningnan. "Maggu-Google ako kung may mas madaling paraan para makabisa mo ito, ah. Dadalhin ko bukas. Pero assignment mo 'yung multiples ng 4, 6 at 7. Kaya?"

"Puwedeng 4 muna saka 6?" hirit niya. "Mahirap 'yung 7, eh."

Sandali itong nag-isip. "Okay. Pero next week 7, 8, 9 ang kakabisahin mo."

Sa totoo lang, bagaman medyo naaasar dahil nga halos ni hindi siya magawang tingnan ng lalaki sa mukha habang tinuturuan, naaawa na rin siya kay Kiel. Masyado kasi itong napapagod at nahihirapan sa kanya.

Naaawa na si Tori to the point na gusto na niyang aminin sa lalaki na nagpapanggap lang siyang aanga-anga sa Math. Na ang totoo, kaya niyang mag-multiply kahit tiglilimang digits pa nang hindi gumagamit ng papel. Na Mental Mathematics ang isa sa mga talent niya.

Pero kung gagawin iyon ni Tori, tiyak na malalaman ng daddy niya na hindi niya kailangan ng tutor... na sisiw na sisiw sa kanya ang Marketing, kahit ang Accountancy. At tiyak, papag-shift-in siya nito ng course at matatapos ang maliligaya niyang araw kasama ang mga kaibigan.

"Okay," sabi na lang niya.

"Good." He smiled while looking straight into her eyes.

Saka naintindihan ni Tori kung bakit hindi nito madalas na ginagawa ang gayon. Masama pala kasi ang kalusugan ng isang tao ng magkasamang titig at ngiti nito. Parang matapang na kapeng barakong walang kahalong creamer ang epekto nito sa kanya—nag-palpitate bigla ang puso niya at umiksi ang paghinga.

My goodness, napakatanga niyang isipin na 'cute' si Kiel noong una silang magkakilala. Napakalayo ng deskripsyong iyon para sa kaharap. He was a hunk in dork's clothing!

Kind expressive eyes, aquiline nose, kissable lips, angular, lightly stubbled jaw, black curly mane that looked so soft. He looked like he was sculpted from marble by a virtuoso. Bronze marble, that is. He was incredibly beautiful, and the sight of him took her breath away.... along with every sensible thought in her brain.

Pero hindi sapat iyon para maging mabait siya rito at umamin na lang. Ipapagpapalit ba ni Tori iyong ganitong ang saya-saya niya sa course niya at mag-shift na lang, dahil lang naawa siya kay Kiel?

Hindi rin!

****

"I'm tired of being alone so hurry up and get here... So tired of being alone—ah, shit, ang corny."

Inihinto ni Kiel ang unconscious na pagsabay sa tugtog mula sa earphones niya nang ma-realize na ang emo ng lyrics ng awit.

Sandali siyang huminto mula sa pagbabasa ng libro tungkol sa Medieval History, pinalitan ang tugtog, at saka binuksan ang laptop. Hindi na siya masyadong makapag-concentrate sa pagbabasa dahil naglamyerda na ang kung anu-anong ideya sa isip niya.

Nag-open siya ng Google window, tinunton ang create new entry sa blog niya (na wala naman yatang bumabasa) at nagsimulang mag-type.

I think I hate John Mayer already. Halos kasing-bilis ng daloy ng utak niya ang kanyang mga daliri sa keyboard ng laptop na kaharap. Why does he have to know exactly what I'm feeling now?At nagawan pa niya ng kanta?

"Tae, ang mais talaga," bulong niya. Uminom muna siya ng kanyang tinitipid-tipid niyang pinakamurang frappe habang nag-iisip. Paglapat ng kamay niya sa keyboard, magkasunod na Ctrl + A, saka Del keys agad ang pinindot niya. Pagkatapos, nagsimula siya ulit ng bagong sentence.

It's twelve minutes past 11 p.m. and I'm loitering here at a coffeeshop three blocks away from where I live, because I'm too kuripot to do my loitering somewhere else. Kakarinig ko lang ng announcement ng PAGASA about the Orange Rainfall Warning all over the metro. Tatlong lasing lang ang sabay-sabay na umihi, baha na d'un sa lugar na tinitirhan ko at nalimutan kong magbaon ng bangka. *ngiwi*

Napalingon si Kiel sa kanyang kaliwa nang magtawanan ang grupo ng babaeng nagkukuwentuhan doon. Nilakasan niya ang volume ng pinakikinggang kanta ng bandang Ugly Kid Joe bago tinuloy ang kanyang blog.

I should've stayed at the library and camped out there. Baka na-enjoy ko pa d'un itong binabasa ko, kaysa dito sa café na puro maiingay at Kris-Aquino-sounding na mga tao. I mean, I don't have anything against coños and the real Kris Aquino, lalo pa't di naman nila ako inaano. Naiingayan lang talaga ako sa partikular na grupong ito.

Anyway, why don't they just call their Yayas and ask their Manong Drivers to fetch them so I could be at peace here by myself?

"Babe?" Hindi niya napansin ang babae sa tabi niya sa sobrang concentration sa ginagawang blog.

This kind of (bed) weather—a TS is looming, FYI— may be called romantic by those who have SOs beside them, but for singles like me—no, scratch that. Make that, for BITTER, forever alone dorks like me, whattheheck!

Normal guys i.e. manchilds with menial jobs and d*cks bigger than their brains, have girlfriends to cuddle with tonight. While I, a scholar, ECE student with 145 IQ, only have a secondhand laptop and cheap frappe as companion. <Sigh> Life is a bitch indeed.

Sorry, I think I sound like a My Chemical Romance song there... or some emo band. I'm just... I don't know... sad and bitter. And tired. Right. I feel sad, bitter and tired.

And these mushy songs aren't helping. Mayer's stressing how miserable it is to be alone. F*ck, it's freaking bringing out my inner (long-burried and will forever be denied) Sansa Stark! Pakiramdam ko, male counterpart ako ng isang character ni Juday sa telenovela! Aping-api at....

"Ay, aping-api ka!" gulat na bulalas niya nang may humaltak ng kanyang right earphone. Gulat na nilingon niya ang culprit niyon: Si Tori!

"Hi!" bati ng babae. Dere-derecho itong humalik sa kanyang pisngi bago naupo sa silyang kaharap niya, sabay baba ng bag nito sa kanyang mesa. "Kanina ka pa?"

Shock? Understatement kung gagamitin iyon ni Kiel para ilarawan ang kanyang nararamdaman.

Ibang-iba kasi ang anyo ng dalaga. Hindi ito mukhang si Snow White ngayon. Hindi nagsusuot ng black leather jacket over white top na may 'FUN-SIZE' sa harap, hapit na low-waist tattered jeans, at boots iyong Tori na kilala niya. Hindi rin naglalagay ng makeup, much more maglagay ng makapal na black eyeliner.

At hinalikan siya nito na para bang close sila!

What the—, si Tori ba talaga ito o kakambal lang? Rock chick twin sister ng tutee niya?

Tumaas ang mga kamay nito para itaas ang salamin niyang bumaba na sa balingusan ng kanyang ilong.

"For the love of God, don't act like you've seen a seven-headed monster! Just pretend you're with me. Please." Nakangiti ito na para bang iba ang sinasabi. Walang paalam na naupo ang dalaga sa katabi niyang silya.

Kumunot ang noo ni Kiel. Tama ba ang dinig niyang sinabi nito? O nalimutan lang niyang maglinis ng tainga kaninang umaga?

"Oh, shit," bulong ni Gothic Snow White. Yumuko ito sa dako niya at sinapo ang panga niya para sumara ang bibig niyang nakaawang pa rin dahil sa gulat. "Look, please umakto ka nang normal. Kailangan ko lang ng tulong." Kagaya kanina, ang tono ng babae ay hindi terno sa sinasabi nito at sa expression sa mukha.

At kumabog ang dibdib ni Kiel nang malakas.

*****

Oh, great. Iyon ang unang naisip ni Tori nang mapansin ang lalaki sa sulok na bahagi ng coffeeshop at abalang-abala sa kung anumang ginagawa nito sa laptop. Ang earphones nito sa tainga ay para na ring placard na nagsasabing, 'Get lost, I wanna be alone.'

Pero ang kagaya nitong kakilala niya at alam niyang harmless, ang kailangan ni Tori sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon, kaya walang alinlangang lumapit siya rito.

Agad niyang dinagdag ang dalawang 'really' (to stress her point) sa salitang 'cute' bilang panlarawan kay Kiel nang gulat siya nitong tingnan. Halos tulala pa rin ito habang nakatitig sa kanya.

"Sorry, nagulat kita," aniyang nangalumbaba sa harap nito. Napansin niya ang paggalaw ng Adam's apple ng lalaki, patunay ng kaba nito. "Mamaya na ako magpapaliwanag."

Pasimpleng lumingon siya para hanapin kung nasundan ba siya ng makulit—to the point na stalker-ish na—na manliligaw. Nang walang makitang anino ni Max, ibinalik niya ang tingin sa kaharap.

"Sige lang, tuloy mo 'yang ginagawa mo. Kunwari na lang, may LQ tayo at galit ka sa akin kaya hindi mo masikmurang kausapin ako o tingnan kaya." She moved one finger and softly ran it along a vein in his masculine hand.

Napasinghap ang lalaki at bahagyang nag-blush. Pinigilan niya ang ngiting gustong mamuo sa kanyang mga labi.

He was freaking adorable. As in really, really adorable.

"I'm sorry if I'm making you feel uncomfortable. I only need you to pretend na kasama mo ako, at kanina mo pa 'ko hinihintay. Please. Favor lang. Kunwari girlfriend mo ako. Please, tingnan mo naman ako."

Sa wakas, itinaas ni Kiel ang mukha at sinalubong ang mga mata niya. At huminto yata nang kung ilang segundo ang tibok ng kanyang puso.

"Oh, it's okay. Nagulat lang naman ako," anito sa mababang boses na nagpakabog sa dibdib niya. "It's just that beautiful girls make me nervous. And you are nervous. Ahay! I mean, you are a girl. No! Not that!" Umiling ito na para bang litong-lito na. "Ang ibig kong sabihin, I'm beautiful. Shucks—"

She chuckled; kasabay ng pagtalon ng puso niya dahil sa indirect compliment ng kaharap. "I got it clear, I think. I'm beautiful, I make you nervous, right?"

He gave her a shy smile. At parang pati siya ay pinag-initan na rin ng mga pisngi. His smile brought something warm and pleasant in her chest. It was weird. How could a simple smile—

Naputol ang train of thought ni Tori nang maringgan ang malakas na boses sa bandang kanan niya.

"You think you can fool me."

Namilog ang mga mata niyang nakatingin pa rin kay Kiel. Dahil nakatingin din sa kanya ang binata, kitang-kita nito ang kanyang facial expression.

Nakilala niya si Max sa birthday party ng isa niyang classmate. Mabait naman ito noong una at medyo naging magkaibigan pa nga sila. Iyon nga lang, ang kulit nito. Kahit ilang beses na niyang binasted ay patuloy pa ring sumusunod sa kanya. Ang nakakainis, pakiramdam yata nito nagpapakipot lang siya at ang totoo ay gusto talaga niya ito. Like, hello! Hindi siya likas na pintasera, pero kapag nainis siya, bibigyan niya ito ng 110.5 reasons kung bakit di niya ito gusto.

At ngayon, kaka-stalk ni Max sa kanya, mabubuko pa yata nito ang lihim na aktibidad ni Tori sa gabi.

Naramdaman niyang inabot ng lalaki ang kanyang braso. "Let's go. Ihahatid na kita."

Banas na nilingon niya ang bagong dating at gigil na binawi ang braso.

"Sino'ng may sabing sasama ako sa 'yo?" asik niya. "And please take your hands off me."

"Why not? You dress like that to get attention from men like me, right? Here I am all teased, you got want you want. So bakit ka umiiwas, hmm, Darling?" Sa panghihilakbot niya, hinapit siya sa baywang ng lalaki at pumalibot sa kanya ang amoy ng pawis na humalo sa ipinanligo yata nitong masangsang na cologne.

"Let me go kung ayaw mong sampalin kita at mapahiya ka sa harap ng mga tao rito." Nagkuyom ng kamao si Tori para pigilan ang sarili. Nakatingin na sa kanila ang ibang customers doon, as it is.

Tumawa ito nang nang-iinis habang pinapaikot ang tingin sa loob ng maliit na coffee shop. "Fiery. 'Yan talaga mga type ko sa mga babae, eh. Mga pa-hard to get," anito. "And my, you're turning me on, Tori." Niyuko siya nito at akmang hahalikan kaya mabilis niya itong sinampal.

Nanlisik ang mga mata ni Max sa kanya. Napaatras naman siya sa pag-aakalang pagbubuhatan siya nito ng kamay.

"Hey," tawag ng isang tinig.

Napalingon sila pareho kay Kiel na noon ay nakatayo na.

"What, four-eyed boy?" asik ni Max dito.

Lihim na napalunok si Tori; gusto niyang pagpawisan sa kaisipang sasaktan nito ang napaka-harmless na tutor niya. Duda siya kung kaya ni Kiel manatiling nakatayo pa kung bigyan ito ng isang suntok ng 6'2" na si Max.

Dapat talaga nagpilit na siya sa daddy niya na hayaan siyang mag-enrol sa self-defense class.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 345 11
Safe Girl meets Troublemaker Boy. Marga was a safe girl. Kaya nang ligawan siya ng trouble-maker na si Kris, nakipag-compromise na lang siya dito. Sa...
284K 5.3K 29
Duke & Izza
149K 2.6K 75
For once in his life, Kevin Romero got into a fuss in a public place with a stranger...a woman...a young one... a petite one. It was a commotion that...
4.9K 90 9
~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa...