REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

spirit_blossom द्वारा

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... अधिक

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 14

1.5K 121 47
spirit_blossom द्वारा

Dinner was surprisingly quiet today. Walang ibang maririnig sa malapad naming lamesa kundi ang paminsan-minsang pagsagi ng mga kutsara at tinidor sa babasaging pinggan. Napakatahimik namin kumain at hindi na ako nagtaka kung paano napansin ni Papa.

"Hindi na yata kayo nagtatalo ngayon? Nakakapanibago," sabi niya at uminom.

Huminto ako sa pagkutsara ng kanin at pumuslit ng tingin sa harap, sa puwesto niya at nang makita kong tila wala siyang pakialam sa sinabi ni Papa, napatingin na lang uli ako sa sariling hapunan.

Hindi pa rin ako nakakahingi ng paumanhin sa kaniya mula nang nangyari kanina. Pumunta kasi siya sa village court para mag-basketball at nito lang din nakauwi nang makauwi na si Papa. Nabiro pa nga siya na maligo muna at magbihis kasi basa ang damit sa pawis. Natawa naman siya, kaso nang makita niya ako na kasamang naghihintay ni Papa, nabura rin ang ismid niya.

"The two of you must have been finally done playing cat and dog. I think it's a good sign."

Napangiti ako ng palihim nang tila kiniliti ang puso ko sa mga alaala ng pagtatalo naming dalawa sa hapag. I still cannot believe it's almost two months now ever since he step foot in our house. Nabura naman kaagad ang ngiti ko.

Bakit ako natutuwa? No!

"Tama ba, Rhiannon?"

Natauhan ako. Hindi ko alam kung ano nang tinutukoy ni Papa dahil napalipad ang isip ko pero tumango pa rin ako. "H-hm, of course!"

Papa beamed. Natuwa na sana ako kasi napangiti ko siya pero nang marinig ko kung ano ang sinang-ayunan ko parang gusto kong bawiin na lang.

"Ganiyan ang gusto kong makita sayo, anak. Sana nga dumating ang araw na ituturing mong kuya si Gino. Wala na akong mahihiling pang iba."

Hindi ko alam kung ngingiti ako o ngingiwi pero pinanindigan ko na lang.

"S-sana," I faked a laugh.

Tumuon uli ako sa harap. Tumigil ang paghinga ko nang makitang nakatingin si Gino. Nakabagsak ang mga kilay at tila napatigil sa pagnguya ng hapunan.

I will never accept him as my brother and that, I am sure. Hindi ko alam kung ano ang nag-uudyok sa akin na tumutol sa nais ng tatay ko pero alam kong nirerebelde ito ng aking puso. I can sense his mutual feelings about us but I really have no idea of his reasons about it.

Siguro ayaw niya sa mga maarte? Siguro ayaw niya sa akin?

I gave him a little smile, but his answer was a rude frown. Bumalik siya sa kinakain at hindi na talaga ako tinapunan ng pansin sa kabuuan ng hapunan.

Nasaktan ako sa nasaksihan, at ang naramdaman kong iyon ay nanatili sa akin sa mga sumunod pang araw, kaya napagpasiyahan ko na talaga nitong linggo na makipagbati sa kaniya, nang walang halong dahilan o kalokohan.

Bumangon ako ng maaga nitong linggo para simulan ang plano kong ipagluto si Gino ng agahan. I haven't learned from my mistake and that this might be another bad idea of mine, I know. Hindi naging maganda ang huling beses na ginawa ko ito kaya nanghingi talaga ako ng tulong kay Manang Flor. She's the only person in our mansion that I've grown liking into, the other being Ben, even though he tends to annoy me of his loyalty to my father most of the time.

"Naku, matutuwa ireng si mayor pagkagising nu'n," masayang sambit ni Manang Flor nang maihanda namin ang lahat ng kailangan.

We've decided to cook Bistek Tagalog and Fried Rice. Longganisa na lang sana iyon kasi wala nang sibuyas para sa ulam pero nag-suggest si Ben na bibili sa tindahan. He did and now I changed my impression of him. Hindi na pala ako naiinis sa kaniya.

I smiled. "Sana nga, Manang Flor."

Hindi sumagi sa isip ko iyon. Ang totoo iisa lang naman talaga ang dahilan ko kaya ko ginawa ito, pero nang mabanggit nga ni Manang Flor lalo tuloy akong ginanahan sa plano. Pag nakita ni Papa na nakakapagluto na ako, na natututo na ko sa mga gawain rito, may tsansa na alisin niya na ang parusa sa akin.

I smiled even more. It's like hitting two birds with one stone!

Si Manang Flor ang kumilos sa karamihan ng trabaho dahil nga 'di pa naman ako sanay na magluto, pero nandoon pa rin ako sa tabi niya para manood at mag-asikaso. Lahat ng namatyagan ko isinaulo ko talaga magmula sa paggisa ng kanin at pag-marinate ng karne. I even took note of the recipes and save it on my phone.

"Manang Flor, wait, ha? Charge ko lang phone ko sa taas," paalam ko sa kasama.

I got so excited last night that I even forgot to charge it overnight. Nag-message pa nga sa akin si Renzo nung madaling araw pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya ni-reply-an.

"Sige at pagbalik mo isusunod na natin ireng bistek," sabi niya at tumango sa kinalalagyan ng karne.

Tumango na lamang ako. Lumabas ako ng kusina at madaling umakyat ng grand staircase, pero hindi pa man ako nakakatapak sa pinakaunang baitang nang mapansin ko sa pinakaitaas naman na baitang si Gino.

Nagkukusot siya ng kaliwang mata at parang kagigising lamang. The sight of him made my heart hammer for unexplainable reasons. Hindi ko na lang inintindi ang puso ko at piniling tawagin siya.

"Gino," sabi ko nga habang nakatingala sa kaniya.

Huminto siya sa pagkusot. Bumaling sa kinatatayuan ko at nang sumagi ang mga mala-uling niyang mata sa akin para bang namulupot ang bituka ko. I guess it was me doing things for the first time. Hindi naman kasi ako sanay na maunang mamansin, na maunang humingi ng tawad, na maunang magpakumbaba. Hindi ko nga ni minsan nagawa ito kay Renzo.

Sa kaniya lang. Si Maginoo lang.

Hindi siya sumagot ngunit tumuloy pa rin siya sa pagpanaog. I waited for him to approach me at the side of the staircase. Yet Gino didn't. Hindi ko na masukat ang paninikmura ng bituka ko sa magkahalong hiya at nerbyos pero pinanindigan ko pa rin.

"M-magandang umaga, Gino!" I tried to sound authentic, remembering what my father taught me about greetings.

If you want to make a good impression, always set a positive tone.

Huminto man si Gino sa harapan ko pero hindi naman siya sumagot, sa halip pinaigting niya ang isang kilay sa akin. I felt like my heart was being cut but still put up a smiling façade.

"I'm cooking breakfast. Gutom ka na ba?"

Nanimbang ang titig niya sa akin. "Na naman? Hindi ka ba nadala?"

Naroon ang inis sa tono niya kaya nabura ang kung ano mang ngiti sa labi ko.

"I just.. wanted to make up with you.. sa nasabi ko dati."

Tumawa siya ng pagak. "At sa tingin mo sa luto mo makukuha ang tawad ko?"

I wanted to answer but as if a giant lump was stuck on my throat. I knew he was mad at me but didn't expect his words were this hurtful.

"I.. I'm.."

I wanted to tell him I am with Manang Flor. She's there to guide me, para hindi pumalpak ang plano ko, kasi kung iniisip niyang hindi ako nadala sa nangyari, I did.

Hindi lang ako nadala, kundi natuto ng bahagya, nakonsensiya ng lubos, at ngayon nabagabag ng sobra dahil nararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko pa naman nararamdaman noon mula nang 'di ko pa siya kilala.

Wala pa ring pagbabago sa mga mata ni Gino. "Ba't sa tingin mo ba mapapatawad kita pag natikman ko 'yang niluluto mo? Pangit-pangit kaya ng lasa ng luto mo."

Nasaktan ako. Naramdaman ko iyon. Nadama ko kung paano manikip ang puso ko sa narinig at dahan-dahan na umangat ang sakit para bumara sa aking lalamunan.

Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakasagot sa kaniya. "Edi don't! Bakit sino ba namimilit sayo? I only asked you once pero kung makaarte ka parang pinipilit kita. Wag ka ngang pa-importante!"

Napaawang ng kaunti ang bibig niya. Nakita kong pasagot na sana siya kaso tumalikod na ako agad para hindi niya makita ang pamumuo ng aking luha—at ang paalam kong aakyat sa cuarto ay hindi nangyari dahil namulatan ko na lang ang sariling bumalik uli sa kusina.

"Oh, ka-bilis mo naman!" sabi ni Manang Flor nang dalhin niya ang sinangag sa island counter at mapansin ako sa hamba ng pintuan.

"M-maya na lang pala kasi baka magising na si Papa." alibi ko, at iyon na lang talaga ang inisip ko, na gagawin ko na lang ito para sa tatay ko at hindi sa kung sinumang morenong binata.

Hindi na ito nang-usisa pa pero natagalan ng ilang segundo ang tingin niya sa akin. I wanted to distract myself. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito kaya nagtanong ako sa kasama ng maaari kong maitutulong.

"Ouch!" nang masugatan ko ang daliri habang naghihiwa ng sibuyas.

"Naku, ma'am!"

"It's ok, it's ok. I'm fine."

I saw little amount of red liquid within seconds, contrasting the color of my milk-white skin. Hindi naman ito malalim. Hindi rin mahapdi. But why am I crying?

I wiped the tears before they even began to shed, pero dahil nga galing ako sa paghiwa ng sibuyas mas lalo akong napaluha. Narinig kong tumigil sa kung anumang ginagawa si Manang Flor at lumapit sa akin, inspecting my index finger now bleeding blood.

Hindi ko maidilat ng maayos ang isang matang nabahiran na ng katas ng sibuyas. Napatawa na lang ako sa sariling katangahan.

Stupid, Rhiannon. Stupid.

"Ma'am, jusko, pagagalitan ako nito ni mayor," taranta ng kasama ko, at ang anumang tuwa na nararamdaman namin kaninang dalawa, nawala na at napalitan ng takot. "Sige na, ma'am. Wag ka na dire sa kusina; ako nang bahala ireng sa lulutuin."

Hindi ako matigil sa pag-iyak. Gosh!

"S-sorry.. h-hindi ko alam ang ginagawa ko.." sabi ko sa matanda bago umalis ng kusina.. na mga salitang alam ko.. iba dapat ang makarinig.

I silently flip the page of the document I am holding during this one afternoon of Monday. Nakapatong sa magkabilang hita ko ang taunang audit report sa San Bartolome. Wala akong maintindihan ni isa pero base sa mga numerong nakasulat, tingin ko ito 'yung mga dumadaloy na transaksyong pinansyal sa bayan.

The digits were high and unimaginable for the majority of common people. Hindi maiisip na ganito pala kalaki ang mga pumapasok na pera sa lugar na pinamumunuan ng angkan namin. San Bartolome was indeed a rich municipality and it's no wonder it was once governed by a corrupt family before our kin.

Nasa meeting si Papa kasama ng vice-mayor. Naabisuhan ako ng sekretarya na maghintay na lang sa loob ng opisina niya, kaya heto ako nagbabasa ng kung anu-anong makikita ko sa lamesa niya.

I quickly returned the report on his desk upon hearing his voice outside. Bumukas nga ang pinto 'tsaka bumungad sa mga mata ko ang honorableng alkalde kasama ng ilan niyang empleyado. The latter then bid their byes to my father after a few discussions. Bumaling rin 'yung iba sa akin at yumuko bilang pagbati.

"Oh, Rhiannon." bati ni Papa nang maisara ang pinto ng kaniyang opisina.

"Pa."

"Bakit napadaan ka?" tanong niyang kaswal, naghahalo ang gulat at taka sa tono, habang patungo sa sariling mesa. The fragile desk name plate holder stood proudly in the front of his desk.

HON. ATTY. JON A. FUEGO
MUNICIPAL MAYOR

Napalamlam ang mga mata ko sa titulong pinanghahawakan ni Papa. Napangiti rin nang maisip kung gaano nag-uumapaw sa kapangyarihan ang mga salitang nakakabit sa pangalan niya.

"Bakit, Rhiannon?" tawag niya, na ngayon nakapirmi na sa upuan, nakamasid sa akin na nakaupo naman rito sa harap.

Hindi lingid sa kaalaman ng tatay ko na ayoko sa politiko at ayokong napapadaan sa city hall. Pumupunta lang ako pag kailangan o pag utos niya kasi sabay kaming uuwi o may kikitaing kakilala o politiko. Papa knew something was up yet decided to give the benefit of the doubt.

"Pa.."

"Hm?" angat niya ang kaniyang mga kilay habang nakatuon pa rin sa akin.

"I just wanted to tell.. sorry."

Napakurap si Papa sa mesa niya.

"Sorry po sa mga nagawa ko, Papa. Sorry sa pagiging pasaway ko, sorry sa pagiging magastos ko, sorry sa pagiging insensitibo. Sorry."

Pumangibabaw ang katahimikan.

Naiintindihan ko kung nagulat sa akin si Papa. I mean, I really am not used to this kind of stuff. Pumuti na ang mga uwak, lumipad na ang mga baboy o kung ano pa mang kasabihan, pero hindi nila mapapayuko ang isang Rhiannon Engres Fuego.

Noon.

The past days made me realize humility. Walang mabuting bunga ang pagiging mapagmataas, na kung kailangan mong pakinggan ka ng iba, kailangan makinig ka muna.

I used to whine about my punishment before not even thinking about the root of it all. Hindi naman gagawin iyon sa akin kung 'di ako naging sutil, pero imbis na isaulo ito mas pinili ko ang magalit, ang mas lalong lumaban sa mga taong nais akong itama. I wanted Papa to listen to me, to give me my freedom, without even listening to him first, without even considering his side. Mapagmataas ako at ang pagiging mapagmataas ko ring iyon ang nagpahamak sa akin para matutunan ko ito ngayon.

"Hali ka nga rito, anak." malambing na ani Papa.

Papa motioned me to sit on his lap. I'm turning eighteen in a few months but never in my life will I turn down moments like these. No matter how childish, no matter how awkward. Wala na akong ibang magulang bukod sa kaniya at susulitin ko ang mga sandali na kasama ko pa si Papa.

He stared at me with a smile on his lips. "Natutuwa akong marinig sayo 'yan. Natutuwa ako na natututo ka na, anak."

Napangiti rin ako ngunit matipid. I don't want to tell him that I learned it from someone I used to hate.

"I always wanted to teach you that. Nung bata ka pa napapansin ko na sayong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Nagagalit ka pag 'di ka nasusunod at nagagalit ka lalo pag pinapagalitan ka. Siguro kung 'di lang ako pinipigilan ng nanay mo baka parati kitang napapalo. Your mother spoils you very much."

There was no ill-feeling in his tone yet the mentioning of my mother somehow pained my chest. Tumawa na lang ako ng mahina.

"I'm too good for reprimands, Pa." biro kong mataray.

"Mapagkumbaba ang isang Fuego, anak. Remember that."

"Of course! Tayo pa ba?"

Tumawa si Papa 'tsaka pinisil ang maliit ngunit matangos kong ilong. "Child, a Fuego doesn't speak that way."

"Papa, naman, eh!" angal ko at lalo naman siyang tumawa.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

ORGÁNOSI I: Broken Mask C.C. द्वारा

सामान्य साहित्य

489K 35.7K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
Bittersweet Kiss in Batangas | Self-Published J द्वारा

सामान्य साहित्य

191K 8.8K 43
Adopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Mío Yiling Laozu द्वारा

सामान्य साहित्य

99.9K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]