Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 32

197 46 157
By night-firefly


A/n: this page contains flashback..

kayo na ang mag-isip kung kanino ang flashback na ito. Haha!

P.s: sana hindi kayo maguluhan sa eksenang ito.. I really appreciate kung lawakan niyo pa ang imagination niyo. At sa mga makakaintindi ng pahinang ito—- taos puso po akong nagpapasalamat dahil ibig sabihin lang nun sinubaybayan niyo ang bawat tagpo ng storyang ito ng walang kinaligtaang tagpo mula sa nagdaang mga pahina.

Love lots fireflies..

———————

Third person pov;

"Mom p—please don't h—hurt me. I'll never do it again.. pleasee—— ouchh.. Mom—- s-sorry .. M—mooommm please let me go!! MOM!! Huhuhu..."

Umiiyak ang batang babae habang kinakaladkad siya ng kanyang ina papasok sa isang madilim na silid.


"YOU SHOULD BE PUNISHED!. I TOLD YOU TO ALWAYS OBEY ME PERO LUMABAS KA PA RIN NG BAHAY. Di ba sinabi ko nang bawal kang lumabas? Ang tigas talaga ng ulo mo kaya magdusa ka diyan sa loob ng kwarto."

"Mom, I'm sorry. I just want to see the outside. P—-PLEASE MOM FORGIVE ME PLEASE!! —Huwag niyo po akong ikulong ulit dito." Iyak pa rin ng batang babae.

"NO! KELANGAN KANG MAGDUSANG BATA KA!! SIMPLE LANG NAMAN ANG BILIN KO SAYO DI BA? —DON'T GO OUT! Pero sinuway mo pa rin ang sinabi ko." galit na galit na sigaw ng ina. Mahigpit niyang pinagbilin sa batang babae na huwag na huwag itong lumabas ng mansyon nila, ni kahit ang makipag-usap sa iba ay pinagbawal din niya.

"Mom! I'm r—-really sorry p—please let me out Mom.. I'm s—scared it's so d—dark here Mom." patuloy na pagmamakaawa ng batang babae.

"Then get used to it, dahil magiging madilim ang mundo mo kapag hindi mo ako susundin."

"Mom, I—-I just want to have a f— friend kaya l—- lumabas po ako." pagrarason ng batang babae mula sa loob ng silid. Gusto lang naman nito ang makakilala ng ibang batang katulad niya ngunit mahigpit itong binabawalan ng kanyang ina.

"What?!! ...Friends? Who told you about that word?! Is it your yaya again huh?!" nanggagalaiting tanong ng ina nito. Ayaw na ayaw niyang may nakakausap itong iba maliban sa kanya.

"Mom,—-

"ENOUGH!" — putol niya sa sasabihin ng kanyang anak. "Wala kang karapatan para magkaroon ng kaibigang bata ka! Sundin mo kung anong gusto kong mangyari sa buhay mo. Friends are just useless. Iiwan ka rin nila at kailanman hindi ka nila matatanggap dahil iba ka.. Iba ka sa kanila! At kailangan mong lumayo sa kanila dahil sa oras na makita ko ulit na malapit sila sayo—- I WILL KILL THEM!" mariing banta niya sa anak.

Walang nagawa ang batang babae kundi ang umiyak na lang sa loob ng madilim na silid. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina kung bakit siya nito pinagbabawalang makisalamuha sa iba pati na din ang lumabas ng mansyon nila.

"Mom, I am your daughter.." sambit nito sa pagitan ng mga hikbi nito.. "why are you doing this to me? Did you not love me?" mapait nitong dagdag.

"Love? Huh!" pagak na napatawa naman ang kanyang ina mula sa labas ng pintuan.

"Mom—- nagtatakang tawag ng batang babae sa ina dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito.

"You are just my creation." sambit ng ina niya na mas lalong nagpalito sa kanya. Nagbigay din iyon ng kirot sa kanyang puso.

"Mom I love you. Please tell me you love me too.. Please.." pagdidiin niya dahil nalilito pa rin ang isip niya. Gusto niyang sabihin ng ina niyang mahal din siya nito katulad ng nararamdaman niya dito. Pero imbes na marinig mula dito ang pagmamahal na inaasahan niya, taliwas ito sa emosyong pinadama nito ngayon.

"STOP IT! I DON'T WANT TO HERE THAT WORD AGAIN!! I NEVER THOUGHT YOU HOW TO LOVE AND YOU SHOULD NEVER EVER FEEL THAT.! DO YOU UNDERSTAND?!" bulyaw nito sa batang babae. Napahagulhol ulit ang batang babae. Napagtanto niya sa mga sandaling ito na iba talaga ang trato ng ina niya sa kanya mula pa noon.

Tinrato siya nitong parang isang gamit lang na minamanipula dahil wala itong pakialam kung nasasaktan man siya sa mga plano at desisyon nito para sa buhay niya.

Ayaw nitong makita niya ang buhay sa labas ng mansyon nila. Ayaw din nitong makipag-usap siya sa iba. Ayaw nitong nagkakamali siya dahil bilin nitong maging perpekto siya. Ayaw din nitong maattach siya sa isang bagay at lalong-lalo na ang makaramdam ng pakialam sa iba.

Ayaw niya itong makaramdam ng pagmamahal.

Ngunit taliwas sa bilin nito ang naramdaman ng batang babae sa kanyang ina dahil kahit ayaw man nito ang salitang pagmamahal— naramdaman pa rin ng batang babae ito para sa kanyang ina kahit malupit man ito sa kanya.

"Mom I love—

"I SAID STOP IT!!" sigaw ng ina sa labas at rinig niya ang padabog na paglisan nito mula sa labas ng madilim na silid. Iniwan siya nitong lumuluha habang kinakapa ang madilim na parte ng silid.

Ilang beses na ba siyang kinulong nito dahil sa hindi niya pagsunod sa mga utos nito.?

Tuwing nagkakamali kasi siya ay ito ang nagiging parusa niya. Ang makulong sa madilim na silid.

Naglakad siya papunta sa maliit na bintana at pinwersa niya itong buksan upang kahit sinag man lang ng buwan ay maiilawan ang madilim niyang paligid.

"Buti ka pa lagi akong sinamahan sa dilim." mahinang sambit ng batang babae habang tumatangis sa ilalim ng liwanag ng buwan.

——————————


"Mom what did you do to Yaya?" natatarantang tanong ng batang babae habang minamasdan ang babaeng kasambahay na ngayon ay naliligo na sa sarili nitong dugo.

"I KILLED HER HAHAHAHAHA!!!" parang baliw na sabi ng kanyang ina habang hawak pa nito ang kutsilyong ginamit nito upang kitilin ang buhay ng kasambahay.

Nangingilid ang luha ng batang babae habang dahan-dahan nitong nilalapitan ang kasambahay na kauna-unahang taong napapalapit sa kanya.

"W-why Mom? Huhu.. why did you kill Yaya?"

"I told you already First. Lumayo ka sa iba but you disobey me again. Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang yaya mo dahil matigas ang ulo mo." nanlilisik ang mata nitong sambit sa kanya. Napayakap na lang siya sa wala ng buhay niyang yaya at pilit nitong niyugyog ang ulo upang magising pa ito.

"No! No! Yaya wake up please.. Don't leave me please.. Huhu ... *sob* .. I — I'm so sorry Yaya.. I'm sorry!" lumuluha niya itong pinakiusapang magising. Nagsisisi siya kung bakit nangyari ito sa yaya niya. Hindi niya lubos maisip na kaya pala talagang pumatay ng ina niya.

Napangiti naman ang ina ng makita niya ang pagsisisi ng kanyang anak sa nangyari dahil ito ang gusto niya, — ang sisihin ng batang babae ang sarili nito.

Napabaling ang tingin ng batang babae sa kanyang ina nang bigla itong lumapit sa kanya at hinahagod pa ang buhok niya.

"Blame yourself sweetie dahil ikaw ang dahilan kung bakit ko pinatay ang yaya mo!" malumanay pa nitong sambit sa kanya habang pinupunas ang dugo ng kutsilyong ginamit nito sa damit ng yaya niya.

Naguluhan siya sa pagpapalit nito ng emosyon. Parang wala itong ginawang masama sa reaksyon nito ngayon. Ang bilis nitong magpalit ng emosyon at lalo lang na nadadagdagan ang takot na nararamdaman niya dito.

Tama pa ba ang ginagawa nito para sa kanya? Naguguluhan siya. Mahal niya ang kanyang ina ngunit alam ng batang isip niya na mali ang ginagawa nito. Tumatak sa isip niya ang ginawang pagpatay nito sa unang taong napalapit na sa kanya. Nagkaroon siya ng takot na baka gawin na naman nito ang masamang ginawa kapag may ibang tao na naman siyang makikilala.

Naging mas mailap pa siya sa ibang tao mula ng tagpong iyon. Mas naging walang pakialam sa iba.

————————-



"M—-mom what are you doing? M—mom." nagpumiglas ang batang babae ng hatakin siya ng kanyang ina papunta sa malalim na bahagi ng swimming pool.

Alam ng ina na hindi marunong lumangoy ang batang babae.

"I REALLY HATE YOU!!" malakas na bulyaw ng ina nito at malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ng batang babae.

"W—what are you talking about M—mom? Wala naman po akong ginawang mali diba? Bakit po kayo nagagalit sa akin?" takot na takot na tanong ng batang babae habang pinipilit ang sariling huwag humagulhol sa sakit ng pagkakasampal ng ina niya.

"Your father want a divorce from me! Huh!! DAMN IT!! Over my dead body! — galit na galit na sambit nito habang palalim ng palalim ang parte ng tubig na pinapuntahan nila.

Iba na naman ang emosyong nakikita niya sa hitsura ng kanyang ina at natatakot siya dito. Animo'y nasisiraan na ito ng ulo dahil nanlilisik na ang mata nitong galit na nakatingin sa kanya.

"M—mom h-hindi ko po kayo naiintindihan!" takot na takot pa rin niyang sabi dito at pilit niyang hinahatak ang kamay niyang mariing hawak ng kanyang ina.


"Sasaktan ko muna sila bago nila ako maalis sa landas nila at ikaw ulit ang gagamitin ko laban sa ama mo!"

"Why? Hindi ko po kayo maintindihan Mom. Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan niyang sabi. Hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito ngayon.

"STUPID!! HAHAHAHAAHAAHA!! KAHIT KELAN HINDI NILA MALALAMAN ANG TUNGKOL SAYO.. MAMAMATAY KA MUNA BAGO NILA MAKUHA ANG GUSTO NILA!!"

Humakhak ang ina at lalo lang tumalim ang titig nito sa anak na batang babae.
Baliw na nga ito.

"M—mom I can't swim.. P-please help me." pagmamakaawa pa ng bata habang pilit na lumalangoy sa malalim na pool.

"You must die stupid! I can't let them happy while I am miserable!" sambit ng ina niya. Humalo ang luha niya sa tubig habang hindi makapaniwalang pilit na nagmamakaawa sa ina niya habang nahihirapan na itong huminga.

Kahit ba siya ay kaya nitong patayin katulad ng ginawa niyo sa yaya niya?

Patuloy siyang nagmamakaawa sa ina niya at umaasa pa rin siyang bigyan man lang siya ng kaunting awa nito.

"M—mom please don't let go of my hand, I'm
s—-scared please.. I —- I can't swim.. Mommy——." habol pa rin nito sa kamay ng ina niya kahit nakakainom na siya ng tubig.

"DIE BITCH!! Iyan talaga ang kapalaran mo! Dahil dati pa lang ay dapat pinatay na kita!" Ramdam niya sa tinig ng ina niyang pursigido itong mamatay siya sa mga sandaling ito.

Nadurog ang bata niyang puso at sobra siyang nasasaktan sa mga sinasabi ng ina niya ngayon. Hindi niya mawari kung ano ang nagawa niyang kasalanan kung bakit nito iyon ginagawa sa kanya ngayon.

Gusto nitong mamatay siya? Bakit? — tanong ng isip niya.

"H—-How could y— you do this to me Mom? I am your d—daughter.."

"No! Your not my daughter!! Your just a part of my plan dahil ikaw ang magdudusa sa kasalanang ginawa ng mga magulang mo sa akin! Ikaw ang magbabayad sa kasalanan nila! Buhay mo ang kapalit ng buhay ng anak ko!" mariing sigaw nitong muli habang hirap na hirap ng umahon ang batang babae.

Hindi ganap na naintindihan ng batang babae ang sinasabi ng ina nito. Ang tangi lang niyang iniisip ang makaahon mula sa malalim na pool.

"M—mom please save me! I don't want to die Please mom.. I wanted to live!" pagmamakaawa pa nito habang palubog na ng palubog ang katawan nito sa ilalim.

But her mother did not even feel sorry for her.

Dahil sa kagustuhan ng batang babae na mabuhay pa, pinilit niyang maabot ang kanyang ina.

Nagkaroon siya ng kaunting pag-asa ng maabot niya ang damit nito. Mahigpit niya itong hinawakan kahit pinipilit pa nitong magpumiglas para makabitaw lang siya dahil gustong-gusto talaga ng ina na mamatay ang batang babae.

Nagtagumpay na makapunta sa gilid na bahagi ng pool ang batang babae habang hawak pa rin nito ang damit ng ina upang hindi tuluyang lumubog sa ilalim ng tubig.

"DIE BITCH!! Matatapos lang ang lahat ng ito kapag namatay ka na!!" sigaw ng ina sa batang babae at malakas niyang pinakli ang kamay nito na dahilan pa upang mauntog ang ulo nito sa kanto ng swimming pool.

Nagkulay dugo ang tubig ng pool at malakas pa na napatawa ang ina.

"HAHAHAHA! GUSTONG-GUSTO KO TALAGANG NAKIKITA KANG NAHIHIRAPAN!" Humalakhak ito habang mariing hawak ang buhok ng anak. "I REALLY HATE YOU BITCH BECAUSE YOU REMIND ME OF YOUR FATHER AT ANG KATAKSILANG GINAWA NILA SA AKIN!! KAYA MAGDUDUSA KA!! MAGDUDUSA KA KATULAD NG NARARAMDAMAN KO!! IKAW ANG SASALO SA GALIT KO. HINDI MAN AKO NAKAGANTI SA KANILA.. IKAW NAMAN ANG SISINGILIN KO!!"

"MOMM—- ..

Binalak pa nitong muling iuntog ang ulo ng batang babae ngunit nagpumiglas na ito at malakas nitong naitulak ang ina niya kaya ito naman ang malakas na nauntog sa kanto ng swimming pool.

Naghalo na ang dugo nila sa tubig. Hinang-hina na ang batang babae ngunit pinilit pa niyang umahon mula sa swimming pool ngunit nahawakan ng kanyang ina ang paa niya kaya muli siya nitong hinila. Lumubog siya sa tubig at pinilit pa rin ang sariling makaahon.

Ayaw niya pang mamatay. Gusto niya pang mabuhay kahit hindi na niya alam kung para saan pa ang kagustuhan niyang mabuhay.


Nagpumiglas ulit ang bata. Ginamit niya ang natitira niyang lakas kaya hindi niya sinadyang masipa ng malakas ang kanyang ina dahilan upang muli na naman itong mauntog sa gilid ng pool.

"First!" nahintakutang tawag ng matandang babae sa kanya at dali-dali siya nitong inalalayang umahon sa pool.

Nakita nito ang huling nangyari sa pagitan ng mag-ina ngunit huli na ang lahat para matulungan pa niya ang kawawang bata.

Napatingin ang batang babae sa swimming pool na pinanggalingan at napaluha na lang siya ng makita ang inang nakalutang na ngayon sa tubig.

"Yaya.. I—- I killed Mom.." hestirikal na sambit nito sa matandang kasambahay.

"H—hindi .... Hindi. Wala kang kasalanan iha.. Hindi mo kasalanan ang lahat ng ito. Wala— wala kang kasalanan." takot at naaawang sambit ng matanda dahil alam ng matandang kasambahay kung ano ang nararanasan ng batang babae sa kamay ng kanyang ina.

Sa mga sandaling iyon, dumating ang kanyang ama at nagulat itong makita ang lumulutang na katawan ng asawa nito sa gitna ng pool habang kulay dugo na ang tubig na pumalibot dito.

"WHAT THE HELL HAPPENED!" sa unang pagkakataon nakita ng batang babae ang alam nitong kanyang ama. Lumapit ito sa kanya at napahikbi siya ng tignan siya nito sa mata. Mga tingin na walang kahit anumang emosyon.

Lumusong ito sa tubig upang kuhanin ang kanyang inang lumulutang at mabilis na nagtawag ng makakatulong upang dalhin ito sa hospital.

Ang batang babae naman ay dinala na ng matandang kasambahay sa loob ng bahay upang magamot ang natamong sugat nito.

Kinagabihan, matapos ang nakakatakot na tagpo sa buhay ng batang babae. Muli siyang pinuntahan ng kanyang ama.

Nakita siya nito sa loob ng madilim na silid habang yakap-yakap niya ang tuhod niya.

"What's really happened?" malamig na tanong nito sa kanya kaya nanghihina siyang napabaling dito.

"I— I killed her d—Dad!" natatakot niyang sambit habang humihikbi.

Alam ng kanyang ama na may sakit sa pag-iisip ang kanyang asawa at natatakot ito ngayon na baka ganoon din ang nangyayari sa anak nito.

"W—-what?"nauutal na tanong ng ama nito. Napalayo pa ito sa kanya at kita niya sa mga mata nito ang takot.

"D—dad.. H—help me.. I just wanted to live.. Mom w— wants me to die kaya natulak ko siya.. H—hindi ko po sina— sinasadya . Huhuhuu..!! Wala po akong kasalanan. P—please maniwala po kayo!" nagmamakaawa niyang turan dito. Pilit niya itong inaabot na kahit kamay na lang nito ang makakapitan niya. Pakiramdam niya nakalubog pa rin siya sa tubig kung saan siya gustong kitilan ng buhay ng kinilala niyang ina.

Ngunit nanatiling nakatayo ang kanyang ama. Hindi nito magawang lumapit sa kanya dahil nakaramdam ito ng takot.

Hindi niya ito anak. —iyon ang alam ng ama dahil patay na ang naging anak nito sa ina niya.

Ang alam ng lalake, inampon ito ng asawa niya upang magamot ang depression nito noong mamatay ang sarili nitong anak habang nasa sinapupunan pa lang ito. At alam din niyang may kasalanan din siya kung bakit namatay ang anak nito.

Ilang minuto pa itong nanatiling nakatayo habang pilit pinapakalma ang sarili.

"She's dead! Your mother is dead." sambit ng ama niya na nagpatigil sa kanya..

She really killed her mother..

"N—Napatay ko siya?!" hindi niya namalayang tumatawa siya habang umiiyak. TAWA na katulad ng ginagawa ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit natatawa siya. Ngunit maya-maya lang ay napuno na ang madilim na silid ng hagulhol niya.

"Mommy I'm so sorry.. —s—sorry M—momm.."

Umalingawngaw ang hagulhol niya sa loob ng kwarto. Puno ng pagdadalamhati, pagsisisi, takot at pagdurusa ang iyak niya at pakiramdam niya ay nag-iisa lang siya sa madilim na kwartong iyon. Mahirap iproseso sa bata niyang isip ang lahat ng masamang nangyari sa buhay niya. Takot na takot siya sa katotohanang nagawa niyang patayin ang kanyang ina kapalit ng kagustuhan niyang mabuhay pa.

Nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Nagawa na din niyang pumatay katulad ng ginawa ng ina niya sa yaya niya.

Habang naririnig ng ama niya ang kanyang pag-iyak sa unang pagkakataon nakaramdam ito ng awa sa batang babae.

Nilapitan niya ito ngunit sa paglapit niya kasabay nito ang pagkawala ng malay ng batang babae.

Ilang araw itong tulog at sa pagising niya hindi na niya maalala ang nagdaang masakit na pangyayari sa buhay niya.

TANGING NAALALA lang niya kung paano siya pinalaki ng kanyang ina.


A/n: Sana nasundan niyo ang tagpong ito.. Paumanhin kung hindi ko man masyadong naparamdam ang lungkot at takot na dapat ay nararamdaman ng batang babae sa pahinang ito..
Hindi po kasi talaga ako masyadong marunong sa malulungkot na eksena dahil wala po iyon sa personality ko. Haha! Puro kalokohan at kaek-ekan kasi ang madalas kong isulat! Hihi..

Salamat po sa mga bumasa..

Love; Ms. Night 💙

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 18.4K 1
Plano ni Ella na akitin ngayon ang kanyang ex-boyfriend. Hindi siya papayag na makipaghiwalay ito sa kanya. Kailangan niyang patunayan na mas masarap...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
58.2K 2.4K 36
★WRITERS' COMMUNITY AWARDS BEST FANTASY STORY★ ★THE CALLA LILY AWARDS WINNER [FANTASY CATEGORY RANK 2]★ When a butterfly is peacefully flying, a frog...
1.4M 25.8K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...