His Heather

By riestical

14K 508 41

Kaye Lao is a famous student in Forteo Academy. Her signature beaming smile and intelligence made people envy... More

OFFICIAL TRAILER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 20

245 10 0
By riestical


"Anong oras tayo bibili?" tanong sa 'kin ni Angela habang nakatambay kami ngayon sa balcony ng kwarto ko.

Kumakain siya ng Doritos habang ako naman ay nakasandal lang sa railings at nag-iisip kung ano pa ang mga kakailanganing ihanda. Tonight will be so awaited dahil sasagutin ko na si Aurcel mamaya. Si Angela nga ang nakaisip ng mga pakulong ito dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga surprises. Dapat daw magugulat muna si Aurcel para raw excited.

Aiisssshhh...

"After lunch nalang. Natawagan mo na ba 'yong mga kaibigan ni Aurcel tsaka ng ate mo?"

"Oo. Pupunta nalang daw sila mamaya tapos si ate naman, baka magpapasundo 'yon sa mall." I nodded and check my notes kung ano pa ang mga bibilhin. Nagpatulong kase kami sa ate niya tsaka sa mga kaibigan ng kambal dahil baka hindi namin makayang i-prepare lahat.

We decided na tumambay muna dito at magkuwentuhan dahil maaga pa naman. Today is Saturday kaya malaya kaming gawin ang mga gusto namin dahil walang klase. Mabuti nalang at tinapos na namin ang mga homeworks kahapon kaya hindi na hassle. 

"OMG sis...magkakajowa ka naaaa!" Lumapit pa siya sa 'kin tsaka ako niyugyog. Halatang masayang-masaya.

"Gusto mo rin bang magkajowa?" seryoso kong tanong. 

She sighed. "Oo, matagal na."

"Luh. Asa ka." Tinawanan ko siya nang malakas pero malakas na batok din ang natanggap ko sa kanya. I pinched her cheeks.

"Sumusobra ka na ha. Hindi pa nga kayo nagiging official ni bro, nagseselos na ako," malungkot niyang sabi sabay pout. Pinigilan ko naman ang matawa sa reaksyon niya dahil baka masuntok na niya ako.

"And why is that? Hmm...siguro may gusto ka sa kapatid mo 'no or else ako 'yong gusto mo?!" Kunwari gulat kong sabi pero sa totoo lang ay nag-eenjoy akong asarin siya.

"Gaga ka ba?! Kadiri ka dzai." Umakto pa siyang nasusuka sa harapan ko. 

Arte talaga.

Since First year High school ay parating kami na ang magkasama. We've been friends because of a piece of shanghai sa canteen namin noon. Kasunod ko kase siya sa pila at iisa nalang ang natira pero bigla ko namang narinig ang pag-iyak niya sa likod ko tapos ako naman na medyo feeling close, tinanong ko siya kung bakit tapos ang sabi niya sa akin ay gusto niya 'yong shanghai tapos nagmakaawa pang huwag ko raw bilhin 'yon para sa kanya nalang daw.

Napangiti ako nang maalala ang pangyayaring 'yon. She is still so childish back then at kahit ngayon ay hindi pa rin nabawasan kahit katiting.

 Sa kalagitnaan ng asaran namin ay narinig kong may kumakatok kaya nagpaalam muna ako saglit kay Angela na busy sa paglamon. Tignan ko lang kung magrereklamo na naman 'yan mamaya na nadagdagan na ang bilbil. Diet daw kase siya tapos puro mga junk foods kinakain.

Boang...

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang apat na lalakeng may dalang torotot. Napatakip pa ako sa tenga nang bugahan nila 'yon sa mismong tenga ko.

"HAAAAPPPPYYY NEEEWWW YEEEAAAR!!!"

"MEEERRRYYY CHRIIISSSTTTMAAASSS!!!"

"P*NYETA KAYO!" Hindi ko na napigilang mapamura at binatukan sila isa-isa.

Sa mahigit isang buwan na panliligaw sa 'kin ni Aurcel ay naging close ko na rin ang mga kaibigan niya simula nang ipakilala niya ako. Pero nakakainis lang sila madalas dahil sobrang mapang-asar sila.

"Legit?! Nagmura ka?!"

"Halllaaah! Susumbong ka namin sa future bebe mo!" Binelatan ko sila at bumalik sa balcony.

"Hoy mga unggoy! Napakaingay niyo grabe. Bahay niyo ba 'to ha?!" bungad sa kanila nila Angela at napameywang pa.

"Hindi mo rin naman 'to bahay pero ba't nandito ka?" pabalang na sagot ni Marvin, ang drumer sa banda nila Aurcel. Siya rin ang pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan at silang dalawa ni Angela ang madalas mag-away sa tuwing nagkakasama kami.

"Pake mo ba? NapakaFC mo talaga. Alis!" pilit pa niyang tinulak si Marvin at nagsimula na nga ang World War III.

Inawat din sila ng iba at ako naman ay nanood lang dahil para akong nasa live movie. Kulang nalang ay popcorn.

"Sigurado ka na ba sa kaibigan namin?" Tumabi sa 'kin si Dwayne, ang pinakabata naman sa kanila. Actually, kaedad lang namin siya ni  Angela. Sina Aurcel kase ay 4th year college na habang kami naman ay 1st year pa lang.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "What do you mean?"

"Handa ka na bang isuko ang bataan?" 

"Gago ka talaga!" Siya nga ang pinakabata pero siya naman ay may pinakamaduming isip. Agad ko siyang hinabol dala ang nakuha kong baseball bat sa tabi. 

Yawa talaga 'to. Humanda siya sa 'kin.

Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa kulitan at asaran. Hanggang ngayon ay nagbabarahan pa rin sila maliban sa 'kin. Naramdaman ko naman kase ang kaba dahil sa mga mangyayari mamayang gabi. Pumasok din ang ilang mga 'What ifs' sa 'king isipan. What if kung hindi pala talaga ako gusto ni Aurcel at nagbago na ang isip niya. Edi kawawa ako? What if din kung maging palpak ang plano namin? What if this is all just a dream at hindi talaga siya nag-eexist?

I shook my head and just think of the positive things and save it for later. 

Baka mabaliw pa ako eh.

"Tara na muna sa baba, guys. It's already lunch time and we need to eat na dahil marami pa tayong gagawin," I announced to them.

"Aye aye captain!"

"Kain na tayo at sabay-sabay tayong maging bitter mamayang gabi!"

"Wooooo! Walang porneber mga gago!"

Ilan lang 'yan sa mga rants nila sa buhay at sabay-sabay na kaming bumaba para kumain. Hindi ko lubos inexpect na mauubos lahat ng nilutong pagkain dahil sa mga kumag na 'to. Saan naman kaya napupunta ang mga taba nila? Matitipuno kase ang mga katawan at mukhang may abs pa.

Naks sanaol.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos lang kami saglit ni Angela dahil hindi namin kakayaning lumabas nang hindi nakukumpleto ang routines. 

"Sa party shop muna tayo," saad ko sa kanila. Nakasunod naman sila sa 'kin sa likod at patingin-tingin lang sa loob ng mall.

Pumasok kami sa loob ng shop at bumili ng mga balloons, photo props, confetti at kung ano-ano pang puwedeng i-design. Sa garden gaganapin 'yon mamaya. Imbes naman na tumulong ang mga lalake ay nagtatalo sila sa tabi dahil pinagtritripan nila si Dwayne at sinusuotan ng mga party hats at mga disney costumes. 

"Tutulong kayo o ipakukulong ko kayo sa Manila Zoo?" masungit kong saad. Agad naman silang umayos at nagpresintang sila na raw ang magbabayad.

"Utang mo 'to sa amin, Kaye ha. Kung hindi ka magbabayad, aagawin namin si Aurcel sa 'yo," pabirong sabi ni Harue. I rolled my eyes.

"I-libre ko nalang kayo ng kabaong," saad ko at ngumiti nang nakakaloko. Sumama naman agad ang timpla ng kanilang mukha pero tinalikuran ko lang sila at nilapitan si Angela.

"Hoy babae, kanina pa tumutunog 'yang phone mo ah. Wala ka bang balak sagutin?" 

Simula kaninang umaga ay hindi ko na talaga pinapansin si Aurcel. Maging sa mga text at tawag ay hindi ko siya sinasagot. Parte 'to kase ng plano ko at pagtampuhin siya.

Sunod naming pinuntahan ang T-shirt printing shop at kinuha ang mga pinaprint kong damit na may nakalagay na letters sa likod. I-T-S-A-Y-E-S ang nakalagay tapos sa isa naman ay BABY kung saan ako ang magsusuot. It's a color black shirt dahil eto ang paboritong kulay ni Aurcel.

"Ang baduy mo, Kaye!" 

"Oo nga. Bakit baby? Dapat damulag nalang HAHAHAHA"

"Inggit ka lang kase ghinost ka nung nililiwagan mo," basag ni Angela kay Marvin at nagtawanan naman kami.

Naalala ko tuloy nu'ng una kaming nagkasamang lahat. Ang parating laman ng kuwento niya noon ay ang babaeng nililigawan niya pero iniwan lang siya para sa ibang lalake. Imbes naman na i-comfort siya ng mga kaibigan niya ay pinagtawanan lang nila ito. 

Mga gago talaga...

Last stop naman namin ay sa Red Ribbon para sa cake. Alangan namang kandila diba?

"Bakit may pa cake pa? Mas masarap 'yong fudge bar na chocolate. Mas mura pa," panira naman ni Timothy. Nagsisisi tuloy ako kung bakit inimbitahan ko pa ang mga ito dahil imbes na makatulong sila sa 'kin, mas lalo lang akong nai-stress. Mabuti nalang at wala si-

"Wassup mga bro!" Bago ko pa lang masabi ang pangalan ng asungot ay bigla-bigla siyang sumulpot sa gilid ko, kasama si Rich.

"Yow supot! Ginagawa mo dito?" 

"Bawal ba akong pumunta? Sa wakas ay magkakajowa na ang kapatid ko pero bakit sa isang ipis pa?" Agad ko siyang pinaningkitan ng mata. Kung wala lang masyadong tao rito ay pinaulanan ko na siya ng suntok at mura.

Asungot talaga...

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit kayo naging kambal eh. Si Aurcel, anghel tapos ikaw demonyo."

"Ah ganun?" Lalapitan ko na sana siya para sapakin nang awatin ako ni Angela.

Grr...nanggigil talaga ako.

"Tama na nga 'yan."

Sa wakas ay kumpleto na lahat ng mga kailangan naming bilhin kaya dumiretso na kami sa bahay para makapaghanda na.

Laking pasasalamat ko nalang at medyo nagtino na ang mga lalakeng nakawala sa zoo. Hati-hati kami lahat ng ginagawa. Kami nila Angela at Rich ang nag-aayos sa mga balloons na pinalobo nila Marvin. Sina Timothy at Dwayne naman ang nag-ayos ng lamesa para sa simple dinner namin mamaya. My original plan was, kami lang dapat sana ni Aurcel ang magdidinner kaso naisipan kong the more, the merrier. 

Siguro pagkatapos nalang ng dinner kami makakapagsolo dahil syempre, moment pa rin namin 'to.

Quarter to seven nang matapos kami kaya sinabihan ko muna silang magpahinga at mag-aayos muna ako. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko pero medyo nagtagal ako sa pag-aayos ng sarili.

"Tinext mo na ba siya?" I asked Angela na busy sa paglalaro ng Among Us sa kama ko.

"Yep. Sabi ko ay may matindi kang sakit ngayon at may ibang lalake ang nagbabantay sa 'yo."

Binato ko sa kanya ang lipstick na hawak ko pero hindi siya natamaan.

"Gaga ka ba?! Bakit 'yon pa ang palusot mo?" inis kong saad.

"Gaga ka rin ba? Di ba gusto mo ng exciting? Oh ayan exciting na 'yong naisip kong excuse."

Napafacepalm nalang ako sa kabaliwan ng babaeng 'to.

Pumunta na kami sa garden para ihanda ang mga sarili namin. Suot-suot na namin ang aming mga t-shirt at hindi ko man lang magawang makahinga nang maayos dahil sa kaba.

"Relax, Kaye. Para namang magpropropose ka na ah." Pinang-ikutan ko ng mata si Harue at tinawanan lang nila ako.

Narinig namin ang paparating na sasakyan kaya tumalikod na kami. Nababalutan ng fairy lights ang garden kaya talagang agaw pansin ito. Palapit nang palapit ang hakbang na naririnig namin kaya mas dumoble ang kaba ko.

I hope this will be successful.

"What's the meaning of this?" Agad akong napaharap nang marinig ang boses niya.

"A-aurcel..."

Naglakad siya palapit sa 'kin habang nakatitig sa mga mata ko. Konti nalang ay baka manlambot na ako sa puwesto ko.

"It's a yes?" naguguluhang tanong niya.

Hindi ba niya nagets?

"S-sinasagot na kita..." mahinang sabi ko. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Why"

"Anong why?"

"Why are you saying yes?"

"BECAUSE I LIKE YOU!" This time ay mas nilakasan ko na. Narinig ko namang naghagikgikan ang mga nasa tabi ko pero ko sila pinansin.

"Really?" Tumango ako. Sobrang lapit na niya nang husto sa 'kin kaya halos marinig ko na ang pintig ng puso naming dalawa. Hinawakan niya ang panga ko para itaas at magkalevel ang tingin namin.

"Is it me you like or


my brother?"


Continue Reading

You'll Also Like

317K 10.2K 50
In her final year of high school, Zoe Pine can't help but wish that she had more time to spend with her best friend, since childhood, Drew. However...
91.6K 2.7K 42
"They want me to marry." "What's so bad about that?" "And you're supposed to be bright, Gilbert?" 彡 In which a damsel wishes to save herself from her...
721M 11.4M 114
Tessa Young is an 18 year old college student with a simple life, excellent grades, and a sweet boyfriend. She always has things planned out ahead of...
54M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...