Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

De night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... Mais

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 30

203 47 100
De night-firefly


A/n: medyo mapapadami ang pov sa page na ito.. —share ko lang hihi!

————————-

Clover pov:

Clover Dominguez

(Cha eun woo— astro)

Nagulat ako ng malakas akong natulak ni First ng tangkain kong agawin ang bote ng alak na mabilis lang niyang ininom. Halos maubos na niya ito at hindi ako makapaniwalang ganoon siya kabilis tumungga.

Malakas akong natumba sa sahig pero wala doon ang pansin ko dahil nakatitig lang ako sa reaksyon ni First.

Gulat din siya sa nagawa niya sa akin at natulala pa siya kaya nabitawan niya ang bote ng alak at malakas itong nabasag sa sahig.

Iba ang First na nakikita ko ngayon. At parang may tumutusok sa puso ko kapag nakikita ko siyang ganito.

Napasalampak siya sa sahig habang humikbi at maya-maya ay nauwi iyon sa hagulhol. Mas lalo akong nasasaktan dahil sa pag-iyak niya. Hindi ko man alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya pero ramdam na ramdam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

"I'm sorry! I'm sorry.. h-hindi ko sinasadya Clover.. I'm sorry.." paulit-ulit niyang sambit habang napayakap na sa tuhod niya.

Mabilis akong lumapit sa kanya kahit sumakit ang bandang likod ko dahil ito ang malakas na tumama sa sahig. Niyakap ko siya ng mahigpit. Yakap na magpapahiwatig sa kanyang hindi siya nag-iisa.

Napatingala siya sa akin ng maramdaman niya ang pagyakap ko at naiiyak din ako ngayon dahil sa lungkot at sakit na nakikita ko sa mga mata niya.

Ayaw ko siyang nakikitang ganito.

"I'm sorry.. h—hindi ko naman s—sinasadya.. Wala naman akong kasalanan diba?" putol-putol niyang sambit.

Napayakap ako ulit sa kanya dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko sa kanya ngayon. Pinipigilan kong huwag ding maiyak dahil kahit ako ay sobrang nasasaktan dahil sa uri ng pag-iyak niya.

"Hush please.. Wala kang kasalanan First. Wala, okay?!" basag ang boses kong sambit sa kanya.

"P—pero bakit g-galit sila sa akin?! Wala naman akong ka—kasalanan diba?" naguluhan ako sa sinabi niya. Gusto kong magtanong ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon para tanungin ko siya.

Patuloy lang ang malakas niyang hagulhol at hindi ko na alam kung paano pa siya patatahanin.

Napatingin ako kay Craige. Alam kong hindi na din niya mapigilan ang mga luha niya kaya napatingala na lang siya.

"Please.. t-take away this pain.. I c—can't take it anymore!" sambit ni First habang tinuturo ang puso niya..

Napahawak ako sa mukha niya at pilit kong pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Gusto ko siyang damayan. Gusto kong makihati din sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong tanggalin kung ano man ang dahilan ng kalungkutan na nadarama niya ngayon.

—————————



Craig pov;

Craig Cades

(Ikon—Bobby)

"What the fuck!!" magkasabay naming bigkas ni Clover. Nagulat ako dahil ngayon ko lang nakitang uminom ng alak si First na parang sanay na sanay siyang maglasing.

Pero mas ikinagulat ko ang malakas na pagtulak niya kay Clover. Galit siyang napatingin dito ngunit ilang segundo lang ay napalitan ng takot at pagsisi ang emosyon niya na parang nagising siya sa kanyang nagawa.

Malakas na nabasag ang bote ng alak na nabitawan niya at paulit-ulit na nanghingi ng tawad kay Clover.

Natulala ako, parang iba ang First na nakikita ko ngayon.

Napabalik lang ako sa sarili ng marinig ko ang malakas niyang hagulhol. Puno ng sakit at kalungkutang iyak at ramdam na ramdam ko iyon ngayon.

Gusto ko siyang yakapin ngunit kaagad na siyang nilapitan ni Clover kaya wala na akong magawa kung hindi tignan na lang sila. Ang sakit marinig nang bawat hagulhol niya. Parang tinutusok din ang puso ko.

"Please t-take away this pain. I c-can't it anymore." nagmamakaawa niyang sambit habang tinuturo ang puso niya kaya hindi ko na napigilang yakapin siya mula sa likuran.

Ang sakit na makita siyang ganito. Ilang taon na ba ng wala na akong alam sa buhay niya? Hindi ko man lang naisip na posibleng mas nahirapan siya simula noong umalis siya.

Alam kong parte ng pag-uusap nila ng Dad niya kung kaya siya nasasaktan ngayon pero ramdam ko ding may mabigat pa siyang dinadala kaya siya nag-break down ngayon.

"I'm here First, I'm always here for you." mahinang bulong ko sa kanya.

Unti-unti siyang tumitigil sa pag-iyak at maya-maya at nakatulog na siya.

"I'll bring her to my room." sambit ni Clover na tinanguan ko na lang din.

Binuhat na niya si First at pinasok sa kwarto niya. Sinundan ko pa sila hanggang sa ibaba niya si First sa kama.

Napabuntong-hininga na lang akong tignan siya habang natutulog. Ang amo ng mukha niya kapag tulog. Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang mga luhang tumutulo pa rin kahit nakapikit siya. Kahit ba sa pagtulog umiiyak ka pa rin First?

"What happen to her Craige?" malamig na tanong ni Clover habang nakatingin sa kamay ko habang hawak ko ang mukha ni First.

Bumuntong hininga muna ako bago umiwas ng tingin sa kanya.

"I also don't know. Hindi ko din kasi maintindihan ang nangyari." bumitaw ako sa pagkakahawak ng mukha ni First bago ko ulit balingan ng tingin si Clover. Kunot noo siyang nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot. "Nalaman niya kagabing hindi talaga siya anak ng Daddy niya."

"What the fuck!" mahina niyang mura. "Really?" hindi makapaniwala niyang saad.

Kibit-balikat ko lang siyang sinagot. Kahit naman ako ay hindi din makapaniwalang hindi talaga sila mag-ama. Hindi ko maintindihan si Tito Anton kung bakit niya nasabi iyon. Maari kayang may tinatago siyang dahilan? Pero kahit ano man iyon, sobra pa rin niyang nasaktan si First.

Lumabas muna kami ni Clover at doon na sa labas ng kwarto niya mag-usap para makapag-pahinga ng maayos si First.

Napagpasyahan kong magluto na lang ng pagkain para kapag nagising na siya ay may kakainin siya. I already know her pagdating sa pagkain dahil food is life talaga siya, lalo na ngayong depress siya. Baka kulangin pa ang niluto kong ito.

Clover pov:

I saw Craige cooking at my kitchen at alam kong ginagawa niya lang ito para kay First.

I pick up my phone and order lots of foods. Hindi pweding siya lang ang may gawin para kay First.

After I hang up, lumabas ako ng unit ko at bumaba muna sa papunta sa unit ni First. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit sa unit ko siya pumunta at hindi sa unit niya dahil ayaw niyang makita ni Craig kung gaano kagulo ang condo niya.

Nagulat pa ako ng makita ang babaeng nakita namin noon sa loob ng pizza house. Kakalabas lang nito mula sa unit niya habang dala-dala nito ang librong palagay ko ay pagmamay-ari ni First.

Kunot-noo ko siyang nilapitan ngunit mag-uumpisa pa lang sana akong magsalita ng hugutin niya ang isang bookmark mula sa librong hawak-hawak niya at tahimik na binigay ito sa akin.

"Give it to her when the things gets worsen." makahulugang sambit nito bago ako iwanang nagtataka sa mga sinabi niya.

Nagsalita pa itong muli bago siya sumakay sa loob ng elevator.

"Please, make her happy." huling sambit nito bago sumara ang pinto ng elevator at tinapunan pa ng tingin ang bookmark na binigay nito sa akin.

Pansin ko sa mga mata nito ang kalungkutan. Dahil ba ito kay First?

Muli ko tuloy naalala ang sinabi ni First kanina. "Please take away this pain.. I—I c-can't take it anymore."

Humahapdi ang puso ko kapag naalala ko ang bawat katagang sinabi niya. Ramdam na ramdam kong sobra-sobra na siyang nahihirapan kahit hindi ko man alam ang dahilan ng kalungkutan niya.

"I will make you happy First kaya bumalik ka na sana sa dati mong ugali." mahinang bulong ko na lamang.

Napatingin ako sa hawak kong bookmark. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng nakasulat dahil tanging petsa lang ang nakalagay doon.

Naguguluhan man ay pinasok ko muna ito sa bulsa ko habang muling binubuksan ang unit ni First ngunit katulad ng una ko itong naabutan noong una kong nalamang nagwala si First—- bumalik na naman ito sa dati na parang walang nangyaring pagwawala. Ang kaibigan kaya niya ang naglinis dito? Pero imposible naman kung ito ang naglinis dahil sa liit ng katawan nito hindi nito mabubuhat ang mga mabibigat na gamit dito sa loob ng unit niya.

Napabuntong hininga akong sinuyod ng tingin ang buong kwarto. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa buhay mo First? Bakit ka naging ganito? May sakit ka ba?

Ilang minuto lang ay pinili ko ng bumalik sa unit ko at sakto namang dumating ang pagkaing inorder ko. Kunot-noo pang tumingin si Craig sa akin kaya kibit-balikat ko lang siyang sinagot. Hindi lang ikaw ang kayang magpasaya kay First, asshole!

Continue lendo

Você também vai gostar

947K 25.1K 47
Once upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HE...
696K 13.3K 70
Lumaki sa pamilyang akala niya ay sa kanya. Isang babaeng pinag kaitan ng pag mamahal. Lahat ng tao sa paligid niya ay akala niya totoo. Akala niya...
34.3K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
Bitch Girl De Alien Kim

Ficção Adolescente

16.4K 625 57
The most bithches in your campus stole your boyfriend.... What will you do?? But what if one guy will change her suddenly..... Would she change or st...