The Double Personality Gangst...

By superJEMI

1.9M 24.6K 1.7K

What if the one you love has a double personality? Pa'no kung ang isang side lang niya ang gusto mo? Handa mo... More

The Double Personality Gangster - 1
TDPG - 2
TDPG - 3
TDPG - 4
TDPG - 5
TDPG - 6
TDPG - 8
TDPG - 9
TDPG - 10
TDPG - 11
TDPG - 12 (Part one)
TDPG - 12 (Part two)
TDPG - 13
TDPG - 14
TDPG - 15
TDPG - 16
TDPG - 17
TDPG - 18
TDPG - 19
TDPG - 20
TDPG - 21
TDPG - 22
TDPG - 23
TDPG - 24
TDPG - 25 (The last chapter)
EPALOGS NA WRITER'S NOTE
TDPG - FIN
ANNOUNCEMENT MULA SA EPALOGS NA WRITER >3<

TDPG - 7

65.9K 935 31
By superJEMI

Chapter 7

See Lharby on the side. Oh my gosh! I'm so gonna die! *__* Bakit kahit tulog ang pogi?!?! =______=

NOTE: Sobrang sipag ko lang mag-update. *U* Haha! XD Dahil diyan comment naman kayo. X)

*****

"Tao po! Tao po!" katok ni Lharby sa boarding house ni Lauren

Pinagbuksan siya ng isang matandang babae, ito ata ang landlady. May tungkod itong hawak at nakasalamin.

"Anong kailangan mo iho?"


"Hi po, si Denise po sana. Andiyan po ba siya?"


"Walang Denise dito iho... Baka nagkamali ka ng pinuntahan." nagtaka si Lharby, hindi siya pwedeng magkamali dahil dito niya inihatid noon si Denise nung nag-'date' sila.

Bigla niyang nalala na hindi nga pala Denise ang tawag sa kanya, "Ahh... Si Lauren po yung tinutukoy kong Denise.."

"Yung magandang batang iyon? Ay hindi ko alam kung nandito siya.. Sa tingin ko hindi iyon pumasok sa eskwelahan, dumadaan kasi iyon sa kwarto ko bago pumasok para magpaalam na papasok na siya. Sobrang lambing ng batang iyon kahit 'di niya ako nanay."


Napangiti si Lharby sa sinabi ng matandang babae, "Ganun po ba?"

"Oo iho, kaano-ano mo ba siya?"

"Ahhhh..." hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot, hindi sila magkaklase, hindi rin naman sila magkaibigan...


"Boyfriend niya po ako."

"Harujusko! Kasintahan ka ni Renren?" tinignan niya si Lharby mula ulo hanggang paa

"Bakit naman po parang nagulat kayo?"

"Hindi niya kasi sa'kin nabanggit na may kasintahan na pala siya.. Pasok ka iho..." pinatuloy niya si Lharby sa boarding house, naglakad sila papunta sa kwarto ni Denise.


"Dito lang sa baba ang kwarto niya, katabi  ng kwarto ko. Kagabi narinig kong sumigaw siya, pinuntahan ko siya. Nananaginip na naman pala... Napanaginipan na naman niya iyon."

"Ang alin po?"

"Yung tungkol sa----"



*blag!* 

Agad na napatakbo si Lharby sa kwarto kung sa'n nanggaling ang nabagsak.



"Ito po ba ang kwarto ni Denise?"

"Oo iho, buksan mo na dali. Baka kung ano na nangyari kay Renren..." ibinigay nung matanda ang susi kay Lharby,

Pagkabukas na pagkabukas nila... Isang umiiyak na Lauren Denise ang nakita nila. Nasa may lapag ito katabi ng kama niya. Nakatupi ang dalawang tuhod at nakaub-ob do'n ang mukha.


"Renren!" agad na napatakbo ang matanda

"Nay... Ayoko na 'nay..." umiiyak na sabi ni Lauren

Kitang kita ni Lharby ang masiyahing Denise na ngayon ay umiiyak...

"Ssshhh, Renren... Tahan na. Andito lang ako." niyakap ng matanda si Lauren, inalalayan niyang tumayo si ito at inihiga sa kama at kinumutan..

Agad namang nakatulog si Lauren sa ginawang paghagod sa likod niya ng matanda...

"Iho, ikaw na ang bahala kay Renren ha. Aalis na ko, may kelangan pa kasi akong gawin.."

"S-sige po..." nang makalabas na ang matanda agad niya isinara ang pintuan at lumapit sa tabi ni Lauren.




"Denise... Ano bang meron sa nakaraan mo? Na kahit inalam ko na ang lahat lahat sa'yo hindi ko nalaman? Tsss."



Tinitigan niya ang dalaga, "Ang isang masiyahin at madaling maasar na tulad mo, iyakin pala. Wag ka nang iiyak, ang pangit mo e..." pinunasan niya ang natirang luha  sa mga mata ng dalaga.

Inikot ni Lharby ng tingin ang kwarto ni Denise, kagaya ito ng kwarto ng isang normal na babae. May sofa siya sa kabilang side ng kama. May dalawang cabinet sa loob. May isang cr. Puro stuffs at displays.

Pero may napansin si Lharby sa kwarto niya....

Wala ito ni isang picture frame...

"M-mama...." napalingon si Lharby sa dalaga ng magsalita ito,

"Tsss."  umupo sa kama si Lharby at inilagay ang isang kamay sa itaas ng ulo ni Denise.

"Wag ka mag-alala kahit hindi ako naging masaya sa unang date natin, babantayan kita." tinitigan niya muli ang dalaga, kahit na kagagaling lang siya sa iyak aminado si Lharby na maganda pa rin ito.

Unang lumapat ang tingin niya sa mga mata ng dalaga, halatang namamaga ito kahit na nakapikit. Ang pares ng mga matang iyon ang unang-una niyang mapansin ng una silang magkita sa mall, tila isang anghel ang may-ari ng mga mata ng dalaga. Napaka-expressive.

Hanggang sa ilong nito, bagay na bagay sa mukha niya. Maliit at matangos ang ilong ng dalaga. Maging ang mapupula niyang pisngi ay nalapatan din ng tingin ni Lharby...

Dumako ang tingin niya sa labi ng dalaga... Ang mapupulang labi nito kahit hindi naka-lipstick. Sobrang nakakaakit.



"Pakshet!!!!" napatayo si  Lharby sa kama, hindi niya alam pero  iba ang naging epekto sa kanya ng mapansin niya ang labi ng dalaga. Tila may humihila sa kanya para halikan iyon.

Napasabunot siya sa buhok niya at pumunta sa kabilang side ng kama. Naupo siya sa sofa do'n.

"Tang'na Lharby! Anong nangyayari sa'yo?! Tsk!" para itong timang na kinakausap ang sarili

Tinitigan niya muli ang dalaga.. Lumapat na naman ang tingin sa labi ni Lauren.

"Ahhhhh!" napakuskos ng mga palad niya sa mukha si Lharby, para siyang sira na kapag makikita niya ang labi ni Lauren ganun ang gagawin niya.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Lauren... Nahiga si Lharby sa sofa at tuluyan nang nakatulog...

_____

(Lauren's Point of View)


Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom.. Tumingin ako sa wall clock, gabi na pala. Buong maghapon akong natulog? =__=

May napansin akong nakahiga sa sofa sa tabi ng kama ko...

L-LHARBY????????

Anong ginagawa ng timang na 'yan dito? >___<

Lumapit ako sa kanya... Mahimbing siyang natutulog...

Kung pagmamasdan mo siyang maigi habang tulog, hindi mo siya mapagkakamalang isang gangster. Napakaamo ng mukha nito.

Napatingin ako sa labi niya. Eeeeeeh! >_________< Nag-iwas nalang ako ng tingin... umupo muna ako sa sahig.

Pa'no ko kaya gigisingin 'tong timang na 'to? Baka mamaya masama pala 'to gisingin e... >__<

Pinindot pindot ko ng isang daliri ang kanang pisngi niya. Ang lambot at ang kinis. *__* Sunod kong pinaglaruan ang ilong niya... at ang pilikmata niya.

Gumalaw galaw ang mata niya ng konti pero hindi pa rin siya nagising. Haaaaays! >__< Ayokong gisingin 'to mamaya sapakin nalang ako bigla nito.

Ipinatong ko ang baba ko sa may braso niya, medyo malapit na ang mukha ko sa mukha niya. Ang bango niya ha. Pang-lalaking lalaki ang amoy.... Mas kitang kita ang pagiging perpekto ng mukha niya sa malapitan. Para itong walang bahid ni isang gasgas man lang sa mukha. O kaya kahit man lang black or white heads wala. =__=

Nakikipag-away ba talaga 'to? -__- Edi dapat may mga peklat siya sa mukha. -___- Siguro ito lagi nakakapuro sa kalaban nila kaya wala man lang siyang bahid peklat.

"Kung hindi ka lang sana gangster e...."

O__O

ANO? Ano nga ulit yung sinabi ko????

Hindi Lauren, ano bang pinagsasabi mo?!?! Hindi. Hindi. Hindi.

Napapikit ako, ayoko. Ayoko sa isang ganster. AYOKO. =_______=

Kakain na nga lang ako...

Pagmulat ko ng mata ko...

Isang nakangiting ganster ang nakita ko...

GISING SIYA? O___O

#WaitForTheNextChapter



XXXXX


Thanks for reading! :))))))))))

Naglalaway ako sa picture ng aking baby panda sa gilid. *U* Apaka-pogi lang ni Riri my loves ko. <3 <3 <3

Try ko ulit mag-update mamaya. *U*

Thankies dun sa mga nag-cocomment. Napapasaya niyo talaga ako swear. ^___^

Anyways, boring ba ang araw niyo ngayon? Click niyo external link daliiiiii. Mabubuo niyan araw niyo swear! :)))))))))))  HAHAHAHAHAHA! *U*

VIP until whenever! \m/



---superJEMI <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 38.9K 54
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
5.7M 179K 75
Yung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi tot...
3.6M 75.4K 76
Book 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016
515K 14.5K 103
Jiro, a BS Chemistry major is contented with the life he has with his friends, he's never interested with girls. He is more interested with the love...