My Naughty Girl

נכתב על ידי yourmodern_binibini

29.1K 956 94

"He wants me to be scared of him? Oh please , Not A Fucking VIENERA" -Iyana Xyra Vienera עוד

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 ( Meeting The Cold Billionaire )
CHAPTER 3 ( Wattpadian vs Billionaire)
CHAPTER 4(The Childish Billionaire)
CHAPTER 5 (Drunk)
CHAPTER 6(Meet-up of the Billionaires)
CHAPTER 7 (Boyfriend)
CHAPTER 8(Just a Play)
CHAPTER 9 (Birthday)
CHAPTER 10(Bestfriend)
CHAPTER 11(His Past)
CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)
CHAPTER 13(Protecting her best friend)
CHAPTER 14 (Knowing You)
CHAPTER 15 (It's him)
CHAPTER 16 (Memories Of You)
Chapter 17 (His Queen)
CHAPTER 18 (letting you go)
CHAPTER 19 (memories to keep)
CHAPTER 20 (Choice)
Chapter 21 (Goodbye)
CHAPTER 22 ( Wedding Dress)
CHAPTER 24 (Wedding)
Chapter 25(Pain)
Chapter 26(Rest)
Chapter 27 (Chasing Him)
Chapter 28 (End)
Chapter 29 (Special Chapter)

CHAPTER 23 (Photoshoot)

459 20 2
נכתב על ידי yourmodern_binibini


Iyana's POV

Pagkatapos naming nagdinner ay hinatid na rin ako ni cyrus sa bahay.

" Thank you for this night iyana" nakangiting saad nito.

" Thank you din, ingat sa pagdadrive" sagot ko dito.

" Aalis na ko" saad nito at humalik sa pisngi ko, tanging ngiti lang ang iginanti ko dito.

"Sige ingat sa daan" saad ko at pumasok na sa bahay.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay naabutan ko nang natutulog si Blythe kaya naghalf bath na ako at nagpalit ng damit bago matulog.

Kinabukasan

" May 1 day and 1 night lang kayo dun kaya magdala ka nalang ng konting damit at hindi niyo na kailangan ng mga sosuotin niyo sa photoshoot niyo dahil planado na lahat" saad ni mommy kaya tumango tango nalang ako bilang pagsang ayon sa sinabi nito.

"Pinaayos ko na ang gamit mo sa yaya mo kaya umalis na kayo ni cyrus, nga pala naghihintay na si cyrus sa labas" saad ni papa kaya tumango tango ulit ako bilang tugon at lumabas na ng bahay.

Naabutan ko si cyrus na nakangiting naghihintay sakin sa labas kaya nakangiti kong nilapitan ito

" Good morning " nakangiting saad nito at humalik sa pisngi ko.

Ang mga ngiti niya ay isa sa mga bagay na hindi ko nanaising mawala sa mga labi niya.

"Tara na? " nakangiting tanong ko, nakangiti itong tumango at inalalayan ako papasok ng kotse.

Ginamit namin ang exclusive na barko ni emp para makarating kami ng eternity Island.

Ilang oras pa ay narating narin namin ang isla.

I missed this place. The only place that remind me of you, Chenchen.

"Let's go? " bigla akong natauhan ng ilahad ni cyrus ang kamay nito sakin

"Sige" nakangiting saad ko at hinawakan ang kamay nito.

"Princess!!! " malakas na sigaw ng isang boses sa harap namin

"Emp!! " nakangiting saad ko at tumakbo sa kinaroroonan nito

"I missed you lolo" nakangiting saad ko at niyakap ito.

"I missed you too my little princess, how are you mukhang pumayat ka yata ahh" saad nito.

"Dahil hindi naman talaga ako tumaba" natatawang sagot ko dito.

"By the way lolo, this is cyrus my fiance " tipid na ngiting saad ko.

Nakipagkamay naman si cyrus kay emp.

" Take care of my granddaughter, if you don't want to experience world war III" seryosong saad ni lolo kaya napatawa nalang ako si cyrus naman ay parang natakot sa sinabi ni lolo.

" Noted sir" saad nito kay emp

"Sige tara na, nagpahanda ako ng dinner natin para makapagpahinga na agad kayo" saad ni emp at dinala na kami patungo sa mansion.

Napansin kong medyo namumutla si cyrus kaya nilapitan ko ito para tanungin

" Ok ka lang ba? " Tanong ko dito

"Medyo nahilo lang ako sa ilang oras na biyahe sa barko" saad nito kaya napatawa nalang ako.

"Sige magpahinga kana pagkatapos nating magdinner ok? " saad ko dito kaya tumango tango lang ito bilang tugon

After ng dinner ay umakyat na sa kwarto si cyrus at naiwan naman kami ni lolo dito sa sala.

" Princess? " panimula ni emp.

Kapag ganito alam kong may mali, kahit matagal ng hindi kami nagkikita ni lolo alam kong ugali niya.

Kapag may mali siyang napapansin magtatanong at magtatanong siya

"Yes lolo? " nakangiting tugon ko.

" I wonder, why did you own the authority in this island? Nagkainterest ka na ba sa ipapamana ko sayo huh princess? " abot ang ngiting saad nito.

Haist, he's just like daddy.

" No lolo, it won't going to happen. The title in this island isn't in me lolo but the real owner of the island. I just did this to give him an interesting game to play " nakangiting saad ko kaya biglang nawala ang sigla sa mukha nito

" Apo why don't you just be my heir? " tanong nito sakin.

"Lolo being your heir or even daddy's company's heir isn't in my dreams, I want to live a life that I wanted and I don't want to be part of the chain you and daddy create so please lolo understand your cute, beautiful granddaughter " nakangiting saad ko dito kaya napabuntong hininga nalang ito

"I see, I see. Wala na akong magagawa kung iyan ang gusto mo yung apo ko nalang sa tuhod ang hihintayin kong magmana ng lahat ng pinaghirapan ko" saad nito kaya napahawak nalang ako sa sintido ko.

Ngayon yung magiging anak ko na wala pa ni sa tiyan ko ang pagmamanahin naman niya ng kayamanan niya.

Haist, lolo is always be lolo, nakakastress.

" Ok lolo, maglalakad lakad na muna po ako sa dalampasigan para naman ma refresh ang utak ko" saad ko at lumabas ng mansion para makapaglakad lakad sa dalampasigan.

I missed this place, everything in this place.

Naglakad lakad ako mula sa burol kung saan ako nahulog hanggang sa dating pinagtatayuan ng pinaglalaruan naming kubo ni chenchen.

Hanggang ngayon tila parang kahapon lang naganap ang lahat ng iyon.

If I could just bring back the time sana pala pinilit ko nalang si daddy na wag ako isama pauwi o kaya mag stay pa ako ng ilang araw para makasama ko siya.

Pagkalipas ng ilang minuto pa ng paglalakad ay nagpasya na akong umuwi dahil maaga pa kami para sa photoshoot bukas.

Kinabukasan

Iyana's POV

" Ma'am, ilapit niyo pa po ang mukha niyo kay sir at mas maganda po ata kung ilagay niyo ang kanan niyong kamay sa mukha niya na at titigan niyo lang po siya ma'am para po maganda ang kalalabasan ng litrato" sigaw ng camera man sakin nandito kasi kami sa buhanginang parte ng isla at pinipilit akong ilapit ang mukha ko kay cyrus na mas ikinailang ko.

Aish bat ba kasi kailangan to.

Dahan dahan kong hinawakan ang mukha ni cyrus at tinitigan ang mga mata nito ng bigla ako nitong hapitin kaya ang ending nakangiti niya akong hinahapit sa bewang habang ako naman ay gulat na gulat na nakatitig sa kanya habang nakahawak sa mga pisngi niya.

"Perfect! " sigaw ng camera man samin.

Bigla naman akong namula sa ginawa nito.

"Ma'am palitan niyo na po ang damit niyo maam" nakangiting saad ng camera man kaya binitiwan na ako ni cyrus at kumindat pa na mas lalo kong ikinapula, pashneyang kagwapuhan yan >Δ<

Pumunta na ako sa restroom para magpalit at sinuot ang white long dress na long sleeves at napapalibutan ng beads ang bewang with matching white silver necklace

Ang cute niya actually.

Lumabas akong suot ito at dahil may make up na naman ako ay nag retouch lang ako ng kaunti.

"Ang ganda niyo po ma'am iyana" saad ng camera man na kumukuha samin, tanging ngiti lang ang isinukli ko sa sinabi nito.

Maya maya pa ay lumabas na rin si cyrus sa restroom suot ang white tuxedo match with white pants and black watch.

Ang gwapo niya kahit saan anggulo tingnan, nakangiti itong lumapit sa akin at sabay kumindat.

Napapansin kong napapadalas ang pagkindat niya ahh -,-

" Dun naman po tayo sa malaking bato na iyon ma'am ,sir" saad ng camera man at tinuro ang bato na malapit sa dagat.

Naglakad kami papunta don kaya inalalayan ako ni cyrus para hindi madumihan agad ang gown ko

" Sir umupo po kayo jan sa bandang mataas na parte ng bato at kayo naman po ma'am ay humiga po kayo sa binti ni sir at hayaang mabasa at matangay ng alon ang ibabang parte ng dress niyo, kayo naman po sir yumuko po kayo at makipagtitigan kay ma'am "

Nakangiting umupo si cyrus sa mataas ba parte ng bato at at ako naman ay humiga sa bandang binti nito maya maya ay nakangiti itong yumuko ito kaya sobrang lapit na ng mukha namin sa isat isa.

"Ma'am iyana, smile po kayo ma'am " saad ng photographer

Pilit akong ngumiti dahil sa naiilang ako sa paraan ng pagtitig nito sakin.

"Ma'am, wag niyo po pilitin ang ngiti niyo ma'am " sigaw ng photographer

Nakangiti paring nakatitig sakin si cyrus kaya mas lalo tuloy akong nailang

" Ganon na ba ako ka gwapo para mailang kang titigan ako" saad nito kaya napatawa ako

" Ang hangin mo rin eh no? " natatawang sagot ko dito.

"Perfect! " sigaw ng photographer samin.

Ok na? Buti naman.

Umalis na kami sa bato kaya medyo nabasa ang laylayan ng dress ko.

"Dito po tayo sa may ilalim ng puno ng niyog ma'am, sir" nakangiting saad ng photographer.

"Sir sumandal po kayo sa puno ng niyog at kayo naman po ma'am sumandal po kayo sa dibdib ni sir ng nakaharap sa kanya at nakatitig sa mata niya" saad ng photographer

Shemay makikipagtitigan nalang ba ko kay cyrus buong maghapon? -,-

Wala ng sinabi ang photographer na ito kundi makipagtitigan -,-

"Kayo naman po sir nakangiting tumingin po kayo sa karagatan ang pag labas ng picture para po kayong palihim na tinititigan ni Ms. Iyana" dagdag nito

Medyo natawa naman si cyrus kaya napanguso nalang ako.

" Tapos na po tayo ma'am , sir" nakangiting saad ng camera man.

" Hay buti naman, sige maghahalf bath muna ako" aalis na sana ako ng bigla akong hatakin ulit ni cyrus kaya nasubsob ako sa dibdib nito.

" Sorry yayayain sana kita magdinner mamaya dito sa spot na ito" nakangiting saad ni cyrus, bahagya naman akong napanguso

" Hindi mo naman ako kailangan hatakin eh! Ang sakit kaya! " pagrereklamo ko na ikinatawa lang nito.

" I just want you near me" saad nito sabay kinindatan ako bago umalis sa harap ko

Shemay kikiligin na ba ako?! >Δ<

Bumalik na ko sa kwarto ko para maghalfbath pagkabalik namin sa mansion.

"Ma'am, sabi po ni Sir Cyrus suutin niyo daw po ang dress na ito" saad ng maid namin dito.

"Salamat po" nakangiting tugon ko at kinuha ang paperbag na hawak nito.

Pagkasara ko ng pinto ay umupo ako sa kama para tingnan kung ano ang dress na binigay ni cyrus.

Tumambad sakin ang isang long lavander dress na napapalibutan ng white tiny flowers sa bandang waist nito at hanggang tuhod lang ang front nito at mahaba ang bandang likod, its cute actually. Super cute dress with matching silver doll shoes.

After ko naghalf bath ay sinuot ko na ito at pumunta na sa lugar na sinabi niya.

Tumambad sakin ang isang candlelight dinner kung saan napapalibutan ng rose petals ang paligid and cyrus standing in front of me wearing his white tuxedo with his genuine smile , holding a banquet of flowers and handed it to me.

"Can I be your date for this night, my lady? " nakangiting saad nito at kinindatan ako na ikinatawa ko

" I can be your date for tonight Mr. Demion" natatawang saad ko at tinanggap ang kamay na nakalahad sa harap ko

Napansin ko na habang kumakain ay panay ang titig sa akin ni cyrus kaya tiningnan ko ito.

" Bakit hindi mo kinakain ang pagkain mo? " tanong ko

"I'm Nervous " saad nito pero nakatingin parin sa mga mata ko

"Nervous of what? " nagtatakang tanong ko.

Bigla itong tumayo kasabay ng pagplay ng kanta sa paligid namin.

"May I have this dance? "tanong nito at inilahad ang mga kamay niya sa harap ko

"Yes" nakangiting tugon ko at tinanggap ang kamay na nakalahad sa harap ko.

Hinawakan nito ang bewang ko habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko alam pero naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa mukha ko.

"Iyana, alam kong hindi pa ako ang laman ng puso mo pero sana sagutin mo ang tanong ko" saad nito sabay lumayo ng konti sakin.

"Ano iyon Cyrus? " tipid na ngiting saad ko.

Sa mga oras na to masasabi kong sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti sabay dahan dahang lumuhod sa harap ko.

" Will you be my wife? " puno ng emosyon na saad nito habang nakatitig sa mga mata ko na tila ba nagsusumamo siya na oo ang isagot ko sa tanong niya.

" I know that you don't totally fall in love with me and I'm hoping that one day mapansin mo rin ang mga bagay na nais kong iparamdam sayo but now I'm here in front of you asking you to marry me and be with me for the rest of our lives, you are the only girl who cares for me, the only girl who see my worth and the only girl right now that I want to be at my side for the rest of my life. Again, Ms. Iyana Xyra Vienera will you be my wife forever? " puno ng emosyon na saad nito.

Ano ang isasagot ko?

Dito rin naman ang patutunguhan namin pero bakit tila ganito ang nararamdaman ko.

Why I am not happy.

Tiningnan ko ang mga mata nito.

"Thank you for loving me cyrus and yes I will marry you" tipid na ngiting saad ko.

Sobrang laki ng mga ngiti sa labi niya at niyakap ako ng sobrang higpit na tila ba ayaw na ako nitong bitawan pa.

Pero ang sakit ng puso ko, alam kong dapat masaya ako ngayon pero kasalanan ba kung makaramdam ako ng ganitong uri ng sakit sa sitwasyon na dapat masaya ako dahil ito naman talaga ang nais ko?

Author's POV

Sa kabila ng kasiyahan na nagaganap may isang matang nagmamasid sa dalawa.

" I'm happy to see you smiling, my princess" saad nito at nilisan ang lugar kung saan sila unang nagkita.

Iyana's POV

"Haist natapos din, lolo aalis na po kami maya maya" saad ko kay emp na katabi ko ngayon sa panonood ng paborito niyang basketball game.

" Mamimiss kita apo, alam ko naman na matatagalan bago tayo magkita ulit" malungkot na saad nito

"Wag po kayong mag alala lolo dahil invited na po kayo sa kasal ko napakiusapan ko na po si mommy, syempre ang gusto ko po ay magkaayos na kayo ni daddy para naman madalaw ko na kayo palagi dito" nakangiting saad ko at niyakap ito.

" Mag iingat kayo sa pag-uwi huh? Sige na ayusin mo na ang mga gamit mo" nakangiting saad nito sakin.

Pagbalik ko sa kwarto ay ang tanging ginawa ko ay pagmasdan ang keychain na gawa ni knight.

"Señiorita, aalis na daw po kayo" saad ng maid dito sa mansion

"Sige salamat, bababa na ako" saad ko at kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto

"Lolo aalis na po kami" paalam ko kay emp

"Mag iingat kayo apo, hindi na ako makakasama sapagkat medyo nahihilo ako ngayon" saad nito kaya tumango tango nalang ako bilang tugon

Pagkalipas ng ilang oras ay nakadaong na rin kami sa manila, hinatid na ako ng driver ko at si cyrus naman ay nagpasya ng umuwi dahil gusto niya daw magpahinga, nahihilo ata.

Pagkadating na pagkadating ko ay nagpahinga na ako sa kwarto, sabi ng maids ay wala daw sina mommy dahil may inasikaso at ganon din si blythe kaya dumeretso na ko sa kwarto para matulog.

6 pm na rin kaya hindi na ko nagdinner.

Kinabukasan

" Sissy tara na! " sigaw ni blythe at hinila ako dito sa isang shop.

Nagma mall kami ngayon para malibang at makapag bond narin dahil matagal na ng last kaming makapag mall dahil sa mga sunod sunod na problema.

" Sissy, tingnan mo to oh ang cute niya" saad nito at ipinakita sakin ang isang dress na kita na nga ang likod kita pa ang pusod.

" Sissy ano kaba, tingnan mo nga kulang nalang hindi tayo magdamit sa suot mo na iyan" reklamo ko dito kaya napanguso nalang ito

Kung saan saan ako nito dinala hanggang sa hapunin na kami sa pamimili

Imagine umaga kami umalis tapos uuwi ng hapon na, sabagay marami kaming time na na waste.

"Sige sissy uuwi na ako, alam ko naman makikipagkita kapa kay cyrus. Yung mga pinamili natin ako na ang bahala don" saad nito at nakipag beso na sakin at pumara na ng taxi

Mayamaya pa ay sinundo na ako ni cyrus dito para magdinner

Habang kumakain kami ni cyrus ng dinner ay biglang nagring ang phone ko.

Nag appear ang name ni tita, mommy ni knight.

" Hello po tita? " panimula ko.

" Hello iyana, busy ka ba? May ipapakiusap sana ako iha importante lang please " saad nito ng may pag aalala sa boses niya

"Ano po iyon tita? " sagot ko dito.

" Iha, tinawagan kasi ako ng kumpare ko, si knight kasi iha lasing na lasing daw sa bar at ang sabi ng secretary niya baka daw abutin siya ng 2 hours bago masundo si knight, iha nag aalala kasi ako pwede bang ikaw na ang sumundo sa kanya please? " saad nito na tila naiiyak ang boses.

" Sige po tita" sagot ko at binaba ang cellphone

"Sino yun? " tanong sakin ni cyrus.

" I'm sorry cyrus pero I need to go" saad ko at nagmadali para mapuntahan si knight.

Ano ba kasi problema non at naglasing pa.

Pagdating ko sa bar na sinabi ni tita ay nakita ko agadsi knight na wala ng malay .

Nilapitan ko ito para ihatid na pauwi.

" Knight ,ano ka ba tumayo ka nga jan! " saad ko dito at inalalayan itong tumayo.

" Ilang kilo ba ang timbang mo at sobrang bigat mo" reklamong saad ko habang patuloy itong inalalayan palabas ng bar.

"D-dont t-touch me" saad nito at nagpupumilit na bitawan ko siya.

" Saglit lang baka matumba ka" saad ko dito at inalalayan pa rin ito para hindi matumba.

Ano ba kasi ang problema ng lalaking to!

Arghh!!! Nakakainis!

" Just let me go! " sigaw nito sakin kaya bigla ko itong nabitawan at napaupo sa sahig.

Bigla naman akong nasaktan sa tinuran nito.

" I ayan, masaya kana?! Huh?! Wala ka na ba talagang ibang bukambibig kundi let me go?! Ginagawa ko naman ang gusto mo pero ikaw ang gumagawa ng paraan para patuloy akong mapalapit sayo! Pagod na ko knight! Pagod na pagod na akong magpanggap! " sigaw ko kahit na alam kong tulog na tulog na ito.

I'm j-just t-tired.

" M-mahal k-kita pero bakit ang hirap mong mahalin? " pabulong na saad ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

" Sana nga ganon nalang kadali mag let go knight dahil kung oo, gusto ko nalang ibaling sa kanya ang nararamdaman ko at malimutan ko kung paano ako nahulog sayo" naiiyak na saad ko.

Hindi ko na alam ang gagawin dahil pagod na ako knight

" Tumayo ka na nga jan! " inis na saad ko habang patuloy parin ang pagdaloy ng luha ko.

"Sir knight? " saad ng isang boses sa likod ko at tumambad sakin ang isang lalaki, ito na ata ang assistant niya.

" Kayo po ba si Ms. Vienera? Ako po ang assistant ni sir knight" pagpapakilalz nito.

Pinunasan ko ang luha ko at nginitian ito.

" Sige pakihatid nalang siya, uuwi narin kasi ako" saad ko at tinulungan itong bugatin si knight papunta sa sasakyan.

"Thank you po ma'am, ihahatid ko na po si sir" saad nito at pinaandar na ang kotse.

Pagkaalis nila ay napayuko nalang ako.

"Iyana" isang boses ang tumawag sa pangalan ko na nanggagaling sa likuran ko

"C-cyrus" nauutal na saad ko.

Lumapit ito sakin at pinunasan ang luha ko.

"I-I'm s-sorry " naiiyak na saad ko.

Lumapit ito sakin at dahan dahang hinawakan ang pisngi ko .

"C-choose m-me and I'll promise to make you happy " nauutal na saad nito.

Napatingin ako sa mga luhaang mata nito.

" Choose me and I'll do the rest" naluluhang saad nito kaya tumango nalang ako ng bahagya para mapanatag ang kalooban niya.

המשך קריאה

You'll Also Like

289K 13.5K 62
ပုံတိုင်းဆောင် +ရာချီဒွေး သူကြီးသားလေးနဲ့ အပေါင်ဆိုင်သားလေးတို့ကိုဖတ်ပေးကြပါအုန်းရှင့် တောရွာပုံစံလေးကိုမှ ကြိုက်နှစ်သက်ရင်တော့ဒါလေးဖတ်ဖို့တောင်းဆိုပ...
205K 1.5K 54
Sa muling pagkakataon subaybayan natin si Jude sa Malibog nyang kwento.At ang nga masasaya,malulungkot at nakakaiyak nyang karanasan. This story c...
28.2K 1.2K 34
Rihanna is a high school girl about to graduate when she meet the don will they live happily or will they argue all the time.........
274K 7.9K 134
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."