UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

131K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 53- Christmas}

186 11 0
By Vis-beyan28


Jami's POV

Sinulit namin ni skyler ang ilang araw namin sa resort. Nag scuba diving kami at naligo sa dagat. Wala kaming ginawa kundi ang mga yun hanggang sa huli naming araw.

Pagkatapos naming maligo muli ay agad na kaming bumalik sa hotel para maligo at mag ayos ng mga gamit namin.

Si mang eduardo pa ang naghatid samin sa airport at bago kami umalis ay nagpaalam at nagpasalamat muna kami.

Hinding hindi ko talaga malilimutan tong bakasyon kasama siya. Ito na talaga ang pinakamasayang linggo para sakin dahil nasa tabi ko siya.

Ng makarating kami ng manila ay sumalubong samin ang pamilya ni skyler. Nagulat pa ako dahil hindi ko aakalaing lahat sila ay naghihintay.

Hinawakan ni skyler ang kamay ko bago kami naglakad patungo sa gawi ng pamilya niya kung saan may mga tao ding naghihintay sa tabi nila.

"WELCOME BACK BROTHER!"- malakas na bati ni skylein nang makarating kami.

Agad naman akong nagtago sa likod niya para kahit papano ay makapag usap muna sila.

Nasan na ba kase si jeigh? Nag text ako kagabi na sunduin niya ako pero mukhang late na naman ang ugok.

"Son!"- agad na napayakap si skyler sa daddy niya. "Is your vacation okay?"- tanong nito ng mag hiwalay sila.

"It's okay dad. I had fun in palawan."- sagot nito na halata namang masaya dahil sa lawak ng ngiti.

"May we know who's your with, brother?"- nang aasar na singit ng ate niya ng makita ako.

Mas lalo pa akong nagtago sa likod niya sa hiya. Oo, nakilala at nakausap ko na sila nuong nakatulog ako sa kwarto ni skyler sa birthday niya tapos kinaumagahan ay nakasabay namin silang kumain. Pero kahit ganun ay nahihiya pa din ako sa kanila lalo na't may relasyon na kami ngayon.

"Ah, remember jami mom, dad?"- tanong ni skyler at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napalunok naman ako.

"Ofcourse honey. How can I even forget this pretty lady."- masiglang tugon naman ng mommy niya at napahakbang pa siya paharap para lang masilip ako.

"She's my girlfriend now."- anunsyo nito na kinagulat ko!

Hindi din sa akin kundi sa pamilya niya. Di man lang niya sinabi sakin ng mapaghandaan ko naman. Hindi ko talaga aakalain na aamin siya pagkakita pa lang niya sa pamilya niya. Kung gaano kagulat ang pamilya niya ay ganun din ako.

Nawala ang pag iisip ko ng hilahin ako ni skyler ng marahan patungo sa tabi niya. Mas lalo akong napalunok.

"H-hi po."- agad ko silang binati na may ngiti kahit na ramdam ko ang pawis sa nuo ko.

Natauhan naman sila bigla ng makita ako ng tuluyan. Lumawak ang ngiti ng ate ni skyler at saka nagsalita pa ng walang boses ngunit nabasa ko naman agad ang kaniyang labi na nagsasabing 'omg sister in law na tayo'.

Nawala lang ang paningin ko sa kaniya ng magsalita ang mommy ni skyler.

"Hello hija! Oh my, we meet again. How are you?"- malambing at excited nitong tanong pagkatapos niya akong yakapin at makipagbeso.

Nabitawan naman agad ni skyler ang kamay ko dahil dun.

Gaya ng dati ay gumagaan pa din ang loob ko kapag nakikita ko ang mommy niya. Masarap siyang kausap at kasama hindi tulad ng ibang mayayamang pamilya diyan na strikto.

"Okay lang naman po ako."- magalang kong tugon atsaka muling ngumiti.

"No wonder magkasama kayo ng anak ko."- nakangiting saad naman ng daddy ni skyler.

Napangiti na lang ako sa kanila. Yung kaninang kaba ay unti-unting nawawala dahil sa napakabait nila at mabilis pakisamahan.

"Anyways, may susundo ba sayo hija? Maaari kang sumabay samin."- presinta ng daddy niya sabay turo sa gilid kung saan nandun ang sasakyan nila.

"Huwag na po tito. Susunduin po kase ako ng kapatid ko."- tanggi ko.

"How sad naman. Gusto ko pa namang makipag usap kay jami, hon."- baling ni tita sa asawa. "Anyways, if you have time honey you can come into our house and let's have a bond, okay"- nakangiti niyang baling sakin.

"Sige po tita. Marami pong salamat."- sinsero kong tugon.

Tumango naman ito sakin at saka nagpaalam na mauuna na sila.

"Let me take your luggage, son."- sabi pa ni tito at saka kinuha ang bagahe ni skyler.

"Ah mom."- pigil ni skyler sa kanila ng akma silang maglalakad na. "Pwede bang mauna na lang kayo sa kotse?"- biglang tanong nito ng hindi man lang hinintay ang sagot nila.

"Oh sure sure."- agad namang sang ayon ni tita at sinenyasan si skylein at tito na pumasok na sa kanilang kotse.

Hinintay naman muna namin silang pumasok bago marahang humarap sakin si skyler. Lumipad ang paningin ko sa kaniya.

"Sigurado ka bang hihintayin mo na lang ang kuya mo dito?"- tanong niya.

Agad naman akong tumango atsaka napalingon lingon pa sa paligid bago muling bumaling sa kaniya.

"Are you sure jami? Pwede ka namang sumabay na lang samin. Ako na ang magte-text kay jeigh na sinabay ka namin."- bumakas ang pag alala sa kaniyang gwapong mukha.

"Okay nga lang ako. Tsk. Ang kulit mo."- natatawang hayag ko habang titig na titig sa kaniya.

Hinawakan ko ang pisngi niya dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kanina pa talaga ako pigil na pigil na gawin yun dahil nandito kanina ang pamilya niya.

"Sige na. Nag text na din si jeigh na paparating na siya."- imporma ko at saka pabirong tinampal ang pisngi niya. Mahina lang yun para hindi siya magreklamo.

"Eh kailan tayo magkikita?"- parang bata pa niyang saad. Natawa ako ng mahina.

"Kapag may klase na."

"Ano? Ang tagal naman nun."- pikon na niyang wika.

Napa tss ako pagkatapaos ay binaba na ang kamay ko na nasa kaniyang malambot na pisngi.

"Text na lang kita."- pampalubag loob ko para mawala na ang pikon niya.

"Siguraduhan mo ha?! Sungit?"- pinandilatan pa niya ko ng mata.

"Tsk. Oo nga."- pinatalikod ko na ito tas tinulak na.

Kaso sa kakulitan niya ay humarap muli ito sakin at saka dali-daling lumapit para lang mahalikan ako sa nuo.

"I love you."- bulong nito na mabilis ko namang tinugon.

Tinitigan pa ako ng loko bago nakangiting tumalikod na.

Hinintay ko muna siyang makapasok sa kanilang kotse at pinanuod silang mawala sa paningin ko.

Sakto naman ang pagdating ni jeigh sa mismong harap ko. Dala nito ang kulay blue niyang lamborghini na pinagyayabang niya sakin nuon pa. Regalo kase ni tanda yan nung last birthday niya at tuwang tuwa talaga ang gago.

Pangarap niya talagang magkaroon ng lamborghini nuon pa. Actually kaming dalawa. Na aastigan ako sa kulay itim na lamborghini pero agad din naman nawala ang pagkagusto ko ng dumating ang big bike kong ginagamit.

"Hop in!"- sigaw niya mula sa driver's seat.

Mabilis ko namang binuksan pataas ang back seat atsaka dun linagay ang bagahe ko bago magtungo sa shotgun seat.

Pagkasuot ko ng seatbelt ay pinaandar na ni jeigh ang kaniyang sasakyan.

"How's your vacation with skyler?"- he ask while his eyes are fixated at the road.

"Fine."- tipid ko namang tugon.

Napasulyap siya sakin saglit. "Fine?"- ulit pa niya. "Parang hindi ka nag enjoy ah. Hindi pa kayo okay?"

"Ang tsismoso mo talaga. Mind your own business."- walang emosyon kong saad habang nakatitig sa labas.

Narinig ko itong napa tsk.

"Seryoso mo bunso. Ganyan ka ba kapag nagka lovelife ka?"

"Tss. Huwag mo kong tawaging ganyan. Wala ba tayong laban?"- pag iiba ko ng topiko.

Sa tagal na wala kaming laban ay nakalimutan ko ng nag e-exist pa pala ang EUA. Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huling laban namin sa tagal ng hindi kami nakakapunta dun.

"Wala pa naman. Siguro magiging madalang na ang laban natin dun lalo na't maraming mga bagong gang na sumasali. Atsaka isa pa, kung nandun pa sana ang gang ni hanzer ay baka magiging madalas na ang pagpunta natin sa EUA lalo na't gusto niyang makuha ang ranko mo. Tsk, tsk."- mahaba pa niyang lintanya.

Napapikit ako ng saglit bago sumandal sa kinauupuan ko.

"Sa ginawa ba naman ng lokong yun, tss. Dapat lang na makulong silang lahat."- walang gana kong tugon.

"Hindi ko na talaga kilala ang hanzer na yun! Pasalamat siya at hindi ko pa siya napatay. Kapag nakikita ko yun ay kumukulo ang dugo sa gagong yun!"

"Ano na lang sasabihin ng mga magulang niya? Tsk. Sila pa naman ang may ari ng EUA."- napapailing kong dagdag.

"Hayaan mo't pagbayaran ng ugok na yun ang nagawa nila. Magbenta ba naman ng droga tsk."- napailing iling si jeigh bago lumiko ng daan.

"Yun nga ang nakakapagtaka jeigh."- saad ko.

"Ang alin?"- napasulyap siya sakin.

"Mayaman naman sila hanzer. Bakit niya nagawa ang illegal na yun?"- kunot nuo kong hayag.

Natahimik naman ito saglit. "Aba malay ko sa ulupong na yun!"- pikon pa niyang saad.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya bago napa tsk at tumingin na lang sa labas.

May sense kausap talaga ang lokong to ano.

**
Kinaumagahan ay agad na naghanda ang mga katulong ng mga pagkain. Hindi dahil may kaarawan o ano kundi dahil disperas na ng pasko. Lahat ay busy sa pagluluto na ayon sa utos ni tanda.

Wala namang masyadong ipaghahanda lalo na't kami lang naman ang magsasalo-salo.

Kapag gabi ay hinahayaan naming makapagpahinga ang mga katulong at magsalo-salo din sa kanilang quarter kung saan may maliit na bahay sa gilid ng bahay namin. Dun sila natutulog at nagpapahinga.

Agad akong nagtungo sa kusina na hihikab hikab pa. Just what I thought, nakita ko ang mga katulong na hindi magkandaugaga sa pagluluto.

Pagkatapos ko silang silipin ay pumunta na ako sa dining area. Dun ako mag isang kumain sa mahabang lamesa.

Himala at hindi pumasok si jovan at tanda ngayon. Karaniwan kaseng nagta-trabaho sila sa umaga at maaga naman silang uuwi sa gabi para makapagsalo-salo kami sa disperas ng pasko.

Alam kong sa ganitong oras ay gising na si tanda at jovan. Baka nakakain na din sila. Si jeigh naman ay sleeping pretty pa sa kaniyang kwarto.

"Manang saan po kayo pupunta?"- tanong ko ng makita si manang na lumabas sa kusina. Tila nagmamdali ito.

"Naku hija nakalimutan kong bumili ng karne at mga ilang kasangkapan."- sagot nito.

"Ako na lang po ang bibili."- presinta ko na kinaliwanag ng kaniyang mukha.

Tutal tapos na akong kumain atsaka wala na akong ginagawa.

"O siya sige, hija. Ito ang mga kasangkapan na bibilhin mo at nakalagay na din diyan kung ilang kilo ng karne."- dali dali itong lumapit sakin atsaka binigay ang isang maliit na papel. "Mag ingat ka ha. Kung wala lang sana akong niluluto ay baka ako na ang pupunta."- bumuntong hininga ito.

Tumayo naman na ako atsaka binulsa ang papel na binigay niya. "Huwag na ho kayong mag alala manang, ako na pong bahala dito."- nakangiti kong sabi

Gaya ng sinabi ko ay agad na akong pumasok sa kwarto para maligo at magpalit. Nagsuot na lamang ako ng fitted jeans, t-shirt atsaka converse white.

Pagkababa ko ng hagdan ay natigilan ako ng makita si tanda.

"Saan ka pupunta jamishallein?"- tanong nito atsaka sumimsim pa ng kaniyang tsaa.

"Bibili sa labas."- pinakita ko sa kaniya yung listahan na binigay ni manang kanina.

Natigilan ito sa pagsimsim atsaka umangat ang mata patungo sakin. Pagkaraan ay binaba nito ang hawak na tasa sa pabilog na lamesa sa gilid nito.

"Wait for me."- seryoso nitong utos at walang pasabing umakyat ng hagdan.

Kunot nuo ko siyang sinundan ng tingin at napailing.

Talaga naman oo. Kay tanda na parang bata pa ring sumasama.

Napa tsk na lang ako bago padabog na naupo muna sa living room.

Sakto naman ang pag vibrate ng phone ko saking bulsa. Agad ko yun hinugot at tinignan kung sino ang nag text.

From: Hudas

Merry christmas sungit, miss na kita😔

Tangina. May emoji pa talaga?

Natatawa akong nag type sa cellphone habang nakapandekwatro.

To: Hudas

Merry christmas din. Para kang babae kung maka miss. Kahapon lang tayo magkasama tsk.

Mas lalo akong natawa ng mabilis itong nag reply.

Wala bang ginagawa to?

From: Hudas

Para sakin parang isang taon na. Sungit, miss na kita. Magkita tayo? Hmm?

To: Hudas

Busy ako, hindi pwede ngayon.

Napatingin ako sa hagdan ng marinig ang mga yabag ni tanda na pababa.

From: Hudas

Ganun? Bukas pwede naman?

To: Hudas

Tsk. Oo na, bukas.

Pagka sent ko nun ay agad ko ng binulsa ang cellphone ko. Ng makababa si tanda ay binato niya sakin ang susing hawak niya. Buti na lang agad kong nasalo.

"You'll drive my car."- saad nito at nauna pang lumabas.

Pikon ko siyang nilingon. Kung makautos parang presidente ah? Ano ako driver? Tsk.

Wala akong choice kundi ang bagot na lumabas ng bahay at nagtungo sa garahe.

Mas nauna pang pumasok si tanda sa kulay puti niyang kotse. Hindi ko na matandaan kung kailan niya ito binili. Ang alam ko lang ay maganda pa din dahil hindi niya naman masyadong nagagamit ang kotse niya. Palagi kase siyang sumasabay kay jovan na gaya ng sinabi ko ay reckless driver kase si tanda.

"Bakit ka pa kase sumama?"- pikon kong tanong at pinaandar na ang kotse.

Kusang bumukas ang gate namin at ng makalabas ay mas binilisan ko na ang pagpapatakbo.

"I want to buy wine."- sagot nito habang kinakalikot ang kaniyang cellphone. "By the way, is there a flashflight in this phone apo?"- tanong pa niya habang pinagmamasdan ang likod ng kaniyang cellphone.

Napirap ako.

"I saw jovan open the flashlight in his phone and I want to try it. It amaze me. I tried to find it but I can't see."- napanguso pa ito na kinadiri ko.

Amaze talaga ha? Ganito na ba ka ignorante ang tandang ito? Tsk.

Hindi naman ako umimik sa tanong niya. "You don't know? Oh, okay. I can ask jeigh later."- kumibit balikat pa ito atsaka tinago ang phone sa kaniyang front pocket.

Napailing ako.

"How's your vacation by the way?"

"Totally fine."- tipid kong tugon.

"You know when I was at your age apo-----"

"Tanda, alam ko na yang kwento na yan. Huwag mo nang ulitin."- putol ko sa sasabihin niya.

"----I was the most handsome in our class. Maraming babae ang nagkakandarapa sakin. Hindi ko naman sila masisisi."- tuloy pa niya, hindi pinansin ang sinabi ko.

Humigpit ang kapit ko sa manibela sa pikon.

"Nasabi ko na ba sa inyong lahat na ang mga babae na kaklase ko ay pinag aagawan ako nuon?"- natawa ito atsaka ang loko pinasadahan pa ang buhok na parang gwapong gwapo.

Napangiwi ako atsaka binuksan ang radio ng malakas. Napatigil naman si tanda.

"You don't want to hear my stories? Tsk. Fine."- umirap pa ang matanda.

Napailing na lamang ako. Matapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa department store. Agad akong nagpark malapit lang sa gilid ng puno atsaka sabay pa kaming lumabas.

Ng makapasok kami ay linabas ko na ang listahan na binigay ni manang sakin. Si tanda naman ay hinila ang cart sa gilid at sabay kaming kumuha ng mga kasangkapan.

Nasa section na kami ng mga gulay ng mag ring ang cellphone ko.

"Oh?"- sagot ko habang tinitignan ang listahan.

"Are you with Joremiah?"- pakinig ko ang boses ni jovan sa kabilang linya. Ang tinutukoy niya ay si tanda na nasa tabi ko.

"Oo bakit?"- pinulot ko ang nakabalot na carrots atsaka patatas bago dinala yun sa cart na hawak ni tanda.

"I forgot some documents in my office. Can you tell him to get it for me?"- walang gana nitong saad.

"Sige sasabihin ko kay tanda."

"Thanks."- yun lang at pinatay na niya ang tawag.

"Who's that?"- tanong ng katabi ko at nakapamulsang humarap sakin.

"Si jovan. Pinapasabi niyang may nakalimutan siyang mga papeles sa kaniyang opisina. Kuhanin mo daw."- kwento ko at saka kinuha na ang natitirang mga kasangkapan na nasa listahan.

Hindi naman ito umimik dahil nagtungo ito sa mga wine section. Ako na ang nagtulak ng cart habang sinusundan siya.

79 na si tanda pero hindi masyadong halata dahil nakakapag biro pa at nakaka trabaho pa ito. Nakababad na lang siya sa trabaho simula ng mamatay si lola sa maagang edad. Bata pa lang ako ng mamatay ito. Nasaksihan ko kung pano siya nalungkot ng mawala ang asawa kaya sinimulan niyang magbabad sa trabaho.

Mas lalo pa siyang naging busy ng mamatay din si mommy at daddy kaya sa gabi lang kami nagkikita-kita. Minsan pa ngay sa opisina na siya natutulog dahil sa tambak ang trabaho niya ngunit nabawasan lang yun ng maka graduate si jovan.

Gustuhin man niyang sumunod sa kaniyang kurso ay wala siyang nagawa kundi ang tulungan si tanda sa kompanya.

Sa totoo lang, hindi sana mapupunta si jovan sa kompanya kung hindi namatay si daddy. Kung buhay pa sana ito ay dalawa sila ni tanda na mag ma-manage ng kompanya.

Ang tito ko naman na kapatid ni daddy na anak din ni tanda ay nasa amerika na at may sariling negosyo at pamilya na. Once a year lang ito dumadalaw o kung minsan ay hindi na dahil busy busy naman na ito dahil sa negosyo niya.

"Let's go?"- natauhan lan itg ako ng hinila na ni tanda ang cart na hawak ko lang kanina. Hindi ko namalayang nakapili na pala ito ng wine na sinasabi niya.

Sumunod na lang din naman ako sa kaniya patungo sa counter.

Pagkatapos naming bayaran ang napamili ay ako na ang nagbitbit ng dalawang supot samantalang si tanda naman ay yung karton na may wine ang binitbit niya.

Agad kong binuksan ang compartment ng sasakyan niya at dun namin linagay ang napamili.

Pagkatapos ay sumakay na kami at pinaandar ang sasakyan.

"Pumunta muna tayo sa kompanya."- pahayag ni tanda na agad ko namang ginawa.

Huli kong punta sa kompanya ni tanda nung bata pa lamang ako. Hindi naman ako nagpupupunta dito kaya hindi na ako pamilyar.

Hindi ko alam kung lumaki ito o ganun pa din. Ang taas ng building na pinagawa niya.

Sa harap ko na lang tinigil ang sasakyan. Tutal wala namang pasok ngayon at tanging security guard lang ang naka duty.

Pagkatigil ng sasakyan ay napansin namin ang isang kulay itim na limousine sa harapan lang namin.

"May bisita kayo ngayon?"- taka kong tanong kay tanda na napatingin na din.

Sinong hindi makakakuha ng atensyon kung may apat na bodyguard sa labas ng sasakyan, tila may hinihintay. Naka black tux pa sila at may sari-sariling earpiece na naka kabit sa kanilang tenga.

"None."- kalmadong sagot nito atsaka tinanggal na ang seatbelt niya.

Sakto namang pagtingin ko sa bungad ng kompanya ni tanda ay ang paglabas ng isang sopistikadong lalake. Sa hula ko ay nasa mid's 40 na ito. Naka pormal suit ang lalake at ang aura niya ay nakakatakot para sakin. Walang emosyon ito at malamig kung tumitig.

Inayos niya muna ang kaniyang coat bago may malalaking hakbang na nagtungo sa kotseng nasa harapan namin. Luminga linga ito saglit bago pagbuksan ng isang bodyguard ng pinto. Pumasok na ito at saka nagsimula ng umandar ang sinasakyan niya. Ang apat namang bodyguard ay sumakay sa isa pang kotse na kulay itim.

"Presidente ba yun?"- natatawang tanong ko, napapalingon kay tanda.

Ngunit natigilan lang ako ng makita itong seryoso at tila may nakitang multo.

"Bakit?"- kumukurap kong tanong. "Nakalimutan niyo ba ni jovan na may bibisita ngayon?"

Hindi naman ito umimik dahil lumabas na lang ito ng hindi man lang nagsasalita.

Naguguluhan ko siyang sinundan ng tingin at saka napailing.

Problema ng matandang yun? Tsk. Nadadamay na din si jovan sa pagka ulyanin niya. Hayst.

**

Nakadating kami sa sementryo ng mga alas singko. Bitbit ko ay dalawang boquet ng bulaklak samantalang ang tatlo kong kasama ay mga basket.

Pagkababa namin ng kotse ay napatingin ako sa kalangitan. Maaliwalas ito at walang nagbabadyang ulan. Marahang umihip ng hangin kasabay ng pag lagas ng mga dahon sa mga puno.

Walang umimik samin kahit si jeigh. Nagsimula kaming maglakad sa madamong lupa at hinanap ang puntod ni mama, papa at lola.

Si tanda ang may planong magkakatabi silang tatlo. Wala naman kaming angal dahil mas okay yun para iisang lugar lang ang pupuntahan namin.

Wala pang isang minuto ng mahanap namin ang puntod nila.

Agad na naglatag ng sapin si jeigh bago nila linapag ang mga hawak nilang basket. Ako naman ay agad na naupo sa harapan ng puntod nilang tatlo.

Linapag ko ang dalawang boquet sa puntod ni mama at lola bago magsindi ng kandila.

Walang imik naman sina tanda, jeigh at jovan sa aking likuran.

Nag alay muna ako ng tahimik na panalangin bago maupo sa sapin na linatag ni jeigh.

Sa gitna namin ay mga pagkain na nilatag nila.

Si tanda at jeigh ay sa malayo lang nakatingin habang si jovan naman ay sa puntod ni mama.

Napabuntong hininga ako at saka nagsalita.

"Merry Christmas ma, pa ,lola."- sambit ko habang nakatitig sa kanilang mga puntod.

Pinilit kong huwag maiyak sa harapan nila kahit nahihirapan ako.
Huminga ako ng malalim atsaka lumingon sa mga kasama ko.

"Merry Christmas! Oh eto regalo niyo."- pinasigla ko ang boses ko atsaka isa isang linabas ang mga regalo nila. Binato ko kay jeigh yung kulay blue ang wrapper. Gulat naman niya itong nasalo at walang masabi.

Binato ko rin yung kulay red na wrapper kay tanda samantalang inabot ko ang regalo ni jovan dahil magkatabi lang naman kami.

Gulat silang napatingin sakin, tila hindi makapaniwala na binigyan ko sila ng regalo.

"Wh-what?"- gulat pa ding bulalas ni jeigh.

"Tsk. Ayaw niyo? Sabihin niyo lang babawiin ko ang mga yan."- nguso ko sa mga hawak nilang regalo.

Walang imik namang binuksan ni jovan ang kaniyang regalo dahilan kung bakit mapatingin kami sa kaniya.

Ng mabuksan niya ay pinakatitigan niya ang litratong nasa loob ng frame.

"Tayo ba yan?"- tanong ni jeigh habang nakikisilip.

Agad namang pinakita ni jovan kina tanda ang larawan.

Nakatayo si mommy at daddy sa tapat ng bahay namin samantalang kaming tatlo naman ay nasa sahig. Nasa highschool palang si jovan dun na bahagyang nakatungkod ang isa niyang tuhod sa lupa at seryosong nakatingin sa camera samantalang si jeigh naman na elementary pa lang ay naka squat sa sahig na naka pogi sign pa ngunit bungi naman.

Ako naman ay nasa elementary na din. Nakatayo ako dun habang may subo pang lollipop at kay mommy ako nakatingin.

"Thanks."- nakangiting sabi ni jovan at marahang ginulo ang buhok ko.

Napatango naman ako sa kaniya.

"Wala ka pang ngipin diyan apo."- natatawang biro ni tanda kay jeigh.

Napa tsk naman si jeigh.

"Parang hindi mo naman naranasang nabungi tanda!"- singhal ni jeigh.

"Hindi naman talaga apo. Kay ganda ko ngang lalake kahit bata pa ako. Marami ngang nagkakandarapa sakin nun pati mga artista. Tuloy ay kahit kasal na kami ng lola niyo ay nagseselos pa din ito."- natawa pa ang mahangin na tanda sabay tingin samin na walang pake lang.

Napangiwi naman si tanda sa reaksyon namin. "Ano naman ang regalo mo sakin apo."- pag iiba nito ng usapin.

Napailing kami ni jeigh.

Pinanuod namin siyang buksan ang regalo niya pagkatapos ay napangiti ito ng makita itong album.

Lahat ng picture na nakalagay dun ay picture nila ni lola.

"Ang sweet naman ng apo ko."- naiiyak pang komento nito.

"Eww. Huwag ka ngang umiyak tanda!"- suway ni jeighdan na nakapag tawa samin.

"Emotional lang ako apo."

"Kahit na! Ang mga lalake dapat hindi umiiyak!"

"Ganun?"

"Oo nga. Tsk."- umirap si jeigh atsaka napagpasyahang buksan na ang kaniyang regalo.

"Pucha. Ano to?"- napamura si jeigh ng makita ang regalo.

Natawa ako ng mahina. "Pagkain."- tugon ko.

"Ano?"- kumunot ang nuo nito.

"Tsk. Buksan mo kase ng makita mo tsk."- umirap ako.

Pano ba kase, yung box naman yung tinitignan lang niya.

Tinignan niya ako ng masama na para bang pinagti-tripan ko siya ngunit agad din yun nawala ng makita niya ang laman.

"Earpads? Tangina seryoso ka na dito jami? Akin talaga to?"

Ngumisi ito ng tumango ako.

"Ang bait mo talaga bunso. Nasaniban ka ata ng mabait na espirito."- biro pa niya na kinairap ko.

"O siya. Magsikainan na tayo't mag didilim na."- masayang pahayag ni tanda.

"Here."- inabot ni jovan sakin ng mga plato.

Kumuha naman ako at binigay kina jeigh.

Habang papalubog ang araw, habang marahang sinasayaw ng hangin ang mga daho'ng nahuhulog sa ibabaw namin ay masaya kaming nagsalo-salo kasama si mommy, daddy at lola.

Wala na talaga akong mahihiling sa pamilya ko. Nawala man ang tatlong myembro ng pamilya namin ay masaya naman kami at kontento na sa isa't- isa.

Wala man si lola ay nandito naman si tanda na sumusuporta samin. Wala man sina mommy at daddy, nandito naman ang dalawa kong kapatid na gumagabay at nagmamahal sakin.

Kaya ano pa bang hinihiling ko sa pasko diba? Basta masaya ako kasama ang pamilya ko, okay at kuntento na ako dun.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang tumatawa sa biro ni jeigh.

Mas lalo pa akong napangiti ng maramdaman ang malamig na ihip ng hangin saking balat at alam ko sila mommy yun.

Sana ay masaya din sila kasama ang isa't-isa.


~vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

361K 7K 66
"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours."...
549K 10.3K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16
782K 21.4K 5
Rainbow is not just in the sky, sometimes it is in the eyes...
489K 24.9K 61
Alexis Willford almost have everything any person would wish for. And what she lacks the most is excitement. She wanted to feel life death, blood boi...