"Mom ayoko po sumama huhu! Tinatamad ako" reklamo ko kay mommy
"Family outing 'di ka sasama? Are you out of your mind?"
"But mom! Ayoko nga po kasi talaga sumama"
Nakakatamad kasi!
"At bakit ayaw mo Chanel Nichole?"
"Kasi mommy... boring dun tsaka 'di niyo 'ko papayagan magsuot ng bikini" I pouted
Mom sighed heavily then messed my hair
"Fine! You can wear you bikini's basta sumama kalang"
"Really mom?! Masusuot ko na collections ng bikini ko?"
"Oo nga! Mag-impake kana." Malapad na ngisi ang sumilay sa labi ko nang pumayag si mommy
"Ilang days tayo dun mom?"
"3 days"
Napatango naman ako at nag-impake na
Finally, masusuot ko rin lahat ng bikini ko, may maipopost nako sa ig ko na nakasuot ng bikini.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko napigilang makatulog, nagising nalang ako na nasa beach resort na kami.
Pagkadating naman sa beach resort ay
nakapagpareserve na sila daddy ng rooms
Magkasama kami ni ate sa room habang si kuya naman solo niya lang
Hayst! Sana all solo.
Minsan napapaisip na lang ako kung bakit ako yung bunso, sana ay nauna nalang akong ipinanganak kaysa kina kuya.
Lumabas agad ako sa hotel at nagtatakbo sa dalampasigan hawak ang camera ko matapos kong magbihis at ilagay ang luggages ko sa room namin ni ate
May nakita naman ako sa di kalayuan na grupo ng mga lalaki at hindi naiwasang mamangha sa kanila
Ang gagwapo nila... yung mga abs
Achkkk shet abs palang ulam na!
Swimming trunks lang ang suot nila kaya bakat na bakat yung ano... Nevermind
Isa sa grupo ng mga lalaking pinagmamasdan ko ang nakapukaw sa atensyon ko. Nakasandal siya sa may puno at nakikitawa sa mga kaibigan niya.
Dumako ang atensyon ko sa adams apple nito, sa tuwing lumulunok o gumagalaw ang adams apple niya ay hindi ko mapigilang mapalunok ng sarili kong laway.
Yung panty ko ata nahulog
Sa kalagitnaan naman ng pagtitig ko sa kaniya ay biglang sumakay yung pinsan ko sa likuran ko kaya humagis yung camera ko sa buhanginan
Dahil sa ginawa nya ay hindi ko mapigilang hindi hampasin ang pinsan kong si Angela dahil sa ginawa nya.
"Bakit ginawa mo yun? Humagis tuloy cam ko"
Humalakhak naman siya ng malakas na ikinapikon ko
Doesn't she know my camera worth huh??
"HAHAHHAHA tulala ka kasing hayop ka! Tara na, tawag tayo ni tita"
"Saan daw?"
"Kakain na teh, mamaya kana magpicture-picture"
Nakanguso kong pinulot yung camera ko bago sumunod sa likuran ni Angela
Muli pa akong sumulyap sa grupo ng mga lalaki at mabilis na ini-iwas ang tingin ko nang makitang nakatingin silang lahat sa akin.
Pagkatapos namin kumain ay dumireto ulit ako sa dalampasigan para magtake ng pictures ng view at mga seashells na nasa dalampasigan.
Suot ko ang long white blazer ko dahil naka-bikini na ako ngayon habang busy sa pagkuha ng litrato ng mga tanawin.
Maya-maya'y may bigla na lamang umagaw ng camera mula sa kamay ko na nagpakaba sa sistema ko
"Hoy! Take that back to me"
I said to the guy I don't even know
Nakilala ko naman yung lalaki na umagaw sa camera ko and alam kong isa siya doon sa mga lalaking magkakasama kanina
"Kuhanin mo muna sa akin"
Pang-aasar niya
"Sapak gusto mo?"
"Ouch! Ang tapang!"
"wala kang paki! Nakakainis ka"
Reklamo ko
"Huwag kang magpapakatibo, 'di bagay sayo"
"What? At bakit?"
Anong koneksyon ng tibo sa pagbawi ko ng camera ko?
"Kasi maganda ka"
"Thanks for that compliment"
I said
Pero itinakbo niya pa rin yung camera ko
Hinabol ko naman siya pero hiningal agad ako dahil may hika ako
Hinablot sa kaniya yung camera ko noong lalaking kanina kopa tinititigan na nagpapula ng pisngi ko
Ang gwapo talaga niya achkkk!
"Don't do that again kenjie or else"
He said
Ang lalim ng boses niya..
Hawak nito ang camera ko nang sulyapan niya ako at hilahin papalayo sa dagat.
Para akong nanlalamig na hindi ko maipaliwanag habang nakahawak siya sa kamay ko
Binitawan lang nito ang kamay ko nang makarating kami sa likurang bahagi ng hotel at ibinalik ang camera ko
"Stop staring at me like that lady"
He said in a cold tone of voice
"Why? Gwapo ka naman ah" puri ko ito
"Yuck! Ako gwapo? Ewww no way! I'm gorgeous kaya" He said na nagpalaglag ng panga ko
What the fuck?? He's a gay?
Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang mukha niya
"Bakla ka?"
I asked him and he nodded
"Woah! Seryoso? Bakla ka? Tangina sayang ka" reklamo ko nang bitiwan ko ang mukha nito
"Huwag mokong murahin oy! Remember mas maganda ako sayo" maarteng saad nito sa akin na pinitik pa ang imaginary long hair niya
I laughed because of what he did
"ILANG days na kayo dito?"
I asked him habang nakamasid mula sa overlooking floor ng hotel
"1 day palang, 4days daw kami mag-stay dito e may ka-business partner daw si dad dito"
He said
"Ahhhh kami 3 days eh, si daddy din kasi may kausap na partner"
"Baka daddy natin parehas yun"
I nodded
Suguro?
"Bakit ka pala naging bakla?"
Nasamid naman siya sa tanong ko
"Ano ba yan bhie! Syempre hindi ko rin alam, ikaw ba naman kasi paligiran ng mga macho at yummy na kaibigan"
He chuckled
"Pfft... Yun lang? Nabakla ka na?"
"Oo bhie! Tsaka eto pa ha! Bukod sayo, wala na 'kong ibang kinausap na babae"
"Weh? Eh mga pinsan mo?"
"Tanga! Common sense na yun girl"
Maka-tanga naman.
"Sabi ko nga, ano palang pangalan mo?"
"Kendrick but i want you to call me kendra. Specially kapag tayong dalawa lang, how about you?"
"Ako? Ahmn i'm Chanel Nichole"
"Niknik itatawag ko sayo ayos lang?"
"of course"
"from now on friends na tayo niknik ha?"
"talaga?"
I asked
He nodded and smile
There's inside of me na gusto ko siyang maging straight.
'yan ang challenge ko sa sarili ko ngayon, ang makapagpatuwid ng bakla kagaya ni Kendrick.
If i failed to do so? It's fine, at least I have a Gay Friend.