Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 27

216 56 128
By night-firefly


A/n: sorry sa medyo sabaw na eksena! Haha hindi po talaga ako marunong kapag nakakalungkot na eksena dahil masyado akong nadala sa pagiging humor nitong story ko na ito. Haha salamat sa mga makakaintindi.

————————-

First pov:

Nagising ako sa isang estrangherong silid ngunit ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ng isang taong matagal ko ding nakasama noon ay bumalik din ang ala-ala ko kagabi. 

"First, gising ka na pala." napabaling ako sa nagsalita at nakita kong nakaupo si Craig sa bandang gilid. Hindi ba siya tumabi sa akin? Bakit si Clover may patabi pang nalalaman?

Tahimik lang akong napatitig sa kanya. Akala ko kasi nanaginip lang akong dumating siya kagabi.

"Okay ka na ba? May kelangan ka ba? Nagugutom ka na?" tuloy-tuloy niyang tanong pero imbes na sagutin siya ay nagtalukbong ako ng kumot upang matago ang pagmumukha ko. Ngayon pa ako nakaramdam ng hiya. Paano kung ang panget ko pala sa paningin niya ngayon? Ramdam ko ang maliliit na sugat sa katawan ko dahil sa pagwawala ko kagabi at sigurado akong mayroon din sa mukha ko. Tsk! Bakit bigla akong naconscious sa hitsura ko ngayon?

"Hey.. anong ginagawa mo?" sambit niya habang pilit na hinahatak ang kumot. Nainis ako. Ang sarap niyang sipain. Hindi ba niya naiintindihang nahihiya ako?

"First! Talk to me! —Hey.." pagpupumilit niya.

Mahigpit ko pa ring hawak ang kumot at napatingin ako sa suot ko. Nag-iba na! Putspa kaagad akong napabalikwas ng bangon at hinarap siya ulit.

"Sinong nagbihis sa akin??!!" nanlalaki ang mata ko at mabilis akong napatanong sa kanya. natanggal ko pa ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko.

Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at biglang namula.

Gustong ko ding pamulahan, halata namang siya ang nagbihis sa akin kagabi. Jusmeyo!

"Basang-basa ka k—kagabi at hindi n—naman pweding m—matulog ka ng basa k-kaya binihisan kita.. s—ssorry!" nauutal niyang paliwanag kaya mas lalo akong nahiya. Ibig sabihin nakita na niya ang — .. My god!

"But don't worry I close my eyes kaya baliktad ang suot mong damit." dagdag niya kaya napatingin ulit ako sa suot ko. Tama siya baliktad nga pero punyeta.. —wala akong panloob!

Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Putspa hindi naman ako nahiya noong si Clover ang kasama ko pero bakit kay Craig ay bigla na akong nahiya ngayon?

"Nagugutom ka na ba? Saglit ipaghahanda kita ng pagkain hintayin mo na lang ako dito." maya-maya ay mabilis niyang sambit na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong sumagot at basta na lang lumabas ng kwarto niya.

Halo-halo tuloy ang pumapasok sa isip ko ngayon. —hiya, inis at gutom.

Pero hindi pa rin nawawala ang hapdi ng puso ko.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto ni Craige. Bahagya na lang akong napapangiti dahil sa design ng kwarto niya. Bumabalik ang ala-ala ko noong nasa La Carlota pa kami kapag nakakakita ako ng mga paru-paro.

Tsk! Membro din ata ng pederasyon ni Clover itong si Craige. Kalalakeng tao butterfly ang design ng kwarto niya.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo niya. Napabuga na lang ako ng hangin ng makita ko ang hitsura ko.

Parang sinabunutan ako ng sampung bully.. —ayy wait lang! Ako pala ang bully dito. Tsk.

Inayos ko na ang sarili ko at sinuot ang damit ko kagabi na mukhang nalabhan na ni Craige dahil maayos na itong nakatupi sa tabi ng salamin.

Napabuntong hininga akong muli ng matignan ang sarili ko sa salamin. Ano ng gagawin ko ngayon? Hindi man lang pala ako tinuring ni Daddy na anak niya! Sa laki ng pagkakahawig naming dalawa bakit hindi niya maisip man lang iyon?

Muling nangilid ang luha ko at mabilis akong napatingala upang maiwasan ko lang na umiyak ulit. Binuhos ko na ang lahat ng sama ng loob ko kagabi at tama na iyon. Ayoko na ulit umiyak dahil wala din namang mangyayari kung iiyak pa ako. At hindi pa naman huli ang lahat diba? May magagawa pa ako para patunayang anak talaga ako ni Dad.

'Mom minahal naman kita hindi ba? Bakit ginawa mo sa akin ito?'

Napabalik ako sa sarili ng kumatok si Craige sa pintuan ng banyo. Ang tagal ko na atang nasa loob.

"First! Are you okay?" nag-aalalang tanong niya ng hindi kaagad ako umimik sa katok niya.

Malakas ulit akong napabuntong hininga. Tsk! Wala naman akong choice kundi pilitin ang sarili ko na maging okay. Hayst.

Binuksan ko na ang pinto at walang lingon na naglakad papunta sa pagkaing inihanda ni Craige. Nakakaramdam pa rin kasi ako ng hiya dahil sa hitsura ko at hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon.

"Kumain ka na!" malambing niyang sambit mula sa gilid ko. Mariin ko lang tinignan ang pagkain pero wala talaga doon ang isip ko. Ano kaya ang iniisip ni Craige tungkol sa hitsura ko ngayon? Tsk! Bakit ko ba pinoproblema ang tungkol doon? Paano kung mag-isip siyang baliw ako dahil sinaktan ko ang sarili ko?

"Say ahh!" sambit niya at di ko man lang napansing nakaupo na pala siya sa harap ko. Masyado talaga akong lutang ngayon dahil ultimo galaw niya ay hindi ko na napapansin.

Putspa naman! Ano bang nangyayari sa akin? Naalog ba ang utak ko kagabi at napasukan ng tubig ulan kaya lumutang? Kainis!

"Kumain ka na please!" mahinahong pakiusap niya habang nag-aantay na kainin ko ang sinusubo niyang pagkain sa akin. Hintayin ko kayang mangalay to? Hihi.

Hindi na din ako masyadong nagpa-arte at sinubo ko na. Gutom naman na din ako at nagpadagdag pa sa gutom ko ang amoy ng sinangag at beef stake.

Gusto kong itanong sa kanya kung anong oras na pero hindi ko na tinuloy dahil nakita ko na ang nakasabit niyang orasan na korteng paru-paro. Putspa itong taste ni Craige.

Alas 10 na pala ng umaga.

"Masarap?" Nakangiti niyang tanong. Kelan pa ba naging hindi masarap ang pagkain?

Tumango lang ako at napabuka ng bibig dahil sinubuan na naman niya ako. May kamay ako. Hindi pa naging imbalido pero masarap din talagang magpasubo. Hihi. Pasok pa ba ito sa tinatawag nilang bebetime?

Ngumunguya ako habang di ko napansing napatitig na pala ako sa kanya. Paano kaya kung malaman niya ang mga tinatago kong sekreto? Ganito pa kaya siya sa akin? Aalagaan pa kaya niya ako? Hindi niya ba ako lalayuan katulad ni Dad? At sa isiping iyon nakakaramdam na naman ako ng lungkot at lalo pang humapdi ang puso ko. Bakit ba kasi ako ganito? Bakit Mom?

"Are you okay?" nagtanong na naman si Craige. Okay pa ba talaga ako?

"I envy the dead!" mahina kong sambit sa kanya at napangiti na lang ng mapait. Ginusto kong mamatay na lang kagabi dahil sa hapdi ng puso ko. Kapag kasi talagang wala ka ng makakapitan nanaisin mo na lang ding bitawan ang buhay mo.

"First!" nag-aalala niyang sambit sa pangalan ko.

Di ko sinadyang napahawak na naman sa kwentas na binigay ni Clover. Ito na lang ang kinapitan ko kagabi upang di magpadala sa kagustuhan kong mamatay.

Bakit hindi ka dumating kagabi Clover?

At bakit ikaw ang inasahan kong magliligtas sa akin?

Napatingin ulit ako kay Craige at bigla akong nainis sa uri ng tingin niya sa akin.

"Don't look at me like that Craige." inis kong sabi sa kanya kaya napaayos siya ng tingin. "Ayokong tumitingin ka sa akin na parang kaawa-awa akong nilalang."

Tumango lang siya at hindi marahil alam kung anong sasabihin dahil napatungo siya at pinili na lang pagtuonan ng pansin ang pagkaing ilalagay niya sa kutsara at isusubo sa akin.

"Anong iniisip mo tungkol sa akin Craige? Alam kong nakita mo ang mga sugat ko sa katawan dahil —d—dahil ikaw ang nagbihis sa akin." bigla akong napaiwas ng tingin. Nakita na niya ang katawan ko kagabi at nahihiya ako doon. Tsk.

"I— I don't know! —." nauutal niyang tanong. "Ano bang nangyari, bakit ang daming sugat at galos sa katawan mo?" curious niyang tanong na sinisipat pa ang mga sugat ko sa katawan at maging sa mukha.

"I hurt myself." tahasan kong sagot sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.

Nanlaki ang mga mata niyang napatitig din sa mga mata ko at di makapaniwala sa narinig niya mula sa akin. Gusto kong malaman kong matatakot ba siya dahil sa sinabi kong ginawa ko sa sarili ko kahit hindi ko naman talaga sinadyang magkasugat ako dahil sa pagwawala ko.

"Natatakot ka na ba sa akin dahil ginagawa ko ito sa sarili ko?" napalunok ako bago muling nagsalita. "Lalayuan mo na din ba ako?" Katulad ni Dad?

Mariin lang siyang nakatingin sa akin at ilang segundo ding nag-isip bago umiling.

"I can't believe na ginagawa mo yan sa sarili mo First. Pero hindi kita lalayuan kung iyan ang iniisip mo." seryoso siyang napatingin sa akin. "Pero bakit? Ano bang problema mo? At yung kagabi? Bakit mo ba tinanong ng ganoon ang daddy mo?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong banggitin sa kanya ang puno't dulo ng ginawa ko kagabi dahil kahit ako hirap ko pang iproseso sa utak ko ang tunay kong pagkatao at kung bakit hindi ako tinuring na anak ni Dad.

"Wala. Kalimutan mo na lang yun." tipid kong sagot sa kanya.

"But your Dad was in the hospital First dahil sa nangyari kagabi."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit nasa ospital si Dad?

"Inatake siya sa puso kagabi matapos mong umalis. He called your name bago siya natumba." dagdag niya.

Napatayo ako ng wala sa oras. Bakit? Kasalanan ko na naman ba kaya siya na-ospital?

"Bring me to him Craige." taranta kong sabi sa kanya.

"Hey, relax. He's okay now.. Bago ako umalis sa ospital kagabi ay stable na ang lagay ng Dad mo."

"Kasalanan ko 'to! Please bring me to him Craige.. Please." naiiyak kong pakiusap sa kanya. Kahit naman malayo ang loob namin sa isa't isa ni Dad, ama ko pa rin naman siya..— kahit pa hindi niya ako tinuturing na anak.

Siya na lang ang natitira kong magulang— kahit hindi ko maramdamang mahal niya rin ako.

"Okay. Just relax first! He's fine now kaya huwag ka ng mag-alala."

Ilang sandali lang at lumabas na kami sa kwarto ni Craige. Napayuko pa ako ng madatnan namin ang magulang niya na nakaupo sa living room habang may pinag-uusapan.

"Dad, Mom. Punta lang po kami sa ospital." paalam ni Craige sa magulang niya. Ramdam ko ang titig nila kahit hindi ako tumitingin sa kanila. Napansin siguro ni Craige ang pagkakaasiwa ko kaya napahawak siya sa kamay ko.

Putspa namang lalake ito. Bakit may pahawak pang kamay at sa harap pa talaga ng magulang niya. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya.

Napatikhim ang ama niya kaya bigla akong napatingin sa gawi nito. Mataman lang itong napatingin sa amin ni Craige at maya-maya ay napatitig sa kamay naming magkahawak.

Binalak ko pang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Craige ngunit mahigpit niya lang itong hinahawakan. Tsk! Ano bang gusto niyang palabasin ngayon?

Napangiti ang Mom niya sa akin at kahit gustuhin ko mang suklian ang matamis niyang ngiti, nauwi lang iyon sa ngiting ngiwi.

Nag-iwas naman ng tingin ang ama ni Craige sa amin. Tumango muna ang ina ni Craige bago ako hatakin ni Craige palabas ng bahay nila.

Tahimik kaming dalawa habang lulan ng sasakyan niya. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita ulit si Craige.

"Don't try to hurt yourself again First."
seryoso niyang sambit habang nakatingin lang sa unahan. "And don't envy the dead." bumuntong hininga muna siya bago dagdagan ang sinasabi niya. "I can help you kung may problema ka First. I can carry your burden and I'm always here with you because— because I'm your bestfriend and YOUR MAN!"

Napabaling ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. 'Your man?' Hibang na ba siya? Naka-engage na siya sa iba tapos may pa—your man pa siyang nalalaman.

Bahagya siyang ngumiti sa akin ay napasimangot naman ako sa kanya. Balak niya pa ata akong gawing kabet!

"Tsk!" singhal ko.

Nawala naman ang ngiti niya.

"Hindi na—- naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang phone niya at napaismid na lang ako ng mabasa ang pangalan ng tumatawag sa kanya.

Himala is calling..


Tsk! Tinagalog pa niya.

Napatingin siya sa akin bago niya sinagot ang tawag nito.

"Miracle!" mahina niyang tawag dito. "Yeah, I'm with her."muli niyang sambit. Bakit? Tinatanong ba ako nito kay Craige? "Papunta na kami diyan! —yeah.. okay. Bye." huling sambit nito bago pinatay ang phone.

"Tsk!" singhal ko ulit sa kanya kahit wala pa siyang sinasabi. Halata naman kasing ako ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"She's worried about you First." sabi niya patungkol kay Miracle..

Napataas lang ako ng kilay sa kanya. Di ko naman kailangan iyon. Ano naman kung nag-aalala si Miracle sa akin? Baka nga kunwari lang niya iyon. Tuwang-tuwa siguro silang mag-ina kagabi dahil sa sinabi ni Dad. Tsk! Ako pa tuloy ang naging sampid sa pamilyang Villera.

Saklap..

Magsasalita pa sana siya ng tumunog ulit ang phone niya at ang impaktong si Clover ang tumatawag.

"Hey!" tamad na sambit ni Craige at napaikot pa ang mata nito habang wari'y nagsasalita si Clover sa kabilang linya. "She's with me!" sagot na naman nito. Ako na naman ata ang pinag-uusapan nila. "Tsk! Relax okay.. —bakit ka ba sumisigaw?! Fuck!— nagmura pa ito bago ko agawin ang phone sa kanya.

"I hate you!!" singhal ko kay Clover bago patayin ang phone ni Craige. Bigla akong nainis. Inasahan ko kasi talagang pupuntahan niya ako kagabi at kung bakit umasa ako ay hindi ko alam. Kingena! Kainis.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
20.1K 4.3K 98
First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the sec...
4M 170K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...