When She's The One (G×G)

由 trytobewithme

32.1K 423 23

WARNING ⚠️: MATURED CONTENT. 🔞 READ AT YOUR OWN RISK "Walang ano mang kasarian, sa dalawang taong nagmamahal... 更多

PROLOGUE
CHAPTER ONE:He Cheated on me
CHAPTER 2: Reseire?
CHAPTER 3:Cali...'Jade'
CHAPTER 4:Kently...
CHAPTER 6:Thank you, Reseire
CHAPTER 7: She's in Pain
CHAPTER 8: You're my First Kiss
CHAPTER 9: Pretend
CHAPTER 10:Why?
CHAPTER 11: She likes me?
CHAPTER 12:I love you
CHAPTER 13: Hurt
CHAPTER 15: I started to like...
CHAPTER 14: Feelings
CHAPTER 16: Same feelings?
CHAPTER 17: She loves me???
CHAPTER 18: I'll wait...
CHAPTER 19: Jade
CHAPTER 20: I really love you
CHAPTER 21:I Love You Too..
CHAPTER 22:I'm back...I'm Yours
CHAPTER 23: One Stick-O, One kiss in lips
CHAPTER 24: :Reseire Mendez, the wild one.

CHAPTER 5: I Chosen You

904 16 1
由 trytobewithme

Chapter 5: I Chosen You

Cali Jade P. O. V

Si Kently nga...

Nakikita ko ang mukha niya pero alam kong hindi niya ako napapansin dahil tutok na tutok siya sa kakapindot sa cellphone niya.

Anong ginagawa niya dito?

Sinong kikitain niya?

Bakit siya nandito?

Ano nga bang ginagawa niya dito? Napabuntong hininga naman ako. Umiwas ako ng tingin sa gawi niya. Hindi ko na dapat pinapakialam kung ano ang mga gagawin niya...

"W-Wala na akong pakeelam sa kanya." Sunod sunod ang pagbuntong hininga ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Nilingon kong muli ang gawi ni Kently. At sa puntong iyon may kasama na siya.

Si Adder...

Nanginig ang buong katawan ko. Totoo ba itong nakikita ko? Magkasama nga sila...

Pinigilan kong tumulo ang luha ko pero masyadong traydor ang mga luha ko dahil kusa itong pumatak. Naramdaman kong mas nilulusaw ang puso ko. Mas lalong kumikirot. Mas lalo akong nasasaktan.

Lalo niya lang p-pinatunayan na...nanloko siya...

Parang lalong dinudurog ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan at sampalin pero hindi ko magawa dahil masyadong nanginginig ang katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko papunta sa aking pisngi. 'Yung sakit lalong nadagdagan. 'Yung kirot lalong nabigyan ng dahilan para manatili sa puso ko.

Nagmahal ako pero bakit ganito ang kinalabasan? Sakit ang kabayaran. Wala naman akong kasalanan. Pero bakit kailangan kong lahat ito pagdaanan?

Sana'y hindi na lang kita nakilala Kently...

Ginawa ko naman ang lahat! Sumugal ako kahit alam kong may tayo at alam kong talo. Minahal kita. Pinaramdam ko 'yon. Pero bakit ganito ang sitwasyon? Bakit sakit ang ibinalik niya?

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana'y hindi na lang kita minahal kung sasaktan niya lang pala ako.

S-Sana pala ay h-hindi na lang ako nagmahal...

Patuloy parin sa pag-agos ang aking luha. Nanatiling nasa kanila ang paningin ko. At lalong sumakit noong makita kong nakangiti si Kently habang nakatingin kay Adder.

Nagawa niya pang ngumiti? H-Habang ako ay nasasaktan?

Ganoon ba ka walang kwenta ang nararamdaman ko para gawin niya saakin ito? Alam niyang nasasaktan ako pero bakit parang wala lang sa kanya?

Okay na ba siya? Kaya ganiyan siya kasaya? Paano ang nararamdaman ko? Paano ang panloloko niya? Paano niya pagbabayaran ang ginawa niya? Ganoon lang ba ako kadaling kalimutan? Ganoon ba ako kadaling balewalain?

Ganoon ba ako hindi ka importante sa kanya?

Ngiting hindi ko magawa na siyang ginagawa niya ngayon. Ngiting nakaguhit sa labi niya na animo'y wala siyang nasaktan na tao.

Minahal niya ba talaga ako?

Minahal lang ba niya ako?!

O...

Hindi...

Ayaw tumigil ng pag-agos ng luha ko. Kusang pumapatak. Kusang umiiyak ang mga mata ko. Ayaw mawala ng sakit. 'Yung kirot...lumalala.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag mong iyakan dahil hindi pa siya patay?" Isang pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita. Nagtaas ako ng tingin dito. Nakita ko ang mukha niya na kalmado at seryoso.

Pero yung luha ko ayaw tumigil sa pag-agos. "Jade." Banggit niya sa pangalan ko.  Nanginginig ang labi ko. Ang tuhod ko. Ang buong katawan ko. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Ayoko n-nito Reseire...

Hinila niya ang kamay ko at pinatayo ako kasabay ng pagyakap niya saakin. Lalong akong humagulgol sa pag-iyak. Niyakap ko siya pabalik. "A-Ang sakit sakit,Reseire." Nangangaralgal na ani ko. Wala na akong pakeelam kahit pa maraming tao dito sa restaurant na ito.

Basta ang alam ko...nasasaktan ako.

Humigpit ang yakap ko kay Reseire dahil ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Ito ang unang beses ko na nasaktan sa buong buhay ko. "G-Ginawa ko naman lahat,p-pero hindi pa ba 'yon s-sapat?" Naipikit ko ang mga mata ko. Yakap ko parin si Reseire. Gusto kong ilabas ang sakit na ito pero...paano?

Wala akong salita na narinig mula kay Reseire pero yakap yakap niya parin ako. Habol ko ang hininga ko. Mabigat ang bawat paglabas ng hangin na nagmumula sa bibig ko.

'Yung puso ko...sinasaksak ng paulit-ulit...

Hanggang sa kumalas si Reseire sa pagkakayakap saakin. Tinitigan niya ang mga mata ko. Ang mukha niya nananatiling kalmado. Seryoso.

Habang ako,basang basa na ang buong mukha dahil sa mga luha ko. Pero kahit ganoon ay nanatiling nakatingin sa akin si Reseire. Titig na titig. Seryoso ito.

R-Reseire...

"Huwag mong iyakan ang taong 'yon. Hindi siya karapat dapat para iyakan mo." Anito. Iniwas niya ang tingin niya saakin at luminga-linga sa paligid. "Nasaan sina Lezie?" Tanong nito bago muling tumingin sa akin.

Hindi ako sumagot. Nanginginig ang labi ko. Satwing susubukan kong ibuka ang bibig ko ay kusa din itong sumasara. "Jade." Ayon na naman ang pagtawag niya sa pangalawang pangalan ko.

"H-Hindi sila..." Suminghot ako. "...nakadating k-kasi may inasikaso s-sila." Ani ko at yumuko.

"Kaya ba ikaw lang nandito?" Tanong ni Reseire sa akin. Tumango ako at muling nag-taas ng tingin sa kanya. Muling nag-tama ang mga mata namin.

Ang s-sabi niya hindi siya makakasama saamin...p-pero anong ginagawa niya dito?

Bumuntong hininga ako. Malalim na buntong hininga. "Reseire---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinunasan niya ang luhang pumatak sa magkabilang pisngi ko gamit ang mga hinlalaki niya. Ang tingin niya ay nasa mga pisngi ko na pinupunasan niya.

"Huwag ka ng umiyak, Jade." Anito. Pero sa malambing na tinig. At muling tumingin sa mga mata ko. "Hindi masamang umiyak, pero ilugar mo ng hindi nila o niya makita na nanghihina ka." Binitawan niya ang mga pisngi ko. At muling tumingin sa gawi kung saan ako nakatingin kanina.

Pero nanatili akong nakatingin sa kanya. "A-Anong ginagawa mo dito?" Bigla iyong lumabas sa bibig ko. Hindi siya lumingon sa akin.

"Kakain." Iyon lang ang isinagot niya bago muling ibalik sa akin ang kaniyang mata. "Pero nawalan ako ng gana...noong makita kitang umiiyak." Aniya at may kinuhang panyo mula sa bulsa ng pantalon niya.

Nakaitim na naman siya na T-shirt at itim na pantalon. Paborito niya ba ang kulay itim?

"Oh." Inabot niya saakin at panyo. "Punasan mo 'yung ibang basa sa mukha mo." Aniya at tumalikod sa akin. "Aalis na ako." Pagpapaalam niya.

Nang akmang maglalakad siya ay nagsalita ako. "Sasama ako." Napalingon ito sa akin. Kunot noo at nagtataka.

"Sasama? Saakin?" Anito na nakataas ang isang kilay.

"O-Oo. K-kung pwede s-sana." Hindi siya sumagot. "M-Mag-isa kasi ako dito. Wala akong kasama. P-Pero kung ayaw mo at k-kung nakakaistorbo ako sayo ay ayos lang k-kung hindi ka p-papayag--" Muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Sige. Pero tahimik ang lugar ko." Sambit ni Reseire.

"Ayos lang. B-Basta malibang ako." Tumango siya at naunang naglakad. Sumunod ako sa kanya. Yumuko ako para hindi ako makita nina Kently at Adder. Pero nang makalabas kami ng Restaurant ay may humablot sa kamay ko.

"C-Cali." Iyon ang boses ng lalaking sinaktan ang buong ako. Napalingon ako sa kanya dahil sa pagkakahablot niya saakin. Nakita kong naglalakad palapit sa gawi namin si Adder.

"C-Can we talk." Anito. Ngumiti ako ng pilit kay Kently.

"Ano naman pag-uusapan n-natin? Wala akong p-panahon para kausapin ka." Sambit ko at inagaw ang braso ko na hinablot niya.

"P-Please. Ngayon mapapatunayan ko na ikaw talaga ang mahal ko." Anito at ngumiti sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan talaga ako? Mapapatunayan? Na mahal niya talaga ako?

"Jade." Nangibabaw ang boses ni Reseire na biglang sumulpot sa may likod ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Reseire..." Walang nagbago sa mukha nito. Laging kalmado. Nawala sa isip ko na sasama pala ako sa kanya dahil bigla nalang akong hinablot ni Kently.

"Cali. P-Please hayaan mo akong magpaliwanag. Hayaan mong patunayan na ikaw talaga ang mahal ko. Cali,ikaw ang mahal ko. Nakipag-usap ako kay Adder na tapusin ang affair namin dahil h-hindi ko kayang mawala ka. I-ikaw 'yung babaeng nagparamdam saakin nito. P-please..." Anito sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Kently na ngayon ay nasa likod na niya si Adder.

"That's true. He chosen you over me." Nandoon ang lungkot sa pagkakabigkas ni Adder na siyang nararamdaman ko. At umalis ito na kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

Dapat ba akong matuwa? Dahil sa ako ang pinili ni Kently?

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Anong sasabihin ko? Anong dapat gawin ko.

"I really love you, Cali. P-Please comeback to me." Kinuha niya ang magkabilang kamay ko at hinawakan iyon. "Magsimula ulit tayo. Umpisahan natin. Itatama ko ang mga pagkakamali ko. Handa kong patunayan na magiging worth it na kapag binalikan mo ako. Please Cali..." Bumuntong hininga ako.

K-Kently...

"Alam kong mahal mo parin ako, Cali. Dahil nararamdaman ko 'yon. Please...tayo na lang ulit." Dagdag niya.

Napatingin ako kay Reseire. Deretso itong nakatingin kay Kently. Walang emosyon. Tila may sinusuri at tila may iniisip.

Bumalik ang tingin ko kay Kently. Mahal kita Kently...

"Kung mahal mo siya bakit hindi mo naisip 'yung salitang 'yon noong nanloloko ka?" Biglang nagsalita si Reseire. Kaya naman napatingin si Kently dito at maski ako ay lumingon sa kanya. 

Hindi sumagot si Kently bagkus tinitigan lang si Reseire. "Bakit hindi ka sumagot?" Tanong muli nito kay Kently.

"S-Sino ka ba?" Balik na tanong ni Kently.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang tanong ko ang sagutin mo." Seryoso ang pananalita nito. Tinig na masasabi kong nakakatakot pero hindi iyon halata dahil sa amo ng mukha nito.

"H-Hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga ay itatama ko na ang mga mali ko." Sambit ni Kently.

"Hmm. Walang kwenta ang dahilan mo...kagaya mo." Nakita ko kung paano gumuhit ang ngisi sa labi nito.

"W-What?" Kunot noong tanong ni Kently.

"Hindi mo maintindihan? Ang sabi ko walang kwenta ang dahilan mo...kagaya mo. Meaning...wala kang kwenta." Ani ni Reseire at nag-cross arms. "Ang totoong pagmamahal hindi naghahanap ng iba kapag nagsawa na. Ang totoong pagmamahal hindi magagawang manloko lalo na kapag mahal talaga nila ang tao. Ang totoong pagmamahal handang maghintay. Ang totoong pagmamahal hindi makakahanap ng dahilan para gumawa ng kasalanan..." Seryosong ani ni Reseire.

"Reseire..." Tumingin ito sa akin.

"Bakit?" Aniya.

"A-Ako na ang kakausap sa kanya." Ani ko. "Hintayin mo na lang ako doon." Dagdag ko. Hindi ito sumagot at basta na lang kaming inawang dalawa ni Kently. Tumingin ako kay Kently.

"Cali..."

"Itigil mo ang affair mo kay Adder?" Ani ko. Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Oo dahil mas pinili kita. So please, tayo na lang ulit Cali."

"A-Akala mo ba ganoon kadali ang gusto mong mangyare? Kently sobrang s-sakit ng ginawa mo. Akala mo ba mawawala na lang 'yon ng ganoon kadali? Magbalikan? Tayo? Sa tingin mo ba kapag naging tayo ay magiging masaya ako?! Tumatak na sa isip ko ang pagkakamaling ginawa mo at hindi na 'yon mabubura sa nakaraan ko! Oo nga't mahal pa kita pero ayoko na! Ayoko ng bumalik sayo!"...

"C-Cali..."

"Hindi." Umiling ako at binawi ang kamay ko na hawak niya. "Nagkamali ka at nasaktan ako doon. H-Hindi porket tinigil niyo ang affair niyo ay magiging madali na ang lahat! H-Hindi ka man lang naawa saakin! At pati kay Adder?! Ginamit mo 'yung tao! Ano kang klase kang lalaki?! Hindi lang ako ang nasaktan sa ginawa mo! Si Adder din. Oo galit ako sa inyong dalawa! Pero Kently,katawan na 'yung nakuha mo kay Adder! Hindi ka man lang naawa!" Nakita ko kung paano mapawi ang ngiti sa labi niya.

"P-Please Cali..."

"I'm sorry! Pero hinding hindi na ako babalik sayo! Gusto kong pagsisihan mo na sinaktan at niloko mo ako!"

"Huwag naman ganito,Cali."

"Hindi Kently. Mas mahihirapan ako kung makikipagbalikan ako sayo. Dahil balik-baliktarin man natin ang mundo, hinding hindi na mabubura no'n ang panlolokong ginawa mo." Umatras ako ng bahagya. "W-We're done." Tumalikod ako sa kanya. "I love you, Kently but...goodbye." Tumakbo ako palayo sa kanya.

Muling tumulo ang luha ko sa bawat paghakbang ko palayo sa taong mahal ko pero kailangan kong kalimutan dahil ayoko ng masaktan uli na siya ang dahilan.

Nakita ko ang babaeng nakasandal sa may poste habang tinitigan ang mga sasakyan na nagsisidaanan.

"R-Reseire..." Lumingon ito sa akin.

Wala akong mabasa sa emosyon niya sa kanyang mukha. Nanatiling kalmado at seryoso. Deretso ang titig nito sa akin. Hindi niya iniiwas ang tingin niya saakin. Pero bakit natatakot ako ng ganito? Bakit kailangan kong maramdaman iyon.

Bumuka ang bibig niya at nagsalita. "Umuwi kana." Iyon lang ang sinabi niya.

Reseire?

To be Continued....

A/N: Sorry for typos! Vote!

继续阅读

You'll Also Like

29.1K 264 13
may posibilidad ba na ang babae ay ma iinlab sa kapwa babae ? sabay sabay nating tunghayan ang love story ni athena at jessica. --- hi guix! this is...
119K 4.4K 36
love at first sight? one night stand? surprises ,karera at pagmamahalan. ito ang inyong matutunghayan sa kwentong ito. sana magustuhan nyo po ito :)
36.3K 1.4K 29
Nepthys Malforie Zamora doesn't believe in love, when people asked her what is the purpose of life she always have the imagery of money. But when she...
47.3K 1.2K 25
Isang Private Detective si Luna George, na masaya sa serbisyo niya. Araw-araw na buhay na niya ang maka encounter ng kahit anong kaso na illegal lalo...