NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETE...

By MaidenDione

20.9K 612 103

NAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tin... More

Prologue
Typical Day
Full Moon
Chydaeus
Dicio
Not A Typical Day
Geminus
Fear
Ability
I Look At You
Build?
New Dorm
Lessons
Light Enchantress
Diwata?
Mission
Preparation
Crustallus
Viceroy
Wait For Me
Island of Syreni
Underwater
The Villain's Progeny
Assumptions
Perfect Night
Memory
Fake
Anger, Pain, and Discourage
Cresent Night
Traitor
Sorrow
War
The Truth
Back Story
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chydaeus Attack

440 14 11
By MaidenDione

Chapter 29

Friella's POV

Nakatingin ako ngayon kay Markell, na ngayon ay nakatingin kay Diana.

Hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ako. Na mapapamahal ako sa kanya, kahit may mahal siyang iba.

Alam ko nung una na hindi niya ako mapapansin, kasi kahit ako noong una ay walang pakialam sa kaniya.

He loves my bestfriend, I know that, pero nahulog pa rin ako.

Kasi ba lagi kaming magkasama?

Nakakainis lang, ako yung nandiyan kapag nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil sa ibang tao, habang ako ay nasasaktan dahil nasasaktan siya.

"Ang sakit Friella. Bakit umaasa pa rin ako kahit alam kong iba ang gusto niya?"

Ako ang nakikinig sa mga pagiyak niya, sa mga rants niya.

"Susugal pa rin ako. Kahit walang pag-asa ay susugal pa rin ako, para kay Diana.."

Sana ako na lang si Diana. Sana ako nalang ang mahal niya. Sana ako nalang ang mahal ni Markell.

Hindi ko rin naman magawang magalit kay Diana dahil hindi niya kasalanan 'yon. Kasalanan 'to ng mga lintek na puso namin. Bigla na lamang nahuhulog sa maling tao.

I even saw them kissed. Nakita ko sila na naging dahilan ng pagguho ng mundo ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Kitang kita ang kalungkutan sa mga mata ni Markell. Kalungkutan na makita ang mahal niya na may kasamang iba.

Linapitan ko ito at kinalabit. Lumingon ito sa akin at hindi pa rin nawawala ang sakit sa mga mata nito.

"Okay ka lang?", naninikip na ang dibdib ko.

Ngumiti ito pero halatang peke iyon, "Ayos lang. Bakit mo natanong?"

"Kanina ka pa kasi nakatitig kay Diana."

Napayuko ito at napakagat ng labi. Maya maya ay nagangat ito ng ulo para tumingin sa akin, ngumiti ito.

"Let's dance?"

Natigilan ako sa sinabi nito. "A-ano?"

Napatawa ito nang mahina, "Sayaw tayo."

Hindi na niya ako inantay na makasagot. Hinatak niya agad ang kamay ko at pumunta sa sayawan. Nanigas ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko.

"Hey Friella. Ayos ka lang?"

Bumalik ako sa wisyo nang magsalita ito. Kukunin ko sana ang kamay ko nang hinigpitan niya ito. Kunot noo akong napatingin sa kanya.

"Sasayaw tayo diba?", saad nito at ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko namang hinawakan nito ang beywang ko at ang isang kamay niya ay sa isang kamay ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sumabay lang kami sa ritmo ng musika. Sana hindi na matapos ang gabing 'to.

Napayuko at napangiti. Ramdam ko ang pamumula ko. Sana laging ganito. Inangat ko ang ulo ko para magsalita.

"Markell--"

Napatigil ako nang makita ang mga mata nito. Nasaktan ako nang mapagtanto kung saan ito nakatingin. Unti unting nawala ang ngiti ko. Ako ang kasama niya, ako ang kasayaw niya, pero ang mata at isip niya at na kay Diana.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya kaya nagulat ito. Pilit ko siyang nginitian.

"Mamaya na lang siguro. Nakakangalay pala.", saad ko at nagtungo sa kinauupuan ko kanina.

Nanood lang ako ng mga nagsasayawan. Masaya ang lahat ng nandito. Sana ako rin masaya.

Napansin ko ang gawi ni Diana at Caiele. Parang nagulat ang ekpresyon ni Diana habang si Caiele at nagtaka. Kumunot ang noo ko. May sinasabi si Diana pero hindi ko iyon marinig.

Nabigla na lamang ako nang tumakbo si Diana palabas ng palasyo. Si Caiele ay nagulat pero nakita ko na lamang itong pinuntahan ng nagkukuyaring prinsesa. Wala naman itong nagawa dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao.

Napansin ko naman ang pagsunod ni Markell kay Diana. Napatayo ako at sumunod na rin sa dalawa. Bakit ba lumabas si Diana?

Nang makalabas ako ay nakita ko ang dalawang naguusap. Binilisan ko na lamang ang pagtakbo para maabutan ang dalawa. Nang makalapit ako sa mga ito ay napatingin sila sa akin na hinihingal. Ang hirap tumakbo nang naka heels.

"B-bakit kayo l-lumabas?", hinihingal na tanong ko.

"Ang chydaeus.."

Natigilan ako sa sinabi ni Diana. Napaangat ang tingin ko dito. Anong meron sa chydaeus?

"B-bakit? A-anong me'ron sa chydaeus?", kabado kong tanong.

"Inatake sila. Walang mga kawal ang maaaring magprotekta sa kanila."

Nanghina ako sa sagot nito, "Si Mama? Nandoon si Mama!", naiiyak na saad ko.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at tumakbo na patungong chydaeus. Tinaggal na namin ni Diana ang suot naming heels para makatakbo. Ilang oras rin ang tinagal ng takbo namin dahil walang kalesa na maaaring sakyan. Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil iisa lang ang nasa isip ko, si Mama.

Nang makarating kami ay nanlumo ako sa nakita.

Sobrang dami ng mga fuscus sa paligid. Pinapatay nila lahat ng tao. Sinusunog din ng mga ito ang mga kabahayan.

Nilingon ko ang dalawa na ngayon ay natigilan din sa kinatatayuan.

"D-diana.. Si Mama.", naiiyak na ako.

Nagsimula na kaming tumakbo patungo sa bahay namin. May humaharang na mga fuscus sa amin pero nilalabanan namin ito gamit ang mga build namin habang si Diana ay ginamit ang sandatang pinalabas niya.

Nang makarating kami sa bahay ay pumasok agad kami sa loob. Muntikan na akong mapaluhod nang makita ang isang bagay na kinakatakutan ko.

Hawak ng isang fuscus si Mama sa leeg. Kinakapos na ng hininga si Mama. Napatingin sa amin ang fuscus at ngumisi.

"Bitawan mo siya!", nanginginig na ang tuhod ko. Mabuti na lamang hinawakan ako ni Markell kung hindi kanina pa ako natumba.

"Bakit? Nanay mo ba 'to?", tumawa ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ni Mama.

Bigla na lamang pinalipad ni Diana ang sandatang hawak niya patungo sa kamay ng fuscus. Nahiwa iyon at naputol kaya napabitaw ang fuscus sa pagkakahawak kay Mama. Akmang lalapitan ko si Mama nang hinawakan ito muli ng fuscus gamit ang isa pang kamay. Napasigaw ako nang maglaho sila.

Lumabas kami ng bahay at hinanap kung saan sila nagpunta. Naiiyak na ako, baka kung anong mangyari kay Mama.

"Friella, mahahanap din natin sila.", yumakap sa akin si Diana.

"B-baka kung anong mangyari kay Mama.", nahihirapan na akong huminga dahil sa pag-iyak ko.

Nagpatuloy kami sa paghahanap. Pinagmasdan ko ang buong bayan. Sira sira at nasusunog na lahat ng bahay. Maraming mga bangkay sa daanan. Walang wala na ang chydaeus. Ang bayan na kinalakihan ko.

Nagulat na lamang kami nang biglang sumulpot ang mga fuscus sa harapan namin. Marami na sila at nasa gitna si Mama at hawak siya ng fuscus kanina.

"Friella, anak tumakas na kayo.", nanghihinang saad.

Umiling ako habang may mga luhang tumutulo sa mata ko, "Hindi Ma. Hindi kita iiwan dito."

Pilit nitong ngumiti, "Iligtas niyo ang sarili niyo.", tumingin ito kay Diana, "Diana iha, umalis na kayo."

"Tita...", naiiyak na sambit ni Diana.

"Tama na ang drama! Sugod!"

Pagkasigaw ng fuscus ay umatake ang mga iba pang fuscus. Ginamit ni Diana ang sandata niya para hiwain ang mga ito sa noo. Si Markell ay gumawa ng mga patalim na gawa sa lava at itinapon sa mga fuscus. Pinainit ko ang ulo ng mga fuscus para sumabog ang mga iyon.

Naubos ang mga fuscus na nakalaban namin at tanging natira ay ang may hawak kay Mama. Nagulat ito pero bigla na lamang itong humalakhak.

"Magagaling kayo mga bata. Pero may magagawa pa ba kayo 'pag napatay ko na matandang 'to?", saad nito at pinalutang si Mama bago ito magpalabas ng kutsilyo at hiniwa sa leeg si Mama.

Nanigas at natulala ako sa nangyari. Tila namanhid ang buo kong katawan sa nasaksihan ko. Pinatay niya si Mama... patay na si Mama...

Bumagsak si Mama sa sahig. Unti unti akong lumakad palapit kay Mama. Napaluhod ako nang makalapit ako dito.

"Ma..."

Napahawak ako sa leeg niyang punong puno na ng dugo. Napapikit ako.

"Ma.. huwag mo kong iiwan please..."

Napayakap na ako sa kanya. Humahagulgol na rin ako sa. Hindi ko na kinaya ang sakit.

"Ma bangon ka na.."

Naramdaman kong may lumapit sa akin mula sa likuran. Nilingon ko ito at nakita si Markell. Lumuhod ito at hinawakan ang kamay ko.

Narinig ko ang paghalakhak ng fuscus mula sa itaas. Nakita ko itong bumaba at umapak sa lupa. Abot langit ang ngiti ng hayop na 'to.

"Kamusta mawalan ng ina?", nakangising tanong nito pagkatapos ay tumawa.

Magsasalita sana ako nang makaramdam ako ng pwersa mula sa likod ko. Napalingon kami ni Markell sa likod at nagulat sa nakita.

Anong nangyari kay Diana?

*****

Victoria's POV

"Bakit umalis sila Diana?", tanong ni Nikole.

"Masama ang kutob ko.", paniguradong hindi basta basta ang dahilan non.

"We need to follow them.", suhestiyon ni Ethan.

"How? Bantay sarado tayo ni Thylane."

Napatingin ako kay Thylane dahil sa sinabi ni Eros. Nakadikit ito kay Caiele at tila ayaw pakawalan. Paniguradong magagalit ang mga tao kung iiwan namin si Thylane.

Napansin namin ang paglapit ni Charlene kaya inayos namin ang aming mga sarili. Lumapit sa amin ito na may malawak na ngiti.

"Enjoy na enjoy ko ang Cresent Night.", natutuwang saad nito. Tumango lang kami at nginitian ito.

"Mas maganda ang Cresent Night ngayon kaysa sa mga nakaraang taon 'no? Lalo na at nahanap na rin ang prinsesa.", dugtong nito.

Nagkatininginan kami. Kailangan na namin makaalis dito.

"Ethan, usap tayo.", lingon ko kay Ethan nang may maisip ako.

Kunot noo itong tumingin sa akin at kalauna'y ngumisi.

"Huwag kang magisip ng kung ano ano diyan. Follow me.", saad ko dito at hinatak palabas.

Nang makalabas kami ay binitawan ko na ito at hinarap. Sobrang lawak naman ng pagkakangiti nito.

"Do you wanna do something private? Hmm?"

Hinampas ko ito, "Sundan na natin si Diana."

Napakamot ito ng batok, "Paano tayo makakaalis?"

Sinabi ko kay Ethan ang plano. Nang mapagusapan na namin ay pumasok na kami sa loob. Isa isa kong pinuntahan si Nikole at si Rhaine para kausapin. Si Ethan naman ay kay Eros at Caiele.

Maya maya ay nagpunta na si Nikole sa harapan. Pumalakpak ito kaya nakuha nito ang atensyon ng mga tao.

"Good evening to each and everyone. Are you guys enjoying the event?", naghiyawan naman ang mga tao.

"That's good. So now, we're now at the climax of the event. Each and everyone will have a opportunity to meet and talk with the Princess of Arbelya!"

Napasigaw ang lahat. Napatingin ako kay Thylane na tila nagtataka. Linapitan ko ito at nginitian.

"It's your responsibilty to communicate with you people, Thylane. Kinakabahan ka ba?", saad ko.

"Ako? Kinakabahan? Ofcourse not. Nagtataka lang ako. That's unexpected.", maarteng saad nito.

Lihim akong napangiwi. Pumunta naman ito sa harapan at umalis na si Nikole doon. Isa isa pumunta ang mga tao kay Thylane pero hindi maiwasang magkagulo.

"Nagkakagulo doon. Baka mairita si Thylane.", patay malisya kong saad.

"Charlene, why don't you help her?", biglang saad ni Nikole kay Charlene.

"Why me?"

"Ikaw ang pinakaclose sa kanya.", sagot ko.

Napanguso ito at tumingin kay Caiele. Halatang ayaw nito umalis sa tabi ni Caiele na parang linta. Wala itong nagawa at lumapit sa kinaroroonan ni Thylane.

Nang matakpan na ng mga tao si Thylane at Charlene ay iyon ang hudyat para lumabas na kami ng palasyo. Magulo na ang Cresent Night dahil sa plano namin pero hindi namin inisip iyon.

Nagpunta kami sa lugar kung saan naroroon ang mga kabayo sa mga kalesa. Kumuha agad ang mga lalaki ng tagiisang kabayo.

Hinatak agad ako ni Ethan at inalalayan sa pagsakay ng kabayo. Pagkasakay ko ay sumakay na rin siya. Si Eros at Nikole ay magkasama sa iisang kabayo. Natira naman si Caiele at Rhaine.

"Kayo na magsabay Caiele.", saad ni Eros.

"Huwag na kayo maarte.", dugtong ni Nikole.

Inalalayan na lamang ni Caiele si Rhaine na sumakay at agad agad namang sumakay si Caiele. Lumingon namin ito sa amin.

"Chydaeus.", saad nito at pinatakbo ang kabayo.

"Hold tight. Dapat sa'kin ka lang mahulog.", biglang saad ni Ethan. Naramadaman ko ang pagpula ng pisngi ko.

"B-bilisan mo na."

Napatawa ito. Agad naman nitong pinatakbo ang kabayo.

Nakarating kami sa chydaeus at nanlaki ang mata ko sa nakita. Nagkagulo gulo na ang lahat ng tao at nasusunog ang mga kabahayan. Nangyari nga ang sinabi ni Diana.

"O my goodness.", saad ni Rhaine.

Pinasok namin ang chydaeus at mas nanlumo ako sa mga nakita ko. Dead people are everywhere. Wala na ang matiwasay at payapang chydaeus.

May mga nakakasalubong kaming fuscus pero napapatay naman namin ito. Kailangan naming mahanap sila Diana.

Napatigil kami nang makita ang tatlong pamilyar na tao. Lumapit kami at nakita si Diana na tila nanigas sa kinatatayuan. Tinignan ko ang tinititigan nito ay nagulat ako sa nakita.

Yakap yakap ni Friella ang si Manang Fransica na ngayon ay wala nang buhay at puno ng dugo ang leeg. Katabi rin nito si Markell at hawak hawak ang kamay ng humahagulgol na Friella.

"No..", bumaba na kami sa mga kabayo. Hindi maaari 'to.

Narinig namin ang paghalakhak ng fuscus na pumatay kay Manang Fransica. Akmang susugod sana ako nang magsalita si Rhaine.

"S-si Diana."

Napalingon kaming lahat kay Diana na ngayon ay nanlilisik ang mga mata. Nakakuyom ang kamao at matalim na nakatitig sa fuscus. Napansin ko ang pagdami ng fuscus sa paligid.

"Ha! Nagagalit ka bata?", sigaw ng fuscus kay Diana nang mapansin ito.

"Damn.. you!"

Nagulat kami nang itaas ni Diana ang kamay at umangat ang fuscus. Para niya itong sinasakal kahit magkalayo sila. Pero ang pinaka napansin ko, ay ang pagputi ng mata ni Diana.

Itinaas ito ni Diana hanggang sa hindi na namin ito magawang makita. Susugod sana ang iba pang fuscus pero napaluhod ang mga ito.

Biglang pwersahang ibinaba ni Diana ang kamay niya kasabay ng pagbagsak ng fuscus ay bumagsak ito sa lupa. Nagkatalsikan ang mga parte ng katawan nito dahil sa pagbagsak. Nabigla ako sa ginawa ni Diana.

Ang mga fuscus ay nakaluhod ngayon at hindi makagalaw. Itinaas ni Diana ang dalawang kamay ay nagulat ako sa nasaksihan.

Ang ibang fuscus ay nagaapoy at nasusunog. Ang iba ay nayuyuyot dahil parang naubusan ng tubig sa katawan. May mga kinakapos ng hininga dahil nawalan ng hangin. Ang iba naman ay may lumalabas na mga halaman sa mga butas ng katawan.

"That's Prince Liam's...", mahinang sambit ni Rhaine.

Si Prince Liam lang ang may build na ganiyan kalakas. Siya lang ay may kakayahang gumawa niyan. Paano ito nagagawa ni Diana?

"So she's..", hindi na natuloy ni Ethan ang sasabihin pero alam na namin iyon.

She's the nameless princess...

*****

Maikli 'no guys? Malapit nang matapos ang NAMELESS kaya thank you sa lahat ng nagbasa. Special mention kay Luxuminousity_13 at MineCrain. Eto na inaantay niyong update HAHAHAH

HAPPY 300 reads. (Ket wala pa, advance lang HAHAHHA)

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 71K 55
PLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Categor...
2.1M 82.2K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
253K 2.5K 39
⚠⚠short story⚠⚠ Can you be attracted to someone who'll bring chaos in your life? ××UNEDITED×× ××COMPLETED××
3.9M 138K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...