When the Falls, Fell Into My...

By Pormecaso26

1.9K 383 23

Former Title : Happy Never After Completed | Rivervalde Series 1 Arturo Fernandez is a gentleman R2F fighter... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28

CHAPTER 14

34 5 1
By Pormecaso26

"Papa, can we visit Costa Mesa?" lakas loob kong tanong kay papa.

Ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya at tumingin sa akin, "Ano naman ang naisipan mo at pupunta ka roon? Isa pa ay marami akong ginagawa," paliwanag niya.

"Papasyal lang, nabalitaan kong maganda ang islanng Costa Mesa," paliwanag ko.

"Kung gusto mong magbakasyon isama mo si Clara at ang mga kaibigan mo," utos niya sa akin. "Wala naman ng paki ang mama mo, kaya hayaan mo nalang siya. Basta huwag kang gagawa ng ikasisira ng pangalan ng pamilya natin," dagdag niya pa.

Lihim naman akong napangiti, lumundag-lundag ako sa kama ko nang makabalik ako sa kwarto ko. Costa Mesa, ang lugar kung saan talaga nakatira si Arturo.

Sinabihan ko na si Aling Clara kaya naman nag-impake na siya. Ipinagamit sa amin ni papa ang yate kaya naman wala na kaming gagastusin sa pamasahe. Tinext ko na rin sila Chesca, sinabi ko sa kanila na sa daungan na lamang kami magkita-kita.

"Klare, isama mo si Arturo. Maraming alam na lugar si Arturo doon dahil taga-Costa Mesa siya," paliwanag ni papa. Mas lalong nagdiwang ang puso ko dahil sa sinabi ni papa.

Nang makarating kami nila Arturo at Aling Clara sa daungan ay naroon na sil Chesca, Mike, Randy, Loreen, at Trixie. Nang makalapit sila sa akin ay niyakap agad nila ako.

"Omg! Totoo ba ito? Pumayag ang papa mo? What about your mom?" tanong ni Chesca at umiling naman ako.

"Wala namang pakielam 'yon eh. Kaya enjoyin natin ang kalayaan na ibinigay sa akin ni papa!" masayang sabi ko.

Sumakay na kami sa yate at pansin ko parin ang pagiging tahimik ni Arturo. Nang wala namang nakakapansin sa amin ay nilapitan ko siya.

Malayo ang tanaw niya niya at hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Kung minsan, napaka-misteryoso niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at nilingon niya ako.

"Oo naman. Ikaw ba? Mabuti naman at pumayag si Don Emmanuel," pilit na ngiting sabi niya. Pakiramdam ko ay may mali.

"Are you sure? Okay ka lang?" tanong ko at muli siyang tumango.

"Don't worry about me, I'm fine. Just enjoy this trip, okay?" sabi niya at masaya naman akong tumango. Enjoy talaga, lalo pa't kasama ko siya ngayon.

Naputol lang ang pag-uusap namin dahil tinawag ako nila Chesca. Mag-picture daw kaming anim. Dala niya ang camera niya at tuwang-tuwa naman kami dahil minsan lang kami magkakasama.

"Omg, na-miss ka talaga namin! Mabuti pumayag ang papa mo. Ano namang say ng mama mo?" tanong ni Loreen.

"Wala naman, wala na rin naman kasing pakialam sa sasabihin ni mama. Isa pa pumayag si papa dahil may gulo rin sa pamilya. Mabuti na rin para makahinga ako," paliwanag ko at niyakap nila ako.

"Kung may problema ka, narito lang kami palagi. Pwede mo kaming i-text kung hindi mo kami kasama," paliwanag ni Trixie.

Habang nag-uusap ay naligaw ang tingin ko kay Arturo. Nakapatong ang dalawang braso niya sa lifeline, nakatanaw sa dagat. Ang ganda talaga ng katawan niya, lumilitaw ang ganda ng katawan niya lalo na ngayong nakasuot lang siya ng fitted sando.

"Hoy! Nakatulala kana," pagsita sa akin ni Randy. "Type mo?" tanong niya pa.

Hindi ko parin malimutan ang ginawa niyang pag-amin sa akin. Lalo na yung ginawa naming paghalik sa isa't isa. "Oo?" tanong naman ni Mike. "Hindi ka makasagot eh," dagdag niya pa at natawa naman sila Chesca. Tawa ng nang-aasar.

"Pero baka magalit sila mama at papa," sagot ko.

"Kung mahal mo talaga, ipaglaban mo." simpleng sabi ni Loreen. Madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Mahal ko rin sila papa, magulang ko sila. Ngunit mahal ko rin si Arturo.

Umiling-iling nalang ako nang mapunta sa amin ang atensyon ni Arturo. Nagtama ang paningin namin, nang mapansin niya ang mapanudyong asar nila Chesca sa akin ay umiwas siya ng tingin.

"Nako, puntahan mo na nga ulit!" nang-aasar na sabi ni Randy.

"Oo nga, mukhang nangungulila na agad eh," sabi naman ni Trixie.

Umiling nalang ako at hindi na nag-dalawang isip pa. Tumayo na ako at muling tumabi kay Arturo. "Seems like you're having a great time with those boys?" sarkastikong tanong niya.

Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa inaasta niya, "Cute mo pala magselos," asar ko sa kan'ya at umismid siya.

"Tss. I'm not jealous. Bakit? Kaya ba nila makipag-sparring?" taas kilay niyang tanong sa akin.

Nakangiti parin ako ng hawakan ko ang kamay niya nang marahan, "Wala ka naman dapat ikaselos. They are just my friends," sabi ko at tumango na lamang siya at hinawakan pabalik ang kamay ko.

"Make sure of that," mahinang sabi niya at muling tumanaw sa dagat. "I am territorial, Klare. I won't let anybody have you except for me," dagdag niya at napalunok naman ako.

Parang nangangarera nanaman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ito pala ang epekto ng sinasabi nilang pag-ibig, nakakabaliw.

Sabay naming pinanood ang alon ng dagat, nang magdesisyon kaming manghuli ng isda. Tamang tama rin dahil mayroong fishing rod sa yate.

Ang mga boys na sila Arturo, Mike, at Randy ang nanghuhuli ng mga isda. Habang kaming mga babae ay naghahanda ng mesa at lulutuan mamaya.

"Nabalitaan pala namin yung nangyari sa ex-fiance mo," paninimula ni Loreen.

"Loreen!" sita ni Chesca kay Loreen at napahawak naman sa bibig si Loreen.

"It's okay, and it's the truth. Totoong hinuli siya ng mga pulis dahil siya ang itinuturong may kinalaman sa pagpatay doon sa dalagang dayuhan sa Rivervalde," paliwanag ko.

Sana lang ay huwag na siyang makalaya pa. Isa siyang murderer, kaya naman pala ganoon nalang siya magbanta sa akin at kay Arturo, isa pala siyang murderer.

Bigla tuloy akong natakot dahil sa sinabi noon ni Gabriel na pwedeng hindi ko na makita pa si Arturo, acting lang pala lahat ng pagiging weak shit siya.

Umiling nalang ako at tumigil sa pag-ooverthink. Nang matapos sila Arturo sa pangingisda ay mayroon silang limang bangus na nahuli.

Marunong sa pagluluto si Arturo, siya ang nagtimpla ng mga bangus bago isalang sa ihawan. Siya rin ang nagluluto ngayon ng sinigang sa miso para may mainit na sabaw mamaya. Kami nila Chesca ang naghihihaw, yung mga lalaki naman ay nakaupo lang habang umiinom ng beer.

Madali rin naka-close ni Arturo ang mga kaibigan kong lalaki dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan.

"Chesca dito na muna kayo ha, tatawagin ko lang si Aling Clara," paalam ko at tumango naman sila.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kwarto niya ay may humigit sa aking braso. Nagulat ako sa pangyayaring iyon ngunit nang harapin ko kung sino iyon....

"Arturo," bulong ko at ngumiti siya sa akin. Ilang bote palang ng beer ang naiinom niya ngunit ito ang mga mata niya, namumungay na.

"Where are you going?" tanong niya sa akin. Amoy ko sa hininga niya ang beer na ininom niya. "Sorry for my breath, marami akong nainom," dagdag niya pa. Napalunok ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"P-Pupuntahan ko lang sana si Aling Clara para tawagin dahil kakain na," paliwanag ko at hindi nawala ang kan'yang pag-ngiti.

"I hate it, Klare," namamalat ang boses niya and I find it sexy for him.

"What?" tanong ko.

"I hate not seeing you even for a seconds," sabi niya at napalunok naman ako. Nang ipikit niya ang mga mata niya ay sakto namang lumabas ang liwanag mula sa kwarto ni Aling Clara.

Agad na umaayos ng tayo si Arturo at ganoon din ako, nagtataka namang tumingin si Aling Clara sa aming dalawa ni Arturo.

"A-Ah susunduin po sana namin kayo, kakain na po kasi," sabi ko at tumango naman siya sa amin.

"Siya sige, susunod na ako," seryosong sabi ni Aling Clara.

Nauna kami ni Arturo umakyat sa taas at naroon ang mapanudyong tingin ng mga kaibigan ko sa aming dalawa ni Arturo.

Hindi naman makatingin nang deretso si Arturo sa kanila kaya naupo siya sa kinauupuan niya kanina. Hindi na siya uminom pa dahil hinihintay niya nang maluto ang mga isda.

Matapos maluto ay naupo na kami sa kan'ya kan'ya naming pwesto. Nasa pagitan ako nila Aling Clara at Arturo.

Sarap na sarap kami sa bangus dahil masarap ang pagkakatimpla ni Arturo, masarap talagang ang bangus sa ihaw. Nakailang mangkok din ako ng sinigang sa miso dahil ang sarap talaga.

Lahat kami ay nabusog at taob talaga ang kaldero dahil simot lahat walang tira. Nakita ko naman sa hitsura ni Arturo na natuwa siya dahil nasarapan kami sa pagkaing niluto niya.

"Klare, matutulog na kami ha. Busog na kami at nakakaantok pala kapag busog. Isa pa malalim na rin ang gabi," paalam nila Chesca.

Bumalik na rin si Aling Clara sa kwarto niya at kaming dalawa ni Arturo ang naiwan sa deck. Malamig na kaya niyakap ko ang sarili ko. Wala rin namang jacket na maipapahiram sa akin si Arturo dahil naka sando lang siya.

Nagulat ako nang maramdaman kong pumulupot ang mainit niyang bisig sa katawan ko, "I don't have any sweaters for you to borrow, but these arms might give you some heat." bulong niya na mas lalo kong ikinanerbyos.

Pumikit nalang ako at hinayaan siyang yakapin ako mula sa likod, unti-unti ring kumalma ang puso ko dahil naramdaman kong ligtas ako sa kan'ya.

Hinawakan ko nang marahan ang braso niya at sabay naming pinanood ang buwan. "Thank you," bulong ko.

"Hmm?"

"Thank you for coming back. Thank you for making me feel that I'm not alone and that I deserve to feel happiness in my heart. Thank you for being alone with me, Arturo." paliwanag ko at naramdaman kong humigpit ang pagkakayap niya sa akin.

Naestatwa ako nang ihilig niya niya ang ulo niya sa balikat ko, ramdam na ramdam ko sa leeg ko ang mainit niyang paghinga. Mas lalo akong hindi makagalaw nang maramdaman ko ang pag-dampi ng labi niya sa leeg ko.

"Arturo," pagtawag ko.

"Hmm?"

"I can't do this," bulong ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"I'm sorry," bulong niya.

Tanging tango lang ang naisagot ko, hindi parin aki maka-move on. Parang nagwawala ang damdamin ko sa ginawa niya. Jusko!!

"Are you mad?" pabulong na tanong niya sa akin.

Umiling naman ako at nagsalita, "I'm not. It's just that, I'm not ready for this. Kasi kung sakali, you're my first time," paliwanag ko.

"You're driving me crazy, Klare. Your stare, your touch, everything you do is driving me crazy. But don't worry, I can control myself," he whispered.
 
 Matapos noon ay dinalaw na kami ng antok, may tama na rin ng alak si Arturo kaya nagyaya na rin siyang matulog.

Magkahiwalay kami ng kwarto, ayaw niya rin na magsama kami sa iisang kwarto hindi ko alam kung bakit at ganoon din naman ako. Baka kasi mamaya ay makarating kila mama at papa.

Habang nakahiga sa kama ay nakatulala lang ako sa kisame. Madilim ang kwarto at malamig sa loob, dapat ay inaantok na ako ngunit heto ako, nababaliw kakaisip.

Hinawakan ko ang leeg ko nang muli konh maalala ang labi niya na dumampi rito. Napalunok ako dahil biglang nanindig ang balahibo ko.

Kung nababaliw ka, ano ang tawag sa akin? Umiling nalang ako at yumakap sa unan. Pilit kong binura sa isip ko ang pangyayaring iyon para makatulog ako.

"Arturo, ano ba itong ginagawa mo sa akin?!" inis kong tanong sa sarili. Anumang oras ay masisiraan ako kakaisip sa labi niya.

Mayamaya lang ay mayroong kumatok sa pintuan ko kaya tumayo ako para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.

Nagulat ako nang bumungad sa akin si Arturo, namumungay ang mga mata.

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nagagawa ito," sabi niya at malat na talaga ang boses niya.

"Alin?" nagtatakang tanong ko at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong halikan sa labi. Mabilis lang iyon at mabilis din siyang nawala sa harapan ko nang magawa niya akong halikan.

Naiwan naman akong tulala at walang masabi. Humawak ako sa labi ko at pasimpleng ngumiti, "Ang sinasabi nilang nakaw na halik."

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
32.4M 824K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...