Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 2

139 3 0
By tamestnaive

Chapter 2

" 'Wag kang makulit, Ken!'

I move my eyes around the room when it froze behind our seats. There are five boys talking while laughing, looks like they're playfully teasing each other. May dalawang lalaki ang nakatalikod sa 'min at naka bonnet ang isa na siyang nakaharap sa kanila habang iyong tatlo ay kaharap din sila.

"Girl, ang pogi nung guy na nakabonnet?" Bulong ni Vina sa tabi ko.

Nilingon ko ang grupo ng mga lalaki kung saan kasama ang tinutukoy niya. Naka side view naman ito at naka bonnet ah, pa'no niya nalaman na pogi.

"Nakita mo ba siya?" I curiously asked her.

She immediately shook her head at me. "Sa side lang pero feeling ko pogi siya. Crush ko siya." My brows furrowed at her and shook my head. Grabe 'to, ang bilis.

Hindi ko nalang pinansin dahil tumatakbo pa rin sa isipan ko si Nate. Nasaan na na kasi 'yun, iniwan niya ba talaga ako? Bakit naman? Why o why, Nate?

"Good Morning, class." Sobra akong nagulat nang marinig song boses ni prof. Sa lalim ba naman ng iniisip ko, okupado ni Nate ang buong 'yon.

Napatigil ang lahat at napatahimik nang dumating siya. Agad na nag ayos ang lahat at umupo ng mayos dahil nasa harap na namin si prof. Nilibot niya ang tingin sa aming lahat bago ngumiti nang pagkalawak.

"Welcome to St. Teresa of Avila. I am Mr. Jeremiah Lee, your instructor for Biochemistry. Nice to meet you all." Pagpapakilala nito. May itsura si sir ah, half kasi siyang Chinese e. Halata naman sa mata at apilyedo.

"Nice to meet you Sir!" Bati namin. Kahit chubby siya, cute naman.

Ngumiti siya sa amin at kinuha ang class record nito sa mesa. Naku, heto na tayo. Here comes the self introduction, uso pa pala 'to ngayon. Grabe, kinakabahan na tuloy ako. Mas nakakakaba pa 'to kapag nakikita ko si Nate.

"We'll just have a quick introduction for yourself. Let's get star---"

Our instructor stopped when someone from the door is knowing. She's a bit confused because she's not sure if this was her room but then her friends kept pushing her saying that it is.

"Come inside." Prof commanded.

The girl walked silently. She was looking for unoccupied seat and let's her eyes roam around the place. Mabuti nalang at may mga kusang tumulong sa kanya kaya naglakad siya papunta sa dulo kung saan siya niyayaya. Halos lahat tuloy napapatingin sa kanya dahil sa ganda nito. She's pretty but looks matured than us. Nang maging okay na, nagsalita ulit si prof.

"Okay, so let's get started." Iniikot niya ang tingin sa buong silid at natigil ito sa mga lalaking nasa likuran namin. "Boys at the back first. Come in front."

Napahinga ako nang maluwag dahil hindi ako ang nauna. Naglakad na papuntang harap ang lalaking naka bonnet na kinweto ni Vina kanina. Ngumiti siya sa harapan kaya umaasa kong nangingisay na sa kilig ang kaibigan ko ngayon.

"Good morning guys, my name is Marius Tan. 19 year old." Pagpapakilala nito.

I was just looking at him when Vina suddenly whispered to me again. " 'Biro lang pala girl." Nilingon ko ito nang nagtataka. "Slight lang pala. " 'Di ko na siya crush ulit. Trial lang 'yung kanina."

Napakunot noo nalang ako at umiling. "Ewan ko sa' yo."

Hindi ko na siya pinansin at nakinig ulit sa harapan namin. Sunod sunod silang nagpakilala at ngayon ay ang pinahuli naman ang nasa harapan namin.

"Hi guys!" Hala, totoo ba 'to? Siya ba talaga 'to? Siya ba 'yung isa pang nakatalikod kanina?

"I'm Kendrick Torres. 19 year old." Kahit gulat na gulat ay nanatili akong kalmado sa upuan.

Sheda, naalala ko 'tong lalaking 'to ahh. Siya 'yung chubby na matalio. Gosh, bakit ang payat na niya na at mas lalong tumangkad. Ang bilis naman ata ng isang taon para pumayat siya nang ganyan. He's really thin right now. Hindi ako makapaniwalang siya pala 'yung nakatalikod kanina. Akala ko ibang tao kanina kasi ang payat nung likod, siya nga pala talaga.

"Ellie." I stopped daydreaming when Michelle pokes my arm. I looked at them confused. "Ikaw na."

I looked around. Everyone is waiting for me including our instructor kaya agad na akong tumayo at naglakad sa harapan. Bakit naman ang bilis ko, at bakit naman iniisip ko pa 'yon, hindi tuloy ako nakapaghanda nito. Nanginginig ang kamay kong humarap sa kanila at ngumiti.

"G-good morning, everyone. I'm E-ellie Rivera. 19 year old." I smiled awkwardly.

Nakatingin ako sa kanilang lahat pero hindi naman sila nakikinig, pwera nalang 'yung mga lalaki sa likuran namin na ang lagkit ng titig sa akin. I went back to my seat without looking at my surroundings. Hindi pa rin natatapos ang lahat sa amin ngunit nakakalahati na bago kami pinalabas.

Break time comes and since first day palang naman ay mas maaga kaming nadismiss. I went to the engineering department to meet Kesha at syempre para makita ko rin si Nathan na umaasa akong makikita nga siya roon.

Pagkarating naman, agad lumabas si Kesha para salubungin ako. Nag-uusap lang kami ng mga nangyari sa aming unang araw ngunit ang mga mata ko at malilikot na at hinahanap ang anino ni Nathan. Hindi ko pa kasi siya nakikita kanina pa. Nakakahiya namang magtanong Kay Kesha tungkol do'n. Bigla tuloy akong kinabahan nang maalala ko ang sinabi niya dati.

Flashback
Kesha : Bess wrong info. Hindi pala ako sure kung doon pa rin mag-aaral si Nate kasi naikwento niya sa group chat na baka lilipat daw siya.

Nasa living room lang kami kumakain dahil marami nang bisita ngayon. I was happily eating when I received a message from Kehs. I can't believe to what she said.

Ellie : What? Are you sure? Bakit daw? Saan na raw siya?

Kesha : Idk. Hindi na niya sinasabi e basta 'di lang siya sure.

I felt sad of what she said which made me lose my appetite. Nawala ang mga ngiti ko at buong summer ay hindi ko na enjoy kakaisip kay Nate. Lagi akong naka abang sa profile niya ngunit wala akong nakukuhang impormasyon. Hindi ko naman siya friend sa Facebook kaya hindi ko nakikita ang mga mydays niya. Malakas ang kutob ko na baka roon siya nag uupdate.
End

I was trying my best to wait and stay calm. Nakikipag usap ako kay Kesha ngunit ang utak ko ay okupado pa rin ni Nate. Hindi ata gumana ang ginawa ko dati e. Malungkot akong nagpaalam kay Kesha. Dahan dahan pa ako naglakad baka sakali man lang ngunit nakahalukipkip na si Kesh dahil sa ginagawa ko.

"Nathan, it's good to see you again!"

Biglang umangat ang ulo ko at nanatili sa pwesto ko. Gustong gusto ko nang lingunin ang likuran ko ngunit may hinihintay nalang akong senyales na mapapaniwala akong siya nga 'yon.

"Sorry, late! May dinaanan lang." Biglang tumalon ang puso ko at mabilis itong tumatakbo nang marinig ang senyales na hinihintay ko.

Napangiti ako nang pagkalawak dahil alam ko sa sarili ko na sigurado na nga ako at wala nang alinlangan pa. Dali dali ko itong nilingon at nakita siyang kausap ang mga kaibigan. Naka side view man ngunit kitang kita ko pa rin ang mukhang gustong gusto kong makita pagkatapos ng ilang buwang nawala siya sa paningin ko.

Mas nagulat pa si Kesha kaysa sa 'kin habang ngitian ko naman siya nang malawak. Natawa nalang siya dahil sa akin at nilapitan ako.

"Ang saya mo ahh. 'Yung tipong sigurado talaga na makikita siya ngayon. Hoy, nagpahula ka ba o ginayuma mo." Naiiling na saad nito habang natatawa pa.

Tanging ngiti lang naman ang naibibigay ko sa kanya ngayon dahil sa mga ngiting iyon ko lamang nailalabas ang aking kasiyahan. Nagkibit balikat ako sa kanya at pasimpleng tumitingin kay Nate. Kahit ano pang sabihin niya, the important thing is he's here. I can still be able to see him again and again. Sulit pa rin 'yung ginagawa ko no'n.

Flashback
"Pleasee, sana makikita ko pa rin siya. Lord pleasee, promise mag-aaral ako nang mabuti. 'Wag niyo pong hayaang malayo siya sa 'kin, kahit malayo basta nakikita ko at alam kong nasa iisang lugar lang kami."
End

The day na binalita sa akin ni Kesh ang nalaman, I prayed harder everyday for him to stay and it happened. He stayed. I am not assuming anything but just happy 'cause he's still here. Now I can study harder because of him. He's my inspiration. So cringe but whatever. He's here.

"Ang saya mo ahh. Kilig." She teased me. I smiled more. "Tara na nga sa canteen. Let's eat." 'Yaya nito sa akin. Sumulyap pa ako nang huling beses bago tanggalin ang mga matang iyon sa kanya.

Kumakain pa rin kami sa room dahil wala pa si prof. Some students are not yet here while some are talking and having friends with the new classmate. Samantalang kaming magkakaibigan naman ay nanatili pa rin sa pwesto namin at may sarili ring pinag-uusapan.

"Si Beatrice pala 'yan, 'yung first year dati." Chika ni Michelle sa amin. Nilingon namin ang tinutukoy niya at nakitang ang transferre student 'yun.

"Talaga? Bakit siya nandito?" Curious na tanong ni Vina. Ako rin labis na nagtataka e.

"Narinig ko kanina kina Jia na she's supposed to be a sophomore student kaso nag stop siya last year kasi pumunta silang Hong Kong para puntahan ang papa niya na nagtatrabaho r'on." Mahabang paliwanag nito sa amin.

Napatango naman kami at labis ang gulat sa nalaman. Grabe, Hong Kong sila for a year. Kaya pala ang matured na niya sa 'min and her beauty is kinda different. Para siyang half American dahil sa kutis nito at mukha.

She's really pretty pero parang boyish kumilos. Some boys were talking to her including Kendrick and his friends. Dim is also at her side and looking too obvious. May gusto ata to sa new student na ate na namin e.

"Guys, let's meet again tomorrow for our classroom officers. For now, I'm gonna share the rules and regulations of the school and tomorrow will be for our classroom."

Our instructor shared a lot of informations regarding the school rules and regulations. It was fine kasi maagang ma didismiss at makakapag pahinga pa ako for tomorrow's activity and tasks.

"I'm not yet sure about the starting of classes, so for the meantime let's first focused on the rules and for our classroom." Dagdag nito.

Okay, 'buti naman at wala pang schedule for the classes. Nakakaexcite tuloy pumasok kapag wala pang discussions. Tamang chika lang sa mga kaklase.

The next day, mas naging mabilis si Prof sa pag discuss about the rules since tinamad na siya and besides konti nalang naman ang tungkol do'n kaya pagkatapos na pagkatapos ay agad kaming nagtungo sa class officers.

Napuno ng ingay ang buong silid. Some were shouting, laughing and joking which makes us more comfortable with each other. Class officers are now being selected at sa aming anim nina Ash, Vina, Michelle, Millie, ako at Rainer who's gay, only Ashley made it to the list.

Ashley and I are now starting to be friends. Mabait naman talaga siya at ako, sadyang nagbibiruan lang talaga dati but now we're starting to be friends. Actually napilitan lang din talaga si Ash at unang una palang ayaw na niyang sumali sa officers list but then Michelle nominated her and since kilala siya ng halos lahat kaya siya napili.

"I can't imagine Ashley being the vice president in this room. Look at her friends. Look at us, we look like distraction to her." Michelle was kidding aside, pointing us being a distraction to Ash. We just laughed at her while Ashley pouted infront of everbody. Sa lahat ba naman kasi ng makukuha ay si Ash pa na tamad at mainitin ang ulo.

"Ashley, come. You're the vice president, you must help me." A member called her.

Ashely pouted while all of us just laughed at her reaction. The meeting continued and we're now talking for the students profiles.

"Guys, makinig kayo! Sa Friday na tayo mag kakaroon ng picture taking for students profiles. Two days to go nalang and make sure na alam niyo na ang mga LRN niyo." Jia announced. She's not part of the officers but she has a loud voice that makes her the announcer.

Next day, bukas na ang picture taking at since wala pang pasok ay nasa room pa rin kami at nagkwe kwentuhan lang. I need to use the bathroom that's why I excused my self. As I was walking nakita ko na naman si Nathan and this time mag-isa lang siyang naglalakad na nakasukbit pa sa kanya ang bag niya kaya I assumed na kakarating lang nito. Nakayuko siya at naka phone kaya hindi nakikita ang mga ngiti ko kahit anong pilit kong itago.

Pagdating sa banyo, I quickly take a look at the mirror to check my face. Hala, nakita niya ako. Mabuti nalang at hindi ako haggard kundi nakakahiya. Ang pogi pa naman niya kanina, walang araw ata na pangit siya para sa 'kin e.

"Ashley, I would like you to meet Ellie. Ellie, meet Ashely. There."

Michelle is playfully teasing us because of our cold treatment since last year but now we are just laughing with each other and I assumed that we are okay. I guess?

"Stop it, Mich 'cause yeah I knew her already since highschool. I just refused to talk and make friends with her to because of that intimidating face." Diretsahang saad niya sabay turo sa 'kin.

Gulat akong napatingin sa kanya nang marinig ang nararamdaman nito sa 'kin dati, katulad rin ng pagtingin ko sa kanya. "Really? Gano'n talaga ang mukha ko ha?"

She nodded quickly. "Yes, kaya nga naiinis ako sa'yo 'cause the way you looked at me is really..something."

Natawa ako sa kanya. "Ikaw kasi parang galit agad sa 'kin e." Katwiran ko pa.

Napailing nalang ang mga kaibigan namin sa amin. The class ended and I decided to get home early to rest for tomorrow's pictorial. I should look fresh and pretty. It's for the class profiles and I'm sure every students na naka scheduled doon ay mapapatingin sa bulletin and baka makita ni Nathan if ever man so nakakahiya naman kung ganun.

President : Guys, don't be late and make sure you have your lrn with you.

Jia : What time magsisimula?

President : As long as madami na tayo. We won't wait for those who are late.

Mabuti nalang at malapit na ako sa paaralan kaya hindi ako masyadong kinabahan. Pagdating ko sa room akala ko konti palang kami but I was wrong. Marami na sila and some girls were fixing themselves while boys were just talking.

"Guys, labas na raw kayo. Boys ang mauuna kasi maghahanda pa kaming mga girls!"

The president announced from the outside, peeking on us. Nagmadali na ang mga lalaki dahil wala naman silang pake sa mga paayos ayos. Konting suklay lang, keri na 'yon sa kanila. E kaming mga girls, ang dami pang kaartehan kaya nga nagdecide ang lahat na boys muna kasi tinatamad daw silang maghintay sa 'min.

"Sino pa ang kulang sa boys?!" Sigaw ni Jia na naman.

"Wala pa si Dim tsaka 'yung kambal."

"Jia, hindi pa rin dumadating si Kendrick."

Stress na si Jia kaka announce para sa mga lalaki. Sigaw nang sigaw, ang sakit sa lalamunan niyan tapos hindi pa nakikinig ang mga tao, aba grabeng inis na ako kapag gano'n.

We waited for more minutes for the arrival of those who were late. Nasa gymnatorium na kami at nasa stage na ang iba para magsimula.

"Ellie, let's took some photos naman before going just to check our faces." Vina suggested about it.

Si Michelle, Millie at Vina lang ang kasama ko ngayon dahil hindi naman mahilig si Ashley sa mga ganito and she hates makeup. Hindi pa man nakakakuha ng litrato nang biglang sumingit si Rainer sa camera. Binaba ko ang phone at takang napatingin kami sa kanya.

"Rain, ba't nandito ka pa? Jia are calling you na there oh. Join them." I told him.

Napakamot naman siya ng ulo at tahimik na umalis. Kaysa naman mapagalitan siya niyan. Nagsimula na kaming kumuha ng mga litrato, sunod sunod at walang tigil. Sakit sa panga kakangiti pero sulit naman kasi fresh pa ang mga mukha namin.

"Ang ganda ko." Saad ni Vina sa sarili habang nagtitingin ng mga litrato.

Rinig na rinig pa rin namin ang maingay na mga kaklase at namumukod tangi ang boses ni Jia na siyang pinakamalakas sa lahat.

"Kendrick, bilis patapos na ang boys. Bilisan niyong kumilos kasi marami pang girls." Tawag nito.

Kendrick stopped for a moment who's about to enter the room with his bag and keys just to look at Jia. Medyo mabagal ang lakad niya at pa cool ito kaya agad siyang nagmadali nung tinawag siya. We were looking at them again when Vina whispered.

"Hot lang siya tingnan dahil sa buhok niya tapos magaling din mag gitara." I looked at her to see who she was pertaining to. When I gazed my sight at the stage, I arched a brows at her when I saw Marius who's being captured right now.

Napasapo nalang ako sa noo. "Alam mo, hindi ko alam kung may gusto ka ba talaga sa kanya or depende lang sa mood mo."

Biglang nanlaki ng mga mata nito sa 'kin sabay palo sa braso. Ellie, tama ka! Depende lang talaga sa mood ko at sa itsura na rin." Maarteng saad nito.

Napailing nalang ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo."

After the boys, it's now our turn. Medyo marami rin ang girls kaya natagalan kami pero okay lang naman dahil walang pasok.

First week, class na namin kaya diretso na kami sa first sub namin. Every first sub namin ay advisory class kaya mag kaklase pa rin kaming lahat. After our first class dumiretso na kami sa kanya kanyang subs. Syempre kada lipat namin, malilikot pa rin ang mga mata ko, umaasang mahahagilap no'n si Nate. At sulit din naman.

"Say present if you're here."

Sa subject na ito, si Vina at Rainer lang ang hindi namin kaklase sa aming anim habang sina Dina, Dim, Kendrick at Beatrice naman ang iba pa naming kasama. After the attendance, may pinagawa siya sa amin na isang task.

"I want you to answer this question and pass it to me, then you may now go after." Announce niya.

Ay, bongga naman ni Prof! Ang bilis ng announcement. Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at sumagot na agad para matapos. Next sub naman ay wala pang pasok kaya nag-stay muna kami rito. Nakwekwentuhan kami ng biglang may lumapit sa amin.

"Ellie!"

I find the voice who called me. It stopped to the boys who are at the back. It was the twin with some of their friends. I didn't know what to react so I remained my calm face, waiting for them to talk.

"Naaalala mo pa ba ako? Kami?" He asked out of nowhere. My brows furrowed. We went silent for awhile.

"Hoy kambal, 'wag kayong ganyan ha. Baka mamaya e nababaliw na kayo riyan. 'Wag kayong ganyan." Vincent teased them both.

"Oo nga! Be kind to people, specially girls." Gantong ni Francis habang tumatawa.

Nagtatawanan silang lahat habang ito ako, tulala sa kanila. Kilala ko naman 'yung kambal ngunit hindi lang ako makasagot dahil ang layo nila sa 'kin. Ang hina pa naman ng boses ko tsaka nahihiya pa ako.

"Hi Ellie!" Kendrick shouted.

They were teasing the twins but opposite to Ken who just normally greeted me. I looked at their side and all of them were looking at me, specially Kendrick. Nakangiti nang malawak sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nung bigla nang lumapit ang kambal sa akin.

"Kilala kaya namin 'to!" JJ proudly said while pointing me.

Hindi na nila pinansin ang mga kantyawan ng mga kaibigan at binaling nalang ang atensyon sa 'min.

"Alam niyo ba, kaklase namin si Ellie nung elementary 'di ba, El?" Tanong ni Jj sa 'kin.

"Oo, sabay pa nga kami dati kumakain tuwing lunch time e." Dagdag ng kambal nito.

I just nodded at them. Yeah right, the twins were my classmates back in elementary kaya hindi na ako nagulat noong makita ko sila nung first day, but I just didn't expect na nursing ang course nila.

"Tahimik nga lang siya dati e, hindi ko alam na pati pala ngayon gano'n pa rin siya. Hindi nagbabago mula elementary."

Jj is so talkative that he even exposed almost everything that he remembered. Konti na nga lang ang naala ko e, at unti unti ko nang naalala ang iba dahil sa kanya. I awkwardly smiled at them but they still continued talking.

"Grabe El, first day no'n, hindi mo kami pinansin." Nagulat ako sa sinabi ni Jj sa akin.

I look at him, confusedly. "I'm not even sure if you still remember me." Ayoko namang pangunahan 'no, kitang mahiyain tayo e. Alam naman nila 'yon simula bata pa.

"Sus, ikaw ba makakalimutan e halos araw araw nga tayong sabay kumain dati." Saad ni Aj. Naningkit ang mga mata ko nang may maalala.

"Ahhh 'yung kasama niyo rin dati, lola niyo ba 'yon?" Naalala ko lang. Curious na kasi ako kahit dati pa e. Hindi ko matukoy kung lola ba nila or kasama lang sa bahay.

"Oo, lola namin 'yung palaging kasama ng mama mo." They answered. Napatango ako. Now I know.

After class, I got home early to rest again for it will be a long day tomorrow again and we'll meet our new instructors in different subs.

Sa section namin, sina Ashley at Michelle ang kaklase ko together with Francis, Marius, AJ, JJ, Vincent, Jenny and Kendrick again. Sa kanilang magkakaibigan si Francis at AJ lang 'yung mapagkakatiwalaan ko in terms of school tasks. Okay rin si Ken kasi matalino kaso may pagkatamad nga lang.

"Ellie, 'yung crush mo oh."

Agad kong nilingon ang bahagi na tinuro ni Kesha. 'Pagka lingon ko, dismayado ko siyang tiningnan habang pinagtatawanan lang ako.

"Ikaw naman, hindi ko pa nga nakikita 'yun e. 'Wag ka ngang ganyan, pinapaasa mo 'ko e." Inis na sabat ko ngunit may konting lungkot din sa tunog na 'yon.

"Ikaw naman kasi, ang hina mo e. Araw araw tayo nagkikita tuwing tutungo sa mga subs pero hindi pa rin mahagilap ng mga mata mo 'yon." Asar nito habang hinahalo halo ang sauce ng spaghetti sa plato.

Break time, kaming dalawa lang ang magkasama ngayon kaya inaasar niya ako kasi raw hindi ko pa rin nakikita si Nate. Huling kita ko lang sa kanya nung first day e ma eend na ang month na 'to at hindi pa rin umuusad.

"Nasa'n ba kasi siya at kung saan saan nagpupunta. Naiinis na ako ah, hindi ko pa siya nakikita." Nakangusong saad ko rito.

Kumunot naman ang mukha nito sa 'kin na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Girlfriend ka ba para kailangan makita siya araw araw? Ang feeling mo ah." Asar nito.

Napakamot nalang ako sa ulo. "Kasi naman e..."

Umiling siya at tumahimik na. Kunot noo akong kumakain ng burger ko at hindi nagsasalita. "Andiyan na hinahanap mo oh." Rinig kong saad ng kaharap ko.

Hindi ko lang pinansin at nanatili ang tingin sa kaliwa habang ngumunguya. Mang asar na naman ba. "Ayan na nga." Pangungulit pa rin nito.

Tiningnan ko siya nang nakabusangot. Pasimpleng niyang tinuturo ang kanan namin gamit ang nguso nito. Syempe hindi na ako nakapagtimpi at tiningnan 'yon.

"See." Saad nito. Hindi ko na ulit pinansin ang kaharap ko at nanatili nalang sa may kanan ko. Pumipila siya kasama ang mga kaibigan nito. Kahit sa side view, palong Palo talaga siya kaya napapangiti ako nang wala sa oras e.

" 'Wag kang magpahalata. Nandito siya." Giit ko sa kaharap ko na nakangising malawak.

Kumakabog na naman ang puso ko nito dahil sa kanya. Kung kanina malungkot ako, ngayon naman ay hindi mawala wala sa mukha ko ang matatamis na ngnit. Pasimple pa akong tumitingin sa kanya nang mabilisan lamang. Natapos rin ang araw 'to nang nakita ko siya.

"I want you to give me a subject that would describe yourself. Write it in a paper and I'll give you the ten minutes for that. After you'll be going to deliver it in front."

We are all busy with the activity. Kanya kanyang isip ang lahat ng posibleng ilalagay nila sa kanilang papel. Habang ako rin naman dito e nahihirapan. Ano ba ang best word to describe me? Kung si Kesha ang tatanungin ko, alam ko na ang isasagot no'n e.

Nagsimula na ang presentation. Kung sino sino na ang tinatawag ni prof kaya minamadali ko nang tapusin ang sa akin.

"Inilalarawan ko ang sarili bilang isang elebeytor. Kahit matigil man ako sa kalagitnaan, sisiguraduhin kong patuloy akong uusad hanggang sa marating ang pinakatuktok ng buhay."

Kung sino man 'yon, ang ganda ng sinabi niya. Simple but meaningful. Gosh, ako nga nahihirapan pa e, okay na ba 'to. Ang gaganda rin ng iba e kaya nahihiya ako sa sagot ko.

"Rivera, Ellie." Shit!

Humugot ako nang malalim na hininga bago tumayo sa upuan at kunin ang papel. Lahat tuloy sila napatingin sa 'kin, ayoko niyan. Please, stop looking at me already. I'm nervous. Nang makarating sa gitna, nilibot ko ang tingin sa kanila. May mga matang hindi inaalis sa 'kin ang mga titig na malagkit.

"A word that would definitely describe me is late. I'm always late in class and late in realizing everthing." Simple as that.

Tahimik lamang sila na nakatitig sa 'kin kaya dahan dahan na akong naglakad pabalik sa upuan ko nang tahimik para wala nang comments pa ang iba.

"Ang simple pero grabe 'yung sinabi." Bulong ni Millie sa 'kin. Napangiti lang ako sa kanya.

Nagpatuloy na ang sa pag usad. Mabuti naman at nawala na ang attention sa 'kin. Kanina nung pagbalik ko sa upuan, nakikita ko pang bumubulong ang iba. I don't judge them though, baka nagkataon lang talaga na may pinaguusapan sila at sa oras ko lang ginawa. After Millie, someone from the door knocked so we had to stop for her.

"Excuse me, I'm looking for Jenny Reyes and Ellie Rivera."

I stopped when I heard my name. Jenny and I looks at each other nervously, having no idea of why we are called by the Dean. She's the secretary of the Dean so probably he told her about us. Our classmates were teasing us as if we had made a sin to them also Kendrick and his friends and my eyes averted on their side because of the twins voices again.

Jenny and I hesitated to go so the secretary continued. "Para 'to sa section niyo at schedules kung gusto niyong lumipat."

We both parted our lips. Hindi ko alam kung bakit pa kami pinapalipat. I gazed my eyes to my friends at parang sinasabi ng mga mata nila na 'wag na raw. Kinakabahan man at nalilito ay wala na kaming nagawa pa at sumunod sa kanya. Naramdaman ko pa ang paghabol ng mga tingin nila sa 'min at mas lalo akong kinabahan dahil sa mga kantyawan nila.

Pinakita niya sa 'min ang listahan ng mga posible naming maging kaklase kapag lumipat kami. Nag explain din siya para mas malinawan kami.

"So, are you decided?"

Pagkatapos naming mag usap ay bumalik n kami sa room. Nauna si Jenny sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makita si Nathan nang mapadaan kami sa department nila. Sinakop ulit ng malawak na ngiti ang buong mukha ko hanggang makarating sa silid.

"Ano raw, lilipat ka?" Bungad ni Millie sa 'kin.

"Why do look happy? Lilipat ka?" Ash added. Napatigil ako sa pagngiti nang mapansin niya 'yon.

My friends kept asking me about my answer and even Jia. Hindi ko sana sila sasagutin pero si prof na ang nagtanong.

"What's your decisions?" She asked us both.

Jenny was the first one to answer. After, I felt their eyes on me waiting for an answer. I remained my sight to our prof and answers her.

"Hindi na po ako lilipat." Sagot ko nang may lakas loob.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
1M 91.3K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
633 73 17
The Japanese boy name Hakiro switch body into a Filipino girl name Iska.