Spiked Lemonade - Flavors Ser...

Door ReveRiety

1.3K 51 31

On a scale of 1 to 10, gaano ka ka-tanga? 7? Kasi noong college, sinubukan mo na ang paglalagay ng pampatulog... Meer

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 2

195 9 2
Door ReveRiety

Pasimpleng pinasadahan ni Cent ng tingin ang legs ng waitress na nag-abot sa kaniya ng order niya na vodka martini. Maputi at makinis. Parang bagong pitas na labanos.

Maliit ang hugis-pusong mukha. May dimples. Pantay-pantay ang maliliit at mapuputi nitong ngipin.

He flashed his own perfect pearly whites as he grabbed his drink from the beautiful food server. Lumapad lalo ang ngiti niya nang mag-blush ito.

Nagpasalamat siya at agad tinikman ang inorder na inumin. Swabe sa lalamunan. Tamang-tama sa panlasa niya.

Katulad ng naghatid.

Yumuko na muli ang waitress para ilapag naman ang beer at pulutan ng kaibigan niya na si Jandro. He can't help but stare at her cute behind. Naka-display ang kaumbukan nito sa short-shorts na suot ng waitress.

Nag-iisip siya ng magandang pick-up line nang tumunog ang message alert ng phone niya.

"I will be with you in a few." Text galing kay Shekainah de Vera, isa sa mga nililigawan niya na maging kliyente.

Bigla ay bumalik ang focus niya sa talagang dahilan kung bakit nasa isang bar siya ng Biyernes ng gabi. He is here for business, not pleasure.

Trabaho muna bago laro, buntong-hininga niya habang pinapadaan ang kamay niya sa malago at kulot niyang buhok. Iyan ang isa sa mga prinsipyo niya at nagbunga naman iyon ng maganda. Isa na siya sa mga senior architects ng Samson Legacy.

"And with great power comes great responsibility". Kaya heto siya ngayon, chilling sa isang bar sa Makati ng dis-oras ng gabi. Kalimitan ay tulog na siya ng ganitong oras dahil alas-5 ng madaling araw ang schedule ng daily jog niya.

Pinagigi niya ang upo sa mababang sofa ng cabana kung saan sila nakatambay ng kaibigan. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito.

Dumiretso ng tayo ang waitress at nagtanong kung may kailangan pa sila. Ipinilig niya ang ulo. Nilingon nito ang katabi niyang si Jandro na abala sa cellphone bago bumalik ang tingin sa kaniya at pa-iling-iling na umalis.

Saglit na nagtaka siya sa inasal ng waitress pero napalitan iyon ng tuwa nang mapagmasdan niya ang makurbang pigura nito habang palayo ito sa kanila. Nakasalubong ng waitress ang isang babae na papunta naman sa pool. Lantad ang kaseksihan at kinis ng babae sa pula nitong bikini.

Buong paghanga na hinagod ni Cent ng tingin ang kabuuan nito. Abot-tenga ang ngiti niya. He loves to look at women, and the poolside of Flavors is proving to be one of the best places to babe-watch.

Hindi siya manyak pero sige... simpleng manyak na kung sa simpleng manyak dahil mahilig siya tumingin sa mga babae. Pero sino bang lalaki ang hindi?

Like any typical male, he is drawn to beautiful, attractive women. Like the architect/artist that he is, he views women's bodies as moving works of art. Isang obra na hindi kayang gayahin at mahirap ignorahin. Small, large, kahit extra large pa iyan. May kurba ang katawan ng babae na sadyang kaakit-akit. Kaya madalas na subject sa nude art ay mga babae, at kaya din madami ang tumatangkilik nito.

There is a grace and softness to women's bodies that makes them simply fascinating.

Mabuti na lang din at naglipana na parang mga birds of paradise ang magagandang babae dito sa Flavors. Dahil isang oras na siyang naghihintay sa kliyente nila at hindi mahilig si Cent mag-bar o clubbing. Walang appeal ang maingay at malanding mga ilaw at tugtugin sa kanya. Hindi din niya bet iyong mga "exclusive" men's club na moody at madilim naman. Mas lalong ayaw niya sa "girly bars."

Walang dating ang mga ganitong galawan sa kaniya dahil una at pinakahigit sa lahat: magastos. May mas magagandang bagay na pwede niyang pag-gamitan ng pera na magagastos niya sa mga bars at clubs. Pangalawa at pangatlo ay hindi siya mahilig uminom at wala siyang talent sa pagsasayaw.

Malimit ay sa mga coffee shop at malilit na elitistang bar siya nakikipagkita sa mga kliyente ng Samson Legacy.

Pero iba si Shekainah de Vera. Kakaiba ito tulad ng pangalan nito.

Ito ang nagpilit na dito sila sa Flavors magkita kung saan isa daw itong miyembro. Ito din ang nagtakda ng oras at araw: Biyernes. 12 ng hatinggabi.

Kung iba-iba lang ay hindi siya papayag pero mahigpit ang bilin ni Sir Darion ng Samson Legacy: ligawan nang husto si Ms.De Vera. Gawin ang lahat para sa kanila ito magpagawa ng plano ng gusali na balak nito ipatayo.

"Talagang mixed drink, Cent?", di makapaniwala at may bahid na pang-aasar ang tanong ni Jandro. Tumungga ito sa beer nito. Sinundan ng isang malaking kagat sa chili wings.

"I prefer it hard." Oo at hindi siya mahilig uminom pero kung iinom na lang din siya at sagot naman ng kumpanya, eh di doon na siya sa mga hindi pipitsugin. Kaya na niyang bumili ng beer ngayon kaya mga hard drinks na ang gusto niya: vodka, martini, cognac at iba pa. Plus points na wala din dala na hangover ang mga hard na alak.

"Dammit, Cent. Don't let anyone hear you say that." Ganoon na lang ang halakhak nito.

"Ano naman masama doon? Hard naman talaga ito." He used his mouth to point down to the front of his pants where his drink was resting.

Nagkataon naman ang pagdaan ng isang grupo ng mga babae sa harap ng cabana nila. Nakatingin ang mga ito sa kanila habang nagbubungisngisan. Malamang ay para magpapansin sa kanila.

"Sayang. Ang guguwapo pa naman.", narinig niya na sabi ng isa sa grupo habang papasok ang mga ito sa katabi nila na cabana.

Sabi na nga ba eh. Type lang sila. Pero bakit pakiramdam niya siya ang pinagtatawanan ng mga ito?

Ngising-aso si Jandro habang iiling-iiling. Inubos nito ang iniinom at tumayo.

"Aalis ka na?" Ang alam niya ay dalawa silang makikipag-usap kay Ms.de Vera. Iyon ang bilin ng Daddy nito: si Sir Darion.

"Oo. The night is young and so am I. Mwahahahaha." Inayos nito ang suot na pantalon at nagsimulang lumabas na.

"Oy, sandali! Baka magalit si Sir Darion niyan kapag wala ka dito."

"Client talks bore me. Text mo na lang ako kung ano napag-usapan ninyo."

"Malapit na daw si Ms.de Vera. Bakit hindi mo pa hintayin? Ang tagal na din lang natin naghintay dito.", pigil niya. Baka malaman ng Daddy nito na hindi ito kasama sa meeting na iyon ay pagalitan na naman ang kaibigan niya. Hindi pa naman maganda ang relasyon ng mag-ama. "Saka, malay mo. Baka matipuhan mo."

"Kahit matipuhan ko pa siya, wala din saysay dahil kasama kita. Mailap ang mga babae kapag ikaw ang kasama ko. 'Di mo ba pansin 'yon?"

Pansin naman niya. Palagay niya ay natatakot, o kung hindi naman ay nahihiya ang mga ito sa kanilang magkaibigan. Pareho kasi sila ni Jandro na matangkad at matikas kaya kahit sino naman ay maiilang lumapit.

"But your Dad, p're... " Paalala niya dito.

"I'll deal with him." Inayos nito ang polo shirt. "Good luck with the client meeting. Ingat ka nga pala sa grupo sa kanan."

Iyon lang at tuluyan na ito lumabas ng cabana. Agad naman nilingon ni Cent ang grupo sa kanan niya. Excited na makita ang mga babae na suma-sight sa kaniya.

Laking dismaya niya na isang grupo iyon ng mga bakla.

At lahat nga ay nakatingin sa kaniya.

Sinalubong ng isa sa grupo ang tingin niya. The gay man gave him one of those slow winks that is meant to seduce him to join them.

Dagling pumasok siya sa cabana at bumalik sa kinauupuan. Nagpadala siya ng text sa kliyente niya.

Huwag naman sana magtangka lumapit ang mga ito sa kaniya. Iginagalang niya ang mga bakla bilang kapwa-tao pero may phobia siya sa mga ito dahil bata pa lang ay naging biktima na siya ng pangmo-molestiya ng ilan sa mga ito.

Umilaw at tumunog na muli ang cellphone niya. Nasa Flavors na daw ang kliyente niya.

Inayos niya ang sarili. Sumimsim siya muli ng kaniyang vodka martini at itinuon ang atensyon sa client file na dala niya mula sa opisina.

Shekainah de Vera's resume is as remarkable as her name. At 25, she founded and now heads Heza Advertising, one of the strongest advertising firms in the country.

Alam na ito ni Cent pero maigi na din na ma-review niya para alam niya kung paano pakiharapan ang prospective client nila. Isa sa mga natutunan niya sa industriya ay ang importansya ng pagkilala nang husto sa magiging kliyente. Ito ay para alam niya, bilang isang arkitekto, kung anong mga disenyo ang magugustuhan nito at aakma sa pamamaraan nito ng pamumuhay.

"Burgundy ang favorite color ko." Gulat si Cent na nasa harap na niya si Shekainah, nakayuko at nakikibasa sa file nito na hawak niya.

"I'll take note of that." Agad niya sinara ang file at tumayo para makipag-kamay sa kaharap. He gave her his best smile and made sure not to look at the tattoos and piercings on her face and neck.

"Shekainah de Vera." Her handshake is firm. Just like her voice.

"Vicente Tabayag. At your service." Itinuro niya ang couch. "Please. Make yourself comfortable, Ms.de Vera."

Umiling ito. "Call me Shek."

"Ok... Shek. If you're sure." Pumwesto siya sa tabi nito para simulan ang paglalahad ng proposal nila para sa office building nito.

Habang papaupo, nahagip ng tingin niya sa labas ng cabana ang waitress na naghatid ng inumin niya.

Labanos Legs. Witwiw.

Trabaho muna bago laro, Vicente. Paalala niya sa sarili.

He smiled at his client and proceeded with the proposal.



ITINAAS ni Ali ang hawak na baso sa isang waiter. Sumenyas siya na dalhan siya nito ng isa pa.

Nagsimula tumugtog uli ang banda sa entablado: Only Human ng Jonas Brothers.

Gumalaw-galaw ang balikat at pumadyak ang mga paa niya sa saliw ng musika. She absolutely loves to dance to this song.

Tumayo siya para makasayaw nang husto pero mabilis din siyang napaupo. Umikot ang paligid. O siya ba ang umikot?

Shiiiitttt. Lasing na ba siya?

Tinawanan ni Ali ang sarili. Malakas. Malutong.

Napatingin sa kaniya ang mga kalapit-table niya. Nakakabulag ang ngiti na ibinato niya sa mga ito. Bumalik sa pag-uusap ang grupo pero malakas ang kutob niya na siya na ang topic ng usapan ng mga ito.

See if I care, isip niya. Sinubukan niya i-flip ang buhok pero nakapusod nga pala siya kaya sinimulan niya kalasin ang pagkakatali nito.

Ilan na ba ang nainom niya ? Anong oras na ba?

Why not live a little for a change?, sagot niya sa sariling tanong.

Inalog niya ang ulo para tuluyan makakawala sa pagkapusod ang buhok niya. Minasahe niya ang anit na bahagyang kumikirot dahil sa tagal ng pagkakatali ng buhok niya habang tuloy ang paggalaw sa paborito niyang tugtog.

"Ma'm, are you ok?" Magaan ang hawak ng waiter sa balikat niya na kumikibot-kibot pa din sa tugtog.

"I have never been better, darling!" Kumindat siya dito bago inabot ang panibagong baso ng spiked lemonade na nasa tray na dala nito.

Inumpisahan niya agad ang pag-inom sa kadadating pa lang na cocktail. With her free hand, she grabbed the waiter's shoulder for support. Nakuha naman ng waiter ang gusto niya at inalalayan siya makatayo.

Maagap ang reaksyon ng waiter sa pagsalo sa kaniya nang muntik na naman siya matumba. Her free arm wrapped around his neck.

"Naku Ma'm eh mukhang las---"

"Shhhhh." Hinarang ni Ali ang baso na hawak niya sa kabilang kamay sa bibig ng kanyang knight-in-shining-uniform. Nilapit niya ang bibig sa tenga nito at bumulong. " That's going to be our little secret."

She giggled to herself as she handed him her drink. Sinimulan niyang hubarin ang suot na cardigan. Masyado na iyong mainit sa pakiramdam.

But the stupid thing won't come off.

Hindi niya maintindihan kung paanong nagkapulu-pulupot sa braso niya ang manggas nito. She wiggled her arms and upper body this way and that to get the annoying thing off.

"Ako na po Ma'm." Ibinaba ng waiter ang inumin niya sa mesa bago tinulungan siya nitong hubarin ang cardigan.

Itinaas ni Ali ang mga kamay nang maramdaman niya ang lamig sa magkabilang braso.

Woooh! Sa wakas, nakahinga ang mga kili-kili niya!

"Eh Ma'm san---" Natigilan ang waiter nang lumapat ng mga labi ni Ali sa pisngi niya.

"Thank you, darling." Kinuha na muli ni Ali ang inumin at nagsimulang ubusin ito habang gumiling-giling kasabay ng bagong awit na tinutugtog ng banda: Cake By The Ocean. Another of her favorite jams by her not-so-favorite musicians.

Hindi magaling magsayaw si Ali, pero sa tingin niya, hindi rin naman nakakahiya ang paraan niya ng pagsasayaw. Wala nga lang siyang lakas ng loob sumayaw katulad ng ginagawa niya ngayon kung hindi siya nakainom.

Iyan ang mahirap kapag ipinanganak ka na self-conscious. Tapos, strikto pa ang mga nagpalaki sa iyo. Lumaki siya na de numero ang kilos. Kailangan lahat maayos, organisado, perpekto.

Hindi naman din masama dahil lumaki siya na disiplinado. She eventually outgrew her shyness and found confidence through her work.

Pero iba ang lakas ng loob na dala ng alak sa kaniya. Nothing breaks her out of her shell like a few drinks.

Nothing tastes so darn good either.

Sinaid niya ang laman ng baso. Itinaas ito sa ere sa direksyon ng waiter na tumulong sa kaniya kanina.

Wala siya nakitang reaksyon dito kaya kahit na hirap dahil sa suot na itim na pencil skirt ay tumuntong siya sa mesa at itinaas na muli ang baso niya. Tinuloy niya ang paggiling sa paboritong tugtugin. Sinsabayan niya pa ang chorus at sumisigaw ng "Cake by the ocean!" tulad nang sa kanta.

This is how she should spend Friday nights, but she chooses not to. Mas pinipili niya ituon ang atensyon sa trabaho at pag-aaral para lalong maging magaling sa piniling karera. Ayaw na niya bumalik sa dating gawi na umiinom gabi-gabi pero wala naman siguro masama sa paminsan-minsan.

Naisip niya ang kaibigang si Ames. Nasaan kaya iyon ngayon? Alam niya na madalas ito sa Flavors. Katunayan, madalas siya inaaaya nito na lumabas pero siya ang antibiotic na ayaw makisalamuha sa ibang living beings. Or rather, she is avoiding the temptation of drinking. Parang Pringles ang alak sa kaniya: once she pops (one in her mouth), she can't stop.

Kaya minabuti niya na umiwas.Sa mga pagkakataon na hindi siya maari umiwas tulad ng client meetings at company parties, stick to one siya: isang baso lang ng alak. Kapag naubos na iyon, aalis na siya para hindi na siya matukso na sundan pa.

Pero Biyernes naman, at masama ang loob niya. And it's been such a long time since she let loose.

And why the big F does a 26-year-old, independent woman like her need an excuse to have a good drink?

Tatawagan niya si Ames pagkatapos nitong jam niya. O di kaya, hanapin na lang niya dito sa Flavors? She is usually here during weekends anyway.

May humila sa laylayan ng palda niya.

"Ma'm, bawal po diyan." Inbot ng waiter ang kamay niya para alalayan siya pababa ng mesa. Sa upuan muna nito ipinatong ang order niya.

Kung gaano ang hirap niya makaakyat ng mesa, mas mahirap ang pagbaba. Hapit na hapit ang pencil skirt niya kaya hindi niya maiangat ang mga binti niya nang husto. Salamat din sa hindi na niya mabilang na kung ilang baso ng spiked lemonade, mahina na ang panimbang at koordinasyon niya.

So she did what any tipsy girl in that situation would do: lifted her skirt high enough for her to put her leg down on the ground.

Parang naka-mini skirt na siya sa taas ng pagkaka-akyat niya sa palda pero wala siya pakialam. Maganda naman legs niya at may suot naman siya na panty.

At nakababa siya ng mesa. Iyon ang importante.

Nagpasalamat siya sa waiter pagkakuha niya ng inumin. Nangalahati agad iyon. Nauhaw at pinawisan siya kasasayaw.

Magpapahangin na muna siya sa poolside. Baka nandoon din si Ames.

Tama. Sa poolside na muna siya.

Natapos ang cover ng "Cake By The Ocean" ng banda. Pumailanlang sa ere ang intro ng isa na naman niyang paborito: Sucker.

Shoulder bag hanging across her body like a sling bag and her favorite drink in hand, she sashayed towards the pool to her favorite tune.

T.G.I.F. indeed!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...