UNDYING YOU

Od DANATHOUGHTS

7.1K 613 53

WHEN YOU ARE WILLING TO FORGET ABOUT THE PAST BUT THE FEELINGS ARE STILL AND NEVER FADE IN YOUR HEART. Isang... Více

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
NEW STORY!!!!!!
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35 ( FINALE )

CHAPTER 12

171 18 2
Od DANATHOUGHTS

Veronica's POV

SAMUEL SAMUEL SAMUEL!!!!!

Bakit mo ba sinisira ang lahat sa akin!?

Kaagad akong pumasok sa kwarto ko ng makauwi ako.

Mabuti at wala si Aubrey ngayon dahil dinalaw niya ang mga lolo at lola niya.

"Ang hirap mong kalimutan"
Bulong ko pa sa sarili ko

Years ang lumipas pero ikaw pa din yung mahal ko,ang hina hina ko pag kaharap kita Samuel.

"Vera ano ka ba"
Ani Ate Angel ng makapasok sa kwarto ko

"B-bakit ganun ate,ginawa ko naman yung lahat pe-pero dito *sabay turo ko sa dibdib ko* ang hirap hirap pakawalan ng taong minsan ng naging dahilan ng paghihirap ko"
Naiyak ko pang sabi

"Araw araw kinakain ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko kay Homer at kay Samuel pero kasalanan ko ba kung gusto kong maramdaman nila yung hirap na dinanas ko. Yung takot, takot ko ng mawala siya. Ate ang hirap hirap alam mo yun dahil nandoon ka hindi ba?Nandoon ka noong kinailangan ko siya"
Dagdag ko pa na medyo tumataas na ang boses ko

"Vera ano ba,tumingin ka sa akin ha look at me"
Aniya at hinarap ako sa kaniya

"Hindi ba sinabi ko naman sayo na mahihirapan ka lang sa binabalak mo. Ilang beses kitang pinipigilan pero ito ang tigas tigas *sabay turo niya sa ulo ko* at ito ang hirap hirap magpatawad *turo naman niya muli sa dibdib ko* bakit ba Vera sabihin mo? Hindi pag hihiganti yan,takot  takot na baka sa huli ay maiwan ka ulit"
Pagpapaliwanag pa niya

"Pero hindi ko na alam ang dapat ko pang gawin ate tulungan mo ako"
Tangi ko nalang nasambit

"Ganito Vera,bakit hindi mo kalimutan ang nakaraan at ayusin ang kasalukuyan?"

Paano ko makakalimutan ang mga panahon na kinailangan ko sila pero sila itong nagpapalayo sa akin.

Bumalik ako ng pinas noon para maayos at makamusta si Samuel dahil nagkamali ako noon ng iwan ko siya without words knowing na anak niya ang dinadala ko.

Pero sa halip na maging ayos ay naging worst at mas nakilala ko kung sino yung totoong nagmamahal sa akin.

FLASHBACK

Tatlong taon ang lumipas ng bumalik ako ng pinas para makita si Samuel.

Alam ko kung ano yung naging buhay niya ng wala ako at alam ko na okay na ulit siya.

Dumalaw ako sa bahay nila pero matagal ng wala sila Tito and Tita doon simula ng mangyari ang nangyari.

Nasira ako sa kanila at ganun din sa ibang kaibigan namin.

Ewan ko ba pero hindi ba manlang nasabi ni Homer ang katotohanan ng gabing iyon kung bakit nagkamali lang si Samuel sa nakita niya?

Akmang aalis ako ng dumating si Homer

"V-eronica"
Kunot noo pa niyang tawag sa akin

Natuwa ako ng makita siya yung nag iisang tao na laging nandiyan para sa akin noon.

"Homer"
Masaya kong sabi at niyakap siya

"Kelan ka pa bumalik ng pinas? I mean nagkita na ba kayo ni Samuel?"
Nakangiti pa niyang sabi

"Actually kahapon lang and ngayon ko sana siya gustong kausapin kaso mukhang wala pa"

"Don't worry pabalik na yun galing office"

"Kamusta ka?mabuti naman at ayos na kayo ni Samuel"

"Unfortunately,hindi na tulad ng dati but i make sure na magiging okay ulit kami. Tulad niyo alam ko na magiging ayos ulit kayo Veronica. Alam ko kung gaano mo siya kamahal at ganun din siya sayo"
Nakangiti pa niyang sabi

"Salamat Homer,by the way may papakita ako sayo"
Ani ko at pinakita sa kaniya ang picture ni Aubrey

"Ito oh,ang ganda niya diba manang mana sa akin"
Pagyayabang ko pa

"Oo nga,anong pangalan niya?"

"Aubrey,hindi ko na siya nagawang ispangalan kay Samauel kasi alam mo na"

"Oo naman,ang swerte ni Samuel sayo. Sana talaga maging okay na kayo"
Aniya niyakap ako ng mahigpit nito na binawian ko naman

Ang swerte ko lang dahil meron akong isang kaibigan tulad niya na malalapitan ko lagi.

"Mam nandiyan na po si Sir"
ani ni Manang

"Sige,ako na sasalubong hintayin mo nalang kami dito"

Tumango naman ako bilang sagot at naupo muli

Medyo nainip na ako dahil antagal nilang bumalik kaya sinundan ko na din si Homer

Sa hindi ko sinasadyang marinig ay nakita ko din na nag aaway silang dalawa

Nagtago ako sa likod ng pintuan at napakinggan ko pa na nagagalit si Homer kay Samuel

"Nag iisip ka ba ha Samuel? Intindihin mo naman kung ano ang nangyari sa inyo noon ni Veronica. Tapos sasabihin mo na mahal mo siya?"
Galit pang sabi nito

"Basta yun ang gusto kong mangyari para din naman yun sa aming dalawa lalo na para sa anak namin. At kung..."

"At kung ano?ha? Isipin mo naman ang bata. Huwag puro si Veronica Samuel,baka isang araw magising ka at magsisi ka sa mga plano mo"
Aniya at naiwan si Samuel na nakatulala

Hindi ko din maintindihan si Homer.

Akala ko ba gusto niyang mabuo kami?

Akala ko ba mahal niya ako at masaya siya na bumalik ako

"Veronica"
Pagtawag pa ni Samuel sa akin

Kaagad naman na pinatuyo ko ang mga luhang hindi ko na napansing nagsikawala

"Aalis na ako"
Ani ko at  walang kibot balikat na umalis

Ni hindi niya ako pinigilan pa,inisip ko nalang na baka nga hindi na dapat pang bumalik ako dito at magpakita pa sa kaniya

Pero isa lang naman yung gusto ko ang maayos ang pamilyang pinangarap namin

Pamilya na buo at gusto kong maranasan ni Aubrey pero ang pamilyang yun ay sinira mo Homer.

END.

"Ate,paano ko makakalimutan ang mga taong naging dahilan ng kalungkutan ko?"
Pagtapos ko sa usapan at nahiga ako

Hindi ko alam kung paano,akala ko din kasi hindi na masakit at kaya ko na pero sa tuwing nakikita ko siya masakit,mahirap at nakakadurog ng puso.


Homer's POV

"Hello Love,tapos kana?"
masaya ko pang salubong dito ng makapasok ako sa office niya

Naku kung pwede lang talaga na ako nalang ang gumawa ng mga trabaho niyo matagal ko ng ginawa

Pero ang problema meron din naman akong trabaho at isa pa ayaw niya na ako ang gumawa nun lalo pa at workaholic itong future misis ko

"Yes Love done!!! Hayst sarap sa feeling ng makatapos ng trabaho"
Pasigaw pa niyang sabi habang nag uunat unat

Naku mukhang pagod ang love ko

Nilapitan ko siya at minasahe ang likod habang nakaupo sa kaniyang upuan

"Love okay lang ako"

"Hindi Love let me handle this kaya ko din naman mag massage ng likod ano at tsaka para naman marelax ka hindi ba. By the way my pupuntahan tayo today remember?"

Natayo naman siya at niyakap ako ng mahigpit kaya ginantihan ko siya ng masarap na yakap

Gusto ko lagi yung ganito....

Handa akong mangalay kakatayo basta sa bisig ko siya nagpapahinga

Willing akong madag anan basta siya ang naka dagan

I am willing to be her pillow to cry on,a bed to rest and a chair to carry her anytime.

"Thank you love for always being here for me. You didn't know how happy I am when you are around."
Bulong pa niya habang nakapikit

"You know naman na kahit anong oras pwede akong nandito para sayo"

"I love you Liandro"

"I love you more Belinda"
Binigyan ko naman siya ng marahang halik sa noo

Nasira pa ang moment namin ng....

"Belinda belinda"
Sigaw pa ni Lana ng makapasok sa office

Nahiwalay pa kami sa isa't isa sa gulat

"Grabe naman Lana ano hindi marunong kumatok? Sarap mong kaltukan"
Bulyaw pa nito sa pinsan niya

"Sorry naman nasira ko moment pero kasi pinapasundo ka nila Tita e"
Kaagad naman itong lumapit at hinila si Belinda

"Pero hindi pwede"

"Bakit naman?"
Nakanguso pa nitong sabi

"May lakad kasi kami,pero kung urgent naman yan and kailangab talaga go lang I can wait or pwede namang resched ko nalang"
Pagbibigay ko pa ng oras

Gusto ko sanang mag inarte at ipagdamot siya pero hindi sa pamilya niya

Im happy kasi they gave us so much time together and most of her time ay nasa akin lagi that's why I let her go with Lana.

Family time muna niya habang ako ay kaila Samuel.

"Sure ka Love?"
Nag aalala pa niyang sabi

"Oo naman love sige lang,nag aya din kasi sila Lucho e so bukas nalang tayo magkita ha"
palusot ko at hinatid sila sa parking

Hinintay ko silang makaalis bago ko tinawagan si Lucho

"Bro,saan kayo ni Samuel?"

"Aba akala ko may dinner ngayon?kaya naghahanda na kami"
Nag tataka pa nitong sabi

"Bro resched nalang natin si Belinda kasi may lakad sila ng family niya"

"okay so ikaw,wanna join us? Mag dinner kami together ni Samuel"
Pag aya pa niya naisip ko naman si Vanessa

"What about Vanessa"
Tanong ko pa dito

"Hay naku nahila ni Lana baka kasama siya nila Belinda e,hayaan mo na muna sila alam mo naman yung tatlong yun hindi mapapaghiwalay "
Natatawa pang sabi niya

"Sige puntahan ko nalang kayo"

Actually okay na din ito kasi gusto ko rin makausap si Samuel about sa nangyari kagabi.

Naguguluhan ako sa kaniyang pinapakitang ugali ewan pero parang napapraning siya at magulo ang isipan.

Ni hindi ko naman makwento kay Belinda dahil busy din siya at isa pa hindi niya kilala si Veronica.

FLASHBACK

"Veronica"
Tanong ko pa kay Samuel ng madatnan ko itong nakatayo

"Samuel,nandito si Veronica"
Muli kong tanong sa kaniya at nilibot ang mata pero wala akong nakitang Veronica

"Wala Homer,namalikmata lang ako. Alam mo naman na matagal ko na siyang hinahanap lalo na si Aubrey siguro miss ko lang siya at sila lagi ang laman ng isip ko"
Pagpapaliwanag pa niya

Nakita ko ang bakas ng luha sa kaniyang mga mata

Hindi ko alam kung maniniwala ako pero may iba sa kaniya

Alam ko kung gaano niya kamahal si Veronica at ganun din si Veronica sa kaniya

Kaya nga hindi ko alam kung anong nangyari noon ng umuwi si Veronica ang buong akala ko ay magiging ayos na sila pero hindi pa din pala

Nung bummalik kasi ako sa salas para kausapin si Veronica ay wala na siya doon.

Oo natakot ako sa pwedeng mangyari pag tinuloy ni Samuel ang plano niya pero nasa kanila na din naman yun kung gugustuhin ni Veronica

Pero sa nakita ko mukhang hindi ito pumayag kaya umalis nalang ulit siya.

END.

Nasa sasakyan na ako ng may humarang na itim na kotse sa harapan ko

Binusinahan ko ito pero parang hindi napapansin ito ng may ari ng sasakyan na hindi pa din bumababa

Sa kapikunan ko ay ako na ang bumaba ay kinatok ito

"V-eronica"
Gulat ko pang sambit sa pangalan niya ng maibaba ang window ng sasakyan niya

"Miss me"
Nakangiti pa niyang sabi

Bumaba siya ng sasakyan at tumayo sa harapan ko

"Oh bakit parang gulat na gulat ka Homer,hindi mo ba ako namiss?"
Natatawa pa niyang sabi

Hindi lang kasi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko nakatayo at makikitang ayos siya.

Kinusot ko pa ang mata dahil baka namamalikmata lang din ako tulad ni Samuel

Pero ng hinawakan niya ako sa pisngi doon na ako naniwala na nasa harapan ko talaga siya

"Veronica"
Naiiyak ko pang sabi at nayakap siya

Grabe ang tagal tagal ng huli ko siyang makita at masaya ako na nandito na siya ulit

Ramdam ko pa ang yakap niya pabalik

"Masaya ako na bumalik kana ulit"

"Salamat,kamusta ka?"

"okay naman,teka bakit ka nga pala nandito sa building na ito"
Nagtataka ko pang tanong dito

Building ito ng mga Tan and wala naman akong naaalala na related siya sa mga ito

"Hmmm may kaibigan lang ako na bibisitahin tapos nakita kita,ikaw bakit ka nandito"

"Ahh ganun ba mabuti naman,kasi pinuntahan ko yung girlfriend ko sayang wala na siya sana napakilala kita"
Nanghihinayang ko pang sabi

For sure pag nagkakilala sila ni Belinda magkakasundo sila

"Ganun ba,sayang maybe next time gusto ko din kasi siyang makilala nakikita ko na mukhang masaya ka ngayon e siguro dahil sa kaniya"
Masaya pa niyang sabi

"Naku Veronica kung alam mo lang hindi ba noon akala ko hindi ko na makikita yung taong para sa akin pero look masaya ako at masaya lalo ng bumalik ka."

"Oo nga e natatandaan ko pa na binibida kita sa mga babaeng nakakasalubong natin tapos nagagalit si Samuel dahil ayaw niya ng ganun"

"Naaalala mo pa,oo nga pala nagkita na ba kayo ni Samuel?"
Tanong ko pa sa kaniya na medyo nah iba ang mood

"S-sorry"
Ani ko

"Okay lang,oo minsan nagkita kami somewhere haha pero hindi din naman kami nakakapag usap"

Bakit hindi nasabi ni Samuel sa akin ang tungkol dito?

Iniisip ba niya na galit pa din ako kay Veronica ng dahil sa ginawa niya noon?

"Hindi niya nabanggit"
Tipid kong sabi

"baka alam mo na,actually hindi ko rin ineexpect na ganito tayo. Sorry Homer"
Paghingi pa niya ng tawad

"okay na yun Veronica ano ka ba,naiintindihan naman kita at siguro okay na din na nangyari yun. Alam mo kasi natakot lang din ako sa inyo noon ni Samuel sa pwedeng mangyari"

"Anong ibig mong sabihin?"
Nakakunot noo pa niyang sabi

"Hindi ba kayo nag usap ni Samuel noon nung umuwi ka?"
Naguguluhan ko pang sabi

"Tungkol saan?"

"Sa balak niya para sa anak niyo,nagalit ako noon oo dahil ayoko na malayo sayo si Aubrey dahil nakikita ko na mahal mo siya. Pero naintindihan ko din si Samuel noon bilang ama na sa ikakabuti niyo kung sa kaniya muna si Aubrey para mapapayag ka niya na mag stay sa pinas. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nawala ka at ni hindi namin alam kung saan ka pupuntahan noon"

"Halos mabaliw din si Samuel kakahanap sayo at kay Aubrey,lahat na ginawa namin. Mahal ka niya Veronica mahal niya kayo. Sana ngayon na nandito kana ulit sana maging ayos na kayo. Mag usap kayo,magbigay kayo ng oras para sa isa't isa kasi yun ang kailangan niyo"
Mahaba ko pang lintaya

Bakas sa mukha niya ang pagkagulo at pagsisisi

Wari ko'y wala siyang alam sa mga sinabi ko dahil ang katulad ni Veronica ay hindi basta basta lalo na't kilala ko siya

I know how her heart beat,naging malapit kami sa isa't isa at gawa yun sa mabuti niyang puso.

"H-hindi ko alam Homer,ang buong akala ko ay nagalit ka kay Samuel ng gabing yun dahil ayaw mo na magkasama kami pero naguluhan ako,gulong gulo ang isip ko kung bakit"
Naiyak pa niyang sabi

Kaagad ko siyang niyakap at hinagod ang likod

"Tama na Veronica,nangyari na ang nangyari siguro ay nadala lang din kayo sa mga nangyayari sa inyo pero hindi pa huli ang lahat para maayos niyo ito ni Samuel para sa inyong dalawa at lalo para kay Aubrey"

"Thank you Homer,pasensya kana kung napag isipan kita ng hindi maganda. Kaya noong narinig kita nabigla ako kasi alam kong hindi ka ganun"

"Wala yun ang mahalaga ay alam mo na ang katotohanan at matutupad na ang gusto mo para sa inyo ni Aubrey ang mabuo kayo. Tandaan mo na mahal na mahal ka ni Samuel,kayong dalawa"

"Thank you Homer"
Muli niyang yakap sa akin

Natutuwa ako na finally nag karoon ng ganitong pagtatagpo sa amin kung saan ay naging maliwanag ang lahat.

Nalungkot ako para kay Veronica pero hindi ko maikakaila na naging kasalanan ko kung bakit nagkaroon sila ng matinding problema

But,tapos na ang lahat ng iyon at panahon na para sa magandang kaganapan sa kanilang dalawa

Siguro nga ay nilamon ng galit ang kanilang simula pero sigurado naman ako na hindi matatapos ang love story nila ng hindi masaya.

"Liandro"
pagtawag palang sa pangalan na yun ay alam ko na kung sino ang nag mamay ari

Nakalas ako sa pagkakayakap kay Veronica at bumungad sa akin si Belinda....




TO BE CONTINUED......

VOTE AND COMMENT 💛

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
135K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
392K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...