Love In Disguise (COMPLETED)

Oleh Luvexx

14.7K 1.1K 3.5K

ENDLESS SERIES # 2 Si Kaizer ay isang playboy. Kung sino-sino ang kaniyang dine-date ngunit ni isa sa mga iyo... Lebih Banyak

LOVE IN DISGUISE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Author's Note
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
LID'S Announcement

CHAPTER 27

161 19 57
Oleh Luvexx

Rin's POV

Habang naglalakad kami, ramdam ko ang tingin niya kahit hindi siya kumikibo. Pinili ko na lamang na huwag iyong pansinin tutal hindi naman gaanong nakakailang.

Nang tuluyan kaming nakarating sa pamilihan ay bumungad sa amin ang hile-hilerang pwesto ng mga nagtitinda. Dito sa Norte ay nasa magkabilang gilid ng daan nakapwesto ang mga nagtitinda. Isang linya lamang iyon. Kaya didiretsohin mo lang ito, hindi na kailangang maglibot upang pumili ng mga bibilhin.

"You can buy without giving money?" Walang emosyong tanong ni Kai habang abala ako sa pagpili ng mga gulay.

"Yeah. It's included in my tax as a rank." Tango lang ang sinagot niya sa akin.

Patuloy lang ako sa pagpili ng pagkain nang biglang nawala sa paningin ko si Kai. Nilibot ko ang tingin para hanapin siya ngunit hindi naging madali dahil nagkalat ang mga taong namimili. Napabuntong hininga kong itinutok nalang ang paningin sa bentahan ng karne. Kumuha ako ng karneng sapat lang sa amin. Matapos ay nagtingin-tingin ako ng isda ngunit wala ng available.

Napasimangot ako dahil lilipas na naman ang araw na hindi ako nakakakain ng isda. Kasama iyon sa diet routine ko. Kailangan kong kumain ng isda twice a week. Nitong nagdaang ilang linggo ay hindi na ako nakakakain nito. Pulos gulay at karne lang ang nakakain ko dahil na rin sa pagiging abala.

"What's wrong?" Mabilis akong napalingon kay Kai. Nakita niya sigurong nakasimangot ako.

"Nothing," pag-iling ko. "Sa'ng lupalop ka ba galing?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Something caught my attention there," nakangiti niyang itinuro ang gawing likuran namin. Kataka-takang nawala na ang pagkaseryoso niya na para bang siya na ang pinakaproblemadong tao sa mundo.

"I see," tinanguan ko lang siya. Gustohin ko mang itanong kung ano ang bagay na nakakuha sa atensyon niya ay hindi ko nagawa. Wala akong lakas ng loob. Baka kung ano pa ang isipin niya. Kakaiba pa naman ang utak na meron si Kai.

"Are you done picking up foods?" Tanong niya habang nilalagay ko ang karne sa basket niyang dala.

"Yeah," sagot ko bago muling nilibot ang tingin sa bilihan. Nagbabakasakaling may isda akong makikita.

"What's your problem then? Bakit ka nakasimangot?" Napa-angat ako ng tingin kay Kai. Kakatwang nagtatanong na siya ulit ngayon. Hindi tulad kanina na halos mapanis ang laway niya.

Napabuntong hininga ako. Wala namang masama kung sasabihin ko tutal normal na sa kaniya ang pagiging matanong. "I just want to eat fish pero wala ng available," usal ko.

Nginisihan ako ni Kai. "Hindi pa nga kita asawa naglilihi ka na!" Natatawang aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong mahitang salita para isagot sa kaniya. "Saan dito p'wedeng manghuli ng isda? I'll be the one to catch fish for you." Napamaang ako.

"'Hindi, wag na, ayos lang. Umuwi na tayo," hindi ko pagsang-ayon sa kaniya.

Umiling si Kai. "No. Kailangan may dala tayong isda," pagmamatigas niya. "Come here," nagulat ako nang sinakop niya ang mga palad ko. Hinila niya ako papunta sa isang pwesto kung saan may nagtitinda ng kung ano-anong mga gamit.

Binitiwan niya rin ito agad. "Buy that fishing rod." Turo niya sa pamingwit na nakasabit sa loob ng tindahan.

"Hindi na nga kasi kailangan, Kai. Umuwi na tayo,"

"Please, baby, please. I want to catch fish for you," malambing niyang bulong. Nakagat ko nalang ang sariling labi.

Bago pa man ako makapagsalita ay kinausap na niya ang dalagang tindera na halos mangamatis ang mukha dahil sa kaniya. "Fishing rod, please, lady." Nakangiting usal ni Kai. Kaswal lang iyon pero iba ang dating sa babaeng tindera. Mukhang kinikilig ito.

Pabuntong hininga kong inalis ang tingin sa babae. Ganoon nalang ako napa-angat ng tingin kay Kai nang pinisil niya ang palad ko. "Don't be jealous, baby, I'm all yours." Nakangiti niyang bulong.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa takot na mabasa niya ang kakaibang emosyong pinakawalan ng traydor kong puso.

Napangiwi ako nang kahit na ako naman ang bumili at hindi si Kai. Todo pa rin ang pasalamat ng tinderang babae sa lalaking kasama ko. Pakiramdam ko'y nagpapa-cute siya kay Kai. Tuloy ay grabe ang pagpipigil ko sa sariling 'wag umirap.

"Saan tayo mamimingwit?" Tanong ni Kai habang naglalakad kami palayo sa tindahang may pa-cute na tindera.

"Sa pantalan." Ako na ang nag-presintang magbitbit ng fishing rod dahil may basket na hawak si Kai.

Hindi kalayuan ang pantalan dito sa pamilihan kaya mabilis lang naming mararating ito. Halatado ring namamangha si Kai sa mga nadadaanan namin. Sa una'y iba't-ibang klase ng puno na may sari-saring kulay ng dahon ang sumalubong sa amin.

Habang papalapit sa pantalan ay papaliit ang mga punong nasasalubong namin hanggang sa mga halaman na may isang metro ang taas na ang nakikita namin. Napakaganda ng mga bulaklak nito. Ang ilan ay dinadapuan pa ng matitingkad na paru-paro.

"Such a paradise," namamanghang usal ni Kai. "Ang ganda naman dito. Para tuloy ayaw ko ng umuwi sa Pilipinas." Ngumiti ako dahil ngayon ko lang siya nakitang namangha ng dahil sa ganda ng bansa namin.

"Maganda talaga dito. I thought napansin mo na ito no'ng gabing umiwi tayo galing kina Hong Eun," kibit-balikat ko.

"Nadaanan natin 'to?" Takang tanong niya. Tumango naman ako. "Hindi ko napansin," aniya.

Nginiwian ko siya. "Hindi mo talaga mapapansin because you were busy giving Ianah your sweet carry," natauhan ako nang tumigil si Kai sa paglalakad.

Napapalunok akong tumitig sa kaniya. Kainis kang bibig ka!

Una ay nagugulat si Kai na napatingin sa akin. Iyon bang hindi niya inaasahan ang bagay na aking sinabi. Agad din naman itong napalitan ng isang maginoong ngiti. Nakangiti niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Tumitig siya sa akin ng may nakakaakit na tingin.

"Damn it! How can I give you a quick peck on your lips here in public place?" Tanong niya sa sarili. "I always want to kiss you whenever you're jealous because it's giving me a hint that you like me too," usal ni Kai. Bagay na paulit-ulit na nagpabilis sa tibok ng puso ko. Hindi na nga ito mawawala sa tuwing si Kai ang kaharap ko.

"Let's go, baby. I have to calm myself. Especially the thing inside my heart continuously pounding like hell." Wala akong nagawa nang hinila niya ako. Tila ba isang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang pinagsiklop ni Kai ang mga kamay namin.

"Stay here," binitawan ako ni Kai pagkuwan nang tumigil kami. Ilang hakbang nalang ay mararating na namin ang bunganga ng pantalan.

Nakapaningkayad na umupo si Kai. Matapos ay naghukay siya gamit ang sanga ng puno. Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. Nanatili lang akong pinapanood siyang maghukay.

Halos mapatalon ako nang makita ang nasa kamay ni Kai. Mabilis na tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Ang tibok ng puso ko ay sumobra ang bilis dahil sa kaba. Nagsimula nang magpawis ng malamig ang mga palad ko. Para akong maiiyak. Paulit-ulit akong napalunok habang marahang humahakbang patalikod.

Bulate..

"A-Anong gagawin mo d'yan?" Kinakabahan kong tanong kay Kai. Salitan ang tingin ko sa mukha niya at sa bulateng nilagay niya sa pinabili niyang baso.

"I'll use it as a bait to catch fish," nang makarami na siyang bulate ay tumayo na siya. Nagmadali akong naglakad para maunahan siya.

Ako ang naunang makarating sa dulo ng pantalan. Gawa ito sa puro at matibay na kahoy. Dalawang metro rin ang lapad nito. Hindi ko magawang makapagpokus sa magandang tanawin ng dagat dahil sa dalang bulate ni Kai.

"Hindi mo man lang ako hinintay," nakangusong ani Kai habang nilalapag ang basket sa sahig na kahoy. Nang tumingin siya sa akin ay agad kong binigay ang fishing rod sa kaniya.

Napakunot ang noo ni Kai nang tumitig siya sa akin. "Are you sick? You looked pale!" Nag-aalala niyang usal.

"No, I'm not! I'm perfectly fine. 'Wag kang lalapit!" Natutuliro kong usal ng tangka siyang hahakbang papunta sa akin.

Nagulat si Kai sa reaksyon ko kaya naman biglang umuga ang kamay niyang may hawak sa baso. Nabagsak ang isang bulateng kanina ko pa nakikitang dumudungaw dito.

"Oh my god! Oh my god! Ilayo mo sa 'kin 'yan!" Natataranta kong bulalas nang magwala ang bulate sa sahig. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Puno ng kaba ang dibdib ko.

Isang malakas na hagalpak ng tawa ang narinig ko kay Kai. Hawak niya ang tiyan habang nakatingin sa akin. Tawa siya ng tawa. "So gawa ng bulate kaya ka namumutla? What the hell, baby? Takot ka sa bulate?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa gitna ng pagtawa.

Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan. Gusto ko siyang hampasin. Kinakabahan ko siyang dinuro nang pulutin niya ang bulate at tangkang ibibigay sa akin. "Subukan mo! Subukan mo lang talaga! Hindi ako magdadalawang isip na itulak ka sa dagat!" Naghi-hysterical kong sigaw.

"Kahit hindi ako marunong lumangoy?"

"Kahit hindi ka marunong!" Nauutal kong anas.

"Pa'no kung malunod ako?" Ani Kai. Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.

"I don't care!" Konting lapit nalang niya'y maiiyak na ako ng tuluyan. Sobra na ang takot at kaba ko sa bulateng kumakawag-kawag sa kaniyang kamay.

"Kai, wag kasi.." pagmamakaawa ko habang siya ay nababaliw katatawa.

"You know baby, you're so cute. Bulate lang takot ka!" Bungisngis niya.

Nang tangka siyang lalapit ay buong lakas ko siyang tinulak na para bang lumabas ang adrenaline rush ko sa sobrang kaba. Nawalan ng balanse si Kai. Nanglaki ang mata ko nang mahulog siya sa tubig.

Bago ko siya pagtuunan ng pansin ay natutuliro kong tinapakan ang bulate. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa hindi ito nadudurog.

Nang magkagutay-gutay ito ay napapalunok kong sinuyod ang pwesto kung saan nahulog si Kai. Ganoon nalang ulit ang kaba ko sa dibdib nang makitang tahimik ang alon ng tubig.

"Kai?" Kinakabahang tawag ko ngunit walang sumagot. Mas lalong nanlamig ang mga palad ko.

Oh my god.. Baka hindi talaga siya marunong lumangoy!

Maldo Andwae!

"Kai? Umahon ka na d'yan! It's not funny playing drowned!" Buong lakas ng loob kong usal.

Mas lalo akong kinabahan dahil mag dadalawang minuto na ngunit hindi pa rin siya umaahon. Napapikit akong tumalon sa tubig.

Patuloy ako sa pagkawag ng paa at kamay habang pulos magkabilang paglingon sa ilalim ng tubig. Hinahanap ko si Kai ngunit kinapos na ako't lahat ng hininga ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Inahon ko ang katawan sa tubig para kumuha ng hangin. Lumusong din ako ulit. Habang patuloy ako sa paglangoy ay tumitindi ang kaba at pag-aalala sa aking puso.

How I hate worms..

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko siya nakita. "Eodiya!" Where are you?" Inis kong sigaw. Namumula na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kaniya.

Ganoon nalang nahuwit ang luha sa mga mata ko nang may brasong humapit sa tiyan ko. "Gotcha!" Sambit niya bago isinubsob ang mukha sa balikat ko.

"Worried huh?" Inis ko siyang hinarap.

"Ya! Micheosseo? Jugule?" Hey! Are you out of your mind? You wanna die? Nanggagalaiti kong bulyaw sa kaniya. Tinulak ko ang dibdib niya.

Isang mahigpit na yakap lang ang isinagot niya sa akin. Na para bang mapapakalma ako nito. "Calm down, baby. I'm fine," mahinahong bulong ni Kai bago hinalikan ang buhok ko.

Pilit akong kumawala sa kaniyang mga bisig. "Bitiwan mo 'ko!" Nababasag ang tinig ko.

Mas hinigpitan pa ni Kai ang yakap sa akin. "I can't believe you have scoleciphobia," usal ni Kai. "My dear baby has a fear of worms," natatawa na namang dagdag niya.

"Hindi ako takot!" Asik ko saka marahas na umalis sa mga bisig niya. Puno ako ng inis sa pananakot, pang-aasar at pagsisinungaling niyang hindi siya marunong lumangoy.

Tinaasan ako ni Kai ng kilay. "Sige 'yan ka na naman sa pagde-deny mo!" Sinamaan ko siya ng tingin. "You know, Rin may bulate tayo sa tiyan." Bigla ay nanigas ang katawan ko. Para akong pupulikatin sa sobrang takot at kaba. "Are you aware of that? What will you do when worms are now sneaking around your stomach-" hindi na natapos ni Kai ang sasabihin dahil mabilis akong yumapos sa kaniya ng napaka-higpit. Sobra ang gilawgaw, takot at kaba ko. Pakiwari ko ay papanawan ako ng buhay.

Sa sinabi palang ni Kai na may bulate sa tiyan ko ay hihimatayin na ako. Lalo pa sa isiping gumagalaw sila rito. Sobrang kinikilabutan ako. Puno ako ng takot na yumapos ng napakahigpit kay Kai. Wala akong pakialam kung hindi na siya makahinga.

Buti nalang at nabalanse ni Kai ang sarili kaya naman hindi kami lumubog sa tubig. Hindi ko rin napigil ang aking mga luha. Tuluyan na itong bumuhos. "Oh shit! Wag kang umiyak!" Magkahalo ang pag-aalala at tawa sa boses ni Kai.

"You punk, Kai! I hate you!" Umiiyak ko pa ring sigaw.

Halos gusto kong alisin ang tiyan sa aking katawan. "Baby, you're hugging me so tight! Hindi na ako makahinga!" Natatawa niyang usal.

"Wala akong pakielam!" Gumagaralgal ang boses na asik ko. Maging ang aking mga paa ay nakapulupot sa beywang ni Kai. Ramdam na ramdam ko ang katawan niya ngunit hindi ko magawang lumayo.

Pinanghina ako ng mga sinabi niya. "Shh," niyakap niya ako pabalik. Kung paano niya iyon ginawa ng hindi kami lumulubog ay wala akong ideya. "I'm just kidding you! Stop crying, Rin, baby.." bulong niya sa napakalambing na tono.

"Do you think it's funny? I hate you!" Hindi na maubos ang luha ko sa pagbagsak. Ikinuyom ko ang aking mga kamao saka ko hinampas ang kanan palikpik ng kaniyang likod.

"You hate me pero ang higpit ng yakap mo? I'm starting to love worms!" Natatawang wika ni Kai. Halos gusto ko siyang batukan.

"I hate you, Kai! I hate you! Papatayin talaga kita!" Nanggagalaiti kong bulyaw.

Pilit niya akong hinarap sa kaniya. "Sorry na, baby? Hm? I'm just enjoying teasing you. You know, mas lalo akong nababaliw sa 'yo!" Pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi.

Nanatiling nakapulupot ang braso ko sa batok ni Kai. "Hindi nakakatuwa!" Basag pa rin ang boses ko.

"Kaya nga sorry na. I'm sorry! I was just enjoying it. It gives me so much clue. Sorry na baby, no words can describe how much I love you.." Usal niya habang may malamlam na mga mata. Hinaplos niya ang pisngi ko matapos ay pinagdikit niya ang mga noo namin. Nang binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi ay kumalma bigla ang puso ko. Naging banayad ang tibok nito. Parang may kumikiliti dito. Sa pagkakataon ding ito, parang kiniliti maging ang tiyan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Basta nalang akong yumapos ng mahigpit kay Kai. Pakiramdam ko kasi ay mga bulate na ito.

"Still afraid?" Malambing na tanong ni Kai. Iniharap niya ulit ako sa kaniya. Humawak ako ng maayos sa batok niya para hindi mahulog. "I can calm you in my own way. Baby, do you want me to calm you?" Napapalunok na tanong ni Kai habang salitan ang tingin sa mata at labi ko.

Sa halip na sumagot ay nagbaba ako ng tingin sa mapula niyang labi. Tanda ko pa kung gaano ito kalambot na kayang walain ang katinuan ko.

Aksidente kong nakagat ang sariling labi kaya naman napangiti si Kai. Nagkaroon siya ng hudyat para dahan-dahang paglapitin ang mga mukha namin. Nang halos kalahating pulgada nalang ang pagitan namin ay awtomatiko kong pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko maging ang matangos na ilong ni Kai. Napalunok ako nang ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko pa nararamdaman ang bagay na tatama dapat sa labi ko. Ramdam ko ang hininga ni Kai ngunit hindi ang kaniyang labi.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Ngiti agad ni Kai ang nasilayan ko. Pinagmamasdan niya ako habang tila kinakabisa ang bawat sulok ng aking mukha. "I will never get tired of staring every inch of your face, baby. My heart is screaming for your presence and name. I'm crazily in love with you, Rin, baby, you're undeniably alluring 360°," matamis niyang bulong bago tuluyang sinakop ang mga labi ko. Parehas kaming napapikit.

Napakarahan ng mga labi niya tulad no'ng gabing hinalikan niya ako. Tila ba nilalasap niya ito. Walang parte ang mga labi kong hindi nadadaan ng basa at malambot niyang labi. Ang sarap nito sa pakiramdam na lahat ng takot, inis, kaba ay tuluyan nitong pinaglaho.

Ang gaan ng mga labi ni Kai na pinaparamdam kung ano ako sa kaniya. Na kung gaano niya ako kamahal gaya ng sinasabi at pinapakita niya.

Patuloy sa paggalaw ang mukha ni Kai para maayos na malibot ang bawat parte ng labi ko. Habang ako ay nanatili lang na nakapikit at nakaawang ang mga labi.

Parehong habol ang aming mga hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Pigil ang emosyon ko siyang tiningnan.

"No matter how many times you deny. It won't make any difference. Your tongue may deny but your heart don't lie. Especially your eyes. Our eyes reflect what our hearts felt.." napapikit ako nang halikan ni Kai ang tungki ng aking ilong. Nagmulat din ako pagkatapos. Agad nagtama ang aming paningin.

"Baby.." namamos na bulong ni Kai. "You're falling, I can always see it through your eyes.." dagdag niya pa na may malamyos na mga mata. Binabaliw nito ang nagliliyab kong puso.

Ako na mismo ang nagdikit ng mga noo namin. "Sorry Kai, for always denying. It just that, I'm not yet ready for this. For what my heart felt. But, thank you for letting me feel this way.." pigil hininga ngunit sinserong aniko.

Pinagkiskis ni Kai ang mga ilong namin. "I'm always willing to wait, baby, you worth the wait. Like what I've said before. I'll wait for the perfect timing where you are ready to accept it wholeheartedly," patago akong ngumiti nang halikan niya ako sa pisngi.

"Baby?" Tanong na naman niya.

"Hm?" Paugong kong sagot.

"Can you please be honest with me. Kahit ngayon lang. Please tell me what's the condition of your heart right now you're with me. Anong sinasabi ng puso mo, Rin?" Nakikiusap ang tinig ni Kai.

Nakagat ko ang sariling labi. Wala akong nararamdaman na kahit anong pagtutol sa hinihiling niya. Nakikisama ang puso ko sa takbo ng puso ni Kai.

Ilang beses pa akong napalunok bago nagsalita. "My heart.." nag-aalangan ako kung itutuloy ko pa ngunit agad ding nawala ng nginitian ako ni Kai. "My heart is going crazy. It's beating abnormally wild not only now but whenever you're close to me.." pigil ang ngiti ni Kai. Iniiwasang makaramdam ako ng pagkailang.

"Right now.." putol ko. Hindi ko magawang deretsuhin ang bagay na aking sasabihin. "My heart says that.. I am now slowly beating for the man named Kai. I don't know how. All I know is that one day I'm starting beating and every moments with you become special.." sinserong ani ko na para bang ang puso ko ang nagsasalita. Napamaang naman si Kai.

"Baby is it for real?" Hindi makapaniwala niyang bulalas. "Am I dreaming?" Mariin niyang pinagdikit ang mga noo namin.

"It's real. You're not dreaming," bulong ko. Hindi na ako natigil sa pagkagat sa aking mga labi. "Kai, you posses a kind of magic that enable my heart to beat with feelings opposite of hate.." usal ko bago hinalikan si Kai sa noo.

Nagulat nalang ako dahil natulala siya sa ginawa at sinabi ko. Tuloy ay hindi ko napigilang pisilin ang tungki ng ilong niya.

At this moment. I forgot those burdens I'm facing. I forgot that I'm a rank. Because this man named Kai has a power to take away the negative energies inside me..

--

Luvexx

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
381K 28.6K 6
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
41.3K 1.6K 35
Deal Series #1 Meisha Ann Lim is a woman who wants a happy and quiet life, she wants freedom, so she decided to run away from her family. One day sh...