The Mysterious Girl of Terren...

Door MoonlightMaddox

1.5M 61.8K 12.4K

Unveil the mystery of the mysterious girl. Meer

Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Arrival
Chapter 2: Dormmates
Chapter 3: First Day
Chapter 4: The Royalties
Chapter 5: Friends
Chapter 6: Confused
Chapter 7: With The Royalties
Chapter 8: Amanda Shion
Chapter 9: Messed with the Wrong One
Chapter 10: Training
Chapter 11: Power Leveling Day
Chapter 12: Unknown Power
Chapter 13: Curiousity Begins
Chapter 14: Her Other Power
Chapter 15: Fire Dinner
Chapter 16: Gold Section
Chapter 17: Goodbye Friendship
Chapter 18: Miko Werlock
Chapter 19: Fire vs. Fire
Chapter 20: Kianah and PootsieToothsie
Chapter 21: Friends Again
Chapter 22: With Them
Chapter 23: Frozen
Author's Note
Chapter 24: Who's that guy
Chapter 26: Attacked
Chapter 27: The Fight and The Mission
Chapter 28: Mount El Sierra
Chapter 29: Lorna the Wicked White Witch
Chapter 30: Face Swap
Chapter 31: Combat Training
Chapter 32: The Confession
Chapter 33: Two Broken Hearts
Chapter 34: Who's The Real One
Chapter 35: Into the Lake
Chapter 36: Love In Madness
Author's Note
Chapter 37: Bad Fortune
Chapter 38: Girl From Nowhere
Chapter 39: Jealous
Chapter 40: Vampire's Attack
Chapter 41: Tail
Chapter 42: Meet The Parents
Chapter 43: Awaken
Chapter 44: Dawn Devons
Chapter 45: I Love You
Chapter 46: Silhouette
Chapter 47: It's A Date
Chapter 48: The Fight
Chapter 49: The Battle
Chapter 50: Letter
Chapter 51: The Key
Chapter 52: Replicate
Chapter 53: Water Kingdom
Chapter 54: Into the Sea
Chapter 55: Sea Monsters
Chapter 56: Mermaid
Chapter 57: Promise
Chapter 57: Tears of Sadness
Chapter 58: Danger
Chapter 59: Zokusian's Kingdom
Chapter 60: Against Them
Chapter 61: Against All Of Them
Chapter 62: Fire in the Water
Chapter 63: Black Smoke
Chapter 64: Stolen
Chapter 65: Met Him
Chapter 66: Founded
Chapter 67: Announcement
Chapter 68: Time
Chapter 69: Tornado
Chapter 70: Suspend
Chapter 71: Faila the Fairy
Chapter 72: Threat
Chapter 73: Sneak a Peek
Chapter 74: Flame
Chapter 75: Presence
Chapter 76: Shopping
Chapter 77: The Traitor
Chapter 78: Pretend
Chapter 79: Ready
Chapter 80: Terrensia's Magissy Ball Part I
Chapter 81: Terrensia's Magissy Ball Part II
Chapter 82: Terrensia's Magissy Ball Part III
Chapter 83: The War Part I
Chapter 84: The War Part II
Chapter 85: The War Part III
Chapter 86: Disaster Part I
Chapter 87: Disaster Part II
Chapter 88: Disaster Part III
Chapter 89: The Air
Chapter 90: Red Moon
Chapter 91: The Chaos
Chapter 92: Winged
Chapter 93: Golden
Chapter 94: Exposed
Chapter 95: Cloak
Chapter 96: After the War
Chapter 97: Cherish the Moment
Chapter 98: Book of the Prophecy
Chapter 99: Mourn
Chapter 100: Sorrow
Chapter 101: Damsel In Distress
Chapter 102: The Truth
Chapter 103: Powerless
Chapter 104: Set Up
Chapter 105: Tertheia
Chapter 106: Punishment
Chapter 107: Finale
Epilogue
CLOSE
MoonlightMaddox's Notes
SPECIAL CHAPTER

Chapter 25: The Lost City of Eronda

14K 613 150
Door MoonlightMaddox

Shamiere's POV

Nakasakay kami ngayon ni Miko sa isang karwahe papunta sa kung saan.Hindi niya sinabi sa akin ang aming paroroonan para raw surprise.

Mga ilang oras lang ang aming binyahe at nakarating kami sa isang walang katao-taong bayan? Bumaba kami mula sa karwahe at umalis naman agad ito.

"Miko?Anong lugar to?" Tanong ko habang pinapagpagan ang pang-upo ko.

"Shamiere,welcome to The lost city of Eronda!" Nakangiting sagot niya sakin.

"Wala ng nakatira dito at madalang nalang kung puntahan.Pero hindi ito ang gusto kong ipakita sayo,maglalakad pa tayo ng ilang minuto dahil hindi na pwedeng makadaan ang karwahe dun." Mahabang dugtong pa niya sakin kaya tumango nalang ako at ngumiti din.

"Then,lead the way."

Nauuna siyang maglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa likuran niya.Dumaan kami sa masikot na gubat,hanggang sa makalabas kami sa di kalakihang gubat na yon at bumungad sa amin ang isang burol na di kalayuan sa amin.Sa burol na iyon ay may nakatirik na isang malaking puno.

Mabilis kaming nakarating doon at napangiti ako dulot ng preskong hanging humahampas sa amin,isama na rin ang magandang tanawin.Umupo ako sa damuhan at sinandal ang likod sa puno,pumikit ako habang nilalanghap ang napakasariwang hangin.

This is relaxing.

"Shamiere! Come here." Napamulat ako ng marinig kong tawagin ako ni Miko habang nakadungaw siya sa ilalim nitong burol kung saan kami naroroon.

"Teka lang,ang sarap magpahinga dito at nakakapagod kaya ang binyahe natin." Sagot ko at muling ipinikit ang mga mata,pero hindi pa man nakakadaan ang ilang segundo ay napamulat na naman ako ng may humila sa kaliwang braso ko at sapilitan akong itinayo.

"Halika na kasi,may ipapakita ako sayo.I'm sure you'll love it." Nakangiting turan niya at napasiring naman ako ng tingin.

"Whatever."

Nang dumungaw kami sa baba ay napaawang ang bibig ko at parang hindi pa ako makapaniwala sa nakikita ko.

Wow.

Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Miko at binalik rin agad sa tinitingnan ko.

Isang napakalawak na taniman ng mga bulaklak.

Iba't iba ang kulay nila at nakakaengganyong tingnan.Sumasayaw sila sa ihip ng hangin at sadyang napakagandang tingnan at kaakit-akit sa paningin.

"Diba?Sabi ko sayo eh,worth it ang pagpunta natin dito." Sabi pa niya pero hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa naggagandahang mga bulaklak.

"I don't know what to say." Manghang usal ko.

"Speechless?Hahaha ayos lang yan,nakakamangha naman talaga ang ganiyang tanawin eh.Dito lang yan makikita at dahil tago ito at abandonado na ang bayang to ay walang masyadong nakakaalam tungkol sa lugar nato." Mahabang paliwanag niya at sa pagkakataong to ay tumingin nako sa kaniya.

"This place is paradise."

"Indeed it is."

"Pwede ba nating puntahan yan?" Umaasang tanong ko.

"Haha sure, why not?Tara." Inalalayan niya ko pababa ng hindi gaanong kataasang burol.Tuwang-tuwa naman akong tumakbo patungo sa mga nagsasayawang bulaklak.

"This is amazing!" Sigaw ko habang tumatakbong nakabuka ang dalawang kamay sa mga bulaklak at dinadama ang mga ito.Narinig ko namang tumatawa si Miko sa likod ko.

Mas lalo pa akong namangha ng makitang lahat ng nahahawakan kong bulaklak ay mas lalong namumukadkad at may lumalabas na gintong dust sa mga ito.

Napatigil ako mula sa pagtatakbo at nilingon si Miko na parang natigilan,kaya ang ginawa ko ay naglakad ako pabalik sa kaniya habang may ngiti pa rin sa mga labi.

"O anong nangyari sayo ba't parang tulala ka?" Tanong ko sa kaniya ng nakakunot-noo.

"How did you do that Sham?" Tanong niya habang nilampas ang tingin sa mga bulaklak sa likuran ko.

"What do you mean Miko?"

"P-Paano mo nagawa yun?"

"Miko n-naman haha,parehas lang yung tinanong mo eh."

"Just answer me Sham."

"Ang alin ba yung tinutukoy mo?" Maang-maangan kong tanong pero sa loob ko ay may ideya nako kung ano talaga ang tinutukoy niya. The gold dusts.

"Yung mga gintong dusts na lumalabas sa mga bulaklak kada mahawakan mo,papano mo nagagawa iyon?" Seryoso ng tanong niya,napatingin naman ako sa mga palad ko.

Lumalabas ang kapangyarihan ko ng hindi ko namamalayan.Tsk

"H-Hindi ko rin alam,nagulat nga rin ako eh." Pagsisunungaling ko habang pilit na iniiwas ang paningin sa kaniya.
"O baka ganiyan lang talaga ang mga bulaklak dito,pag hinahawakan mo may lumalabas na gintong dusts diba?" Dugtong ko pa.

"No Sham,hindi ganiyan ang mga bulaklak dito.Normal lang sila,sadyang kaaya-aya lang silang tingnan dahil sa kulay at dami nila." Sagot niya,nag-isip isip naman ako ng idadahilan pa.

"Why don't you try to touch it too?Malay mo ganiyan lang talaga sila diba? Hehe."

Bumuntong hininga siya at inangat ang kamay papunta sa mga bulaklak sa gilid namin.

Lihim kong winasiwas ang hintuturo ko ng mismong hinaplos niya ang mga ito.

Parang lumiwanag naman ang mukha niya.

"H-Hahaha see?Told you,this place is just really magical."

"Yeah hahaha,you're right.Pero noon hindi naman ganito ang mga yan eh,siguro sadyang nagiging ganiyan lanh lang sila pag tumatagal.Parang ikaw,habang tumatagal lalong gumaganda." Biglang hirit niya na nagpatawa sa aming pareho.

"Hahahaha sira! Tara balik na tayo dun sa taas." Anyaya ko at tinulungan naman niya kong makaakyat pabalik sa burol.Parehas kaming sumandal sa puno at pumikit,dinaramdam ang simoy ng hangin.

"Miko?" Tawag ko sa kaniya habang nakapikit pa rin.

"Hmmmm?"

"Thank you for bringing me here,I love it here."

"Walang anuman Sham,saka alam ko namang magugustuhan mo dito kaya nga dinala kita dito haha." Tugon pa niya.

"I'm glad that i met you,you're a blessing for me." Sinsirong saad ko.

"Me too Sham,me too."

Hindi nako sumagot pa at patuloy na lang na dinadama ang tahimik at mapayapang lugar nato hanggang sa biglang nagsalita si Miko.

"Sham?Do you remember the first day we've met?Nung nasa may puno rin tayo sa may garden,may tinanong ako sayo nun at hindi mo pa rin nasasagot." Saad niya,napamulat naman ako at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"What do you mean?"

"I asked you back there, i-if by any chance, d-do you like me?" Utal na tanong niya.

"Oo naman." Diretsong sagot ko at nagulat naman siya.

"T-Talaga?!"

"Yes, i like you." Nakita ko kung pano nagliwanag ang mukha niya.

"I like you as a friend,you're the best buddy of mine." Nakangiting dagdag ko at parang bumagsak naman ang mga balikat niya.

"Hey? Are you okay?" Tanong ko pa.

"Yeah, yeah i'm okay.I'm very okay." Isang pilit na ngiti ang ipinakita niya sa akin.

Hindi nako sumagot pa at nanatiling tahimik na lang.

Alam ko ang ibig niyang sabihin pero ayokong umasa siya,dahil meron ng lalaking nakakuha ng atensyon ko.

Nagtagal pa kami doon ng ilan pang oras,nang bandang hapon na ay nagdesisyon kaming umuwi na.

Nang makalampas kami sa may kaliitang gubat ay bumungad na naman sa amin ang abandonadong bayan.Maraming nagkalat na mga gusaling tinutubuan na ng mga ligaw na halaman at damo.Marami ring mga sirang karuwahe ang nasa ibang parte ng nasabing lugar. Sa gitna ay merong fountain,walang tubig na lumalabas dito at halatang pinaglipasan na ng panahaon.

Naglakad kami papunta sa labasan nitong bayan at dun naghintay ng masasakyan.Hindi naman kami pwedeng mag teleport dahil paniguradong magtataka at maguguluhan si Miko.Pero pansin ko ang pananahimik niya simula pa kanina,kanina nung tanungin niya ko tungkol sa bagay na yun.

Nang makasakay na kami ay ganun pa rin siya,ramdam ko ang medyo panlalamig ng pakikitungo niya sakin.Pumwesto siya malayo sa akin,dun siya sa gilid ng bintana habang ako ay nasa kabilang gilid din.

Nalulungkot ako sa ginagawa niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi niya pa rin ako kinikibo kaya naman hindi ko na nakayanan at tinanong ko na siya.

"Hey,are you okay?"

"Hmm." Tipid na sagot niya at hindi man lang ako nilingon.

"B-Bakit parang ang cold mo?" Prangkang tanong ko sa kaniya.

"I'm not."

"H-Hindi kasi parang bigla nalang ang cold ng pakikitungo mo sakin,kanina pa nung nasa burol tayo."

"I'm not." Bumuntong hininga siya pagkatapos niyang sumagot.

"No,sabihin mo sakin kung anong problema-

"I said i'm not!" Nabigla ako ng sigawan niya ako at gulat akong napatingin sa kaniya.

Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan niya ko.

Parang natauhan naman siya sa ginawa niya at muling bumuntong hininga.Sa pagkakataong to ay tiningnan na niya ako.

"Look,i'm sorry.P-Pagod lang ako." Saad niya at pilit na ngumiti sa akin.Tumango na lang ako bilang sagot.

So stupid Sham!Alam mo naman ang nararamdaman niya pero tinanong mo pa rin kung okay siya? What a stupid question! Of course he's not!
I'm being insensitive!

Hours had passed and i fell asleep.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na,naramdaman ko nalang na tinatapik ni Miko ang pisngi ko.

"Hey,wake up." Mahinang tawag niya sakin habang patuloy na tinatapik-tapik ang pisngi ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang maamonh mukha ni Miko.

"Hmmm" ungot ko pa.

"Nasa bayan na tayo." Saad niya kaya napatingin ako sa bintana at nakitang nasa sariling bayan na nga kami.

Lumabas kami mula sa karuwahe at doon ko lang napagtantong medyo hapon na talaga.

"Bakit dito tayo bumaba?" Tanong ko sa kaniya.Hindi naman niya ko nilingon at nag-umpisa ng maglakad.

"Hindi pwedeng pumasok ang mga karuwahe papuntang akademiya." Oo nga pala,nakalimutan ko.

"Ah." Sagot ko nalang.

"Wala ka bang gustong bilhin?"

"Ah,wala naman- meron pala." Huminto siya mula sa paglalakad at nilingon ako.

"Anong bibilhin mo?

"Basta,dito ka lang muna.Wag kang aalis dito." Nakangiti kong sagot sa kaniya at dali daling tumakbo papunta sa tindahang nadaanan ko nung pumunta kami dito nina Mitch.

Balak kong bilhan siya ng regalo para naman hindi na siya magtampo pa sa akin.

"Magandang araw binibini." Nakangiting bati sa akin ng babae pero hindi ko siya pinansin at nagtungo sa bagay na hinahanap ko.

"Kukunin ko to." Saad ko dun sa babae.Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sakin at nilipat sa bagay na hawak ko.

"Para sa kaniya?" Tumingin siya sa labas ng tindahan at makikita dito si Miko na parang naiinip na sa kahihintay.Tumango lang ako sa kaniya.

Nilagay ko ang hawak ko sa lamesa sa harap niya at dumukot sa bulsa ko ng salapi pero napahinto ako ng may mapagtanto.

Wala akong dalang salapi!

"Ah..."  Tumingin ako sa babae.
"P-Pwede bang balikan ko nalang yung bayad?W-Wala kasi akong dala ngayon." Nahihiyang tanong ko sa kaniya habang nakatungo.

Ngunit naangat ko ang paningin ng marinig ko siyang tumawa.

"Hahaha wag kang mag-alala iha,ibibigay ko talaga sayo yan ng libre dahil maganda ka namang dalaga."nakangiting turan niya at parang natuwa naman ako sa narinig ko.

"T-Talaga?" Paninigurado ko pa.

"Oo naman,eto sayo na yan.Ibigay mo na sa kasintahan mo." Gulat akong napatingin sa kaniya!

"H-He's not my boyfriend."

"Ah ganun ba? O siya sige,ibigay mo na sa kaibigan mo." Muli siyang ngumiti sa akin at nagpasalamat naman ako sa kaniya.

Nang makalabas ako sa tindahang yun ay agad akong pumunta sa kinatatayuan ni Miko.

"What took you so long?" Inip na tanong niya.

Ngumiti ako sa kaniya habang nasa likuran ko ang dalawang kamay.

"I have something for you." Masaya kong saad.

"What is it?" Walang ganang sagot niya.Dahan-dahan ko namang nilagay sa harap niya ang kamay ko.

"Uhmm close your eyes first."

"Tch." Singhal niya pero sinunod din ang sinabi ko.Nang pumikit na siya ay nilagay ko sa kaliwang palapulsuhan niya ang isang pulseras,gawa ito sa kulay puting maliliit na bato.Simple pero magandang tingnan.

Minulat niya ang mga mata niya at tiningnan ang kamay niya.

"I'm sorry for making you sad,i know i  did something that made you feel upset.Please consider that as my peace offering." Tipid akong ngumiti sa kaniya.Nakita ko namang dahan dahan siyang napangiti at tumingin sa mga mata ko.

"Apology accepted."

Tuluyan nakong napangiti at patakbong niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you! Thank you Miko." Masayang wika ko habang yakap-yakap pa rin siya.

"Hey that's enough." Natatawa niyang suway sakin.Nakangiti pa rin akong humiwalay mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Masaya lang ako." Ani ko.

"Oo na masaya ka na haha.Pero kailangan na nating umuwi,malapit ng dumilim oh." Tumingin pa siya sa langit.

"Sige,uwi na tayo."

Masaya na kaming naglalakad ni Miko pabalik sa academy.

Malapit na kami sa gate ng akademiya pero agad kaming napatigil.Hindi namin inaasahan ang madadatnan!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
598K 22.7K 79
Naido High: School of Magic #1 March 30, 2020 - May 10, 2020
78.3K 5.1K 30
GAME ANTHOLOGY #1 "There's another side that you don't know." ••••• Hanika accidentally became a player of a game called "After Death". A game where...
5.3M 132K 54
[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men droo...