Deteria High

By Canaariee

421 28 0

Deteria High is a strict school with high-security to ensure the safety of the students because they are not... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: Who is the Headmaster?
Chapter 2: First Case
Chapter 3: Meet the Members ft. Celebration
Chapter 5: Bring home the Bacon?
Chapter 6: Bring home the Bacon? Part II
Chapter 7: Codenames
Chapter 8: Abduction
Chapter 9: Mission
Chapter 10: She's Back ft. Abilities
AUTHOR'S NOTE

Chapter 4: Punishment?

31 2 0
By Canaariee


Eushia

We're currently on our way back to DH. Nasa gitna na kami ng tulay at kahit gabi na, maganda pa rin ito. Kumikislap ang tubig dahil sa repleksyon ng buwan at sobrang ganda nitong tignan. Nakakamangha.

"Guys, nasaan pala si Poppy?" Tanong ni Autumn.

"Huh? Eh diba kasama mo siya kanina?" Nagtatakang tanong pabalik ni Xandrei. Tama siya, kanina pa magkasama si Autumn at Poppy kaya siya dapat ang nakakaalam kung nasaan siya.

Agad naman kaming kinabahan dahil napansin naming hindi nga namin kasama si Poppy. Sht, nasaan na ba kasi siya? Hindi naman ako nag-aalala dahil di ko naman sila kaibigan at wala ako no'n pero pag nahuli kasi ang isa ay damay-damay na. Lagot kami kay Jaxton. Sht.

"POPPY?! NASAAN KA BA?!" Sigaw ni Autumn. Gusto ko sana siyang sabihan na wag sumigaw dahil baka may makarinig pero tinatamad akong magsalita. Hayaan mo na nga.

"Poppy?" Medyo malakas na tawag ni Kyoushin.

"POPPY?!" Malakas naman na sigaw ni Xandrei. Tss dapat sabi di sila sumigaw e. Nakita kong ngumisi ng tipid si Kyourin at parang pinapahiwatig na alam niya kung paano matatawag si Poppy. Mukhang nakuha naman ni Kyoushin 'yun at biglang namutla. He was about to speak but Kyourin already shouted.

"POPPY GISHENA HOWARDS!" Mas malakas na sigaw niya. Gosh, sobrang tahimik niya pero ang lakas pala ng bunganga. Mas malakas pa kay Poppy. I hope he warned us first because I feel like my eardrum's gonna explode. I can even feel the ground shaking, literally. That's how loud his scream was. Oh my, wait a minute, did he just say 'Howards'? As in Poppy's surname is Howards?

"SINONG SUMIGAW?!" Sigaw pabalik ng isang babaeng boses. Wait, is that Poppy? Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at bumaba ang tingin ko sa malaking lawa sa baba ng tulay. And there Poppy was, in the lake.

"What the—- What are you doing down there?" Gulat na tanong ko dito.

"Ah, nahulog kasi ako. Hehe." Umahon na ito sa tubig at narealize naming lahat na hindi namin alam kung paano siya makakabalik dahil matataas na bato na ang nasa paligid ng lake at masyadong mataas ang tulay, hindi kakayanin kung aakyatin niya dahil masyadong mataas.

"Pano 'yan? We can't just call the teachers because they will discover this place and they might tell this to the higher-ups and there's a possibility na ipasara nila ito." Tama si Kyoushin, ano ngang gagawin namin? Hindi naman namin pwedeng iwanan lang si Poppy sa baba. But wait—-

"Didn't you say that headmaster's one of the old-students who made this secret path?" Tanong ko kay Xandrei.

"Yes, but that was just a rumor. Hindi ko alam kung—-" Pinutol ko ang sasabihin niya at sinabing,

"I don't care. You don't know me." Then I gave him a smirk. Kinuha ko na ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ng kapatid ko at ni-loud speaker ito. Tatlong ring lang at sinagot niya na agad ito.

"Hello, Eushia? What do you need?" Ramdam kong nagtatangis na ang bagang nito dahil inis siya sa'kin lagi at alam niyang tinatawagan ko lang siya kapag may kailangan ako. Pansin kong gustong magtanong ng mga kasama ko pero itinaas ko ang isang kamay and mouthed 'wait'. They'll probably ask how the hell did the headmaster know me.

"Jaxton, I need your help." Labag man sa loob ay sinabi ko na ito.

"What if I don't want to help you?" Parang batang sagot nito. Pano ba naging headmaster ang childish na 'to?

"Then I will tell Mom and Dad that
you——" Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang sumagot.

"Fine fine. I will help you. What do you need?" Hah, madali lang naman palang kausap 'to e. Good.

"I heard that you're one of the old students who made the secret path. We're here and one of my team fell from the bridge and we don't know how to get her back. We can't tell the teachers because they might know about this place. Now, can you help us or I'll also tell our parents that you're one of the people who made this?" Pamba-blackmail ko dito. Tumalab naman dahil narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Fine, I'll help you. Wait for me." At binaba na nito ang tawag. Humarap na ako sa teammates ko at sinenyasan silang magtanong na.

"How did you know the headmaster? And you even called him just by his name. You talk to him without respect and he didn't even say something about—-" Pinutol ko na ang tanong nila at sinagot na agad ito.

"It's simple. Because he's my sibling." Simpleng sagot ko. Natulala naman sila habang nakaawang ang bibig. Good thing hawak ko pa ang phone ko dahil napicture-an ko ang epic reaction nila. This might come in handy someday.

Minutes later at may nakita akong papalapit. I can already tell that it's Jaxton because of the way he walk. Feeling model 'to eh, mukhang tuko naman.

"Gosh, he's really intimidating. Figure niya pa lang nakaka-intimidate na." Rinig kong bulong ni Poppy. Besides photographic memory, I also have enhanced senses. Dahil din siguro sa pagkakabarog ko dati.

"Team Alpha?" Gulat na tanong ni Jaxton. Either hindi niya inaasahang sa Team Alpha ako mapupunta or hindi niya inaasahang masasangkot ang Team Alpha sa ganitong sitwasyon. But I guess both ang sagot.

Iiling-iling siyang lumapit sa'min at nang nasa tulay na siya ay may pinindot siya sa sahig. Bigla namang may lumitaw na hagdan mula sa tulay mismo papunta sa lawa. I didn't know that there's a thing like this here.

Halatang gulat pa si Poppy pero umakyat na din siya dahil malamig na ang simoy ng hangin.

"Team Alpha, I expected so much from you but you just disappointed me. Tsk." Iiling-iling na sabi ni Jaxton. Tss may nalalaman pang mga ganong salita.

"At ikaw babae ka, paano ka naging isang alpha? At tignan mo oh, kapapasok mo pa lang sa team nila pero problema agad ang dinala mo. Tss." Bunigyan niya pa 'ko ng isang matalim at masamang tingin. Kala niya naman matatakot ako.

"You will accept a punishment regarding this matter." Bigla siyang naging pormal dahil siguro naalala niyang hindi lang kaming dalawa ang nag-uusap. Nginisian ko siya pero nagulat ako dahil nginisian niya din ako pabalik.

"What? You'll blackmail me again? Try to tell them about that and I'll also tell them about this." Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya. Bwisit, nagkaron pa tuloy siya ng pamblackmail sa'kin. Hindi pwedeng malaman ng parents namin na nakagawa nanaman ako ng gulo dahil paniguradong sandamakmak nanaman na sermon ang aabutin ko at maga-grounded ako. Walang allowance for the whole year.

"Tss fine. Anong klaseng punishment ba 'yan?" Sumusukong tanong ko. He just smirked at us and I feel my teammates trembling behind my back. I also felt shivers because I know that it's not gonna be easy.

"Oh well, that? Don't worry, it's easy-peasy." He's still smirking right after he said those words. Then he told us our punishment and all of us became pale.




"KASI NAMAN Poppy eh! Bakit kailangan mo pang mahulog sa tulay? Tignan mo tuloy ang puishment natin ngayon! Argh!" Inis na bulyaw ni Autumn kay Poppy habang nagmomop kami ng public cr ng school. I feel her. Nakakadiri kaya! Don't they have janitress or janitors or whatsoever? Saka ang pagkakaalam ko galing sa wealthy families ang mga nag-aaral dito pero bakit parang ang dumi naman ng cr? Hindi ba sila marunong ng proper hygiene? This is so disgusting!

And hindi lang yan ang punishment namin. After naming maglinis ng 5 public cr's, magiging assistant librarian naman kami for the whole month. I remember saying that I love libraries but after that freaking Jaxton told us about our punishment, I suddenly want to hate libraries. He knows how much I hate working! Kaya siguro ito ang punishment namin. Tss!

"But wait, isn't this against our rights as students?" Tanong ni Kyourin. Tama naman siya pero wala kaming magagawa dahil headmaster ang kakalabanin namin. Saka walang nakalagay sa rules sa student manuals na bawal bigyan ng matinding punishment ang students na lumabag sa rules. Sigh.

Mukhang na-realize din niya ang sinabi niya kaya tumahimik nalang ulit siya. Binilisan na namin ang paglilinis ng last cr para makakain at makapagpahinga na kami bago tumulong sa library. Good thing Jaxton exempted us from our classes because we have to clean the cr for this day and that will take time. We also need to be assistant-librarian for the whole month so yeah.

But take note, ngayong araw lang kami exempted dahil ngayon lang naman kami dapat maglinis ng cr at 3 hours 'lang' naman daw kaming tutulong sa library for this month. He's so cruel.

Nang matapos sa paglilinis ay bumalik muna kami sa kanya-kanyang dorm para maligo at sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Pumunta na kami sa pinaka-sulok at pinaka-tahimik na spot na favorite palang spot ng team alpha ayon sa pagkakaalam ko.

"Ano pong order niyo?" Nakangiting tanong sa'min ng isang waiter. He's tall, lean ang katawan, may itsura pero hindi gwapo. Katamtaman lang.

"Mine's vegetable salad and water. I'm on my diet kasi." Sabi ni Poppy. Agad namang nagsulat ang waiter at tinanong ulit ang mga kasama ko.

"The usual." Sabi naman ni Kyoushin. Tumango lang ang waiter at umalis na. Yung 'usual' sigurong 'yun ay pang-maramihan na at kasya na sa'ming lahat. Paano ko nalaman? Well, after sabihin 'yun ni Kyoushin ay umalis agad ang waiter nang hindi hinihintay na um-order ang iba kong kasamahan. Imposible namang hindi sila um-order dahil gutom na gutom kami dahil naglinis pa kami ng limang cr.

Napansin ko namang nakatingin si Xandrei sa'kin at nakangiti. So I guess I'm unconsciously murmuring my thoughts again? I secretly smirked at the thought.

Habang inaantay ang pagkain, I started to observe the place. Napansin kong nakapila ang mga students sa harap ng counter at walang lumalapit na waiter sa mga table nila na siyang ipinagtaka ko. So being in Team Alpha has a privilege, huh?

"Uhm, why are there no waiters coming to their table like us? Does that mean you guys have a special treatment?" Tanong ko sa kanila para ma-confirm ang hinala ko. Tipid na tumango lang si Kyourin kaya si Kyoushin na ang nagsalita.

"Alam mo kasi, being in Team Alpha means having many privileges. Isa na 'to sa example ng mga privileges na 'yun. Masyadong marami kaya hindi ko na iisa-isahin, hahayaan nalang kitang malaman lahat 'yon ng walang nagsasabi. And you can't also ask anyone else. I will give you three days to know those. So I guess, it's a challenge?" Nakangisi nitong sagot. Sinuklian ko naman siya ng nakakalokong ngisi.

"And what will I get from that challenge? You know, if you win a challenge, there should be a prize and a consequence if you lose. So what is it?" Tanong ko dito. Boring kasi mag-complete ng challenge kapag walang gano'n.

"What do you want if you win?" Tanong nito. Nag-isip naman muna ako ng mabuti bago sumagot.

"You will do what I say for the whole month." Kampante kong sagot dito. Alam ko namang mananalo ako dahil napakadali ng challenge na 'to.

"And what would you want if I lose?" Tanong ko naman dito.

"Let me think about it first." Hinayaan ko nalang siya dahil dumating na din naman ang order namin.

Tama nga ako dahil pang-maramihan na ang 'usual' na sinabi ni Kyoushin dahil napuno ng pagkain ang buong table namin. There were 3 boxes of pizza, 2 buckets of chicken, 5 plates of rice, fruit juices, and some kind of desserts.

Kumain na kami at mabilis lang namin naubos lahat ng 'yon dahil sa gutom. Seems like Poppy forgot that she was on a diet because she ate a whole box of pizza. Geez, what a monster.

Naglakad na kami palabas ng cafeteria dahil tapos na kaming kumain pero biglang may natapon ng juice sa sa damit ko. Tinignan ko ang gulat na babae at mukhang siya ang nakatapon ng orange juice. Geez! Kakaligo ko lang oh!

"S-sorry," Utal na hingi ng tawad ni Athena. Yes, it's Athena. My dorm mate and the leader of Team Bravo. I just gave her a simple nod and mouthed 'it's okay' at nakahinga naman ito ng maluwag na para bang nabunutan ng tinik. Kung di ko siya kilala ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya pero dahil isa naman siya sa room mate ko at mukhang hindi naman niya sinasadya, hinayaan ko nalang. Nginitian niya naman ako at nag-bow bago umalis sa harap namin. Bakit nag-bow siya? I hate formalities.

"Are you okay?" Tanong ni Kyoushin. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

"I'm fine. Oh, and guys, babalik muna ako sa dorm to clean myself. 'Wag niyo na 'ko hintayin dahil baka ma-late pa kayo dahil sa'kin. Susunod nalang ako." Paalam ko sa kanila at tumango naman silang lahat saka naglakad papunta sa library. Ako naman ay bumalik na sa dorm dahil maglilinis ulit ako ng katawan. Sigh.

Pagkapasok ko ay bumungad sa'kin si Athena na nakaupo at nakatingin ng diretso sa'kin.

"Ah Eushia, sorry kanina ha? Tinulak kasi ako ka-team ko kaya nabitawan ko 'yung hawak kong juice. Sorry talaga, pinagalitan ko na din yung ka-team ko na tumulak sa'kin. I hope mapatawad mo 'ko." Nahihiyang sabi nito. Lumapit ako sa'kanya at tumigil sa may bandang tapat niya.

"I already told you that it's okay. Besides, hindi mo naman sinadya. So stop saying sorry dahil baka mainis lang ako sa'yo. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang taong paulit-ulit." Sagot ko dito. Seryoso ako sa sinabi ko pero tinawanan niya lang ako. Nakita ko tuloy yung dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi na malalim dahil tumatawa siya.

"You know what? I like your attitude. I'd like you to be my friend." Nakangiting sabi nito pero hindi ko magawang maka-ngiti dahil no one's ever said this to me before.

"So, friends?" Nakangit pa ding tanong niya. I don't know what to say but I can't just let my emotions take over me. Yes magaan ang loob ko sa kanya but that doesn't mean na mapagkakatiwalaan na siya. Baka mamaya isa pala siyang kalaban.

"I'll think about it." Sagot ko nalang para tumigil na siya.

"Kahit 'wag mo nang pag-isipan. Because even if you don't want me to be your friend, I will still treat you as one and that will never change." Ang kulit niya, sa totoo lang. Pero sa di malamang kadahilanan ay napangiti nalang ako. Finally, I have a friend now. Hindi ko maiwasang matuwa.

"Fine. Sige na nga. But please, keep it a secret." Pagpayag ko. Ngumiti lang siya ng malaki at tumango-tango. Lumapit muna ito sa tenga ko bago bumulong.

"Sure. And as your friend, binabalaan kita, Snow. Please be careful with the people you trust. Hindi lahat ng pinapakita nila sa'yo ay totoo."

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 468K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
1.7M 28.6K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
21.8M 756K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...