"What the hell?! Bakit ikaw?!" gulantang kong sigaw ng makilala ko ang lalaking kasama ko buong magdamag.
"Yeah. You taste like heaven last night but your loud voice makes me feel hell right now." He said at hinilot pa ang sentido habang unti-unting bumabangon. Mukhang may hang-over din.
Huminga ako ng malalim habang nakapikit ng mariin, sinusubukang pakalmahin ang sarili.
You're a full-grown woman, Rebekah. Act like one. I kept on chanting inside my mind just to calm myself.
Bakit sa dinami-dami ng tao sa bar kagabi eh siya pa? Why him, when he's one of the reasons why I went there?!
I opened my eyes and I immediately saw him staring back at me. Bumaba ang mga tingin ko sa hubad niyang dibdib at wala sa sariling nabasa ko ang labi.
Damn, yummy!
"Like what you're seeing?" Agad na bumalik ang tingin ko sa mukha ni Atty. Hernandez.
He caught me ogling on his body!
I cleared my throat to hide the embarrassment and tried to act normal. Inayos ko na ang damit, at bumalik na sa kabilang banda ng kama para sa ibang gamit ko.
It's already eight-thirty in the morning according to the clock situated beside his bed. Sandali ko lang inipon ang mga nagkalat kong gamit at inilagay iyon sa bag.
Tahimik lang siya habang pinapanood akong gawin yun. Nang tuluyang maayos ang gamit ay tsaka lang ako nag-angat ng tingin upang tignan siya.
Tinaasan niya ako ng kilay ng magsalubong ang mga tingin namin.
Bakit ang gwapo?
Kinastigo ko ang sarili dahil sa mahahalay na bagay na pumasok sa isip ko ng bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi.
"I need to go. Thanks for last night. It was great." Nakangiti kong saad at nakangising gumapang sa kama palapit sa kanya. Sumampa ako sa mga hita niyang nababalot lamang ng kumot.
"Thank you," bulong ko sa may tenga niya bago ko hinuli ang nga labi niya at hinalikan.
I was planning for a short chaste kiss but he put his hands behind my head and pulled me closer to him as he deepened the kiss.
His lips were so, so delectable!
I had to stop myself when I felt something underneath me, a monster coming to life again. I pulled away from the kiss and earned a groan of protest from him.
"That's enough, Attorney," hinihingal kong pigil sakanya ng subukan niyang habulin ang mga labi ko.
"I need to go." Bulong ko sa may tenga niya bago siya mabilis na hinalikan sa pisngi at nagmamadaling umalis sa mga hita niya.
I took my bag and coat, before waving goodbye without looking at him.
Baka di ako makapag-pigil at hindi na ko makapasok pa.
"Hoy, babae! Saan ka natulog kagabi?!" Huminga ako ng malalim bago umikot at nakangiting hinarap si Mommy.
Akala ko pa naman ay naka-alis na siya.
"Hi, Mommy! Good morning!" Masigla kong bati rito kahit na nakataas na ang kilay nito.
"Wag mo kong madaan-daan sa good morning mo Rebekah Claire! Saan ka natulog kagabi?"
"Hindi pa ko natutulog mommy. I had to stay up all night for a case." Paawa kong sagot sakanya.
"Talaga? Kawawa ka naman, anak." Malumanay na ang pagkakasabi ni Mommy at lumapit sakin.
"A-aray! Mommy!" Reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakapingot niya sa tenga ko.
"Sinong niloko mo?! Tumawag ako sa office mo at ang sabi ni Venus ay maaga kang umalis! Saan ka nagpunta?"
"Mommy! Bitawan mo muna!" Reklamo ko sakanya. Tinigil naman niya ang pag-pingot.
"Masakit ah!" Patuloy kong reklamo habang hinahaplos ang tengang panigurado ay namumula na dahil sa pamimingot niya.
"Sumama ako kayna EJ! Naman eh, tanungin mo pa yun! Nabadtrip ako kasi sinugod ako ni Fryje sa office!" Pandadamay ko sa kaibigan. Alam kong tatawagan siya ni Mommy at alam ko ring alam na niya ang gagawin kung sakali.
Biglang nagbago ang timplada ni Mommy ng marinig ang pangalan ng kapatid ko.
"Bakit ka sinugod ng ingratang 'yon?" Tanong niya bago pumwesto sa couch. Umupo rin ako sa kaharap na couch ng kinauupuan niya.
"Inuutusan akong linisin ang pangalan ng gaga."
"Anong sabi mo?" Taas kilay na tanong niya.
"Of course tinanggihan ko! Duh! Ang lakas ng loob niyang nakawin ang gawa ko."
"Eh bakit putok ang labi mo?" Tanong nito at tinuro ang labi ko gamit ang nguso niya.
Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko, pero agad ring napapikit ng mariin ng ibang imahe ang pumasok sa isip ko.
Gosh Rebekah! You're so malandi!
"Ano na?"
"Naka-score ng sampal sakin Mommy."
"Hinayaan mo?" Hindi makapaniwala nitong tanong sakin.
"Hindi ah! Syempre lumaban ako!" Pagtatanggol ko sa sarili at ikinuwento na sa kanya ang nangyari.
"Hay naku! Hanggang pisikalan lang talaga magaling ang mag-inang yan." She snorted after hearing the whole story.
"Sige na My. Bihis muna ko, I need to go back pa sa office." Paalam ko sabay tayo at akma ng aakyat para pumunta sa kwarto ko ng matigilan ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko, hindi na ko nagulat sa sunod niyang sinabi.
"I'll be going out with my friends tonight. It's gonna be my treat, pahiram muna ng card mo. Freeze ulit yung akin." Nagpakawala ako ng hangin bago nanlulumong inilabas ang credit card ko at binigay sa kanya.
"Lagi nalang ikaw ang taya, Mommy. Change friends ka na kaya? Ang poor naman ng friends mo." Dinaan ko na lang sa biro ang sama ng loob ko.
This is not new. Sinusuportahan naman ni Daddy ang mga luho niya pero madalas kasi siyang mapasobra kaya madalas na i-freeze ang accounts niya. At ako ang emergency bank everytime that happens.
"My, control lang please. Hindi ko pinupulot ang perang pang bayad diyan." Paalala ko sakanya na tinanguan niya lang. Napailing-iling na lang ako dahil alam kong malaking bill nanaman ang kaharap ko sa susunod.
Umakyat nalang ako sa kwarto at naghanda na para sa pagpasok sa opisina.
"Attorney, good morning po." Bati ni Venus na nginitian ko.
"Good morning! What's for today?" Agad siyang tumayo mula sa desk niya at sumunod sakin habang dala ang tablet niya. Inisa-isa niya ang mga schedules at meetings ko.
"Thank you." Pasasalamat ko habang binubuksan ang pinto sa opisina ko.
"By the way, sinabihan ka ba ni EJ na pinapapalitan ko yung upuan ko kahapon?"
"Si Attorney Raza na po mismo ang umorder at nagpadeliver ng new chair niyo. Kararating lang po ngayong umaga." Napangiti naman ako sa narinig at muling nagpasalamat sa kanya bago tuluyang pumasok ng opisina.
Napangiti ako ng makita ang bagong swivel chair sa likod ng desk ko. Nakabalot pa iyon ng plastic.
I removed the covers and tried to sit on it to check if it was comfortable. It was indeed very comfortable.
I took my phone and dialed EJ's number.
"Hey, baby EJ!" Nakangiti kong bati rito.
"Who's your baby? Wrong dial ka." Natawa naman ako dahil sa pasuplado nitong sagot.
"Thanks for the chair. I love it." Ani ko at umikot-ikot pa habang naka-upo. I heard him snorted on the other line.
"Saan ka pumunta kagabi? Tita Rosalie called me." Sinasabi ko na nga ba't wala talagang tiwala sakin nanay 'ko.
"Anong sabi mo?" I asked as I played with my pen.
"I told her you slept on my unit." Napangiti ako dahil sa naging sagot niya.
"Good." Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang katok at ang pag-pasok ni Venus.
"Sige na, thank you ulit sa chair! Libre kita next time, muah!" Paalam ko bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.
"What's this?" Tanong ko habang inaabot ang mga files na dala niya.
"New case daw po. Urgent daw." Tumango naman ako sa kanya at inabala na ang sarili sa pagbabasa ng case files. Narinig ko ang pagsara ng pintuan, tanda na lumabas na si Venus.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng makita nanaman ang isang pamilyar na pangalan.
Attorney Brent Hernandez.
Siya ang abogado ng defendant.
Ang bilis naman.
Just wait and see, I'll make sure the victory's mine this time, Attorney.