In Another Life | TaeKook

By Chomikorn

14.4K 704 213

In which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Ti... More

IN ANOTHER LIFE [INTRODUCTION]
IN ANOTHER LIFE [CAST]
PROLOGUE
CHAPTER ONE: Guardians and Fateful Encounter
CHAPTER TWO: It's you
CHAPTER THREE: Some things never change
CHAPTER FOUR: Regrets
CHAPTER FIVE: Internal Battle
CHAPTER SIX: Foreign feeling
CHAPTER SEVEN: Ice Cream and Confused Hearts
CHAPTER EIGHT: Under The Pouring Rain
CHAPTER NINE: Soulmates By Heart
CHAPTER TEN: Good Friends
CHAPTER ELEVEN: Rulebreakers
CHAPTER TWELVE: A Short Trip Down Memory Lane
CHAPTER THIRTEEN: Unexpected Visitor
CHAPTER FOURTEEN: Picture Perfect
CHAPTER FIFTEEN: JK and Taetae
CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day
CHAPTER SEVENTEEN: Where Are You Now?
CHAPTER EIGHTEEN: A Not So Ordinary Day
CHAPTER NINETEEN: Late Night Conversation
CHAPTER TWENTY: Try Something New
CHAPTER TWENTY-ONE: A Drunk Tongue Speaks A Sober Heart
CHAPTER TWENTY-TWO: Things are about to change
CHAPTER TWENTY-FOUR: Glimpse of the Past
CHAPTER TWENTY-FIVE: Kookie
CHAPTER TWENTY-SIX: Chaotic Feelings
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Right or Wrong
CHAPTER TWENTY-EIGHT: The Truth
CHAPTER TWENTY-NINE: His Little Guardian
CHAPTER THIRTY: Cursed
CHAPTER THIRTY-ONE: I'm Here
CHAPTER THIRTY-TWO: Dreams and Hidden Message (Part One)
CHAPTER THIRTY-THREE: Dreams and Hidden Message (Part Two)

CHAPTER TWENTY-THREE: Don't Hold Back

275 14 15
By Chomikorn

CHAPTER TWENTY-THREE
Don't Hold Back

--

Ilang araw ang lumipas mula noong kaarawan ni Jungkook at sa nagdaang mga araw na iyon ay wala naman masyadong ganap bukod sa naghahanda sila sa parating na exam week. Napagkasunduan ng faculty at staff na mag-exam muna ang mga estudyante bago ang foundation week para hindi gaanong hassle kaya naman tutok na tutok sila sa pag-aaral. Maging ang mga training at practice ay pansamantalang hininto muna para makapag-focus ang mga estudyante sa pag-study.

"Jeonie! Napakakulit mong bata ka! Bumalik ka nga rito!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Rainoa sa buong hallway matapos kunin ni Jungkook mula sa kaniya ang mga pictures na ilalagay nina Jimin sa scrapbook nila. Ayaw pa sana itong ipakita ni Rainoa hanggang matapos nila ang proyekto ngunit nasa dugo na yata ni Jungkook ang pagiging makulit kaya hindi niya pinakinggan si Rainoa.

"Ha! Catch me if you can—" hindi niya na natapos ang sasabihin at halos mapadaing sa sakit si Jungkook nang maramdaman niya ang sariling nakadapa sa sahig matapos may mabangga na estudyante.

Nabitawan niya rin ang mga pictures na hawak niya kanina kaya dahan-dahan siyang lumuhod para sana pulutin 'yon pero nakita niya na lang na may nauna na sa kaniyang pumulot ng mga 'yon. Lalapitan din sana ni Rainoa si Jungkook pero nang makita niya ang lalaking tumutulong kay Jungkook ay napaatras na lang siya at nagtago sa pader habang pinipigilan ang sariling tumili.

Napakurap naman si Jungkook nang ilahad ng estudyante ang kamay sa harap niya para tulungan siyang tumayo. Huli na nang ma-proseso sa utak niya kung sino ang lalaking  nasa harapan niya ngayon.

"Bakit ka tumatakbo?" taas-kilay na tanong ni Taehyung bago inabot kay Jungkook ang mga litrato na pinulot niya.

Napalunok naman 'yong huli bago mabilis na tinanggap ang mga 'yon. Hindi niya alam kung bakit tila takot na takot siya na magtama man lang ang kamay nila. Siguro ay natatakot siya na baka may magawa siya kay Taehyung nang hindi nito namamalayan at paniguradong hindi nito magugustuhan. Katulad na lamang noong kinuwento sa kaniya ni Hoseok na muntikan niya nang burahin ang ala-ala ni Taehyung noong kaarawan niya.

Isang linggo na rin ang nakalipas pero naroon pa rin ang guilt kay Jungkook kahit pa hindi naman niya naituloy iyon. Hindi niya na rin nga maalala ang nangyari noong gabi 'yon at kinuwento na lang sa kaniya ni Hoseok kinabukasan ang pagtangka niya na burahin ang ala-ala ni Taehyung.

Halos manginig sa takot si Jungkook nang malaman 'yon. Hindi niya ma-imagine ang maaaring mangyari kung sakaling nabura nga niya ang mga ala-ala ni Taehyung. Paniguradong kamumuhian siya nito at 'yon ang pinaka-ayaw niyang mangyari.

Noong araw na 'yon ay sinubukan niyang umarte nang normal, na parang walang nangyari—gaya ng sabi ni Hoseok. Surprisingly, maging si Taehyung ay tila wala rin yatang natatandaan dahil hindi man lang ito nagtanong sa kaniya o iniwasan siya. Sa katunayan, mas naging close pa sila simula noong araw na 'yon dahilan para medyo nagulat at naguluhan si Jungkook. It felt surreal but he's starting to get used to it.

"Natulala ka riyan, Kook?" sambit ni Taehyung at winagayway ang kamay niya sa tapat ng mukha ni Jungkook dahilan para mapatingin ito sa kaniya.

"M-May sinasabi ka?" wala sa sariling tanong ni Jungkook ngunit hindi siya sinagot ni Taehyung at pinasadahan siya ng tingin.

"May masakit ba sa'yo?" anito saka hinawakan ang braso ni Jungkook para tingnan kung may sugat ba siya. Halos mapatalon naman si Jungkook sa biglaang paghawak niya pero sinubukan niyang kumalma.

"I'm fine." maikling sagot ni Jungkook at pinakawalan ang hiningang hindi niya namalayang pinipigilan niya nang bitawan na ni Taehyung ang braso niya. "Ano pa lang ginagawa mo rito? Akala ko nasa library ka?"

Napangiwi naman si Taehyung bago kumibit-balikat. "Pinapasundo ka ni Jin, nag-aya siyang mag-group study."

"Pinapasundo? Puwede niyo naman akong i-text. Hindi na ako bata—"

"Oh bakit ka nagagalit?" nakasimangot ngunit pabirong tanong ni Taehyung kay Jungkook nang mapansin niya ang pagkunot ng noo nito.

"Hindi ako galit!" mabilis pa sa alas kwatro na dipensa ni Jungkook. Hindi man lang niya nahimigan ang mapaglarong tono sa boses ng kaibigan. "N-Nagtatanong lang naman ako ah."

Mahina namang natawa si Taehyung matapos makita ang panic sa mata ni Jungkook saka niya inabot ang buhok nito at ginulo. "I was just kidding. No need to explain yourself."

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Jungkook habang pino-proseso ang mga nangyayari at sa mga oras na iyon, ang tanging lumabas lang sa bibig niya ay, "Ha?"

"Hatdog." pang-aasar ni Taehyung na agad niyang pinagsisihan lalo na noong maramdaman niya ang paglapat ng palad ni Jungkook sa batok niya. "Masakit iyon ah!" nakasimangot na usal pa nito at akmang babawi kay Jungkook ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero tila nang-aasar si Jungkook dahil mas hinigpitan niya lang ang paghawak sa pulsuhan ni Taehyung. Nang makita niyang halos lumukot na ang mukha nito ay saka niya lang binitawan kasabay ng pagtawa.

"Ibibigay ko muna ang mga ito kay Rainoa." ani Jungkook bago inangat ang mga litrato na hawak. "Pagkatapos ay didiretso na tayo sa library." dagdag pa niya at tipid na ngumiti.

Saglit siyang tinapunan ni Taehyung ng masamang tingin na agad din namang nawala. Kahit pa medyo masakit ang paghawak ni Jungkook sa pulsuhan niya ay hindi niya magawang mainis lalo na't tila nasisilaw siya sa ngiti nito.

"All right. Let's go."

~♡~

Pagpasok pa lang nila sa library ay agad na  namataan ni Jungkook ang lima nilang kaibigan at si Rebecca na nasa pinakasulok. Mukhang hindi naman sila napansin ng mga ito dahil mula sa kinatatayuan nina Jungkook ay mukhang tutok sila sa gawain kaya naman lumapit na lang sila ni Taehyung.

Inaasahan niyang nagbabasa ang mga ito ng libro o notes pero naabutan nila ang mga itong nagtutumpukan habang nanonood ng anime sa laptop ni Jimin.

"Karasuno High will win the match against Aoba Johsai!" sambit ni Jin na halatang confident. Tinapunan niya ng tingin ang mga kasama niya sa mesa pero hindi man lang siya sinulyapan ng mga ito.

"Meh, I don't think so. Season one pa lang 'yan, marami pang puwedeng mangyari." kumento naman ni Hoseok nang hindi inaalis ang tingin sa screen.

Pekeng umubo si Taehyung para makuha ang atensyon nila at hindi naman siya nabigo dahil nabaling na ang tingin ng mga kaibigan nila sa kaniya. Wala namang bahid ng pagkagulat o anong emosyon ang mga mukha nila maliban kay Rebecca na awtomatikong ngumiti matapos makita si Taehyung at Jungkook.

"Oh, nandito na pala kayo!" bungad ni Namjoon saka tinapik ang upuan sa tabi niya. Mabilis namang hinila ni Jimin si Jungkook para makaupo ito  at base sa mata niyang halos kuminang, mukhang may bago na naman siyang iku-kwento sa kaniya.

"Akala ko nagbabasa kayo." sambit ni Jungkook na nakisilip din sa pinapanood nila. "Wala ba kayong balak mag-study?"

"Sus, what is study?" pang-aasar pa ni Jimin dahilan para mapabuntong hininga ang mga kasama nila dahil kilala nila ito at sabihin na lang nating si Jimin ang tipong estudyante na—

"What is study raw tapos perfect score sa exam." pambabara ni Yoongi. "Kamo nag-aral na iyan kagabi pa."

"Hindi naman gaano, binasa ko lang 'yong ibang notes." dipensa pa nito ngunit halatang hindi kumbinsido ang mga kaibigan niya.

"I don't believe you. Dumaan ako sa bahay niyo kagabi dahil may pinapaabot si Mama para kay Tita. Guguluhin sana kita sa kwarto mo pero natutulog ka." kwento ni Namjoon. "And you murmured something."

"Ano?" curious na tanong nina Taehyung at binigay ang buong atensyon sa sasabihin ni Namjoon.

"Haploid is the quality of a cell or organism having a single set of chromosomes. An example of this is the egg cell and sperm cell."

"What the fvck, hindi ka ba natakot no'n? Kung ako iyong nandoon, baka tumakbo na ako palabas ng kwarto." kumento ni Yoongi na umakto pang nangingilabot habang nagpipigil lang ng tawa sina Jin.

"Asa ka namang papapasukin kita sa kwarto ko." asik ni Jimin at umirap. Minsan makakasundo niya si Yoongi pero madalas talaga silang nagbabangayan.

"Ilang beses na akong pumasok sa kwarto mo 'no."

Sapat na 'yon para matameme si Jimin at umiwas ng tingin sa kanila lalo na noong makita niya ang kakaibang ngiti ni Hoseok at Jin sa kaniya. Imbes na sawayin ito ay hinarap niya na lang si Jungkook para sana magkwento pero hindi niya rin inaasahang pati ito ay nakangisi rin sa kaniya.

"I feel betrayed." sambit ni Jimin at wala sa sariling nasubsob ang mukha sa mesa.

Napailing na lang si Taehyung na pinipigilan ang pagngiti habang pinapanood ang eksena na nasa harapan niya. Paniguradong mauuwi rin sila sa asaran at mapapalabas ng librarian kapag matunungan nito ang ingay nila.

"They're so cool." ani Rebecca sa tabi niya habang manghang mangha itong nakatingin sa mga kaibigan niya. Ilang saglit pa at nilingon siya nito saka matamis na ngumiti. "Thank you."

"Hm? For what?"

"For your kindness." tugon niya. "Akala ko magagalit ka dahil bigla akong pina-transfer ng parents natin dito pero imbes na mangyari 'yon, tinour mo pa ako rito at pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo."

Hindi kaagad nakasagot si Taehyung at nanatili lang siyang nakatingin kay Rebecca. Ramdam niyang may sasabihin pa ito ngunit dumaan ang ilang segundo at hindi na ito nagsalita. Napayuko lang siya habang namumula ang pisngi.

Natawa na lang si Taehyung sa reaksyon nito saka inabot ang buhok niya at ginulo. "Ano ka ba, wala iyon 'no. Atsaka makakapanibago na nahihiya ka ngayon."

"Ewan ko sa'yo, Kim!" pabulong na sigaw ni Rebecca saka mahinang hinahampas ang kamay ni Taehyung. "Doon ka na nga!"

"Yeah, mabuti pang magbasa ka na riyan at maghahanap muna ako ng libro." paalam ni Taehyung at naglakad patungo sa hilera ng mga bookshelf.

Napagdesusyunan niyang maghanap na lang ng kahit anong libro na makakakuha ng interest niya kahit pamatay oras lang habang nag-aaral ang mga kaibigan niya. Alam niya rin naman sa sarili niyang mas nakaka-focus lang siyang mag-aral kapag nasa bahay.

Ilang minuto rin ang ginugol niya sa paghahanap ng libro hanggang makarating na siya sa pinakadulong bookshelf kung saan may naabutan siyang babae na tila hirap na hirap abutin ang libro na nasa tuktok ka walang imik na
lumapit si Taehyung at kinuha 'yon para sa kaniya.

"Here." ani Taehyung saka inabot ang libro na may pamagat na "The Universe of Us."

Mahinang nagpasalamat ang dalaga at tinanggap iyon. Sa unang pagkakataon ay inangat nito ang tingin niya dahilan para makita ni Taehyung ang mukha nito.

Hindi alam ni Taehyung kung bakit  kinilabutan siya noong mga oras na 'yon lalo na't tila pamilyar ang mukha nito  ngunit pilit niya sinantabi ang pakiramdam na 'yon at tipid na lang na ngumiti bago tumalikod para sana maglakad pabalik sa mesa nila nang marinig niya na naman itong magsalita.

"Nice to see you again, Taehyung."

Natigilan siya sa kinatatayuan niya bago dahan-dahang hinarap ulit ang dalaga na hindi man lang gumalaw sa pwesto niya at yakap-yakap pa rin ang libro.

"Have we met before?" tanong ni Taehyung nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya ngunit ngumiti lang ito saka  kumibit-balikat. Habang patagal nang patagal ay mas lalong nagiging pamilyar ang mukha niya kay Taehyung.

Pero paano? Paano naging pamilyar sa kaniya? Sigurado siyang hindi niya pa ito nakikita o baka nakilala niya na ito pero hindi niya na naman matandaan?

Halos sumakit ang ulo ni Taehyung sa kaiisip at kulang na lang ay iuntog niya na ang ulo sa pader.

"Don't stress yourself, nagbibiro lang ako. Hindi mo ako kilala, sadyang kilala lang kita." saad nito at muli na namang ngumiti. "Sino ba namang hindi makakakilala kay Kim Taehyung?" biro pa nito ngunit hindi magawang sabayan ni Taehyung ang pagtawa niya dahil ang isip niya ay lumilipad pa rin sa kung saan.

Hindi niya na namalayan kung gaano katagal siyang natulala basta't bigla lang siyang bumalik sa reyalidad nang winagayway na ng dalaga ang kamay niya sa harap ng mukha niya.

"B-Bakit?"  wala sa sariling tanong ni Taehyung bago umayos ng pagtayo.

"Tinatanong kita kung nabasa mo na ba ang librong 'to?" patukoy pa nito sa libro na hawak niya. Mabilis namang tumango si Taehyung dahilan para mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ng dalaga.

"Talaga? Ang ganda 'di ba?"

Gaya kanina ay tumango lang ulit si Taehyung dahil tila nawalan na siya ng boses para magsalita at naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. 

"Alam mo ba kung ano ang paborito kong piece sa librong 'to?" tanong pa ng babae ngunit umiling lang si Taehyung. "A book travels for days, for years, sometimes for centuries to meet you at an exact point in time." 

"I didn't expect that."

"Why? Because it's straight-forward or you expect it to be something connected to love?"

"Parang ganoon na nga." pag-amin naman ni Taehyung at bahagyang sumandal sa bookshelf dahil kanina pa siya nangangalay.

Napailing lang ang dalaga habang natatawa. "Do you believe in soulmates?" biglang tanong nito dahilan para mapasimangot si Taehyung.

"No."

"I know someone who's like a book. He travels for days, for years, sometimes for centuries just to meet his soulmate at an exact point in time."

"Eh 'di matanda na siya no'n?" pambabara ni Taehyung ngunit hindi yata umubra iyon dahil nanatili pa rin ang ngiti sa labi nito.

"Silly, that's not what I meant." tugon naman no'ng huli at pabirong sinuntok sa braso si Taehyung ngunit sa oras na iyon ay napansin niyang lumungkot ang mga mata nito. Gusto niyang tanungin kung ano ba ang ibig sabihin ng dalaga sa sinabi niya ngunit nahihiya rin siya at ayaw niya namang isipin nitong nanghihimasok siya.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila at sa sandaling iyon ay halo-halo ang nararamdaman ni Taehyung. Kinakilabutan siya ngunit kalmado ang puso niya sa presensya ng babaeng 'to.

"Hey, Taehyung?"

"Hmm?"

"Can you do me a favor?"

"What is it?"

"If you think you've already found someone you will spend the rest of your life with—" huminga ito nang malalim bago tiningnan sa mga mata si Taehyung. "Don't hold back."

Silence.

Hindi magawang magsalita ni Taehyung. Sinusubukan niya ngunit hindi niya mahanap ang boses para gawin 'yon.

"I trust you. I know you will not fvck things up as long as you follow your heart."

Hindi na siya binigyan ng oras para magsalita at tanging tipid na ngiti lang ang pinamalas nito bago naglakad at nilampasan si Taehyung na tila nanigas na sa kinatatayuan niya.  Ngunit hindi pa man nakakalayo ang dalaga nang huminto ito at bahagyang nilingon si Taehyung na hindi magawang ibalik ang tingin sa kaniya.

"By the way, my name's Zia."


--

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 339 17
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...
76.7K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
19.1K 694 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
3.7K 253 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.