Unlabeled [Baguio Series #1]

By marisswrites

41K 2.1K 768

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... More

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

41

535 38 19
By marisswrites

     

Nang matapos naming mag-usap ay bumaba na ako ng sasakyan niya at hindi na nagpahatid pa sa loob dahil nagsasayang lang siya ng oras; sobrang lapit lang. Malamig din naman ang hangin kaya masarap maglakad-lakad.

Nakita ko si Archie na nasa labas ng bahay namin, nakaupo sa bench na ginagawa kong tambayan minsan. Ngumiti siya nang makita akong papalapit sa kan'ya bago umusog nang bahagya para bigyan ako ng espasyo sa upuan.

I heaved a sigh as I sat down. "Sorry, medyo makulit talaga 'yon."

The cold wind is blowing at us and it's making me chills but it's just fine. I like the weather.

Ngumiti siya. "Hindi ka man lang nagkuwento sa akin," he said. "Sa Baguio mo siya nakilala? Sabi niya sa amin kanina noong kausap siya ng Mama at Papa mo."

Tumango ako at ibinulsa ang dalawang kamay sa pocket ng jacket. "Doon sa transient na tinirhan ko, nakaupa rin siya doon."

Tumango siya. "And then?"

I sighed. "Wala naman. Sumasama-sama lang siya sa akin sa tuwing may pinupuntahan ako."

He chuckled. "Kaya pala ayaw mo akong papuntahin noong birthday mo, ah? Naka-leave naman ako no'ng araw na 'yon kasi gusto nga kitang samahan..."

I pursed my lips. "Hindi naman sa ganoon. Plano ko talagang mag-celebrate nang mag-isa. But he insist to accompany me-"

"I insist too, Mary." He rolled his eyes at me. I laughed.

"I mean, nandoon naman na siya, hindi na niya kailangang bumyahe ng apat na oras para lang sa akin."

He smiled and shrugged. "Iniisip ko tuloy 'yung mga panahong tinawagan kita noong birthday mo. You were obviously busy that time," he laughed, dahilan para makaramdam ako ng kaba at pag-init sa pisngi ko. He looked at me. "Something going on between you two?"

Umiling ako nang mabilis. "Wala, 'no! We just..." I looked away. "Kissed."

He laughed. "Dalaga ka na talaga. Big girl na ang Mary Shella ko." Napangiti na lang ako. "Do you like him?"

Ilang segundo pa akong nag-isip bago umiling. "I don't think so. We just met when our hearts needs to be repaired. I don't think everything's genuine when we're together in Baguio," I explained. "He's just overwhelmed; I am just overwhelmed."

He smirked. "He obviously likes you."

Tumingin ako nang masama bago itinuro ang sarili ko. "Nakita mo ba itsura ko?" umirap siya sa sinabi ko. "At nakita mo ba ang itsura no'ng Travis na 'yun? May kotse pa! Isipin mo nga, Archie, kung paano ko paniniwalaan lahat ng 'yon!" pinitik niya ang noo ko. "Aray!"

"Mary, alam mo, hindi ka na lang dapat nagsasalita!" bulyaw niya sa akin na pinagtawanan ko. "Ano naman? Bawal ba 'yon? Hindi ka naman pangit, ikaw lang nagsasabing pangit ka! Halata naman sa taong gusto ka, 'no. Sinong gago magpapakilala sa magulang ng babae kung hindi seryoso ang intensiyon? Ano 'yun, ipinahiya niya sarili niya? Edukadong tao naman 'yon, alam na siguro niya 'yun."

I smiled slightly as I also realized that.

"Titigil din 'yon. Just wait. He's going to stop soon, at ipapahiya niya ang sarili niya sa pamilya ko... sa akin." I sighed. "Hindi na ako maniniwala kaagad, Archie." I smiled at him. "Lesson has already been learned."

He scoffed. "Tang ina kasing Gian 'yan, wala nang ginawang tama," umiling pa siya na parang dismayadong-dismayado. "Hindi lahat ng lalaki, katulad ni Gian."

I laughed. "Sinabi mo rin dati, noong panahon ni Gian, na hindi lahat ng lalaki, katulad ng ex ko. Anong nangyari? Iniwan ako nang walang salita. He told me he did something wrong so he probably had a woman too while he's with me... I mean... we're basically not together because we're not labeled. But... did you get me? 'Yung respeto sa akin, wala." I shrugged.

"Tss. Hindi ko naman kasi sinabing i-settle mo 'yang sarili mo sa MU MU lang. You deserved more than that..."

I smiled. "Hindi ba dapat nagpapasalamat pa ako na hindi ko ibinigay sa kan'ya 'yung label? Kung binigyan ko ba ng label ang mayroon kami ni Gian, hindi niya ako iiwanan nang ganoon?"

He shrugged. "I don't know. Pero tama ka. Kilalanin mo na muna 'yung tao. Huwag kang magpapadala kaagad d'yan. Naku, sasamain ka na talaga sa akin Mary dahil d'yan!"

I laughed. "Hindi naman."

"Tss. Ikaw, ah? G-in-host mo 'yung tao? Umalis ka raw ng Baguio nang hindi nagpapaalam sa kan'ya kaya all these past months, ang ginawa raw niya ay hanapin ka."

I smiled. "Hindi naman g-in-host. Wala namang namagitan."

"You just told me a while ago that the both of you ki-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa loob ng bahay, baka may makarinig. Tinampal ko ang bibig niya ng palad ko, dahilan para matawa siya.

"Masiyado kang maingay para sa isang lalaki, alam mo 'yon?" muli ay tumawa siya. "'Yun lang naman! Nadala lang ng kalungkutan!"

Pinagtawanan niya ulit ako. "Nakakatawa ka palang malungkot."

Pati ako ay natawa na rin sa sinabi niya.

"Seriously, Mary. I think he deserves a chance to prove himself to you. Kung ayaw mo talaga, basted-in mo. Ez." He shrugged.

I sighed. "Hindi magpapa-busted nang basta basta 'yon. Naniniwala siyang may naramdaman ako sa kan'ya noong nasa Baguio kami, eh."

He chuckled slightly. "Ako rin, eh."

I looked at him and saw that he's stretching his arms upwards, parang nag-iinat. Tumingin siya sa akin at ibinaba ang dalawang braso, tsaka ipinatong ang siko sa hita at ipinatong ang baba sa palad.

"Pero hindi naman kita masisisi kung maisip mong hindi totoo lahat ng naramdaman niyo sa Baguio. Kahit ako ay ganoon ang iisipin ko. Tama lang din ang ginawa mong umalis, kasi kung itinuloy niyo nang pareho kayong may sakit na nararamdaman mula sa nakaraan, ginawa niyo lang rebound ang isa't-isa. You don't deserve that position; you're better than that."

I nodded, because finally, someone understands what I wanted to say.

"But, since I saw in him that he's serious, give him a, at least, chance. Tingnan mo rin. Huwag mo na lang ulitin 'yung nangyari noon. I know that you know what to do now that I saw that you really learned from what happened with you and Gian. I will trust you now more than I have ever trusted you before."

I chuckled before hugging his arms and putting my head on his shoulder. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang comfort na dala ng malamig na hangin at ng tao sa tabi ko.

"Thank you. I'm glad to have a best friend like you. Thank you for being the one to throw a fit when I couldn't do it for myself."

He laughed before brushing my hair.

"I was born to protect you, I guess? You're too fragile. You need a friend like me."

I nodded. "And I'm glad I've found you."

Nagkuwentuhan pa kami ng ilang minuto bago niya ako pinapasok sa amin at tsaka siya nagpaalam sa pamilya kong uuwi na siya. Inihatid ko siya sa gate at kinawayan bago siya sumakay sa motor niya.

Hindi naman nagtanong sa akin masiyado si Mama at Papa tungkol kay Travis, siguro ay dahil alam nilang hindi ako kumportable. Masiyadong bago sa akin na may lalaki sa buhay kong kilala nila. Hindi nga nila alam na nagka-boyfriend ako, kahit pakiramdam ko ay nalaman ni Mama noong nag-break kami at nalungkot ako nang sobra.

Si Ate lang ang nangungulit sa akin dahil akala yata ay mag-aasawa na ako.

"Tumigil ka nga, Ate! Isusumbong kita sa asawa mo pag-uwi!"

Nasa ibang bansa kasi ang asawa niya kaya nandito na muna siya sa amin.

"Oh, ano gagawin ko? Pagbuhulin ko pa kayong dalawa, eh!" bulyaw niya sa akin. "Pero hindi nga?! Ang guwapo! Kaya pala kating-kati ka bumalik ng Baguio kasi nakatadhana kang makilala 'yon! Ang guwapo! Mukha pang patay na patay sa 'yo."

Kunwari pa siyang kinilig at tumili, bigla kong naalala sa kan'ya si Tori. I laughed.

"Wala nga 'yon! Hindi 'yon, titigil din 'yon."

Umirap siya. "Sana maging jowa mo."

Sinipa ko siya at tinulak palabas ng kuwarto ko. "Doon ka nga, Amber Hannah! Matutulog na ako!"

Anong oras na kasi pero nandito pa siya sa kuwarto ko para chumismis! May trabaho pa ako!

He laughed. "Bukas, ah? Magkuwento ka. Sasapakin kita kapag hindi!"

Matapos niyang sabihin iyon ay siya na ang nagsara ng pinto. Pabagsak akong humiga sa kama ko sa inis. Asa siyang magku-kuwento ako, ha? Puro kahihiyan lang ang ginawa ko ro'n at sa mga kaibigan ko lang na malapit ko iyon sasabihin! Baka sabihin ay nagkaroon siya ng malanding kapatid! Masiyado ko isinabuhay ang pagiging adventurous ng zodiac sign kong Sagittarius, sasabihin pa no'n.

I sighed. Matutulog na sana talaga ako nang naalala ko na hindi ko pa nache-check ang cellphone ko. Baka mamaya ay may memo na naman na dumating sa e-mail ko.

Kinuha ko iyon sa side table at binuksan. Nakita ko na may mga text at tawag mula sa hindi naka-save na number, at may e-mail galing sa trabaho. Nag-reply muna ako sa e-mail bago binuksan ang text messages ng hindi kilalang tao.

Unang laman ng conversation ay picture ng cellphone ko noon, pinapakita ang wallpaper ko na nasa Baguio, nakangiti. Ito 'yung kinuha sa akin ni Tori sa Café in the Sky na nagandahan ako sa kuha kasi hindi ako nakatingin sa camera at nakangiti, at mukhang maganda naman ako ro'n kahit na hindi naman talaga ako maganda.

Binasa ko ang mga text message.

From: Unregistered Number

I lived my seven months without you; only with your nickname and this photo

From: Unregistered Number

I'm losing my hopes before. Gladly someone I know helped me find you

From: Unregistered Number

And now that I finally found you, you think you can push me away that easily?

From: Unregistered Number

No, woman. I'll stay.

Napabuntonghininga na lang bago ni-save ang number ni Travis at hindi na siya ni-reply-an sa mga mema niyang text message.

You're going to stop soon. And when that time came, I promise it won't affect me a bit.

***

Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa trabaho. Gumayak na muna ako bago bumaba para kumain ng agahan. Saglit lang akong kumain at lumabas na ako ng bahay. Sakto namang nakita ko ang paghinto ng pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay namin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang mapagtanto kung sino iyon.

Bumukas ang driver's seat sa harap ko at iniluwa no'n si Travis. Ngumiti siya sa akin.

"Good morning."

Napakamot ako sa ulo ko. "Uhm, g-good morning. Uh, bakit? M-May kailangan ka ba?"

Tumawa siya bago umiling. "Wala. I'll just drive you to your work."

Umikot siya at binuksan ang shotgun seat. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok doon. Nang maisarado niya ang pintuan ay nagkabit na ako ng seatbelt habang siya naman ay umikot at sumakay sa driver's seat. Iniatras na niya ang sasakyan hanggang sa makapag-maniobra ito nang maayos at makalabas ng kanto.

"Kumain ka na ng breakfast?" tanong niya.

Kinakabahan akong tumango. "Uhm, oo. Ikaw?"

Ngumiti siya. "Hindi pa. Do you want to eat with me?" he asked as he started driving away.

"Kumain na ako, eh."

"Hmm... eat more."

I laughed. "Baka ma-late ako sa trabaho."

"You still have thirty minutes before 8:00 AM."

Nagtataka na talaga ako kung saan niya nalaman ang lahat ng iyon pero ayaw ko nang magtanong pa. Bahala na siya sa mga gusto niya. Tutal ay hindi naman siya nakikinig sa akin at wala naman siyang pinaniniwalaan sa mga sinasabi ko.

Nag-park siya sa isang restaurant na paminsan-minsan ay kinakainan namin nila Archie. Masarap nga ang breakfast dito at nakakabusog pa, kaso nga lang ay kumain na ako kanina sa bahay.

Pinagbuksan niya ako kahit na binubuksan ko naman na. Lumabas na ako ng sasakyan. Inaya na niya ako sa loob. Nang makarating kami ay pumasok kaagad sa ilong ko ang mabangong amoy ng kape at tinapay sa sikat na restaurant na ito.

"Good morning," the waiter greeted us. "Available table for two, this way please."

Sumunod kami ro'n at naupo sa isang lamesang pandalawahan. Inabutan kami ng menu ng waiter, at nag-order lang ako ng garlic bread at cappuccino. Club house ang in-order niya at black Americano.

Nang umalis na ang waiter ay saka lang ako nakapagsalita.

"So, where are you staying?"

He shrugged. "D'yan lang sa tabi-tabi."

Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa taong 'to.

He laughed. "D'yan nga lang sa malapit sa inyong hotel."

"Nagsasayang ka ng pera, Travis."

"I have plenty of money to waste, thanks for the concern."

Napairap na lang ako. "Eh 'di nawa'y lahat."

He chuckled. "Mine will be yours too when the time comes, so don't say that."

Talagang seryoso ba siya? Niloloko niya lang ang sarili niya!

"Anyway, you have no work on weekends, right?"

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman?"

"Uhm...background check..."

"Where are you from ba?" I asked.

"Manila."

"Ang layo mo. Umuwi ka na nga sa inyo. Hindi ka na pumapasok sa trabaho!"

He laughed. "Naka-leave ako. Huwag ka masiyadong mag-alala, Mary. Baka kiligin ako."

Hindi ko inaasahang matatawa ako sa huling sinabi niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga order namin kaya binilisan na namin ang pag-kain ng breakfast dahil baka ma-late pa ako. Mahirap na, hindi pa ako nakaka-isang taon sa kumpanya.

Nang matapos kumain ay sumakay ulit kami sa sasakyan niya at inihatid ako sa trabaho.

"I'll pick you up later, we'll date."

Umirap na lang ako bago isinuot ang seatbelt. Nag-drive na siya papunta sa company kung saan ako nagta-trabaho. Eight minutes before 8:00 AM ay nakarating ako sa company. Tinanggal ko kaagad ang seatbelt. Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

"Enjoy your work. I love you."

Nagwala ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok na para bang gustong-gusto nito ang narinig.

Ngumiti siya sa akin na parang wala lang sa kan'ya ang sinabi. Nagmadali na lang akong lumabas ng sasakyan niya at parang lumulutang ang isip nang makapasok ako sa building. Hanggang sa makasakay ng elevator ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi niya.

Why are guys can say those words easily? Kahit na hindi sila sigurado sa nararamdaman nila ay sinasabi pa rin nila ang mga salitang iyon? Mali iyon, eh.

Samantalang ako, sigurado na sa nararamdaman pero hindi pa rin sanay sabihin ang mga salitang iyon sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko maintindihan talaga kung bakit ganoon!

Hanggang sa magsimula na akong magtrabaho ay parang plaka sa tainga ko na paulit-ulit na naririnig ang mga salitang iyon.

Mary, damn! Hindi ka magpapadala sa mga salita niya, okay?!

_____

To whom shall I dedicate this chapter?

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 254K 66
The Doctor is out. He's hiding something
104K 2.9K 36
Baguio Entry #2 [Completed] Dianna Farrah Pascua found herself studying Accountancy at Saint Louis University than following HUMSS align course. Just...
6.4M 240K 64
A battle between love and service.
112K 8.4K 39
Upang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madi...