The Seed Of Azrael

由 heartruiner

49.7K 1.2K 102

Remember this as you pass by. As you are now so once was I. As I am now, you soon shall be. So prepare for de... 更多

The Seed Of Azrael
Dark Images
Unexplainable By Degree
Dark Deals
Knight In A Bloody Armor
Dark Truth
Dark Revelations
Awakening
From The Dark
The Dark Side
Love, Dark
Meeting Dark
Dark Dream
Dark Pains
Dark Soul
The End

Dark Desires

2.4K 67 4
由 heartruiner

*Dark Desires*

Sa tingin ko sanay na akong makita ang usok na pumapaligid sa bawat taong nadadaanan ko kaya hindi na rin ako masyadong nagre-react at bwisit na bwisit. Isa pa naaaliw naman ako kay Anael na lilipad-lipad sa may kaliwang balikat ko para sundan ako sa classroom. So today, I think the smokes aren’t that much annoying as it was before.

“Dream?”

“Mm?”

“Mahal ni Anael si Dream.”

Napahinto ako. Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”

“Kasi mahal na mahal ni Anael si Dream.”

Nagpalinga-linga ako. Sumuot ako sa tagong pasilyo, sumusunod pa rin siya. Para siyang yung makulit na fairy sa Adventure Island na nang-iiwan lang kapag naiinip siya sa katagalan ng pagtalon ng player para umabot sa kabilang hill. Kaloka. =___=

“Nakakawindang kang nilalang ka. Weekends ka lang nag-stay sa’kin mahal na agad? Wala pa nga akong napipigang impormasyon sa’yo.”

“Pero mahal talaga ni Anael si Dream.” :'(

I extended my arms to him. With one poof, nakapagpalit na naman siya ng size at sinugod ako ng yakap. Over. =___=

“Balik ka na ulit sa mini version. Kailangan ko nang pumasok sa klase. Baka mahuli ako.”

Ngumiti siya at bumalik sa dati niyang size. I resumed walking to the classroom. Maingay pa rin, senyales na walang pang guro. Nagpatuloy ako hanggang sa silya ko. Hindi ko pinansin ang nakatungangang lalaki na pinangatawanan na atang tumabi talaga sa upuan ko. Aish.

Speaking of tunganga, nakatingin siya sa may kaliwang parte ko kung saan nakalutang lang si Anael. Nakikita niya? “I see you didn’t freaked out that much.”

Tinignan ko siya. Wow, he pretty much just hinted that he sees Anael. “Nakikita mo siya?”

Tumango si Dark, confirming the idea. “I’m glad you didn’t throw him away or anything to that extent.”

I squinted my eyes at him in warning. “Ano bang alam mo? Bakit kasi hindi ka na lang umamin? Sino ka ba talaga tsaka bakit epal ka ng epal sa buhay ko? Ang laki mong panggulo alam mo ‘yun?” biruin mo ‘yun, sa isang simpleng photoshoot lang nagkanda-letse-letse na ang buhay ko. Sino ba kasi talaga ‘to?

“The deal is still being offered, Dream. One yes and it’s done.” He said it with such a sad tone na parang gusto kong bawiin kaagad ang pagtataray ko. He’s so close to pleading, his eyes screamed it all, it’s so freakin’ obvious pero sinusubukan niyang itago. “Just a yes is all I’m asking.”

Ngunit kahit gano’n, kahit may parte sa’king gustong bumigay sa pakiusap niya, umiling pa rin ako. “Ayoko. Never! Hindi ako makikipag-date sa’yo!”

Nakatawag ng atensyon ang sigaw ko. Nakanganga lahat ng mga babae sa’kin. Mukhang hindi makapaniwalang nambasted ako. <__<

Nag-iwas ako ng tingin. Nagkunwari akong abala sa paglalabas ng notes mula sa compartment ng desk ko. Lumakas ang mga bulungan kaya napaangat ako ng tingin. I saw Dark glaring at the door. Sinundan ko iyon ng tingin. A guy wearing a Saint Claire’s uniform in white stood there. Nagpapalinga-linga siya hanggang sa matagpuan niya ang mga mata ko. Instantly, he smiled and strolled down to my seat.

“Hi, is this seat taken?”

Nanlaki ang mata ko. Mabilis na nag-play ang flashback ng nangyari nung isang gabi sa utak ko. Siya yung lalaking nagligtas sa’kin nung isang gabi. Charing, ligtas raw. Sino ba ‘to? Ba’t parang ang dami atang mukhang model sa classroom na ‘to?

“Err… yea, it is.”

Oh.” Hinanap niya yung nakaupo sa tabi ko. Madali lang naman hanapin kasi nasa kabilang row lang siya’t nakikipag-usap sa iba. “Pwede ka bang lumipat sa ibang upuan? Heto ang mga gamit mo. Salamat ah.” Nagpaalam ba talaga siya? Parang di naman.

Nagulat ako nang sumalampak siya ng upo sa tabi ko. Saglit siyang tumingin kay Anael na parang nakikita niya ito pagkatapos ay naglahad siya ng palad sa akin. “Ako si Creed. Nagkita na tayo.”

“Uh… y-yeah.” Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. “Dream.”

 Ngumiti siya. “Ang gandang pangalan.”

Oh shit. What a creep.

~xxxx-x-x-x-x-xxxx~

“Hoy, Dream.”

Lumingon ako. Napairap ako nang makita kong naglalakad si beast patungo sa kinatatayuan ko. Heto na naman po tayo. “Oh? Problema mo?”

“Problema ko?” she hissed then gripped my arm. “Ginayuma mo ba sina Creed at Dark? Ano bang nangyayari?”

“Hoy, kung gusto mo sa’yo na sila. Hindi ko sila ginayuma. Naiirita na nga ako eh. Solohin mo sila kung gusto mo. Wala akong interes sa kanila.”

“Kung gano’n bakit… ba’t… ba’t sila gano’n sa’yo?”

“Aba anong malay ko! Hindi ko rin alam kaya tantanan mo na’ko!”

Inis akong lumabas ng cafeteria. Naramdaman kong yumakap sa leeg ko si Anael mula sa likuran. “Galit ba si Dream? H’wag na galit si Dream.”

“Okay lang ako. Inis lang ng konti.”

“Mm. Uuwi na ba si Dream?”

“Yap. Uuwi na tayo.” ngumiti ako sa kanya.

He giggled. Nilabas ko ang susi ko para buksan ang kotse ko nang makaalis na sa lugar na ‘to. Bad vibes talaga. Hindi na lang sana ako pumasok ngayon. Tama na sanang si Dark na lang, bakit pati si Creed parang naghahabol rin? Ano bang kailangan nila sa akin? Bakit ako? Di ba pwedeng yung iba na lang? Cause I swear to God I’m not into relationships with handsome models. Period.

“Waaaah!” 0____0

Bigla na lang may humila sa akin at ikinulong ako sa mahigpit na yakap. By the scent, hindi ko na siya kailangang itulak at tignan pa.

It’s Dark Lockhart.

“What the heck are you doing, Lockhart? Let me go!”

“Please… please just…”

Natigilan ako. Naririnig ko ang tahimik niyang pag-iyak sa balikat ko, ramdam ko ang mainit na likidong bumabasa sa kanang parte ng leeg ko, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Ano bang nangyayari? “Dark?”

“Ayoko na… ayoko na! Tama na, ayoko nang maglaro! Tigilan na natin ‘to pakiusap…”

“Hindi kita naiintindihan. Ano bang…” napabuntong hininga ako. I guess I’ll just have to bear with it, nakakakunsensya naman kasi. “Alright, I’m here, it’s okay.”

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko, lalo niya akong hinapit at niyakap ng mahigpit. Hinintay ko siyang kumalma. Pati kasi si Anael umiiyak na sa hindi ko malamang kadahilanan. Mga ilang minut rin kaming nakatayo sa parking lot. Even when Dark stopped crying, he stayed in my arms for a couple of minutes.

And then he pulled away. “I-I’m sorry.”

“Okay lang. Ayos ka na?”

Tumango siya as he smiles sadly. How did I even know it’s a sad smile? “Ayos na. Salamat. Uh… n-nagkakape ka ba? Do you want to…”

“Hindi, uuwi na rin ako. Gabi na eh.”

Hinawakan niya ang isang braso ko para pigilan ako. “C-Can’t you stay? Kahit sandali lang? Sandaling-sandali lang?”

I blew air heavenwards in frustration. “Fine. May Dunkin Donuts down the road. I can just leave my car here and get it tomorrow or we’ll settle at convoy.”

“No, hop in my car. Saves the trouble.” Ngumiti siya bago buksan ang pintuan ng kotse niya at papasukin ako.

I swear to heavens, if he does something to me, hindi ako magda-dalawang isip na gilitan siya ng leeg. =___=

Sinuot niya ang hood niya pagdating namin ng Dunkin Donuts. Maybe he’s really that famous, I just don’t realize it. Obviously, I don’t know a thing about Dark like any other girls do. Wala naman kasi talaga akong pakialam. Kaso ang problema, the more na nakakasama ko siya, the more complicated things become.

One: I feel like there’s a pull to him from somewhere deep inside me and I’m not liking it one bit. Two: the fact na parang kinamumuhian ko siya ng husto kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. And three: it’s strange that he’s chasing after me—or asking me to go out if you prefer it like that.

“Hot chocolate tsaka… boston kreme.”

“And add one coffee to that. Thanks.” Then he paid the bill.

Kumuha na ako ng upuan sa may bandang dulo habang kinukuha niya ang order. Nag-text ako kay Yale na male-late ako ng uwi para hindi siya masyadong mag-alala though I doubt na mag-aalala siya. Feeling ko puro laro na naman ang inaatupag no’n. Tsk.

“Here.”

“Thank you.”

Naupo siya sa silya katapat nung akin. Sinimulan kong kainin ang boston kreme ko, nakatingin lang naman siya sa akin at walang sinasabi. Pero maya-maya mukhang hindi rin nakatiis. “I’m sorry about earlier. I shouldn’t have done that, I’m sorry.”

“May tanong ako sa’yo. This is prob’ly the most stupidest thing you’ve ever heard but… why do I hate you so much? I just don’t get it.”

He looked down and swallowed. His lips quivered. “You… hate me.”

“Yah. And I’m sorry I just can’t help it. Yun yung nararamdaman ko eh. Nalilito na nga ako that’s why I’m asking you. Baka lang alam mo.”

Tumango-tango siya. Pinilit niya akong ngitian pero obvious naman na hindi niya gustong ngumiti. “Do you… do you know how love is? I mean did you ever know what was it or how it works?”

Wow. Off topic much? “Obviously no? Sandali. Iyon ba ang dahilan kung bakit ka… I mean yung sa kanina?”

Tumango siya samantalang nakapanatili ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. “Alam mo dati? Hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Things were… always rough for me before. I had a lot of crap. And then I met… her.” tumingin siya sa mga mata ko na para bang may hinahanap siya do’n. “She… she was never like any other girls I’ve met. I know I love her from the very first day. But I did a horrible thing. And I lost her.”

“So… you’re not… not a playboy?”

Umiling siya. “I was before I met her. I was after I lost her. I sleep around, I tried fighting the agony of not being with y—her. But I… it wasn’t enough. I tried everything to remove the feeling. To release myself from her. I just couldn’t, Dream, and I… I don’t know what to do anymore.”

Naramdaman kong umakap sa akin si Anael mula sa likuran. Inabot ko siya at ipinuwesto sa lap ko. Yumakap ulit siya sa akin ng mahigpit. “I don’t know with you, Dark, pero sa tingin ko pinahihirapan mo lang ang sarili mo kapag nagpatuloy ka pa sa paggamit ng ibang babae. At mandadamay ka pa ng iba kasi sinasaktan mo rin sila at ginagamit. H’wag kang magpaka-duwag. Harapin mo ng mag-isa yang sakit. You deserved that, you did that to yourself.”

May halong pagmamakaawa ang tingin niya sa akin nang tumayo ako. Ngumiti ako ng saglit sa kanya. “I have to go.”

“I-Ihahatid na kita.”

“Hindi na. Magka-cab na lang ako.”

“No please, I insist. Let me.”

I sighed in surrender. For the nth time today… “Fine.”

继续阅读

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
186K 9K 51
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
442K 24.4K 166
Featured at Wattpad's Editor Picks list. Luna, an overworked Engineer, had an unfortunate end. Her spirit, feeling wronged, fights Death for a second...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...