Unlabeled [Baguio Series #1]

Autorstwa marisswrites

38.6K 2K 764

• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is... Więcej

Unlabeled
Introduction
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Finale
ACKNOWLEDGEMENT & FAQs
Special Chapter: Unrecognized

26

461 28 15
Autorstwa marisswrites

     

Kinabukasan ay muli akong hindi nakapasok sa trabaho nang hindi nanghihingi ng leave.

Nag-AWOL na naman ako for the second time, at bilang pangalawang beses ko na 'yon ay sinuspinde ako ng manager ko ng tatlong araw.

"Tang ina mo, inom pa." sabi sa akin ni Archie oras na makapasok siya sa kuwarto ko. Naupo siya sa upuan sa gilid ng kuwarto ko. "Ano? Mawawalan ka na ng trabaho nang dahil sa kupal na 'yon. Iharap mo nga sa akin 'yon nang masapak ko lang isang beses, tangina."

I laughed. "Huwag na. Kasalanan ko naman." Inirapan niya ako. "Ang tanga ko ba?"

"Oo, eh." natural na sagot niya. "Hindi naman naging kayo pero nagkaka-ganyan ka. Sigurado akong lumalaki na ulo no'n ngayon."

I smiled. "Hindi ko naman mapipigilan 'yung nararamdaman ko, Archie. Kung puwede lang sana, 'di ba? Eh 'di sana hindi ko na hinayaang maapektuhan ang lahat, lalong-lalo na 'yung trabaho ko, dahil sa kaniya."

Nagbuntonghininga siya. "Bakit naman kasi kailangang i-entertain pa ang pagbabalik niya, Mary? Iniwan ka na ngang isang beses nang walang dahilan, walang paramdam. Tinanggap mo pa ulit. Ano sa tingin mo, hindi niya magagawa ulit sa 'yo 'yan?"

Hindi ako sumagot kasi 'yun naman talaga 'yung akala ko, na hindi na ulit siya aalis. Na, magiging okay lahat. Kasi ang saya ko kapag siya kasama ko, eh. Hindi ko naman alam na...ganito pala. Ganito pala ang kapalit ng lahat ng saya na naramdaman ko noong kasama ko siya.

I smiled. "Pinanghawakan ko kasi 'yong sinabi niya dati na...hindi siya aalis; na dito lang siya."

"Pero umalis siya, 'di ba?" he sighed. "Kahit walang kayo, karapatan mong malaman 'yung dahilan kung bakit siya umalis nang walang paalam at bumalik na parang wala lang. Kasi, may pinagsamahan kayo, eh. Ipakita mo nga sa akin 'yung hayop na 'yan nang makatikim ng matindi-tinding gulpi sa akin."

I chuckled. "Wala naman siyang kasalanan."

"Pero nagkaka-ganiyan ka dahil sa kaniya."

"Hindi niya naman sinabing maging ganito ako. Ako na ito, eh. Ako na 'yung nagde-decide sa mga nangyayari sa akin. Choice ko nang magpaka-wasak. Choice ko na ang maapektuhan ang lahat. Choice ko na 'to, Archie. At wala siyang sinabing maging ganito ako. Ako ang gumagalaw at nag-iisip sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, at kung mayroong kailangang sisihin dito, ako 'yun."

Hindi siya nagsalita. I tried to hold back my tears but as the usual crybaby I am, I failed.

"Ang hindi ko kasi matanggap, bakit hinayaan kong mahulog ako sa kaniya nang ganito? Bakit hinayaan kong ma-attach nang ganito sa kaniya, when in the first place, alam ko nang ako rin ang mahihirapan dahil sa anxiety ko? Dapat simula pa lang, alam ko nang mawawasak ako at maraming maaapektuhan once na umalis siya...once na iwanan niya ako."

I sobbed as I wiped my tears away with my hands. Naramdaman ko na pinupunasan na rin ni Archie ang mga luha ko gamit ang kamay niya lang.

"Pero hindi ko kasi pinansin 'yung thoughts ko na 'yon, kasi he taught me to live with the present; that there's nothing to be scared about the things that are not yet happening. That...living while worrying with what will happen in the future will just ruin my present. He taught me not to be scared of what will happen in the future. Na...i-enjoy na lang namin ang nasa harap namin ngayon, kasi, 'yun naman ang dapat. 'Yun naman... n-naging masaya naman ako.

"At ipinaramdam niya kasi sa akin na hindi siya aalis, eh. Nagbigay siya ng assurance...na hindi niya ako iiwanan. Every time I am asking for assurance that he'll never leave...that he'll stay, lagi niyang sinasabi na dito lang ako, hindi ako aalis... It feels so...real. It feels so...sincere. Kaya hindi mo masisisi kung bakit umasa ako nang ganito sa kaniya."

Hindi na muna siya nagsalita matapos kong sabihin sa kaniya ang lahat ng iyon. He just watched me cry my heart out as I said all those words. He may scold me for everything, but he never judged me, that's why he's the best friend I've ever have.

When I finally calm myself down, he talked. "At...At least...you learned from him." He said. "At least he left you a lesson to learn. That, you made a mistake that you'll never do again in the future."

I chuckled. "Hindi na ulit ako papasok sa isang unlabeled relationship," I said. "Hindi ko na ulit hahayaan na kainin ako ng anxiety ko that results to bad behaviour with my job. I‟ll never be this marupok ever again." I laughed.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Baka naman nasasabi mo lang 'yan? Baka malaman ko na lang, inuulit mo na naman..."

I smiled. "We're never sure of anything that can happen in the future. Pero siyempre, if ever na mangyari ulit, at least alam na natin 'yung gagawin natin, 'di ba?"

Ngumiti lang siya at tumango, tsaka ginulo ang buhok ko. Lumabas kami ng kuwarto ko at sabay nang kumain ng almusal.

***

I can still remember when Gian told me a confession, that he's never sure of anything. That it was the worst side of him; na ngayon, pinapakita niyang sigurado siya pero ang totoo ay hindi naman talaga.

I ignored all those signs. All the words he said, na kailangan kong masanay na hindi laging okay o hindi laging masaya, na wala naman talagang sigurado sa kaniya, 'yun na pala 'yon. Pati 'yung pagsasabi niya sa akin na never be the person I am today for the people that I will meet in the future, kasi siguradong aabusuhin ako at ang kabaitan ko.

Siguro gano'n siya. Baka inabuso niya ako masiyado at aware siya doon, kaya binigyan niya ako ng signs na ganoon nga...na, huwag na akong maging ganito sa susunod; sa halip ay maging cold person ako the way he met me.

One of the things I can never accept is the fact that I let my guards down because I trusted him. I've build all those walls to protect me; so that people won't use me to their advantage. Pero para sa kaniya, ibinaba ko.

I became an open book for him, not knowing that the person is not a book lover; he never really cared.

Kasi kung may pakialam siya, he will give me reasons, not sorry's, right? Kung mahalaga sa kaniya ang pinagsamahan namin, he'll never let me beg for answers from him; he would never allow my mind to be filled with unanswered questions.

O wala talagang sagot sa mga tanong ko?

Na wala naman talagang dahilan ang pag-alis niya?

Na...napagtripan niya lang dumating sa buhay ko at umalis.

Pero ngayon kasi, for me, enough na 'yung sorry niya to answer my questions.

When he said sorry after I asked him why he left, parang doon pa lang, alam ko na...na wala naman talaga sa kaniya ang pinagsamahan namin. Na, isa lang ako sa mga babaeng naka-landian niya.

He ghosted me.

For some people, it is normal. Kasi lahat naman daw ng taong nakikipag-landian nang walang relasiyon, nararanasang ma-ghost. Sobrang daming tao na nga ang nakaranas nito, at alam kong hindi lang ako.

Ang hindi ko lang maintindihan, mahirap bang magsabi?

Hindi ko sinasabing espesyal ako, pero hindi normal para sa akin ang ma-ghost ng isang taong naging parte ng buhay ko. Having an anxiety makes us look the weakest when left behind. We blamed ourselves for losing people; we think that it was us who were wrong in the first place; that we might not satisfy the people of what they need. We lost focus in everything; we cry all night.

We lost ourselves.

We can never be used to the changes in our lives once people left us.

'Yung kasama sa daily routine namin ang kausap siya, kasama siya, ay mawawala rin once nawala 'yung tao.

'Yung may nasasabihan ka ng problema mo, nasasandalan, nagpapasaya kapag nalulungkot ka...

'Yung taong kasama mo sa pag-inom ng kape...

'Yung taong dahilan kung bakit unti-unti ka nang nasasanay sa bagay na kinatatakutan mo dati...

'Yung taong dahilan mo ng pagbubukas ng cellphone...

'Yung taong kausap mo palagi sa bawat oras na puwede ka...

'Yung taong niyayakap at hinahalikan ka...

Lahat ng 'yan, mawawala oras na umalis 'yung tao sa tabi mo...sa buhay mo. At hindi ko pa kayang masanay nang wala na ang lahat ng ito ngayon.

Masakit, oo. Pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang tanggapin, 'di ba? Hindi naman natin puwedeng pilitin 'yung taong mag-stay kung ayaw na talaga.

Forcing people to stay is bullshit.

Parang nagmakaawa kang mahalin ng taong hindi ka nga minahal o nagustuhan in the first place.

I might be a mess now, I might be wrecked...

I might be broken, I might be sad and in deep pain...

But I know, soon, I'll get over it. He's just a lesson I need to learn; he's just a challenge that God gave me to face. He's just one of the many people I will meet in my life. God is just testing of how strong I am as a person; as His child. And I will prove Him that I can do everything with Him, beside me.

When I finally get over this, I promise, and I swear, I will never, ever, care for him anymore. Kahit na anong mangyari, wala na ang pakialam kong iyon sa kan'ya.

Natapos na ang tatlong araw na suspension ko, at pumasok akong maayos ang itsura; hindi mukhang isinumpa.

Nakasuot ako ng makeup, not the usual na ginagawa kong ayos sa sarili ko. I made myself look blooming. I hide the black circles around my eyes; I hide the sadness I have in my face. I made myself look perfectly fine.

This is the best makeup I've ever made to myself.

I looked at my Messenger, with Gian's chatbox opened. I saw that my nickname is still there. Ang tanga ko pa rin para panghawakan ang napakaliit na bagay na ito. Na...hangga't nand'yan pa ang nickname kong Baby na siya ang naglagay, ay aasa akong ako pa rin. Pero alam ko namang mali.

Isinarado ko na ulit ang chatbox namin.

Kinuha ko ang gamit ko, maging ang letter na ginawa ko noong isang gabi.

"Ano? Sigurado ka na ba d'yan, anak?" tanong sa akin ni Papa.

"Sigurado na ako, 'Pa. Okay lang ba sa inyo ni Mama?" tanong ko.

"Wala namang problema sa amin, eh. Ang gusto lang namin ay kung saan ka kumportable. Baka kasi mamaya, nagagawa mo lang 'yan nang hindi pinag-isipan. Baka mamaya, hindi ka naman pala sigurado, at baka pagsisihan mo ang desisyon mo sa huli..."

I smiled. "'Pa, noong isang gabi ko pa ginawa 'to. Alam mong hindi ko ipapasa 'to kung hindi naman ako sigurado. Pinag-isipan ko na ito, 'Pa. Sa ngayon...gusto ko na munang magpahinga. At puwede naman akong bumalik sa trabaho ko doon kung gusto ko kasi tapos ko naman ang kontrata ko doon. Na-extend lang talaga ang probationary period ko ng six months."

Yes, I made a resignation letter. Ipapasa ko na ito ngayon, kasabay ng pagtatapos ng suspension ko sa trabaho. Hindi kaya ng mataas kong pride na nagkaka-ganito ako ngayon sa trabaho. Masiyado kong mahal ang trabaho ko para madamay sa mga personal na problema ko ngayon. Masiyado kong mahal ang trabaho ko, na hindi ko kayang makita na unti-unting pumapangit ang pagta-trabaho ko dahil lang sa mga problemang mayroon ako ngayon.

"O, sige. Mag-iingat ka rin sa lugar na pupuntahan mo, ha?"

"Salamat, 'Pa."

"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?"

"Oo, 'Pa. Kayang-kaya." I chuckled.

He smiled. "Tama 'yan." Pinindot niya ang pisngi ko. "Sige na, kumain ka na muna ng agahan mo bago ka pumasok."

Tumango ako at sumunod sa kaniya papunta sa dining area.

I can still remember how Gian asked me to go to Baguio with him because he wants to be in his hometown with me. Hindi ko alam kung totoo 'yung mga rason niya; hindi ko alam kung totoo bang gusto niya akong kasama sa Baguio o baka dahil nakainom lang siya kaya niya nasabi 'yon.

Pero whatever the reasons are, whatever the truth is, I will still go to Baguio. Alone.

I know he's here in Zambales, so I want to go there while he's here. Para malabo ang tiyansa na makikita ko siya doon.

Ayoko rin naman na maging siya ang rason ng pagpunta ko doon; I just badly want to go to Baguio, kahit ako lang mag-isa. I can still manage. I can go there alone—even better because I can enjoy every place there without having to worry about the people I am with.

I'll be at the Baguio, and nobody knew it but my family.

Hindi ko pa rin nasasabi kay Archie na aalis ako, pero sasabihin ko rin naman sa kaniya. Kung gusto niyang sumama, okay lang naman. Pero mas gusto ko sanang mag-isa.

Nang matapos na akong kumain ay nagpahatid na ako kay Papa sa trabaho. Naka-uniform pa ako, dahil balak kong mag-duty ngayong araw kasabay ng pagre-resign ko. Huling duty ko sa trabaho kasama ang mga katrabaho kong naging malapit talaga sa puso ko.

Nang makarating ako sa building ay nakita ko namang nandoon ang taong hinding-hindi ko inaasahan na makikita ko ngayong umaga.

Hindi na lang muna siya nagpakita.

Sana itinuloy-tuloy na lang niya ang pag-iwas sa akin.

I've made up my mind but the feelings...the feelings never changed...even a bit.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.9M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
14.1M 308K 60
[SELF PUBLISHED - 2016]
48M 296K 14
[SARMIENTO SERIES #1] I'm Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento. And being his wife is my biggest secret. Published under...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...