death bed

由 defenderofmnknd

29 2 0

death bed 更多

Death Bed

20 2 0
由 defenderofmnknd

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Death Bed: PROLOGUE

Malamig na simoy ng hangin ang dumapo sa morena kong balat. Tumingala ako sa kalangitan na kung saan ay nagsisimula nang magpakita ang inang araw. Dinama ko ang paligid at hinayaan na lamunin ang sarili sa preskong kulay berdeng kapaligiran. Hindi nakakasagabal ang ingay ng mga manok sa hindi kalayuan sa aming bahay.

Umurong ako at lumayo sa barandilya ng aking teresa. Lumapit sa bilog na mesa at umupo sa gold chiavari wooden chair. Lumapit ang taga-alaga ko sa bahay at nagsalin ng mainit na tubig para sa aking tsaa.

Ilang sandali pa ay humigop na ako dito. Ramdam ko mula sa bibig ko papunta sa lalamunan hanggang sa aking kalamnan ang init ng aking iniinom. Bumabagay ang pagiinom ko ng mainit na tsaa sa malamig na simoy ng hangin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Nagsisimula na silang mangulubot at pumapayat na rin ako. Napabuntong hininga na lang ako sa nasaksihan sa sarili. Mayamaya ay biglang dumating ang isa pang kasama sa bahay at daling dali na lumapit sa akin.

"Magandang umaga po sa inyo, Calixta. Pasensya na po sa abala sa pag-inom niyo ng tsaa," bati niya. "Pero tumawag po ang isa nating driver at sinabing may paparating daw na bisita at hindi niya sinabi kung sino."

"Bisita? Biglaan naman ata iyan, Aling Pasing? Wala naman ata akong natanggap na mensahe na magkakaroon ng bisita si Calixta?" nagtatakang tanong ng aking dalagang tagapag-alaga.

Hindi ko na pinakinggan ang salitan nila ng pagtataka. Wala naman talaga kaming natanggap na mensahe na magkakaroon ako ng bisita na biglaan. At kung mayroon man sana ay idadaan muna nila ito sa aking tagapag-alaga na si Vina at ipagbibigay alam sa akin kung papatuluyin ko ba sila dito sa aking bahay.

Pero nawala ang aking bahala sa bisita na iyan dahil iba ang pakiramdam ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Pasing ay hindi ako nakaramdam ng galit nang hindi nakarating sa amin ang mensahe bagkus ay nakaramdam ako ng kaba at tuwa.

Hanggang ngayon ay nagsasalitan pa rin sila ng salita at iniisip kung sino man ang bisitang darating. Lumayo pa sila sa akin para hindi ko marinig pero rinig na rinig ko sila sa lakas ng kanilang bulungan.

Dahan dahan akong tumayo at ibinalanse ang katawan. Naalarma sila at kaagad akong nilapitan at inilalayan. "Let's go at maghanda na tayo," sabi ko. Nakita ko ang gulat sa kanilang dalawa. Umirap ako at tumawa ng bahagya.

"Calixta," si Vina, "Remember, hindi ka po tumatanggap ng kahit sinong bisita nang hindi dumadaan sa akin."

Sumang-ayon si Pasing, "Oo nga po, Calixta."

Hindi ko sila pinansin bagkus ay nagdire-diretso sa walk-in closet ko. Humabol sila sa akin na para akong mawawalan ng balanse ano mang oras. Inalalayan nila akong dalawa sa pagbihis. Ngayon ay nakaupo ako at nakaharap sa full length mirror, nasa paanan ko si Pasing at sinusuotan ako ng sandalyas habang si Vina ay nasa likod ko at inaayos ang itim, kulot sa dulo at maitim kong buhok.

Tumili si Vina sa likuran ko, "Walang kupas ang kagandahan mo, Calixta!"

"Oo nga! Nakakainggit nga!" si Pasing.

"Of course," ang sagot ko sa dalawa.

Nang matapos nila akong ayusan ay nagpaalam na baba at magaasikaso na si Pasing kasama ang iba pang kasama sa bahay. Si Vina naman ay dinala ako sa malaki kong sala sa kwarto at doon binuksan ang television para makanuod ako.

"Aling Pasing, anong oras ba darating ang bisita?" tanong ni Vina habang inaayos ilagay ang paa ko sa foot-rester ng aking gintong solo na sofa.

Nagkamot sa ulo si Pasing, "Ay. Iyon lang ang hindi ko alam. Pero sa tansya ko ay isang oras na lang naman na o kalahati."

"Sige po, Aling Pasing, kung sino man iyong bisita ay pakisabi at pakiakyat na lang siya sa visitor's area. Salamat," utos ni Vina.

"Oo, siya, sige. Bababa na ako," lumingon siya sa akin, nakangiti at ipinatong ang kamay sa balikat ko, "Baba na po ako Calixta. Ipapatawag ko na lang po kayo-"

"Pakisarapan ng agahan," putol ko sa kanya.

Nalito ang mukha niya, "Calixta?"

Umirap ako, "Tell my Chef to make a delicious breakfast and as many as he can." Napabitaw sa balikat ko si Pasing. Pati rin si Vina ay napalapit ang mukha sa akin. 

"Pero bakit po? Ay, mawalang galang na po, pero bakit po? Hindi niyo naman ginaganyan ang iba niyong bisita, Calixta?" nagpapanik si Pasing.

Si Vina ay mas lalong inilapit ang mukha sa akin. Tinaas ko ang kamay ko tsaka tinulak nang bahagya ang mukha niya. "It's so close," sabi ko.

"Calixta, kilala niyo ba ang darating? Bakit hindi po nakarating sa akin iyan?" usisa ni Vina.

Bumuntont hininga ako. Ang dalawa ay nagpalitan ng mga tingin at bulungan sa mismo ko pang harapan.

"Basta. Do what I say. Tell that to Chef Hermosa, please, Pasing. Pakihanda na rin ang big dining area natin. Magpapahinga lang ako saglit," utos ko sabay pikit at hilig ng katawan sa sofa.

Nagbulungan pa sila at nagpapanik ng hindi ko alam kung bakit. Siguro ay nagulat sila sa naging pasya ko sa ngayong bisita. Hindi ako kailanman nagpapasok ng kahit sino sa pamamahay ko nang walang pahintulot at hindi pagbibigay alam sa tagapag-alaga kong si Vina. Lahat ng bibisita sa akin ay kailangan munang tumawag at sabihin ang rason kung bakit dadalaw.

Sa buong buhay ko ay ganito na ang aking ginagawa maliban na lang sa isang lalaki na kahit kailan ay hindi na nagpapakita sa akin. Ngunit, huwag siyang mag-alala, sa tamang panahon at oras ay magkakasama na ulit kami.

Lumipas ang ilan pang minuto ay dumilat na ako. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik. Wala pa siguro ang bisita. Lumibot ang tingin ko sa malawak kong kwarto na pwede na maging bahay ng isang pamilya sa sobrang laki nito.

Dahan dahan akong tumayo at inikot ang buong kwarto. Mula sa sala, kaharap ang malaki kong television na pwede na gamitin sa isang home cinema ay lumibot pa ako. Sa ginto kong kama. Sa walk-in closet ko na halos lahat ata ng mga kagamitan doon ay naglalaro sa kulay ginto. Sa teresa ko, sa banyo ko, sa kusina ko, at sa isang kwarto sa mismong kwarto ko, na kung saan andoon sa loob nakasabit ang iba't ibang mga litrato ko noon kasama ang masasaya at malulungkot na buhay.

Dahan dahan kong pinihit ang hawakan ng pintuan, bago pa makapasok ay dumaan muna ako  sa isang hallway patungo sa hagdan nito pababa savkung saan andoon ang lahat ng aking buhay.

Nanibago ako sa barandilya ng hagdan, kulay puti ito, malayo sa paborito kong kulay na ginto. Lahat ng pader ay nasa puti, habang pababa ako sa hagdan ay marami akong litrato na nadadaanan. Litrato ng mga pamilya ko, kaibigan ko at ako. Nang nasa huling hakbang na ako ay katapat ng hagdan ang malaking litrato ng aking pamilya. Kuha ito sa taong 2020. Mula sa litrato ng pamilya ko ay ang isa pang pintuan na maliit, doon ay pumasok ako at biglang nanikip ang dibdib nang makita ko ang mga nasa loob.

Tumambad sa akin ang mga iba't ibang litrato, mula sa maliit hanggang sa papalaki. Nakalagay sa limang mahahabang table ang ibang mga litrato na nakalagay sa kaniya-kaniyang mga frames habang ang kalahatan ay nakasabit sa dinging na umaabot pa sa kisame.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa na-unang mesa. Sa loob ng kwarto na ito ay may apat na mga pader. Nakalaan ang tatlong sulok para sa tig-iisang mesa habang ang isang sulok ay nakalaan para sa dalawang mesa.

Para sa unang mesa ay dito nakalagay ang iba't ibang larawan na kasama siya. Mula sa pagkadalaga at pagkabinata namin. Halos nanginginig kong hawakan ang lahat, isa-isa habang lumuluha. Pinilit ko ang sarili na bawiin ang lakas, nanghihina na rin akong napahawak sa pangalawang mesa dahil ganoon din ang naramdaman ko. Nagbalik din sa akin ang lahat kung saan at paano nagsimula na mas lalong nagpahina sa akin.

Hapit ko ang dibdib ko patungo sa pangatlong mesa, dito napukaw ang tingin ko sa lahat ng litrato dahil halos pare-parehas ang lagay at kasuotan niya. Puting johnny gown. Puting johnny gown. Halos lahat ay iyon ang suot-suot niya na minsan ay pinaparesan ng pajama. Bawat larawan ay may nakalagay kung kailan ito kinunan. Mula 2010 hanggang 2018.

Sa sumunod na mesa ay ang pang-apat at pang-limang mesa. Dito ay halos hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ng malakas. Sa dalawang mesa na ito at sa mga litrato na nakalagay dito ay ang dalawang taon niyang paghihirap bago siya mawala sa akin. Sa itaas ng dalawang lamesa ay ang painting niya na ako mismo ang nagpinta habang nakahiga sa hospital bed at unti-unting binabawian ng buhay. Napaluhod ako habang tumitingala sa painting. Siya mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Siya mismo ang nag-utos sa akin na ipinta niya ako habang siya ay nag-aagaw buhay. Siya mismo ang nagmakaawa sa akin kahit nahihirapan kaming lahat sa unti-unti niyang panghihina.

Sa kagustuhan niya at kahit ayaw ko, kahit gusto kong hawakan ang mga kamay niya habang unti-unti nang nawawala ang hininga niya ay hindi ko iyon nagawa. Bagkus ay hawak ko ang paint brush habang umiiyak at ipinipinta siyang nakahiga. Ilang minuto akong nasa gano'ng posisyon nang makaramdam ang lamig ng hangin. Napatayo ako kaagad at muling tinignan ang painting. Nakakarinig din ako ng mga ingay at mga yabag sa itaas na ang wari ko ay nagpapanik ang mga kasama ko sa bahay.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili habang nakatingin sa painting. Ngumiti rin ako para magmukhang maayos at desente. Bago ako lumabas sa pintuan ay nilibot ko muna ang buong silid para sa huling sandali kong makikita ang maamong mong mga mukha at ang mga araw na magkasama tayo. Nang makalabas na ako sa silid na iyon ay napasandal ako sa pintuan nito. Hindi ko kayang umalis at iwan ka ngayong pwede naman na tayo magsama sa itaas. Pero nabawi ang iisipin na iyong nang mahagip ko ang larawan ng nag-iisa kong anak. Dahil dito ay mabilis akong umalis doon at dali-daling umakyat pabalik sa itaas.

Pagkasara ko ng pinto ay tumambad sa akin ang mga kasama ko sa bahay na umiiyak at si Vina na  sinusubukan akong bigyan ng hangin.

"Calixta! Calixta!" sigaw nila. Nagdatingin din ang iba pang kasama sa bahay pati ang mga driver.

"Tumawag kayo ng ambulansya habang ginagawa ni Vina ang lahat!" utos ni Pasing. Nagsitanguan sila at sinunod si Pasing. "Dalhin na lang kaya natin si Calixta, Vina? Baka hindi na umabot ang ambulansya!"

Umiling si Vina, "Hindi."

"Anong hindi?! Vina!"

"Hindi! Hindi 'yon ang gusto ni Calixta, Aling Pasing! Hindi 'yon ang utos niya sa akin..." umiiyak na si Vina, "Ang gusto niya, susubukan ko siyang buhayin hanggang sa mapagod ako at siya, hanggang sa hindi na siya bumalik."

"Hindi pwede," umiiyak na sabi ni Pasing habang hawak-hawak ang kamay ko.

Naaawa naman ako sa mga kasama ko sa bahay lalo na kay Vina. Humahagulhol habang binibigyan ako ng buhay. Napa-urong ako malayo sa kanila habang umiiyak na rin. Hindi na ako maka-urong nang maramdaman ko ang sliding door ng kwarto ko papunta sa teresa. Napatingin ako sa labas at may papasok na sasakyan. Biglang bumuslak ang puso ko nang makita ko kung sino ang bumaba. Pagkababa niya ay natataranta siyang nilapitan ng mga kasama ko sa bahay at ng mag driver. Napangiti ako sa nasaksihan. Napatingin ako sa katawan kong walang buhay na nakahilig na sa kama habang patuloy pa rin si Vina. Mabilis akong lumapit sa kinaroroon ng katawan ko at doon humiga sa kung saan nakaratay ang walang buhay kong katawan.

继续阅读

You'll Also Like

338K 8.2K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
2M 32.7K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
92.6K 139 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
SPG 由 JaiWrites

短篇故事

21.4K 54 14
SPG