Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 87

2.8K 97 17
By NhamiTamad

Chapter 87
      
        
         
      
Adi's POV

      
   
 
Malalim na ang gabi at andito parin kami sa lugar na'to. Nakaupo ako sa damuhan habang siya ay natutulog, ang ulo ay nasa lap ko. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya kaya ayaw ko siyang gisingan.

"I'm sorry, Zach" bulong ko habang pinagmamasdan siya. "I'm sorry for being such a nuisance. This is all my fault, ako ang malas sa buhay mo" tumingala ako sa buwan at may pumatak na luha mula sa mata ko. "I'm sorry, baby"

"Why are you saying sorry?" Gulat na napayuko ako dahil sa biglang pagsalita ni Zach. Gising na siya at titig na titig sa'kin.

"It's nothing" nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang mga luha sa mata ko.

"Thank you" bulong niya kaya binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin, sa paraan ng pagtitig niya sa'kin dati.

"U-umuwi na tayo" sabi ko ng matauhan. Ayokong magtagal dito dahil mas nagiging marupok ako. Hindi ako kahoy, kaya hindi ako pwedeng maging marupok.

Umupo na siya at agad naman akong tumayo at tinalikuran na siya. "Y-you can drive on your own, right?" Tanong ko ng hindi man lang siya nililingon. "M-mauna na ako" dagdag ko pa bago ako nagmadaling naglakad. Pero nakakailang hakbang palang ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.

"Just this time. Please stay" bulong niya. Nararamdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko kaya hindi ako makagalaw.

"I-I need to go home, H-hinahanap na ako nina kuya" pagdadahilan ko, pero hindi parin siya natinag at sinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Baby....please" kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ang pagbuhos ng ulan. Pero nanatili parin kami doon, hindi alintana ang napakalakas na ulan.

Bumabalik na naman sa'kin lahat ng nangyari nung araw na'yun. Lahat ng sakit na dinulot sa'kin ng ginawa nila.

"I-I'm s-sorry" pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko pero imbes na makawala ay inikot niya lang ako para paharapin sa kanya bago ako yakapin ulit.

"Stay, please" hindi ko alam kung umiiyak na ang boses niya o inaantok lang. "Ngayon lang, kahit ngayon lang at hindi na ako magpapakita ulit" bulong pa niya na mas nagpaiyak sa'kin. Tumigil na ako sa pagpupumiglas dahil narinig ko ang hikbi niya sa balikat ko.

He's crying, at parang mas dinudurog ang puso ko dahil umiiyak siya.

"Just this time, baby, please"bulong pa niya ulit.

Kusang gumalaw ang kamay ko para yakapin siya pabalik. "Don't cry"

Para akong tanga na sinasabihan siyang wag umiyak pero eto ako, mas malala pa ang iyak. Tangina kasi! Nakakatangina ang pag-ibig. Kung bakit pa kasi ganito ang naging kwento ng buhay ko. Hindi ba pwedeng mai-inlove na lang ako tapos magiging masaya na kami?. Ang sakit sakit na kasi, ang sakit sakit palang magmahal. Tangina.

"I love you, Adrianne" bulong niya bago humiwalay sa yakap namin at hinarap ako. Hinawakan niya ang kanang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko. "I love you so much, even if will cost my life, I will still love you"

"Stop" pigil ko sa kanya bago ako nsg-iwas ng paningin. "Tigilan mo na ko, Zach. Let's stop this stupid thing" sabi ko habang ang tingin ay nasa malayo."ayoko ng masaktan, pagod na akong masaktan. Ayoko ng umiyak, kaya itigil na na'tin ang kalokohan na'to" tuloy tuloy lang ang mga luha ko habang sinasabi ang mga iyon, dahil iba ang gustong sabihin ng puso ko, pero hindi ko na siya pinakinggan, dahil ang unang beses na pinakinggan ko siya ay naging dahilan ulit iyon ng pagkawasak niya mismo.

"Alam kong hindi mababawi ng isang sorry lang ang mga ginawa ko. But...but please, stay with me, ngayon lang." Pakiusap niya at pinaharap niya ulit ako sa kanya. "Baby, please" bulong pa niya bago ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Ang lahat ng binuo kong lakas ng loob ay gumuho na lang lahat dahil sa halik niya. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na itulak siya palayo, dinadaya parin ako ng katawan ko.

Napapikit ako at nagpadala na lang sa sigaw ng puso ko. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya habang magkadikit parin ang mga labi namin.

I love you, I still love you, Zach.
       
        
Ginawa kong lakas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko para itulak siya palayo.

"Tama na.....H-hindi tayo ang para sa isa't-isa" naiiyak na sabi ko bago ko siya tinalikuran at tumakbo pa kotse ko. Mabilis kong pinaandar ito at nang makalayo na sa kanya ay hininto ko muna ito.

Humagulgol ako sa habang nakatakip ang isang kamay ko sa mata. Nagkakagulo na ang buong systema ko, gulong gulo na ang isip ko.

Ilang minuto akong nanatili don bago ako umuwi. Basang basa akong pumasok sa bahay at agad na sinalubong ni Kuya Magnus. Hindi pa man ako nagsasalita ay niyakap na niya ako. Isa-isang nagsilabasan sina Kuya Levi at nilapitan din ako. Napapalibutan nila ako ngayon habang nakayakap parin ako kay Kuya Magnus habang umiiyak.

Alam kong gusto nilang magtanong, pero pinipigilan nila dahil alam nilang hindi rin ako sasagot. Gusto ko lang munang umiyak ng umiyak hanggang sa maubos na lahat ng luha ko at sana kasabay na nun ang lahat ng mga sakit na nararamdaman ko.
         
"Aakyat na ako" sabi ko bago ako bumitaw sa yakap ko kay kuya at nagalakad paakyat. Walang nagsalita ni isa sa kanila at wala ring sumunod sa'kin.

Gusto ko na munang mapag-isa, gusto kong magpahinga.

Pagpasok ko sa kwarto ay naligo agad ako at nagbihis ng pantulog. Naupo ako sa paanan ng kama ko habang nakatulala, hinihintay tumuyo ang buhok ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala lang hanggang sa nakaramdam na ako ng antok. Humiga na ako sa kama at agad ding nakatulog.
   
  

"Selene!" Binitawan ko ang hawak kong dart ng tawagin ako ni Dj.

"Selene, tignan mo 'to oh" malawak ang ngiti niyang pinakita sa'kin ang nahuli niyang paru-paro.

Kulay pula at itim ito. Nakakamangha ang ganda nito.

"Pakawalan mo na Dj. Hindi sila dapat hinuhuli" utos ko sa kanya at nag-angat namans siya ng tingin sa'kin bago ngumiti.

"Alam ko, gusto ko lang sana ipakita to sa'yo. Dahil magkapareho kayo" nakangiting sabi niya na pinagtaka ko.

"Eh? Wala naman akong pakpak ah?" Inosenteng tanong ko na pinagtawanan niya.

"Tignan mo oh" medyo binuklat niya ang pakpak ng paru-paru kaya nakita ko ang parang sugat sa pakpak nito.

"May sugat siya" nag-aalalang sabi ko.

"Nakita ko siyang nahihirapang lumipad dahil sa punit niya sa pakpak, kaya kinuha ko siya at pinakita sa'yo" nakangiting sagot niya.

"Huh? H-hindi naman ako doctor ng mga hayop...dalhin na lang kaya natin siya sun sa ospital na para sa kanila" at imbes na sumang-ayon ay pinagtawanan niya lang ako.

"Gusto mong mapagalitan tayo ng mga kuya mo?" Natatawang aniya.

9years old narin naman ako, kaya pwede na akong lumabas ng bahay na hindi sila kasama. At isa pa ay kasama ko naman si Dj.

"Ahmmm...dalhin na lang natin siya kay kuya Levi, maalam yun sa ganyan ganyan" tumango naman siya at saka sabay kaming naglakad papasok ng bahay.

Nilagyan ni Kuya Levi ng manipisbna tape ang pakpak ng paru-paro para matakpan ang punit nito.

"Ayan, makakalipad na siya ulit." Ani kuya Levi ng matapos niyang gamutin ang paru-paro.

Malawak ang ngiti kong kinuha ito at tumakbo palabas ng bahay. Nilagay ko ito sa palad ko para hayaang lumipad, ngunit mukhang ayaw na niya.

"Why? Mabigat ba ang tape?" Tanog ko sa paru-paro na nakadapo lang sa palad ko."You can fly now" dagdag ko pa.

Nanlaki ang mata ko ng simulan na niyang igalaw ang pakpak niya bago tuluyang lumipad. Sa una ay medyo nahihirapan pa siya at muntik pang bumagsak, pero di kalaunan ay naibalik na niya ang lakas niya at lumipad na palayo.

"Ang cute niya diba" sabi ko habang nakatanaw parin sa paru-paro.

"Parang ikaw nga talaga" sagot ni Dj kaya takang nilingon ko siya.

"Wala nga akong pakpak eh!" Inis na sabi ko.

Bahagya siyang natawa dahil nainis ako.

"Not by your looks. Nakikita lang kita sa paru-parong iyon" nakangiting sabi niya. "Gaya niya ay may malaking sugat ka rin. Pero pinipilit mo paring lumipad. Kaya pareho kayong matatag"

"Eh? Hindi naman kita maintindihan" tamad na sabi ko bago ako naupo sa semento sa labas ng bahay namin.

"Hindi mo pa siguro maiintindihan ngayon. Pero gaya ng paru-parong iyon, darating ang araw na may tutulong sa'yo upang makalipad ng tuluyan. Na kahit gaano kalaki ang sugat mo, ay matatakpan parin niya ito" makahulugang sabi niya.

"You mean, a doctor?" Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Baliw talaga! Seryoso ako tapos pagtatawanan lang niya ako. Tch!

Nagising ako dahil sa narinig kong kaluskos. Agad akong bumangon at sumilip sa may veranda kung saan nanggaling ang ingay. Medyo maliwanag na kaya binuksan ko na ang kurtina. Baka hangin lang ang dahilan ng kaluskos.

Tumalikod na ako para pumasok na ulit ng biglang umihip ang malakas na hangin at parang niyayakap ako nito. Napalingon ulit ako at nakakapagtakang hindi man lang gumagalaw ang mga dahon ng puno. Naglakad ako papasok ng mapansin ko ang isang maliit na parang litrato na nasa tabi ng glass door ng veranda papasok sa kwarto ko.

Umupo ako at kinuha iyon. Litrato naming tatlo nina Zach at lester, nung nasa kotse kami at hinalikan namin siya ni Zach sa magkabilang pisngi. Napatayo agad ako at nilibot ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling makita ko kung sino ang naglagay nito dito. Ngunit bigo ako, wala kahit na anong bakas ng sino man ang nagbigay ng litratong ito.

Binaliktad ko ang litrato at may nakasulat sa likod nito. Agad na tumulo ang luha ko dahil alam ko na kung sino ang nagbigay nito.

Nagmadali akong tumkbo pababa. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko siyang maabutan.

Pagbaba ko ng hagdan ay nasa living room na sila kuya. Agad silang nag-iwas ng tingin sa'kin ng makita ako.

"Why? M-may problema ba?" Kinakabahan na ako, natatakot sa pwede nilang sabihin sa'kin.

Hindi ko na kaya pang umiyak at masaktan ulit. Pagod na ako sa kakaiyak gabi gabi.

Bumuntong hininga si Kuya Jax at nagalakad palapit sa'kin. "You should eat your breakfast. Pumapayat ka na" aniya at inakbayan ako para dalhin sa kusina. Pero hindi ako gumalaw at tumingin lang ako ng seryoso sa kanila.

"Tell me...please" nakikiusap na ang boses ko, pinipigilan ang iyak na lumabas.

"Adrianne, kumain ka na muna" tumayo si Kuya Magnus at lumapit narin sa'kin.

"Please....kuya" wala pa man ay umiiyak na naman ako, natatakot ako na baka totoo ang hinala ko dahil sa nabasa kong sulat sa likod ng litrato.

"I'm sorry" nakayukong sabi ni Kuya Magnus bago ko narinig ang tawag mula sa cellphone ni Kuya Mike. Tumayo siya at sinagot ito.

Nanatiling na kay kuya Mike ang tingin ko, naghihintay sa sasabihin niya. Pagkababa niya ng telepono ay umiling siya at lumapit sa'kin.

"What happened? Please tell me what happened?" Naiiyak na tanong ko.

"Adi, listen to me. We are not sure yet--

"Not sure of what?!" Pasigaw na tanong ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.

"Naaksidente ang kotse ni Zach, at nahanap ito sa malapit bangin, n-ng subukan ng mga otoridad na lapitan ito ay bigla itong sumabog at tuluyan ng nahulog"

Gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Nanghina ang mga tuhod ko kaya agad akong inalalayan nina kuya.

"This is not true. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Hindi! Hindi!" Tumayo ako at tumakbo palapabas. Narinig kong tinawag ako nina kuya pero parang hangin lang to na pinadaan ko lang.

Hindi totoo lahat ng mga sinabi nina kuya. I know you're still there, umiiyak ka at umiinom lang sa lugar na iyon.

Mabilis kong pinaandar ang kotse at pinuntahan ang lugar kung saan ko siya nakita kagabi. Pagkarating ko doon ay agad akong lumabas para hanapin siya.

Pero bigo ako, walang Zachary nakaupo doon at umiinom, wala rin ang kotse niya.

Napahawak ako sa kotse para suportahan ang sarili ko. Mababaliw na ata ako. Tangina! Hindi pa ba sapat ang mga naransan ko at gusto nilang dagdagan na sobra sobra.

Napahawaka ko sa dibdib ko habang iyak ako ng iyak. Parang pinupunit ang puso ko ngayon.

I should have stayed last night, Hindi sana kita iniwan, Sana sinabi ko sa'yong mahal na mahal kita.

Napaupo ako dahil wala na akong lakas. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa dahil parang umatras lahat ng boses ko at ayaw lumabas.

Ilang minuto akong nanatiling ganun bago ko naisipang tumayo at pumasok sa kotse ko. Sinabi niya sa'kin na mahal niya ako, kaya alam kong hindi niya ako iiwan. Kailangan ko siyang puntahan, dahil alam kong hindi niya magagawa sa'kin to.

Pinaandar ko ang kotse ko sa lugar ng sinabi nilang pinangyarihan ng aksidente. Maraming mga pulis doon at may ambulansya narin. Malayo palang ay parang gusto ko ng umatras, hindi na kaya ng buong katawan ko ang anumang pwede kong malaman dito. Pero parang may sariling mga utak ang mga paa ko at kusa itong lumapit doon. May mga police line na nakapalibot malapit sa bangin.

Mabagal akong naglakad palapit hawak hawak ang dibdin ko na anumang oras ay sasabog na. Nanginginig ang mga paa ko sa nakikita ko.

Mas nagkagulo pa ng may nakita akong stretcher na bitbit ng apat na rescuer at natatakpan ng puting tela ang tao na nasa taas nito.

Agad na nagsilapitan doon ang mga may camera para kunan iyon ng litrato, pero pinipigilan sila ng mga pulis.

"Miss, bawal po kayo dito" pinigilan ako ng isang pulis ng maglakad ako palapit doon.

Parang wala akong naririnig sa sinasabi nila at nasa taong nasa stretcher lang ang tingin ko.

Hindi ikaw si Zach. Alam kong hindi ikaw si Zachary.

Halos hindi na ako makakita dahil sa mga luha na namumuo sa mata ko habang papalapit ako don.

"Sorry miss, bawal po talaga ka--

"Shut up!" Putol ko sa sasabihin niya. "Shut up!" Ulit ko pa ng hindi man lang siya binabalingan ng tingin.

"H-he's not Zachary, right?" Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya. Halatang nagulat siya sa tanong ko dahil hindi siya agad nakasagot. "Hindi siya si Zachary Davies, hindi ba?" Pilit kong ngumiti kahit basang basa na ang mata ko dahil sa luha.

"Miss, S-sorry po" nakayukong sabi nung lalake.

"Please tell me he's not Zachary!" Maotoridad na sigaw ko sa kanya.

Lumapit na sa'min ang ibang otoridad para pakalmahin ako.

"No! Wag niyo akong hawakan. Gusto ko lang marinig na hindi siya si Zach. Please tell me he's not!" Sigaw ko kasabay ng pag buhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Sorry miss. Pero siya lang ang huling nakita na nagmaneho ng kotseng sumabog. At mag-isa lang din namin siyang natagpuan sa driver's seat ng kotse niya." Paliwanag ng lalake.

"No! No...no...you're lying! Nagsisinungaling ka. He can't be Zachary! Alam kong baliw siya, pero hindi niya magagawa ang bagay na'to! So shut your lies and tell me the truth!" Nagwawala na ako, napunta na sa'min lahat ng atensyon ng narito.

Naglakad ako palapit sa taong nakahiga doon. Hinawakan ko ang tela na nakatakip dito, pero hindi ko rin magawang hawiin ito. Humahagulgol na ako sa iyak habang pinagmamasdan ang kamay niya na hindi natakpan ng tela. Sunog na sunog ito, hindi na makilala.

Napaupo na ako sa damuhan habang iyak parin ako ng iyak.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at niyakap ako.

"Kuya" humahagulgol ako habang yakap yakap ni Kuya Magnus.

"Sshh..Kuya's here, baby. You can cry all you want" bulong niya sa'kin.

Mas lalo lang akong humagulgol at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Kuya, T-this is not true, right? P-please tell me that he's not Zachary. Please"

"I'm sorry, baby...I'm sorry" parang isang trigger ang mga sinabi ni Kuya na na mas nagpaiyak lang sa'kin. Lahat ng kasinungalingan na pilit kong sinasaksak sa isip ko na hindi siya si Zach ay nawala na lang bigla.

"I can't tell you not to cry, because I know that is the only way to let out all your sadness and grieve....so just cry, kuya will be here." Bulong niya habang hinihimas himas ang likod ko.

Pumikit ako hanggang sa sumuko narin ang katawan ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

Why are you doing this to me, Zach? Do you hate me so much that you keep on doing the things that will hurt me?  
       
     
    
       
  
-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1.7K 246 32
This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to h...
2K 1K 22
Handa ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?
943 134 8
A Short Story Written by TamadSiAkuma Isang babaeng nagmula sa isang mataas at ikinagalang-galang na pamilya ay biglang aakusahan ng isang kasala...