South Boys #1: Kiss Master (P...

JFstories द्वारा

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... अधिक

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 8

199K 11.3K 6.8K
JFstories द्वारा

SURPRISE.


"Wala naman kasi kong pambili ng ice cream," bulong ni Arkanghel sa tabi ko na di ko gaanong narinig.


"Ha?" Napalingon ako sa kanya.


"Wala. Sabi ko gusto mo ulit fishball?"


"Cheap mo! Baka gusto mo naman dagdagan kahit kikiam o kwek-kwek man lang?" Inirapan ko siya pero natawa lang si Arkanghel.


Anyway, bati ko na pala ulit si Arkanghel.


Bati ko na siya kasi sa akin siya sumabay kahapon at hindi kay Zandra. VBF talaga siya. Ngayong uwian ay sabay kaming pumunta sa bench para tumunganga. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko pa na umuwi agad kami. Gusto ko iyong trip ni Arkanghel na tambay muna sa bench at maghintay na wala na masyadong estudyante sa labas bago kami sumakay sa tricycle pauwi.


Nagpaalam ako na magsi-CR pero hindi naman talaga ako pupuntang banyo. Pumuslit ako sa labas para ibili siya ng burger. Iyong spicy ang ketchup para di ako matakam since di ko trip ang mga spicy foods. Pagbalik ko ay inabot ko iyon sa kanya kasama ng Coke in can.


"Para saan 'yan?"


Para sa pagpili mo sa akin kahapon. You made me feel special, don't you know that? You saved me from my own stupid thoughts. Nagself-pity ako kahapon pero binura mo iyong lungkot ko kasi bigla kang tumalon pasabit sa tricycle. Di mo lang alam pero ang saya ko nang makita ka. VBF na kita ulit at crush na kita ulit. Oo crush kita, pero crush lang, okay? Bata pa ako at chubby, saka na iyong more than crush pag graduate na at syempre, kapag medyo payat na para di naman tayo number 10 pag naglalakad.


Pero syempre ito lang ang sagot ko talaga sa kanya: "Wala lang. Dami kong tirang baon kaya naisipan kong ilibre ka. Ayaw mo?"


"Oy masamang natanggi sa grasya!" Inagaw niya agad sa akin ang burger at nilantakan.


Nakamasid lang ako sa kanya habang nanguya siya nang walang arte at walang pangit. Oo walang pangit kasi kahit ang sugapa niya kumagat ay guwapo pa rin siya. Hay, sorry, Zandra. Burger is thicker than ice cream.


"Arkanghel, gusto mo bang i-tutor kita sa mga subjects na mahina ka?" Umayos ako ng upo sa tabi niya sa bench.


"Ows? Libre?" Ngumunguya pa ang bibig niya.


"Oo naman. Para kapag mataas ang grades mo, matuwa ang mama't papa mo."


"Ayos 'yan! Sabi nga ni Papa pag mataas grades ko papayagan niya na ako kahit weekdays maglaro sa compshop!"


Inabutan ko siya ng tissue dahil may ketchup siya sa labi. "O punasan mo labi mo."


"Itutor mo ko, ah? Yabang ni Isaiah e. Feeling niya siya lang matalino sa'ming dalawa e nung tinuli nga siya sa center, hinimatay siya!"


"Anong konek sa talino?" Imbes na kunin ang tissue ay inusod niya lang ang mukha sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi isalaksak na lang sa gilid ng bibig niya ang tissue. "O siya ubusin mo na 'yang burger at kaasar ka na."


Tumawa siya. 

"Ewan sa 'yo! Basta humanda ka na lang dahil mahigpit akong tutor. Ayoko ng pasaway," kunwari ay strict na banta ko sa kanya.


Nag-tumbs up siya at inisang subuan na lang ang halos kalahati pang burger kayo di na siya makapagsalita. Naiiling na inabot ko sa kanya ang Coke in can.


"'Yan ang gusto ko sa 'yo e. Dadalhin mo ako sa mabuting landas," sabi niya matapos malunok lahat ng laman sa bibig.


Ganoon din kasi ang sabi ni Carlyn sa akin. Totoo talaga na tutulungan ko siya sa mga lessons na hirap siya. Masaya ako na makitang gusto rin niya talagang matuto. Sana nga lang talaga ay matuto siya.


"Ngayon, ikaw muna magtuturo sa akin. Next time ako naman magtuturo sa 'yo."


"Ano naman ituturo mo?"


"Secret."


"Ano nga?" Piningot ko siya.


"Aw!" Napatayo siya habang kinikiskis ang tainga sa palad. "Ang ligalig naman nitong babaeng 'to..."


Pipingutin ko pa sana siya ulit nang makita ang paparating.


"Ayun na sina Isaiah!"


Kinawayan siya ni Isaiah at ng tropa nila. Lumapit sila sa amin at nakipagpalitan ng fist bump kay Arkanghel. Nginitian naman ako ni Isaiah. Di niya na ako hate dahil 'kita naman niyang magkaibigan na kami ngayon ng pinsan niya.


Since friend ko na si Arkanghel—I mean very best friend ay nakakausap ko na rin hindi lang si Isaiah kundi maging ang iba rin nilang tropa. Masasabi ko naman na mababait sila. Actually ang bisyo lang talaga nila ay minsanang pagco-compshop, jamming, at magharutan na parang wala nang bukas.


Nagbiruan lang sila tapos akala ko sasama na si Arkanghel sa kanila kaya nagulat ako nang magpaalam na siya kina Isaiah. Parang nakakaintindi namang hindi nagtanong ang mga ito at umalis na lang.


Hinila ni Arkanghel ang bag ko nang wala na ang tropa niya. "Ano pa hinihintay mo? Tara na."


"Ha?"


"Uwi na tayo." Naagaw niya na sa akin ang bag ko at isinukbit niya iyon sa balikat niya.


"Hoy Arkanghel, bag ko!" Sinubukan kong agawin ang bag ko pero ang bilis niya nang naglakad palayo.


Wala siyang pakialam kahit dark pink ang bitbit niyang bag. Confident pa rin siyang maglakad. Barakong-barako pa rin. Pasipol-sipol pa nga.


"Bilisan mo maglakad para matagtag ka!"


"Akina kasi bag ko!" habol ko sa kanya.


Nakakainis kaya kami machismis e. Bukas usapan na naman sa room 'to kapag may nakakitang bitbit ni Arkanghel ang bag ko ngayon. Sa haba ng mga binti niya ay ang bilis niyang nakalayo kaya kinailangan ko pang maglakad-takbo para makahabol. At talaga namang natagtag ako. Specially my bilbil. Umalog yata nang bongga kaya namalayan ko na lang na hinihingal na ako.


Nang maabutan ko siya ay hindi rin naman niya ibinalik sa akin ang bag ko. Wala siyang balak. Napabuntong-hininga na lang ako at sumabay ng lakad sa kanya.


"Ayaw kasi magdala ng sariling bag tapos nang-aagaw ng bag diyan," bubulong-bulong ako na nakasimangot.


I caught him smiling in my peripheral vision. Natutuwa pa ang hudas o.


Malapit na kami sa kanto ng sakayan ng tricycle nang mapadaan kami sa basag na semento na ang ilalim ay kanal. Sa gilid kami naglalakad dahil may dumaraang mga tricycle at sasakyan kaya no choice kami kundi humakbang na lang sa kanal na nakabukas. Nauna si Arkanghel tapos inabot niya ang kamay niya sa akin na akala mo naman bangin ang kailangan kong lampasan. OA niya!


Di ko nga inabot ang kamay niya saka pakitang gilas na tumalon ako. Di naman need tumalon pero like ko lang e, bakit ba?!


Ang kaso pagtalon ko ay umalog ang tiyan ko kasama ang palda. Nanlaki ang mga mata ko nang marealized na may nalaglag mula sa bulsa ko. Nahulog sa maliit na butas ng kanal ang phone ko!


Arkanghel was in panic too after realizing what happened. "Ay, pota!"


Bumaon na sa butas iyong CP ko. Di ko na makita kung saan banda at mukhang di ko na iyon makukuha. Sa kakapakitang-gilas ko na kaya kong tumalon ay nawala tuloy sa akin ang CP ko. Tuloy pati si Arkanghel ngayon, problemado.


"Anong gagawin natin? Pwede pa ba iyon?" Tumuwad siya sa butas ng kanal para silipin iyong CP ko. "Di ko makita. Lumubog na yata. Kung kukunin ko, pwede pa ba iyon? Bantot na nun—"


I pulled him up by his left arm. "Hayaan na natin..."


Problemado pa rin siya nang mag-angat ng tingin. "E baka pagalitan ka ng Tatay Bear mo."


"Mabait naman tatay ko at siguradong maiintindihan niya. Nakakalungkot lang kasi gift niya iyan sa akin noong birthday ko."


"Hayaan mo reregaluhan na lang kita ng phone sa birthday mo."


"Talaga?" Ang alam ko ay di naman mayaman sina Arkanghel. Mas may kaya sina Isaiah.


"Oo naman. Ikaw pa? VBF yata kita."


"Pero mahal ang phone."


"I know. Basta reregaluhan kita."


Napangiti ako.


"Teka, kelan ba birthday mo?"


"December 10."


"Ayos. Regaluhan kita sa 25th birthday mo."


"Siraulo ka talaga!" sabi ko pero natatawa.


"Syempre wala pa ako datung ngayon. Hintayin mo kong magkatrabaho para pati power bank, bili kita."


Palabas na kami ng gate nang magsalita ulit siya.


"Pano pala 'yan? Di na kita mati-text."


"Hindi naman forever no phone ako. Basta bigay ko sa 'yo number ko kapag may new phone na, okay?"


He grinned. "'Sabi ko na gusto mo ring itetext kita."


Nag-iwas ako ng tingin at kunwari di na pinansin ang sinabi niya. Pigil ko lang ang ngiti ko habang naglalakad kami.


Nang nasa tricycle na ay nagsalita siya. "Sussie..."


"Yup?" Tabi na naman kami sa likod ng tricycle.


"Thank you."


"Thank you saan?" Nilingon ko siya kahit pa medyo di kami magkasya dahil masikip ang nasakyan naming back part ng tricycle. Nagkikiskisan na ang mga braso namin ni Arkanghel.


"Sa friendship saka sa promise mo na tuturuan mo ako sa mga subjects na mahina ako. Kahit wala pa, thank you na agad para di ka na makaatras."


"Welcome para di ka na rin makaatras."


Buong byahe ay ngingiti-ngiti lang siya sa tabi ko at ako naman ay patay-malisya na titingin-tingin lang sa daan na akala mo naman ngayon ko lang nakita. Hindi naman gaano ka-awkward. Ang totoo, nakakaaliw nga. At nae-excite ako sa mga ganitong pang eksena sa mga susunod na araw.


"Kita-kits bukas, Sussie!" Patalon siyang bumaba nang huminto.


"See you!" Kinawayan ko na siya nang umandar na ang tricycle.


Pag-uwi ay napakunot ang noo ko nang makita ang Ford namin na may mga kahon sa ibabaw. Mabilis akong pumasok sa loob ng sala at doon ko naabutuan si Tatay Bear na nagsasara ng zipper ng malaking maleta.


"Tatay Bear, bakit ka nag-iimpake?"


"Nakauwi ka na pala." Umangat ang mukha niya sa akin mula sa maleta. "Magmeryenda ka muna. May tinapay sa mesa."

Nilapitan ko siya at tinabihan sa sofa. "Bakit, Tatay Bear?"


Malungkot siyang yumuko. "Kailangan nating umuwi ng Bulacan. Patay na ang Tita Rea mo."


Gulat na napatingin ako sa kanya. "Po? Akala ko gumagaling na siya?"


"Naging stable na si Ate Rea kaya akala ko okay na siya. Kaya nga hindi na tayo pinapunta roon. Akala ko talaga okay na, 'tapos bigla na naman siyang inatake at ngayon, wala na. Wala na ang ate ko, anak..."


Si Tita Rea ang nag-iisang kapatid ni Tatay Bear at nasa Bulacan ito ngayon kasama ng asawa at ng mga lolo at lola ko sa side ni Tatay Bear. Ngayong wala na si Tita Rea, paano na sina Lola at Lolo roon ngayon?


Napahilot sa sentido niya si Tatay Bear. "Maghanda ka na. Aalis tayo ngayon."


Sumunod na lang ako kahit pa gusto kong sabihin na may exam kami the next day. Bahala na kahit siguro mag-special exam na lang ako. Mas importante na makauwi kami ng Bulacan ngayon para makilamay sa nag-iisa kong tita.


Napahinto rin ako sa pagtungo sa hagdan nang may maalala. "Tatay Bear, paano po pala ang school ko? Kailangan ko pong magpaalam kung matagal tayong mawawala."


"Nakausap ko na si Norma."


Si Norma si Ma'am Normalyn Aguilar na mommy ni Hugo. Naging regular customer namin sa hardware namin sa bayan ng Malabon ang pamilya Aguilar kaya kakilala ni Tatay Bear. Nabawasan ang pag-aalala ko dahil head teacher si Ma'am Aguilar at iginagalang siya ng buong school. I'm sure na maipagpapaalam niya ako nang maayos at maiintindihan agad ng mga teachers ko ang aking sitwasyon.


"Siya po ang magpapaalam para sa akin?" paninigurado ko.


Tumango si Tatay. "Siya na rin ang bahalang umasikaso sa records mo at magpadala ng form 137 mo sa Bulacan."


Umawang ang mga labi ko. "Form 137?"


Malungkot siyang tumingin sa akin. "Sa Bulacan ka na mag-aaral, Sussie. Doon na muna tayo titira."


"Tay..." Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko at hindi ako makahakbang.


"I'm sorry, anak." Tumayo na siya at umakyat sa taas ng bahay para siguro kunin pa ang iba naming gamit.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko na kaysa sumunod kay Tatay Bear sa itaas ng bahay para tumulong sa pag-iimpake ay nanakbo ako palabas ng bahay. Naka-uniform pa rin ako pero tsinelas na pambahay ang suot ko sa paa. Pinara ko ang unang tricycle na dumaan at nagpahatid sa Brgy. Barangay Pasong Kawayan II.


Hindi ko alam kung saan doon siya nakatira pero hahanapin ko kahit saang lupalop pa ang bahay niya. Isa lang ang gusto kong mangyari bago ako umalis ng Cavite. Gusto kong makita si Arkanghel.


At gusto kong makapagpaalam sa kanya...


"Para po, Kuya!" Sa tapat ng Natania Homes ako nagpababa. Pagkaabot ko ng twenty pesos na buo ay bumaba na agad ako at hindi na hinintay ang sukli.


Nagmamadali ang mga hakbang ko kahit hindi ko naman alam kung saang part ng Pasong Kawayan ang pakay ko. Marami akong pinagtanungan pero hindi nila kilala si Arkanghel o si Isaiah. Tuloy pa rin ako sa paghahanap kahit pa namimintig na ang mga binti ko sa kakalakad.


I needed to see Arkanghel. Ilang oras na lang, aalis na kami ni Tatay Bear. Gusto kong magpaalam muna sa kanya. Gusto ko muna siyang makita.


Natigil ako sa tapat ng isang computer shop nang makita ang lalaking lumabas mula roon. White t-shirt ang suot niya at grey shorts. Naka-tsinelas lang at may nilalarong susi ng motor sa mahahaba niyang daliri. Sumakay siya sa nakaparadang black-red Honda Click at akma nang isusuksok ang susi nang tawagin ko siya.


"Isaiah!"


Gulat na napatingin siya sa akin. 


Tinakbo ko ang pagitan namin. "San nakatira si Arkanghel?" tanong ko na hinihingal-hingal pa.


"Ay, iba..." Napasipol siya. "Ano, pagkauwi namiss mo agad? Sugod ka agad dito ni di ka pa nakakapagpalit?" Napatingin siya sa paa ko. "Nadala mo pa 'yang tsinelas mo pangbahay hanggang dito sa PK2?"


Kinapitan ko siya sa braso. "Samahan mo na lang ako sa kanya. Please?"


"'Ge sakay."


"Ha?"


Inginuso niya ang likod ng motor niya. "Angkas sa likod ko."


Napaatras ako at mahinang nagsalita. "Hindi kasi ako umaangkas sa motor..."


"So ano gusto mo? Nakamotor ako habang ikaw natakbo sa likod ko?"


Napangiwi ako. Parang lahat na lang ng hindi ko kinasanayang gawin ay ginagawa ko na dahil kay Arkanghel.


"Ano? Aangkas ka o mamamayat ka sa pagsunod sa akin? Sige ka, mabilis ako magpatakbo. Mamaya mamayat ka di ka na makilala ni Arkanghel pagdating natin sa kanila."


Napapadyak na pumayag na lang ako. "Oo na aangkas na!"


Umangkas na ako sa likod ng motor ni Isaiah. Ito ang unang beses na sumakay o umangkas ako sa motor kaya kabado ako. Mabuti na lang at nice naman si Isaiah kaya hindi ako naiilang kahit humawak pa ako sa bewang niya. Good thing rin na hindi naman pala siya kaskasero sa kalsada. Pananakot niya lang na mabilis siyang magpatakbo pero hindi naman talaga kaya matiwasay ang byahe namin pauwi sa kanila.


Huminto kami sa townhouse na pula ang gate. Sabi ni Isaiah ay sa likod lang raw noon ang bahay nila. Compound pala pagpasok sa mismong gate at nauuna lang talagang makita ang bahay nina Arkanghel.


"Pasok ka." May sinungkit lang siya sa gate at bumukas na iyon.


Malawak sa loob. May dalawang Fortuner. Iyong isa raw, sa papa ni Isaiah. Iyong isa naman sa papa ni Arkanghel pero for sale na. Hindi na ako nagtanong kung bakit.


"Ako na kakatok para surprise."


Sinundan ko lang siya ng tingin. 


Kumatok siya sa screen door nina Arkanghel. "Insan, patae!"


Napangiwi ako. Hay naku, siraulo talaga silang magpinsan. Imbes matawa ay parang gusto kong malungkot dahil alam kong isa ang kalokohan nila sa mga mamimiss ko...


Kung alam ko lang na mababait pala sila ay sana noon ko pa sila kinaibigan. Sana noon ko pa naging close si Arkanghel...


Mayamaya lang ay narinig ko na ang boses ni Arkanghel mula sa loob. "Gago ka nakatok ka pa e sanay ka naman maglabas-masok dito pag kukupit ka ng Yakult sa ref!"


"Diyan si Tita?"


Binuksan niya ang screen door. "Nasa taas, nagno-novena."


"Ay, bait!"


Plain black shirt ang suot ni Arkanghel at jersey shorts. Normal na pambahay pero iyong itsura niya, pwede pa ring gumala sa SM. Ang unfair kasi ang guwapo-guwapo niya pa rin kahit partida pa na magulo pa ang buhok niya ngayon. Siguro nagkamot na naman siya ng ulo.


Napatingin siya sa akin na nasa likuran lang ni Isaiah. "VBF?!" OA na napanganga pa siya. Ewan ko kung totoo iyon o sinobrahan niya na ang acting.


"Hi," kiming bati ko sa kanya.


"Oy, kinilig betlog!" Isaiah teased him.


Sa akin lang nakatitig ang kulay grey na mga mata ni Arkanghel. Parang wala na siyang paki ngayon sa pinsan niya. "Bakit ka nandito?"


"Iwan ko na ba kayo?" sabat ni Isaiah pero di na siya talaga napapansin ni Arkanghel kaya bubulong-bulong na nagkusa na lang siyang umalis.


"Pasok ka." Niluwagan ni Arkanghel ang pinto para sa akin.


"Di ba nakakahiya?" Hinubad ko ang tsinelas ko at pumasok sa loob ng sala nila.


"Nahiya ka pa nakapasok ka na nga." Ngumisi siya. "'Sensya na liit lang ng humble abode ko."


Hindi naman talaga ganoon kaliit. Malawak nga ang sala nila at malinis. Minimalist din ang mga gamit. Sa dingding ay may may nakasabit na malaking family frame. Tiyak na mama at papa niya iyon habang kalong silang dalawa ng ate niya. Bata pa sila ng ate niya sa picture, parang one-year old lang siya at iyong ate niya naman ay nasa three or four.


Ang cute ng family picture. Ang saya siguro ng may kapatid, ano? Mabuti pa si Arkanghel, kahit sa maiksing panahon ay naranasan iyon.


Napakunot ang noo ko nang mapatitig sa picture frame at may kakaibang mapansin. "Ikaw ba talaga 'tong baby?"


"Oo, bakit? Di ko kamukha, 'no?"


"Oo... Parang..." Nilingon ko siya na nasa tabi ko na pala at nakikititig sa picture frame.


"Nagbabago talaga mga baby pag nalaki. Parang ako? Dati cute, ngayon guwapo na."


Hindi na ako nag-comment. Siguro nga ganoon. Kasi kahit ako rin naman ay mataba noong baby pero ngayon chubby na lang. Sana nga hanggang chubby na lang.


Inalok ako ni Arkanghel na ibibili ng softdrinks pero tumanggi ako. Pinakain niya na lang ako ng cake na ibinake ng mama niya. Nakaubos na ako ng apat na slice pero hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya ang sadya ko. Hindi ko pa rin alam kung paano magpapaalam na aalis na ako.


"Arkanghel?" lakas-loob na tawag ko sa kanya.


"Yes?" Kakabalik niya lang sa tabi ko dahil hinugasan niya ang platito na pinagkainan ko ng cake.


"May sasabihin kasi ako kaya ako nandito."


Nagkamot siya ng kilay. At least kilay na ngayon at hindi na ulo.


"Ano ba iyon?" Tumingin siya sa akin. "Alam ko talaga meron. Di ka naman dadayo rito kung miss mo lang ako."


Lumabi ako. "Tungkol sa promise ko na itu-tutor kita..."


"O?"


"Uhm kasi..." I bit my lower lip before continuing. "Baka kasi di na iyon matuloy."


Natigilan siya.


"Aalis na kasi ako..."


"Aalis? Saan ka naman pupunta? Sama."


"Hindi ako nagbibiro. Aalis ako!"


Natahimik siya bigla.


Napayuko ako kasi ramdam ko ng seryoso na ang usapan namin. "Namatay ang tita ko. Sister ni Tatay Bear. Kailangan naming umuwi ng Bulacan dahil wala nang kasama ang lolo at lola ko roon."


"Gaano ka katagal doon?" mahinang tanong niya. Grabe ang seryoso na ng boses niya. Di ako sanay!


"Hindi ko alam. Siguro matagal since wala na si Tita, wala nang kasama ang lolo at lola ko roon." Nilaro ko ang mga daliri ko sa kamay. "Magta-transfer na ako roon..."


Matagal bago siya nagsalita. "Activate mo na FB mo, ah?"


Napangiti ako at nag-angat ng mukha. "Oo..."


Promise mag-a-active na ako sa FB ngayon. Titiisin ko na ang mga selfies, OOTDs at mga hanash sa life ni Vivi. Hindi na rin ako mauurat sa mga smart ass sa social media. Hindi na rin ako mapapangiwi kahit pa panay post ni Carlyn ng mga pinagagagawa niya na ultimo noong kinagat siya ng lamok ay dapat nakapost. Promise hindi na. I mean, unfollow ko na lang silang lahat.


Tumingin si Arkanghel sa nakasabit na relo sa dingding ng sala nila. "Gabi na. Tara na at baka hinahanap ka na ng Tatay Bear mo."


Tumango ako. Kahit pa nakikita kong nakangiti siya ay hindi niya maitatago ang lungkot sa mga mata niya. Nalulungkot din tuloy ako.


Si Arkanghel ang unang boy best friend ko at wala na akong balak magkaroon pa ng panibago. Siya lang ang gusto ko. Nakakalungkot dahil saglit ko pa lang siyang nakikilala ay magkakahiwalay na kaming dalawa.


Pumunta kami sa likod ng bahay kung saan nandoon ang bahay nila Isaiah. Mas malaki ang bahay nila Isaiah. Town house din at kulay cream ang pintura. Maraming orchids sa harapan at marami ring aso. Mga apat yata ang nakita kong aso, pwera pa sa mga nakakulong sa gilid ng bahay nila. Iba-ibang lahi. May aspin, golden retriever, pitbull, bulldog.


Sumilip kami sa screen door at doon namin nakita si Isaiah na nakasalampak sa sofa habang nagugupit ng kuko sa paa. "'Insan, peram motor!"


Kinuha ni Isaiah ang susi na nasa ibabaw lang ng center table saka ibinato kay Arkanghel.


"Helmet peram din, 'insan."


"Nandiyan yung dalawa sa labas. Sa may ibabaw ng basurahan nakapatong."


"Baboy mo!"


"Oy, naoffend si Sussie!"

Inirapan ko lang si Isaiah.


"Tara." Nauuna si Arkanghel sa akin kaya hindi ko na makita ang reaction niya. Nang lumingon naman siya sa akin ay nakahelmet na siya.


Siya ang naglagay ng helmet sa akin. Hindi na ako nagreklamo kahit halos mangudngod ako pagsampa sa likod ng motor niya. Tahimik lang ako habang nakaangkas sa kanya. Katulad ng kay Isaiah kanina ay nakakapit din ako sa bewang niya.


Pero bakit ganoon? Kay Isaiah kanina ay wala naman akong pagkailang na naramdaman? Bakit kay Arkanghel parang nanginginig ang mga kamay ko na nasa bewang niya? Parang napapaso ako? Normal ba iyon?


Kung si Isaiah ay mild lang magpatakbo, si Arkanghel naman ay parang nakasunod kami sa karo ng patay sa sobrang bagal namin. Hindi ko alam kung nag-iingat lang ba siya o gusto niyang matalo ang record ng pinakamabagal magmotor sa buong Pilipinas. Ayan, tagal ko tuloy nakakapit sa kanya. Nahihiya na ako.


Nang sa wakas ay mahatid niya na ako sa tapat ng bahay namin ay saka lang nakita ang mga mata niya nang alisin niya ang suot na helmet. Nakakalunod iyong lamlam ng mga titig niya sa akin. Nalulungkot pa rin ba siya?


"Pano?" Hindi siya bumaba ng motor ni hindi rin niya pinatay ang makina.


"Uhm thank you sa paghatid..."


"Ingat ka ro'n, ah?"


Inirapan ko siya kahit parang namimigat na ngayon ang mga mata ko. "Ingat ka rin dito..."


"Wag mo gugutumin sarili mo saka wag ka muna magjo-jowa, mamamayat ka lang sa sakit ng ulo." Nakangiti nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.


Napalabi ako. "Bat naman sasakit ulo ko?"


"E kasi mga pasaway mga lalaki."


"Pasaway ka?"


Akala ko magkakamot na naman siya ng ulo pero ngumiti lang si Arkanghel. "Syempre inaamin ko naman. Pero basta wag ka nga muna magbo-boyfriend doon. Mahirap magboyfriend ng bata pa, maligalig. Masasaktan ka lang talaga promise."


"Okay. Wala naman talaga akong balak," humina ang boses ko dahil para akong sisipunin bigla.


Inabot niya ako para pisilin sa pisngi. "Good girl ka talaga kaya love kita e."


"Ha?"


"Syempre Very Best Friend kita kaya mahal kita. Sus."


Napangiti ako. "Love din kita..."


Napahawak siya sa dibdib niya. "Basta ingat ka..."


"Bye, Arkanghel..."


"Bye, Sussie. Hintayin mo ako."


"Baka hintayin mo ako?"


"Basta hintayin mo ako." He grinned. "Bago ka magboyfriend, hintayin mo ko."


Di na ako nakapagsalita dahil pinaandar niya na ang motor palayo. Nakatulala na lang ako habang nakatanaw sa kanya.


JF

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

142K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Exquisite Saga #2: Roussanne Shelkunova Jas द्वारा

सामान्य साहित्य

1.5M 34K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
Mr. Popular meets Miss Nobody Pinky द्वारा

किशोर उपन्यास

49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...