Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)

By notreallyNice

235K 6.2K 323

Highest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-la... More

ANG CRUSH KO'NG BEKI
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
ACKB2 A
ACKB2 B
ACKB2 C
ACKB2 D
ACKB2 E
ACKB2 F
:'(
ACKB2 G
ACKB2 H
ACKB2 I
ACKB2 J
ACKB2 K
ACKB2 L
ACKB2 M
ACKB2 N
ACKB2 O
ACKB2 P
ACKB Q
ACKB S
ACKB2 FINALE
ATTENTION!!!!

ANG BEKI'NG EPILOGUE

5.5K 78 20
By notreallyNice

ANG BEKI'NG EPILOGUE
#CupidReiganClemente



              "KUUUUUUUYAAAAAAAAA!!!!" What the? Anak ka ng nanay mo! Buti nalang at nahawakan ko ang dulo ng kama ko kung di mahuhulog na talaga ako.




"Kuya! Kanina pa kita ginigising pero ungol ka lang ng ungol! Like ewww! Are you even dreaming about dirty things again?!" Sabi ng nakababatang kapatid ko na babae at inilagay ang isang paa niya sa katawan ko kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa dulo ng kama ko para hindi mahulog.




"Isusumbong talaga kita kay mommy and daddy!! Ayy wait! Mas maganda siguro kung isusumbong kita sa crush mo! Sasabihin kong pinagpantasyahan mo siya kahit na sa pagtulog! Isususmbong kita kay Ate---"


"MARIA STEPHANIA ARES CLEMENTE!!!" sigaw ko at kasabay doon ay ang pagsipa niya ng katawan ko kaya nahulog na talaga ako ng tuluyan. Fck! Ang mga buto ko!


"Bumangon ka na! May ipapabili si mommy sayo! I hate you! Uurghhh!" Sigaw ni Ares at lumabas na ng kwarto ko. Ayaw niya kasi sa buong pangalan niya. Napakamot nalang ako ng ulo ko. Dyahe! Ang sakit na ng buong katawan ko.


Pero dahil sa wala na akong magawa ay bumangon nalang ako para maligo. Inabot lang ako ng sampung minuto sa pagliligo. I wonder...bakit ba ang tagal ng mga babae sa CR?

Kaya ayaw ko sa mga maaarteng babae eh.. Malinis nga iyong katawan nila pero kahit na ilang ligo pa ang nagawa nila mabaho parin ang ugali. Nakakaasar lang. Tae. Gwapo ko kasi eh.


Naalala ko tuloy ang first ex-girlfriend ko. Teyka..naging girlfriend ko ba talaga iyon? Ganito kasi iyon... Grade 8 palang ako noon nang may babaeng habol ng habol saakin. Tae Gwapo ko tengene. Ayaw niya akong tigilan kaya pinansin ko nalang in a friendly way kasi alam ko na ang nature ng mga babae, paghindi mo sila pinapansin...nagagalit, pero kapag pinapansin mo naman at sinusoplado....nagagalit parin. I really cant understand girls.


Okay balik sa kwento...Eh si ex-gf#1 naman masyadong naging assuming at akala niya gustong gusto ko siya at pinagkalat niyang kami na daw. Maganda naman siya kaya okay na din pero ang ugali ewan ko nalang. Napaka arte ampupu! Kahit na binabalewa ko ang ugali niya nangangamoy parin ang pagiging arte niya! Kaya ang ginawa ko, naghintay ako ng pagkakataong makipagbreak sakanya kahit na hindi naman naging kami...Dyahe! Gwapo ko kasi eh!


Kaya naman noong dumating ang isang araw na selos na selos siya ay doon na ako nakipag break sakanya. Nagamit ko pa nga iyong line na "It's not me...it's you.." pero tae! Sinampal ako kasi baliktad daw iyon, dapat daw "its not you its me.". Bakit ba?! Siya naman talaga ang may deperensya sa aming dalawa. Arte talaga nun. Tsk tsk.


Nang matapos akong magsuot ng simpleng puting v-neck shirt at khaki shorts  ay tumingin muna ako sa salamin. Grabe gwapo talaga! No wonder marami talaga ang nagkakarandarapa saakin. Tsk tsk. Nag pa gwapo nalang din ako kasi alam niyo na...pucha! Ang bakla!



"Mommy? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko kay mommy nang nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang hinihimas ang tiyan niyang lumalaki na ng konti.


"Cupid! Naglilihi na naman ako... Huhuhu.. Bilhan mo ako ng dried mango! Pleaseeee!" Sabi ni mommy at nagpapacute saakin.  tsk. Nasaan ba si Daddy at ako na naman ang pinagt-tripan ni mommy?


"Mommy naman! Sabi ko naman sainyong mag stock nalang kayo dito sa bahay ng dried mango!" sabi ko at napasimangot. Nakakapagod na. Besides sa pagiging gwapo nakakapagod na din ito. Lol.


"Bibilhan mo ako o puputulin ko ang bank account mo? Palibhasa lumalaki kayong iniispoil ng Eros na iyon! Ni hindi niyo man naranasan ang paghihirap! Alam niyo noong bata pa ako...." blaaah blaaah blaah. Ganyan talaga ang line ni mommy pag hindi namin niya sinusunod. Hindi sa nagmamayabang pero mayaman talaga kami. Sheeet! Nasaakin na talaga lahat! Lol.


"Oo na! Pera pang bayad?" sabi ko kay mommy at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. Napakamot naman siya ng ulo niya.


"Eh anak..pautang nalang muna ulit. Wala akong cash ngayon at credit cards lamang ang nandito saakin ngayon. Ilista mo nalang at ibigay mo saakin ang iyon pag malaki-laki na ang utang ko saiyo."


"Tsk!" Padabog akong pumunta sa kwarto at kinuha ang isang maliit na notebook ko at sinulat doon na may utang na naman si mama saakin. Matapos kong usulat iyon ay binuksan ko ang ref ko dito sa kwarto at dumapo kaagad ang mata ko sa isang maling plastik na punong puno ng dried mango.


Yes. Ako na mismo ang nagstock ng dried mango dahil bukod sa tamad ako eh napakalayo pa nung bilihan ng dried mango. Nasa labas ng subdivision pa iyon tapos ayaw pa ni mommy na ginagamit ko ang sasakyan para lang bumili ng dried mango kasi anya'y mahal na daw ang gas! Tae kahit ilang sasakyan pa iyan kaya ko namang mapafull tank. Tsk.


Dinampot ko ang malaking plastic at kumuha ako ng dalawang piraso ng dried mango at inilagay ito sa bulsa ko. Nagmadali nadin akong lumabas ng bahay para umikot at magpapawis na muna para hindi ako mahuli ni mommy. Mahirap na pag nagkataon. Baka hindi lang bank account ang puputulin niya saakin. Whew.


Ilang malalaking bahay nadin ang madadaanan ko hanggang sa napatigil ako nang namataan ko ang isang tao na naglalaro sa basketball court. Everything turned slow motion...ewan ko kung totoo ba o nababaliw na siguro ako. I saw how that person dribbled the ball in slow motion. Nakakatawa nga iyong mukha niyang nakabusangot habang nagde-defense ng bolang hawak niya. I cant stop myself form smiling. Damn!




"Hoy! Taena tol! Nababading ka na naman!" Napa ungol ako at binigyan ng nakakamatay na tingin ang isa sa mga kabarkada kong si Zian (anak ni tito Zion at Tita Nice). Well, siya lang naman ang nakakaalam ng sekreto ko.




"Watdapak ka tol! Tsk." Sabi ko sakanya at itinoon nalang ulit ang pansin ko sa basketball court kung saan siya naglalaro.




"Grabe tol! Ang bading mo talaga! Sa lahat ng pwedeng magustuhan eh si Alex pa!. Take note di pa kayo talo!" sabi niya pero inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Bigla namang nagring hudyat para sa time out ng laro.




"Uy! Tumingin siya dito! ALEX! Pare!! Lika dito!" WTF. Nataranta naman ako. Taena. Hindi ako handa ah! Gwapo pa ba ako? Okay ba ang buhok ko? Damn! Nakalimutan ko magpabango!! Mabaho kaya kilikili ko? Tengene!




Baka kung iba na diyan ang iniisip niyo ha! No. Hindi ako bakla. At mas lalong hindi lalaki ang pinagpantasyahan ko. Well....sabihin nalang nating lalaki siya kung kumilos. Tae! Hindi ko magawang tumingin sa iba! Lalo na't ngayon ay papunta siya sa dereksyon ko suot ang nakaka-inlab na ngiti! Leche! Nababading na talaga ako!


Oo inaamin kong gwapo ako at habulin ng mga babae...pero ano namang mapapala ko doon kung hindi naman isa sa mga babaeng humahabol saakin ang babaeng gusto ko? Inaamin kong nasaakin na ang lahat...pero kung tatanungin niyo ulit ako, hindi pala..wala saakin si Alexis Vienne Consunji...my everything. Oo lalaki ako! Pero pagdating sa babaeng gusto ko...nababading ako.




"MGA PARE! Grabe! Nakita niyo ba iyong kalaban ko? Pakshet! Napaka bweset! Eh hindi naman magaling magbasket! Mabaho pa ang hininga! What the F lang!" pagkwento niya kaagad ng nakalapit ito saamin. Naka jersey shirt at shorts ito at nakatali ang buhok nito. Pinagpawisan siya at napatingin ako sa leeg niya at...damn! sheet sheeet!




"Hahahha! Ewan ko sayo! Bahala na nga kayo diyan! Hoy Cupid! Pagsalitaan mo itong si Alex na ito dahil nagbibinata na! Inlababo eh! Hahahha!" sabi ni Zian at ito'y umalis na.




"Anong ibig sabihin ni Zian na nagbibinata ka na?" may tonong galit ang pagsasalita ko. Kapag kaharap ko siya, ang ginagawa ko nalang ay asarin siya. Leche! Hindi ko magawang ipakita sakanya ang nararamdaman ko. HINDI AKO TORPE! SADYANG ANG HIRAP LANG TALAGANG SABIHIN KAY ALEXIS NA GUSTO KO SIYA! Damn.



Sana naman babae parin iyang gusto niya hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung ano magagawa ko pag lalaki. Siya kasi ang rason kung bakit nagka girlfriends ako. Siya rin ang rason kung bakit nagbe-break kaagad kami ng mga naging grilfriends ko. Gini-girlfriend ko kasi iyong mga crush niyang babae kaya nga ayaw na ayaw niya saakin. Kung alam niya lang....tsk.


"Ha! Hindi mo na siya maagaw saakin ngayon! Mwahahhaha! K-kasi uhmm... Urgh. Basta lalaki!" sabi niya at namula. Nag-igting naman ang mga panga ko. This is the first time! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkagusto siya sa isang lalaki! Wow. At hindi pa ako?! Fck. Fck him!


"Oh talaga? Sigirado kang hindi ko talaga maagaw saiyo yan...Alexis?" tanong ko sakanya at mabilis itinago ang kamao ko. Pagnakilala ko talaga ang lalaking iyan bubugbugin ko talaga hanggang sa pumangit at mawawala na ang pagkagusto ni Alexis doon. 




"HINDI ALEXIS! ALEX ANG PANGALAN KO! tsaka...Oo! Hindi talaga! Ay! Bweset lang kasi hindi naman ako pinapansin nun! Pero lahat gagawin ko. May plano nga akong liligawan siya eh!" Sabi niya kaya napanganga ako.


"ANO?! Kibabae mong tao magliligaw ka sa isang lalaki?!" ganoon niya ba iyon ka gusto at liligawan niya talaga? Heck. Ang swerte nung lalaki ah! Pero behlat! Hindi ko hahayaang mangyari iyon!


"Dude! Hindi ako babae! Lol. Astig kaya ako! Kaya oo! Liligawan ko siya sa ayaw o sa gusto niya." Sabi niya at nagsmirk. Napatingin naman ako sa mapupulang labi niya at napalunok. Sheeet. Sarap halikan!


"Hindi pwede!" sigaw ko kaya napataas ang kilay niya.


"Bakit? Ano ba Reigan! Hindi mo na ako mapipigilan! At mas lalong hindi mo siya maagaw saakin! Ha! Kasi lalaki siya at lalaki ka. Tsaka babae ako at lalaki siya. Basta ganun! Ayaw ko nang mag-isip ng explaination! Yun na iyon!" Sabi niya at dahan dahang naglalakad pabalik ng court. Siya lang ang tumatawag ng Reigan saakin. And it's a music to my ears!




"Basta hindi pwede!" sigaw ko kaya napalingon ulit ito saakin na nakakunot ang noo.




"Bweset! Kaliangan ko pa uulitin na-- ANLA! teyka lang! Wag mong sabihing aagawan mo mga ako...at at... BAKLA KA?! ANLA! BAKLA KA!! At maaring alam mo kung sino ang gusto ko ngayon at gusto mo rin siya! Gusto mo rin si Marcos Jose Chua! HALA! Bakla ka nga!" Sigaw niya at tinuro ang gwapo kong mukha.



See? Siya lang ang babaeng nakakapagpabakla saakin....literally.

______________________
A/N: Wooooot! Tapos na! huhuhu. Thank you sa pagbabasa goise! Kitakits tayo sa 'My GAYdian Angel' dahil doon na ako mag-uupdate.

And YES. May sariling story si Cupid Reigan Clemente kaya wait for it. ;)

HAPPY NEW YEAR!!!!!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 136K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
163K 3.6K 33
Paano kung isang araw nalaman mong yung GWAPO at HOT mong best friend ay may tinatago palang ibang katangian? Read to find out! P.S. This is alread...
616K 30.1K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
181K 1.2K 113
The deep web,invisible web or hidden web are parts of the World Wide Web whose contents are not indexed by standard search engines for any reason. Th...