Magia University (On-going)

Od Mainewelry

2.1K 1K 689

MAGIA UNIVERSITY Isang paaralang hindi nakikita sa mata ng iba Tanging may kakayahan lang ang nakakagawa Mada... Více

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8

CHAPTER 4

218 126 101
Od Mainewelry

Chapter 4
A friend
Part 2

Shanselle Crivisha's PoV

Nagising ako sa lugar na puro puti ang nakikita ko. Oo nga pala nandito pa rin ako sa ospital dahil hindi natuloy ang pagpunta ko sa dorm namin.

Bumangon ako. Hindi na masakit ang katawan ko. Parang bumalik na sa dati ang lakas ko. Sa pagkakaalam ko ay sobrang sakit ng katawan ko kagabi. Pero paano nangyare na nawala ang sakit na nararamdaman ko? Kahit pagod ay wala akong maramdaman.

Nakita ko naman siyang nakahiga sa sofa sa tabi ng Kama na hinihigaan ko. Ano namang ginagawa niya rito? Akala ko ba ay umalis na siya kagabi pagkatulog ko?

Tinitigan ko ang mukha niya. Ang amo amo nito na para bang walang kalokohang dinadala. Pero pag gising akala mo kung sinong magaling. Aaminin ko rin na sobrang gwapo niya. Ang haba ng pilik Mata niya at makapal ang kanyang nga kilay. Matangos din ang kaniyang ilong. Napatingin ako sa kaniyang labi. Mapula pula ito at parang ang sarap hali.... Teka bakit ko ba tinitignan ang lalaking iyan eh wala namang ibang ginawa kundi ang asarin ako tsaka isa pa nagmamagaling siya na akala mo lahat ng bagay alam niya. Nakapa yabang.

Biglang may malakas na tunog ng kampana ang narinig ko na nagpagising sakanya. Ito rin ang narinig ko kahapon kaya nagising ako. Siguro ito rin ang hudyat na dapat lahat ng estudyante ay magising sa ganoong oras. Five o'clock na.

"Oh gising kana pala. Tara na sa kaniya kaniya nating dorm?" sambit nito. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na ako palabas. Teka bakit hindi niya ako tinanong kung okay lang ako? Wow assuming ka talaga Shanselle, gusto mo ba na dapat concern siya sayo? Asa.

Naglalakad lang kami pareho papunta sa kaniya-kaniya naming dorm ng hindi nagiimikan. Nasa right side kase ng university ang kinaroroonan ng boy's dormitory samantalang ang sa amin ay sa left side.

Hindi ko namamalayan na wala na siya sa tabi ko. Siguro ay naglakad na siya sa ibang direksyon.

Pumasok na ako sa loob ng dormitory. Marami na ring naglalakad papunta sa dinning area. Pumunta na rin ako roon.

Kailangan ko pang hanapin iyong dalawa. Kailangan kong humingi ng tawad kay Clarisha. Pero nang dahil sa Marky na iyon ay hindi na natuloy ang plano ko. Pano ba naman kase ay ginulat ako kaya naman muntik na akong mapahamak.

Mabuti na lang at alam ko ang paborito nilang pwesto kaya roon ako dumiretso. Hindi naman ako nagkakamali dahil naroroon sila. Agad akong lumapit sa kanilang dalawa.

"Can I join?" tipid na tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan ang paghingi ng tawad sakanya. Weird man pero hindi talaga ako mapakali pag hindi ako nakahingi ng sorry sa nagawan ko ng kasalanan.

"There's still a lot of vacant table the---" hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin dahil agad namang sumingit si Flerida. "Of course Shanselle" masayang wika nito.

Hindi ko naman masisisi si Clarisha kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin dahil kasalanan ko rin naman.

"Thanks" tipid na sabi ko. Umupo na rin ako at nagsimula na ring kumuha ng pagkain sa lamesa. Hindi siya tumitingin sa akin. Wala ring umiimik ni isa sa amin dahil abala kami sa pagkain.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung pano sisimulan. Naisip ko rin na kausapin siya sa aking isipan dahil nababasa niya rin naman ito. Nagsorry ako sakanya sa aking isip ngunit hindi siya sumagot. Huminga na lang ako ng malalim.

"Hmmmm Clarisha, so---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ito. "I have to go now. See you later Flerida" paalam niya kay Flerida na hindi man lang ako tinataponan ng tingin. Galit nga talaga siya sakin. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kaniyang kwarto.

"May problema ba kayo ni Clarisha, Shanselle?" tanong sakin ni Flerida na nakakunot ang noo. "Ah kase may nasabi ako na nakasakit ng damdamin niya" malungkot na wika ko. Pano ba kase ako makakahingi ng tawad sa kaniya kung ayaw naman niya akong kausapin.

"Ano ba kaseng sinabi mo sakanya?" tanong ulit niya. Siguro sasabihin ko na lang sakanya baka sakaling makatulong siya. Alam ko naman na matutulungan niya ako kase malapit sila sa isa't isa. "Sinabihan ko lang naman siya na itigil na niya ang pagpasok sa aking isipan. Tsaka sinabihan ko rin siya na isa siyang witch... Hmmm I mean kayo" nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Pero bigla itong napalitan ng galit. Magagalit din ba siya sakin?

"Aba sino ba naman kaseng nag sabi sa iyo na walang magagalit sa sinabi mo ha!?..." galit nga. "Hoy hindi naman kami witch na meroong black magic. Ginagamit namin ang kapangyarihan namin sa kabutihan noh" tumayo ito at nagtangkang aalis. Napasimangot na lang ako. Napatingin na rin sakin ang iba. Hayss siguro aalis na lang ako sa unibersidad na ito. Pero paano naman? Sinabi ni master Philip na hindi kami makakalabas sa unibersidad na ito. At maaari lang iyong mangyare kapag nakapasok ako sa top 10.

Nang makatapat na siya sa upuan ko ay tumigil siya at tumingin sakin. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan. Tumatawa siya at hindi ko alam kung bakit.

"Hahahah alam mo ang seryoso mo. Tsaka hindi naman ako galit sayo o kaya sa sinabi mo. Sadyang mapikonin lang talaga 'yong si Clarisha. Pero mabait iyon" sabi nito at lumapit. "Tutulungan na lang kitang suyuin siya. Pero bago iyon kailangan na muna nating pumasok, okay?" Pagpapatuloy niya. Tumango na lang ako at sumunod na sakanya sa paglalakad. Ngayon nakita ko na iyong isang side ng ugali nitong si Flerida. Ang pagiging maalalahanin.

Pumasok na ako sa kwarto at nag ayos ng gamit. And of course naligo ako. Pagkatapos kung mag ayos ay lumabas na ako. Napatingin ako sa aking relo at alas siyete pa lang.

Nang dahil sa maaga pa ako ay napag desisyonan ko na maglibot muna kahit saglit lang. Para na rin makita ko pa ang ibang ganda ng unibersidad na ito.

Pumunta muna ako sa park nila na naroroon sa likod ng building. Tahimik dito at wala akong makitang naglalakad. Naupo muna ako sa bench habang masarap na pinakikiramdaman ang sariwang hangin.

Sampung minuto rin akong nakaupo roon bago ko naisipang pumunta sa klase ko.










"Alam mo hindi naman ganoon kahirap suyuin iyong si Clarisha" sambit ng babaeng katabi ko ngayon na abala sa pagkain ng baon niyang sandwich. Buti na lang at hindi raw makakapunta si Prof. Nathan ngayon dahil may importante siyang kailangang gawin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang sinasabi nilang teacher na mag babantay samin habang wala si sir. Kaya naman eto ngayon ang babaeng akala mo hindi nag umagahan, pakain kain lang habang walang teacher. May tinatago ata siyang gutom na tigre sa tiyan niya eh kaya hindi siya nabubusog.

"So ano nang gagawin natin?" tanong ko na lang sakanya. Kanina pa kase siya explain ng explain kung ano ang ugali ni Clarisha. Nakipagpalit nga muna ako sa seatmate niya ng upuan para lang makausap lang siya pero heto naman siya ngayon daldal lang ng daldal habang kumakain ni hindi na nga ata niya maalala na tumabi ako sakanya para lang malaman ko ang plano niya kung pano suyuin iyong Clarisha na iyon.

Gusto ko siyang kausapin pero iniiwasan naman niya ako. So pano ako makakahingi ng sorry kung ayaw niya akong kausapin. Kaya heto ako ngayon lumalapit sa kaibigan niya. Hindi ko kase alam kung bakit grabe 'yong bigat ng pakiramdam ko kung hindi ako nakahingi ng tawad sakanya eh. Ginamitan kaya niya ako ng magic?

"Simple lang bigyan mo siya ng gift 'yon lang. Ang dali di ba? Ganun kase ang ginawa ko no'ng nagtampo siya sakin" sabi niya habang kumakain ng sandwich niya. Kailan kaya 'to matatapos na kumain?

"Anong klaseng gift naman?" malay ko ba kung anong gusto niya. Hindi naman kase kami ganoon pa ka close para alam ko kung ano ang mga ayaw at gusto niya.

"She likes reading books. Like tragedy o kaya naman romance" woa mahilig pala siya sa libro. Grabe naman iyon lang pala ang kailangan para mapatawad niya ako.

"Okay" tipid na sagot ko. Siguro sa lunch break nalang ako bibili. Grabe naman kase itong konsensyang 'to, ayaw ako tigilan.

"Samahan na lang kita mamaya after natin mag lunch" sabi nito habang nakangiti. Buti na lang at mabait siya kahit papaano ay may makakasundo ako.

Wow ha ang galing naman iyong teacher na inutusan para bantayan kami. Hanggang ngayon ay wala pa rin. Wala ata siyang balak siputin kami. Kaya naman ngayon heto parang nagbebenta sa palengke. Kala mo naman kung highschool palang.

We're already in college. First year college na ako. Maaga kase akong nag-aral kaya naman 16 palang ako kahit college na. Hindi naman sa pagmamayabang pero lagi kase akong valedictorian nung elementary kami. Tapos salutatorian naman ako nung highschool. Buti nga tinanggap nila ako nung elementary kahit mag fifive years old palang ako.













Papunta na ako ngayon sa mall. Yes, mayroong mall ang unibersidad na ito. Siguro aabutin ako ng isang araw pag nilibot ko ang unibersidad na ito.

Tinuro din naman sakin ni Flerida kung saan banda kaya papunta na ako roon para bumili ng ibibigay kong gift kay Clarisha.

Wala namang sasakyan dito kaya heto ako ngayon naglalakad papunta roon. Tsaka isa pa exercise na rin.

Hindi na ako sinamahan ni Flerida sa pagbili dahil kasama niya ngayon si Clarisha kumakain sa dining area. Hindi na ako nakisabay sakanila dahil alam ko naman na may galit sakin hanggang ngayon si Clarisha. Kaya ako na lang ang nag adjust.

Hindi naman ganoon kalayo kaya nakarating ako kaagad. Malaki ang mall na ito. Talaga namang sosyal ang university na ito.

Pumasok na ako. Parang katulad rin ito ng mga mall sa probinsya namin. Mahilig din kase mag mall ni mommy kaya iyon ang bonding naming mag-ina. Ngunit ngayon wala siya, pero okay lang naman. Sanay na kong nag iisa. Char.

Dumiretso na ako sa bookstore para na rin mabilis akong matapos sa pamimili. Nahanap ako ng mga libro na may genre na tragedy o kaya romance. At last ang napili kong book ay may pamagat na ALONE. Makapal siya at may makapal na pabalat. Tragedy naman siya kase nabasa ko na ito. Nakakaiyak siya sobra.

Nang magutom ako ay dumiretso na ako sa Mc Do. Umorder na ako ng chicken joy at nestea. Bawal kase ako sa soft drinks kaya naman pa juice juice na lang ako.

Pinili kong umupo sa pinakadulo para mas maganda. Sa kabilang upuan ay may mga nakaupo na maraming lalaki at nag iisang babae. Teka parang familiar sila sa akin. Pero iyong babae parang ngayon ko lang nakita pero familiar 'yong boses niya.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako dahil gutom na talaga ako tsaka isa pa baka mahuli ako sa klase.

"Ano nahanap niyo na ba iyong pinapahanap ko sa inyo?" tanong ng babae. Hindi ko naman maiwasang hindi sila pakinggan dahil katabi lang ng table ko 'yong table nila. Meron ding nakaupo sa harap kong table na lalaki pero hindi ko alam kung narinig niya 'yong sinabi ng babae kase may nakasalampak na head set sa tenga niya.

"Hindi pa madame dahil hindi naman natin nakita 'yong mukha niya. Trinitrace na lang ni John kung sino iyon" sabi naman ng isang lalaki na kaharap niya.

Naglagay na lang din ako ng earphones para hindi nila sabihin na tsismosa ako. Pero na cu curious kase ako kaya hindi ko nilagyan ng music. Parang props lang ganun.

"Siguraduhin niyo lang na mahanap niyo siya dahil lagot talaga tayo kay master pag nagkataon" seryosong sabi ng babae. Kahit hindi ko makita 'yong ekspresyon ng mukha nila ay alam ko dahil sa tono ng boses nila.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng nerbyos at parang naaalala ko na kung bakit familiar sila sa akin. Parang sila iyong nakita ko kagabi. At ako ata 'yong pinag uusapan nila. Lagot...

Kunwari ay napapakanta na lang ako kahit walang namang music para hindi nila mahalata na nakikinig ako sa usapan nila.

"Ba't di papatulan... Ang pagsuyong nagkulang... Tayong umaasang... Hilaga't kanluran... Ikaw ang hantungan... At bilang kanlungan mo... Ako ang sasagip sayo..." may pakulot kulot pa ako sa dulo para kunwari singer talaga. Hindi ko alam pero para akong tanga rito hindi lang nila malamang tsismosa ako.

Napatingin naman sila sa akin. Napangiti na lang ako sakanila. Oh diba effective... Gawin niyo yan minsan para hindi kayo mapagkamalang tsismosa. Hahaha.

"Hmmmm miss..." napatingin naman ako sa lalaki sa harap ko. "Hindi naman nakasaksak yang earphones mo" sabi nito saba turo sa saksakan. O... My... Gosh... Bakit nakalimutan ko. Waaaah

Napatingin naman sakin 'yong mga lalaki sa tabi ko pati na rin iyong nag iisang babae na kasama nila. Ansama ng mga tingin nila sa akin. Gosh nakakahiya. Ang tanga mo Shanselle. Sa dinami rami ng makakalimutan mo ay iyon pang hindi maisaksak ang earphones mo. Magpapanggap ka na nga lang halata pa. Grabe ka Shanselle, ang galing mo. Sobra. So pano ka na ngayon ha? Isip. Isip. Isip.

"Ah... eh... Hindi niyo alam?" napakunot naman ang kanilang mga noo. "Naka Bluetooth 'to noh. Eto?..." pinakita ko sakanila 'yong cord. "Itong cord na 'to. Design lang niya 'yan para kunwari talagang sinasaksak. Kabibili ko nga lang ito eh. Bagong labas. Hehehe" sabi ko at nginitian sila ng malawak. Pekeng ngiti. Yay ano ba naman kase 'yong rason ko.

Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko. Bwesit na lalaking 'to, ipapahamak pa ako. Bakit kase siya nakikialam.  Napailing na lang siya sakin. Aba gusto ko na talagang tumayo rito at sapakin 'yang pakialamerong lalaking 'yan ha.

Binilisan ko na lang ang pagkain. Halos hindi ko na nga malunok ang pagkain ko. Pagtumingin nga 'yong mga lalaki sakin parang may threat. Kahit hindi ko tignan alam ko. Kita ko kase sa Peripheral Vision ko.

Pagkatapos kong kumain at dali dali na akong umalis do'n. Baka kase hindi na ako makalabas ng buhay.

I sigh. Muntik na ako do'n ah.















"Bakit mo ako binibigyan ng libro?" tanong niya sakin. Hindi ba niya paborito ang pagbabasa ng libro? Mukhang naisahan ako ng Fleridang 'yan ha. Sabi niya gusto ni Clarisha magbasa mas lalo na pag tragedy o kaya romance 'yong binabasa niya. "Sabi ni Fle---... Ah wala sige wag na lang mukhang ayaw mo naman" sagot ko sakanya. Ako na lang magbabasa dibale mahilig din naman ako sa libro kaya okay lang. Uulitin ko na lang ulit na basahin kahit tapos ko na.

"Joke lang gusto ko" natatawang sabi niya. Aba abnormal ata siya. "Amin na, hindi ko pa 'yan nababasa" inagaw niya sakin 'yong libro. Kukunin din pala niya. Andami pa niyang satsat. Abnormal talaga.

"So bati na tayo?" tanong ko. Para kaming bata na nag away tapos bibigyan ko lang siya ng candy para bati na kami. "Sorry muna" sabi niya na kunwari ay nagtatampo pa rin.

"Paano kung ayaw ko?" tanong ko naman sakanya. Bigla naman siyang sumimangot. "Di wag!" Sigaw niya sakin at tumalikod. Aba ayaw patinag. Pero nakakatawa kase pag naiinis siya.

"Edi amin na 'yang libro!" sigaw ko pabalik sakanya. Binigay naman niya sakin 'yong libro saka humalukipkip. "Joke sorry po" natatawa kong sabi sakanya. Nakakatawa rin 'yong mukha niya. Parang bata na inagawan ng candy.

Natawa rin siya tsaka hinampas pa ako. Wow ha okay lang naman tumawa siya kahit walang hampas ah. Mashakit. Pati na rin si Flerida ay nakitawa na rin sa amin. Para kaming baliw ditong tatlo dahil ang babaw ng pinagtatawanan namin. Pero nang dahil do'n ay mas gumaan ang pakiramdam ko.

"Friends?" tanong nila sakin habang sincere na malawak ang ngiti. Napangiti na lang din ako sakanila. "Friends" sagot ko habang hindi pa rin matanggal ang ngiti sa aking labi.

"Tayo na magchecheer guys!" sigaw ng isa naming kaklase. Nandito kami ngayon sa sports field para ituloy 'yong larong basketball.

I'm happy that I found a friend here at Magia University. Kahit hindi ko pa sila nakikilala ng tuluyan alam ko na soon makikilala ko rin sila. Pero kahit ganun ay alam kong totoo sila sa akin. Nararamdaman ko. I just need a companion here and then they came to accompany me. But still I'm happy that they came.











Itutuloy...

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...