The Playboy's Toy (Dangerous...

由 kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale 更多

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 15

1.4K 85 13
由 kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares

* * * * *

M A R K

"Ikaw ba ang anak ni Mr. and Mrs. Calvares?" malagong ang boses nito na mas lalong nagpatindig ng aking balahibo sa buong katawan. Tanging iling lamang ang sinagot ko dahil hindi ko siya kilala. Sabi kasi ni mama noon sa akin na huwag na huwag daw akong makikipagusap sa mga taong hindi ko kilala.

"Sorry mister but I'm not allowed to talk to strangers." inosente kong sagot dito at sinusubukang maging matapang sa mga oras na ito. Takot na takot na ako ngayon. Gustong-gusto ko na lamang umiyak at tawagin sina mama at papa. Gusto kong tumakbo papalayo sa kung sino man na lalaking ito.

Narinig ko ang pag-ngisi nito.

"Your mom really taught you on how to protect yourself from strangers, huh?"

"N-nakita niyo po ba sina mama at papa?" hindi ko na napigilan ang aking sarili na tanungin ang lalaking kaharap ko ngayon kung alam niya ba kung nasaan sina mama at papa. Gustong-gusto ko nang makita sila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta makita lamang sila.

"I know kid. I can bring you to them if you want to."

Dahil sa kagustuhan ko na makipiling sila ay tumango na lamang ako sa alok niya. Inilahad nito ang malapad niyang kamay at walang pagdadalawang-isip na inabot ko ito.

"Good boy."

Hawak-hawak niya ang maliit kong kamay habang tinatahak ang daan palabas ng aming bahay. Saglit akong natigilan nang mapansin ko ang dalawang nakaitim na malalaking lalaki sa gilid ng itim na kotse. I got scared when I saw them holding guns. They both look goons to me. A shudder came through into my system dahilan para mapaatras ako.

Napansin ng lalaki ang aking pag-atras para mapatingin siya sa akin.

"Don't be scared kid. We're good guys..." taliwas ang aking naramdaman sa kanyang sinabi. His smile is far different from what he said.

I tried to calm myself as we hopped inside the vehicle. Napansin ko ang lalaking nakaitim rin sa unahan. Nang makapasok ang dalawang lalaki sa kotse kasunod namin ay agad na nitong pinaandar ang sasakyan.

The old guy beside me is still holding my cold hand. Hindi ko makita kung saan kami papunta dahil sa madilim ang aming dinadaanan. Muli akong napalingon sa lalaki nang nagsalita siya. He's talking to someone on the phone.

"We got the kid, boss." tanging sinabi niya bago ibaba ang tawag. Napalingon ito sa akin at muli akong nginitian.

The car stopped after an hour. Mabilis na kumilos ang mga lalaking mukhang goons pababa ng kotse. Wala na akong nagawa nang kinaladkad na ako ng lalaki palabas rin sa sasakyan. Napatingala ako sa abandonadong gusali. Matinding takot na naman ang aking naramdaman ngunit hindi ko magawang tumigil sa paglalakad dahil sa pagkaladkad na sa akin ng lalaki.

"What are we doing here, mister?" nanginginig ang aking labi at halos pabulong na lang ang aking pagkakasabi. Naiiyak ako sa matinding takot nang pumasok sa kami sa isang pasilyo na punong-puno ng vandals ang pader.

"Your parents are waiting for you here."  sagot ng lalaki sa akin nang hindi tumitingin. Diretso lang ang atensyon nito sa aming dinadaanan.

It's too dark everywhere. The moonlight served as the light in the whole premises of the building but it wasn't enough to illuminate the whole place. But thinking mama and papa are here gives me courage that nothing will happen bad to me here. They always say to me na walang mangyayaring masama sa akin hanggang kasama ko sila.

I almost got blind when a flash of light blocked my sight. I immediately covered my eyes with my hand. Saglit akong napapikit upang maka-recover sa pagkakasilaw sa biglaang liwanag na aking nakita. Napakurap-kurap ako ng aking mata at unti-unting nakikita ang aking paligid. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Mark!"

It was mom's.

Napangiti ako nang masilayan ko sina mama at papa ngunit agad ring napawi ang aking ngiti nang mapansin ko na pareho silang nakatali sa upuan. Mom is worriedly looking at me while dad is unconcious.

"Mama! Papa!" awtomatiko akong napatakbo papalapit sa kanila. Mahigpit kong niyakap si mama. Tiningala ko siya at doon ko lang napansin ang dugo sa kanyang ulo. Her lips are also wounded.

"Hayop ka! Huwag mong idadamay dito ang anak ko!" galit na galit ang boses ni mama na sinigawan ang isang lalaki. Napalingon ako doon ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito. Tanging ang namumulang parang apoy lamang ang nasisilayan ko pantay sa kanyang ulo.

"Mark! Listen to me..." napabalik ang aking tingin muli kay mama. She's already in tears. Nanginginig din ang kanyang labi. "Mama, always loves you, huh. Always remember that we're always here of your papa to protect you." tanging tango na lang ang aking nagiging tugon. I wasn't able to say anything when tears also shreaded from my eyes.

Dinig ko ang mabagal na yabag mula sa aking likuran.

"I wont hurt your son if you will give me the diamond. Decide, Ellen. The diamond or your son's life?" malalim ang boses nito na nagbigay ng matinding pangingilabot sa aking katawan.

"Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala sa akin ang hinahanap niyo!"

Saglit na tumahimik ang paligid. Tanging nanginginig na hininga ni mama ang aking naririnig.

"Take the kid away..." pagbasag ng lalaki sa katahimikan. Bago ko pa man malaman ay may kamay nang humila sa aking papalayo kay mama.

"Mama! Mama!" patuloy kong pagtawag kay mama.

"Please! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!"

Marahas akong kumalas sa pagkakahawak sa akin nang kung sino. Nang magawang makawala ay mabilis akong kumaripas ng takbo palapit kay mama. Sinubukan pa sana akong hawakan ng kung sino sa aking braso ngunit nakailag ako.

Ngunit bago pa man ako makalapit kay mama ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Lumukob ang matinding takot sa aking katawan at nanghina ang aking tuhod para mawalan ako ng malay.

"Mama!" malakas kong sigaw at habol ang aking hininga na napabangon sa aking pagkakahiga. Pinunas ko ang luha sa aking pisngi dahil sa muli kong pananaginip sa nangyari sa akin noon. Hindi lang yun isang panaginip kundi isang bangungot sa aking buhay na kailanman ay hindi ko na pwedeng kalimutan. Naging parte na yun ng aking nakaraan kaya kahit anong gawin kong pagtakas ay isang imposible lamang.

Gulat akong napaigtad sa mainit na kamay na humawak sa aking balikat.

"Are you alright?" paos ang boses ni Tale na tanong. Nag-aalala ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Umayos siya ng pwesto bago pumayakap mula sa likuran ko ang kanyang makisig na braso sa aking hubad na katawan ko. Pinatakan niya ako ng halik sa aking balikat tsaka pinatong ang kanyang baba doon.

"You had nightmare again?" tanong niya. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng aking tiyan upang kalmahin ang aking sarili. Hindi ito ang unang beses na binangungot ako na katabi siya. Nalaman niya na binabangungot ako nang unang gabi ko dito sa bahay niya. Pero yun lang ang alam niya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang kumpletong dahilan kung bakit ko dinadanas ang ganito. Ayokong bigyan siya ng problema kaya naman mas minabuti ko na lamang na ilihim ito sa kanya.

Unti-unti nang kumakalma ang aking pakiramdam sa mainit na yakap niya mula sa aking likuran. Pinikit ko ang aking mata habang dinadama ang mahinang hangin na tumatama sa aking pisngi. Walang nagsasalita. Ganun lang kami. Sa ganung paraan ay napapakalma niya ako. Nakakalimutan ko ang matinding bangungot sa aking buhay dahil alam kong nasa tabi ko siya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang maghanda ng almusal namin ni Tale. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakatira na kami ni Tale sa iisang bubong. Halos dalawang buwan na rin akong naririto bilang personal chef ni Tale. Matapos kong manilbihan kay sir Ryuu ng mahigit isang taon ay pinalipat niya ako dito kasama si Tale sa hindi ko alam na dahilan. Sa mahigit isang taong din yun ay nakapagtapos ako sa aking culinary class. Ngayon, ay naninilbihan na nga ako kay Tale.

Bukod sa pagiging personal chef niya ay hindi ko maiwasang mag-isip ng ibang bagay. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung iisipin ko na para kaming live-in partner sa set-up naming dalawa ngayon. We're not boyfriends nor in a labelled relationship. Tuluyan ko nang kinalimutan ang senaryong nakita ko si Tale na may kasamang babae noon. Siguro na mis-interpret ko lang ang sitwasyon at masyado akong nagpadala sa sarili kong emosyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi yun kay Tale dahil tapos na yun. Ano pang sense kung ibabalik ko pa ang nakaraan, diba? Tapos na yun. Basta ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya. Na masaya kami pareho sa piling ng iba. Mutual understanding kumbaga.

Umamin ako sa kanya na gusto ko siya noong gabi na hinatid niya ako pabalik sa condo ko.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makapasok kaming pareho sa unit ko. Hindi ako mapakali at pilit na iniisip kung paano ko ipagtatapat kay Tale itong nararamdaman ko.

"Tale..." pilit kong pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay upang maalis ang aking kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung ito ang tamang oras na sabihin ko ito sa kanya pero gagawin ko pa rin.

"Hmm..." tugon niya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nanatiling nakayuko ang aking ulo at hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Is there something wrong?"

Mabilis akong umiling.

"Then, why are you not looking at me?" kusang tumingala ang aking ulo nang hawakan niya ang aking pisngi. Napatitig ako sa kanyang mapang-akit na mata. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso sa tanawing nasa aking harapan. Napalunok ako at inipon ang lahat ng lakas ng loob bago ako umamin sa kanya.

"Gusto kita." halata ang bahagyang pagkagulat sa kanyang ekspresyon. Natigil din ang paghaplos ng kanyang daliri sa aking pisngi. "Gusto kita, Tale." katahimikan ang sumunod na nangyari sa pagitan naming dalawa. Hindi ko siya nadinig na magsalita kaya naman nalungkot ako. Paano kung hindi niya ako gusto? Na ako lang pala ang may gusto sa kanya at wala siyang gusto sa akin?

"Ayos lang kung hindi mo ---" hindi na ako natapos sa pagsasalita nang inunahan niya ako.

"I like you too, Mark." kusa akong napangiti sa naging tugon niya. Wala ako sa sariling niyakap siya ng mahigpit dahil sa labis na tuwa.

Napailing-iling na lang ako nang maalala ko na naman ang senaryo nang gabing yun. Simula nang punto na yun ay naging mas lalo na siyang malambing sa akin. Bihira niya na rin ako asarin tulad noong mga unang pagkakataon naming magkakilala. Bukod pa doon ay mas lalo rin naging madalas ang maiinit na tagpo sa aming dalawa. Minsan naiinis dahil sa pagiging malibog niya. Minsan tatapikin niya na lang ako at magyayaya kahit nasa tabi lamang namin si sir Ryuu. Napapairap na lang ako sa hangin sa kalokohan niya. Masyadong nagpapadala sa bugso ng damdamin ang kumag eh. Pero sa bandang huli ay sumusuko rin ako at pinagbibigyan na lang siya sa gusto niya.

"Good morning..." napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang biglang pumayakap ang kanyang mga braso paikot sa aking bewan. Inamoy-amoy niya ang aking leeg bago patakan ng sunod-sunod na halik. Napapailag na lang ako sa ginagawa niya dahil sa pagkakiliti.

"Ano ba, Tale. Nakikiliti ako..." reklamo ko sa kanya ngunit taliwas ang aking isip. Nagugustuhan ko ang kanyang ginagawa dahil sa ibayong init na dala nito sa aking sistema. Napapatawa na lang ako at pilit siyang pinapatigil sa ginagawa. Nang magsawa ay pinatong niya na lang ang kanyang baba sa ibabaw ng aking balikat.

"It seems that you really like wearing my shirt, huh." pang-aasar niya sa akin. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakangisi na naman ang loko na 'to. Hindi ko rin kasi siya masisisi. Suot ko ngayon ang malaki niyang tee shirt na halos lamunin na ang aking katawan sa luwang. Hindi na nga makita yung suot kong boxer short dahil sa laki talaga ng kanyang pang-itaas.

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin nang matapos akong magluto. Simpleng bacon and eggs lang ang niluto ko tsaka nagsangag lang rin ako ng kanin. Siya na ang naglagay no'n sa ibabaw ng mesa samantalang ako ay inabala naman ang sarili sa pagtitimpla ng kape niya at akin naman ay gatas.

Naabutan ko siyang sinasalinan ng kanin at ulam ang plato ko. Nginitian niya ako nang mapansin ang pag-upo ko sa harap niya. Matapos kong ilagay ang tasa ng kape sa tabi niya ay pareho na kaming m
nagsimulang kumain. Tanging pagbanggaan lang ng kutsara at tinidor ang nagsisilbing ingay sa loob. Sandali akong tumigil sa pagkain at uminom ng gatas.  Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Sa gitna ng aking pagsubo ay napansin ko ang kanyang pagtitig sa akin kaya naman ay binalingan ko siya ng tingin.

Mapupungay ang kanyang mata na nakatitig sa akin na kinailang ko.

"May dumi ba sa mukha ko?" tumango lang siya bago ingat ang kanyang kamay papalapit sa aking mukha. Tila may mataas ng boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan nang dumikit ang kanyang daliri sa taas ng aking labi.

"You have milk on your face." sagot niya tsaka sinipsip ang daliri niya na ginamit niya para punasan ang gatas sa aking mukha.

"Bakit mo ginawa mo yun?" nanlalaki ang aking mata na tanong.

"What? Bawal ba?" lumapad ang kanyang ngisi. "Its no difference in me swallowing your own milk, Mark." napanganga ako sa naging pang-aasar niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun ngayon. Ramdam ko ang pang-iinit ng aking pisngi sa kahihiyan. Shit! Kumalma ka Mark. Huwag kang masyadong nagpapadala sa mga sinasabi niya. Hindi ko na lang pinansin ang mahinang pagtawa niya at tinapos na lang ang pagkain ko.

Inabala ko ang aking sarili sa paglilinis sa buong bahay ni Tale. Meron namang pumupuntang housekeeper dito kada-dalawang linggo pero dahil wala na rin naman akong pwedeng gawin ay nagkusa na lang akong linisin ang buong bahay. Hindi naman ako napagod masyado dahil kaunti lang naman ang kalat. Kaming dalawa lamang ang naririto. May tatlong kwarto itong bahay na matatagpuan sa ikalawang palapag ngunit natutulog ako sa kwarto ni Tale. Sa baba naman ay matatagpuan ang kitchen, dining area at malawak na sala.

Sumapit ang gabi na hindi pa rin tumitigil ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Naririto kami ni Tale sa sala na abala sa panunuod ng isang romantic movie. Muntikan pa kaming magbangayan kanina dahil sa pagpili ng kung anong panunuorin. Gusto niya kasi ay action movie ngunit ako pa rin ang nasunod. Pangalawang palabas na namin ito at mukhang buryong na buryong na itong kasama ko. Nakayakap lamang ako sa kanya at napakatong ang aking ulo sa dibdib niya. Pwedeng ma-adjust itong sofa niya para maging maliit na kama kaya naman malaya kaming nakahiga habang nanunuod.

Tutok lang ang aking atensyon sa panunuod nang walang sabi niyang kinuha ang aking kamay at pinatong ito sa ibabaw ng kanyang pagkalalaki. Awtomatiko gumalaw ang aking kamay palayo doon. Dahil sa inis ay napabangon ako at mahina siyang pinalo sa dibdib.

"Ang manyak mo talaga!" nang-iinit ang aking mukha dahil sa hindi ko inaasahang ginawa. Damang-dama ko kasi yung kanya dahil sa suot niyang sweatpants. Kahit alam kong tulog pa ito ay masasabi kong malaki ito. Paano pa kaya kapag nakita ko pa itong gising. Nahawakan ko na ito noon nang minsang may nangyari sa amin at nasabi kong malaki yun pero matagal na yun. Baka mas lalo pa yung lumaki ngayon.

"Why? I'm bored..." tila aburidong reklamo niya sa akin. Bahagya siyang bumangon sa pagkakasandig at lalapit sana sa akin nang agad ko siyang pinigilan.

"Hep! Anong bored? Ang sabihin mo, malibog ka lang talaga." napairap ako sa hangin dahil sa pagka-frustrate sa lalaking nakangisi na naman ngayon. Nakasimangot siyang bumalik sa pagkakasandig sa sofa at itinuon ang tingin sa pinapanuod.

"I'm horny, then!" akala ko ay titigil na siya nang para siyang leon na inatake ako sa aking pwesto. Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lang na nakababaw na siya sa akin. Nilalantakan niya ang aking leeg dahilan para mapaigik ako dahil sa ginagawa niya. Natatawa akong pilit siyang tinutulak palayo sa akin ngunit hindi siya nagpatinag.

"Ano ba, Tale! Nakikiliti ako. Tale!" malakas akong napatili nang maramdaman ko ang pagkagat-kagat niya sa leeg ko. Hangos akong napagtagumpayan siya natulak palayo sa akin. Mabilis akong bumangon paupo at sinamaan  siya ng tingin pero may ngiti sa aking labi. Mapang-asar niya lang akong tinawanan. Kahit kailan talaga...

"Kukuha lang ako ng makakain natin..." paalam ko at tumayo na para pumunta sa kusina. Malapit na mag-hatinggabi pero hindi pa rin kami natatapos sa pinapanuod namin.

"You can eat me, Mark!" pahabol niyang sigaw.

"Ewan ko sayo!"

Naghanap ako ng pwedeng kainin sa ref pero tanging chocolate cake lang ang nakita ko doon. Nagbukas-bukas ako sa mga cabinet dito sa kusina at may nakita akong mga finger foods doon. Kumislap ang aking mata nang masipatan ang malaking Nova at Piattos doon. Mga paborito kong finger foods ito kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin yun. Aabutin ko na sana ang mga ito upang isalin sa malaking mangko nang malakas na kumulog.

Kasabay ng kulog na yun ay ang mabilis kong pagtakip sa aking tenga. Nanghihina akong napaluhod sa aking kinatatayuan sa matinding takot na lumukob sa akin.

"Mark!"

"Mama!" pagtawag ko kay mama.

Marahas akong kumalas sa pagkakahawak sa akin nang kung sino. Nang magawang makawala ay mabilis akong kumaripas ng takbo palapit kay mama. Sinubukan pa sana akong hawakan ng kung sino sa aking braso ngunit nakailag ako.

Ngunit bago pa man ako makalapit kay mama ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Lumukob ang matinding takot sa aking katawan at nanghina ang aking tuhod para mawalan ako ng malay.

"Mark!" napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Tale. Hindi ko maaninag ang mukha niya nang kumalas ako sa yakap dahil sa panlalabo ng aking mga mata sa kaiiyak.

"Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako..." pinalis niya ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang daliri. Sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman ko muli ang init ng kanyang bisig. Unti-unting kumalma ang aking pakiramdam dahil sa yakap niyang yun.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

繼續閱讀

You'll Also Like

44.3K 374 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
325K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...