Future You (ToLine)

By iamcertifiedtorpe

31.9K 925 165

Simple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza per... More

Note
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Finale.
Last Note.

Chapter-31

483 16 5
By iamcertifiedtorpe




A/N: Mabilisang flashbacks po ang mga susunod niyong mababasa.



___________________________







Diana's POV...






"Doc ano pong resulta ng mga test ko? May sakit ba ako?" Kinakabahan kong tanong kay Doc.





Inpush na kasi ako ni Ely na mag pacheck-up na simula noong nawalan ako ng malay sa bahay nila Celine.






"I'll be honest to both of you... I'm so sorry pero Ms. Carlos but based on your lab results you are diagnosed with brain tumor" Tugon ni Doc.






Para namang may bombang sumabog sa harap ko ngayon sa nalaman.






May brain tumor ako...






Yung mga madalas na pagkahilo at paglabo ng paningin ko yun naba ang mga sintomas ko?






Mamatay naba ako?






Bigla naman akong napabalik sa reyalidad ng hawakan ni Ely ang kamay ko at maharang pinisil iyon.






"Doc.. Gagaling naman po ang kaibigan ko diba?" Tanong ni Ely.






"Yes, Ms. Buitre malaki ang chance na gumaling si Ms. Carlos hindi pa naman ganun kalala ang tumor niya... Madadaan pa sa mga pag-inom ng mga gamot. Kelangan lang niya ng panibagong check-up para malaman natin kung anong klaseng tumor ito at kung gaano kalaki ang tumor" Tugon ng Doctor.




.




"Ma! Tita Diana! I have a super good news!" Masayang saad ni Marian habang hawak-hawak ang isang brown envelope.






"Ano naman yan Marian? Siguraduhin mong may sense yan dahil seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon" Seryosong saad ni Ely. Napatayo naman ng diretso si Marian mukhang natakot sa sinabi ng Mama nito.






Napahagikgik nalang kami ni Ally sa banta ni Ely kay Marian.






"Alam na kasi namin kung asan si Celine" Masayang tugon nito.





Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito.





"Talaga?! Asan siya? Tara puntahan na natin siya" Saad ko akmang tatayo ako na sana ako ng agad hawakan ni Ely ang kamay ko.






"No... You need to stay here Diana... Hinihintay pa natin ang panibagong lab result mo" Sagot naman ni Ely.





Huminga naman ako ng malalim bago tumingin sa kanya at ngumiti.





"Ely... Alam nating dalawa nauubusan na ako ng oras kelangan ko ng puntahan si Celine at ipaliwanag sa kanya na siya ang mahal ko at hindi si Elaiza... Please Ely" Tugon ko naman. Gusto ko nang makita si Celine habang kaya ko pa. Habang malakas pa ako.






Napabugtong hininga naman ito. Alam kong iniisip niya lang kapakanan ko pero gaya nga ng sabi ko nauubusan na ako ng oras.






"Okay, pumapayag na ako puntahan mo kung saan man nagtatago si Celine ngayon but please isama mo si Marian sayo... Mas mapapanatag ang loob namin kung may kasama ka" Sagot nito.





.
.
.






Habang nasa Nasugbu kami ay mas ramdam ko na ang hagupit ng sakit ko pero pilit ko itong binabalewala para kay Celine. Patago ko nga itong pinapanuod habang nagtratrabaho mabuti hindi pa ako nito nahahalata.






"Tita Diana... Kelangan na nating kumilos para makabalik na tayo agad ng Maynila... Magagalit sa amin si Mama pag nalaman niyang inaatake ka ng sakit mo" Nag-aalalang saad ni Marian.





"Kaya ko pa naman... Wag kayong mag-alala minor headache lang ito" Tugon ko. Pero ang mukha nito at hindi kumbinsido sa sinabi ko.






"Mahirap kung ikaw ang pupunta sa kanya dahil baka tumakbo siya, kaya mas maganda na siya ang pupunta dito para sayo" Dagdag naman ni Carly.





Saka namin pinagplanuhang mabuti kung paano ba mapapapunta dito si Celine ng hindi ito nakakahalata na set-up siya.






At sobrang laking pasalamat ko naman na hindi kami nabigo sa plano medyo mabilis lang niyang na halata na set-up iyon. Ginawa ko lang ang part ko buti nakinig siya sa paliwanag ko at nagka-ayos.





Unexpected na nagkaroon pa kami ng moment sa gitna ng ulan.






.
.
.







"Sure kaba dyan sa plano mo?" Tanong ni Ely, sinabi ko kasi sa kanya na plano ko na magpropose kay Celine.





"Oo Ely... I realized na, I can't live without her l" Tugon ko. Hindi na ako papayag na mawawala ulit si Celine sa buhay ko.





"Okay... I'll support both of you. Pero bago sana yan kelangan nating pumunta ulit sa ibang doctor... Gusto ko magpa-second opinion tayo but we're still sticking sa unang doctor mo" Saad niya.





"Ano kayang magiging reaksyon ni Celine pag nalaman niya ang sakit ko?" Tanong ko.






"Hindi mo pa sinasabi?" Balik na tanong ni Ely.





"Hindi pa, wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya Ely... Natatakot ako" Tugon ko.






"Anong kinakatakot mo? Na iwan ka niya pag nalaman niya ang sakit mo? For me hindi ganyang tao si Celine... besides magiging fiance mo na siya sooner she deserves to know the truth" Sagot nito.





Kukuha nalang ako ng perfect timing para sabihin sa kanya ang sakit ko.






After ko mag pacheck-up ay agad ko ng inayos ang mga plano ko sa pagpropropose kay Celine ng hindi ito nakakahalata. Sa isang bundok sa may Tanay, Rizal ang napili kong lugar nakita ko ang lugar na yun sa facebook at gusto ko itong puntahan kasama siya.






Hindi naman ako nabigo sa pangalawang pagkakataon nakuha ko ulit ang matamis na Oo ni Celine.







"Babe C.R lang ako" Paalam ko rito. Kakauwi lang namin galing Tanay at ngayon ay sinabi na namin kela Ely ang mabuting balita.






Habang paakyat ay nanlalabo na ang paningin ko.





Fck!





"Ma'am Diana okay lang po ba kayo?" Tanong ng isa sa mga katulong namin sa bahay.





"Ahh... Oo okay lang ako pakialalayan nalang ako papunta sa kwarto ko" Tugon ko mabilis naman niya akong sinunod.





"Ma'am tawagin ko na po ba sila Ma'am Ely?" Tanong nito.






"Ahh.. No need ipapahinga ko nalang toh salamat" Tugon ko.






____________________________







"Babe kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Tanong ni Celine, habang nagpapatuyo ito ng buhok.






"Maayos naman ang pakiramdam ko... Medyo makirot lang ang sintido ko" Tugon ko saka bumangon. Mabilis naman itong lumapit sa akin para tulungan akong bumangon.






"Nagugutom ka naba? Halika na kumain na tayo sa baba" Aya nito.






Noong nakaraan pa kami makauwi galing Hospital. Requested ko na rin sa kanila dahil ayaw ko ang amoy ng Hospital pakiramdam ko mas magkakasakit ako pag nanatili pa ako duon. Mabuti pinagbigyan nila ako.






"Babe..." Tawag ko rito saka maharang hinawakan ang mukha nito.





I wish masisilayan ko pa ng matagal ang maganda niyang mukha. Mabubungaran ko pa siya sa umaga at mapapasaya ko pa siya.





"Iatras na natin ang kasal" Nahihirapan kong saad, kung ako lang papipiliin gustong gusto kong pakasalan at bumuo ng pamilya kasama si Celine pero hinihila na ako ng kamatayan.






Nagulat naman ito sa sinabi ko kaya hindi ito agad naka-hulma.






"Ba---bakit? Anong problema?" Nauutal nitong tanong saka tumulo ang luha nito sa kanang mata agad ko namang pinunasan ang mga luhang yun.






"Gusto ko magkaroon ka ng normal na pamilya Celine... Total hindi narin naman ako tatagal sa mundong ito. Gusto ko ngayon palang makahanap ka na ng taong ----






Hindi na pinatapos ni Celine ang sinasabi ko ng mabilis ako nitong hinatak patungo sa kanya saka ako sinunggaban ng halik.






"Hindi kita iiwan Diana kahit anong mangyari... Kaya wag mo akong itulak palayo sayo dahil babalik at babalik ako" Saad nito nang magkahiwalay ang mga labi namin at sininandal ang kanyang noo sa noo ko.







Hindi ko maiwasang hindi maiyak ngayon dahil sa sinabi niya.






I'm so lucky to meet her and to be with her.






"I'm so sorry Babe... Natatakot lang ako na hindi ako tatagal dito sa mundo at ayaw ko rin na nakikita mo akong nahihirapan" Naiiyak kong sabi.






"Husshhh... Okay lang, nandito lang ako.. kami nila Tita Ely para sayo, di ka namin papabayaan okay? Kasama mo kaming lalaban sa sakit mo" Saad nito saka ako hinagkan sa noo.






.
.
.






"Anong meron?" Tanong ko naabutan ko kasi silang nag-uumpukan sa may sala.






Nakita ko naman ang isang batang babae I think nasa edad 9 years old na ito. Madumi ang suot nitong damit batang gala siguro ito. Napatigil ako ng tumingin ito sa akin.






Napa-warm ng mga mata nito.






"After naming magpa-enroll nila Celine. Napagdesisyonan naming bumili ng milktea, hindi namin namalayan na may bata na pumasok sa likod ng kotse nakita nalang namin siya nang nakauwi na kami dito" Kwento ni Marian.






"Beh, anong pangalan mo?" Tanong Celine, mukhang aliw na aliw siya sa bata.







"Cyd po Ate" Nahihiya nitong tugon.






"Asan ang mga magulang mo? Paano ka napunta sa loob ng sasakyan ng mga anak ko?" Tanong naman ni Ely. Mabilis naman siyang pinalo ni Jes.





"Wag mong takutin ang bata" Saway nito. Napakamot nalang ng kilay si Ely.






"Yung Nanay ko po patay na... Yung tatay ko naman nag-asawa na ng iba, hinahabol po kasi ako ng mga batang lalaki wala na po akong mapagtaguan sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse niyo at hindi po iyon nakalock kaya nagtago muna ako duon.. Sakto naman po na may biglang pumasok, sa sobrang takot ko po na mapagkamalan niyo akong magnanakaw hindi ako nag-ingay hanggang makarating ako dito" Kwento nito.






Hindi ko alam pero naawa ako sa sitwasyon niya at the young age bakit kelangan niya maransan ang ganyang klase ng buhay.






"Marian tawagin mo si Manang paliguan at panghanda ng makakain itong si Cyd" Utos ni Jes.






"Si Ally nalang Mommy tinatamad ako" Reklamo ni Marian.







"Bat ako!? Sayo inuutos yan wag mong ilipat!" Sabat ni Ally. Pinanlakihan naman ng mata ni Jes si Marian kaya agad itong umalis.






"Babe nakapag-enroll ka naba?" Tanong ko kay Celine at yumakap rito.






Hmmm... Namiss ko siya.






"Opo, tapos na malulungkot ako this school year di na kita kaklase" Malungkot nitong sabi.






"Pag magaling na ako hahabol ako. Okay?" Saad ko saka ito hinalikan sa tungki ng ilong.






"Oi! May bata sa harapan ninyo dyan pa talaga kayo naghaharutan" Sita ni Ely.






Napahagikgik naman si Cyd habang nakatingin sa aming dalawa ni Celine. Nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.






Wait!? What!? Why!?






Ilang sandali pa ay dumating na si Manang at inasikaso si Cyd.





"Anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Marian pagka-alis ng bata.






"Kawawa naman kung ibabalik natin yan sa lansanggan, baka mapano siya babae pa man din" Sagot ni Ally.





"May alam akong magandang charity institution. Sure akong aalagaan siya duon" Saad naman ni Jes.






"How about we adopt her?" Suggest ni Celine. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.





Like seriously!? Aampunin yung bata?






"Look para may bata narin dito sa bahay diba? Tsaka gusto ko maranasan... I mean namin ni Diana mag-alaga ng bata" Dagdag pa nito.






Nababasa naba niya sa mga mata ko na gusto ko na maranasang maging isang Ina?






"Hindi ganun kadali ang gusto mo Celine... Dadaan muna tayo sa legal na proceso para maampon natin siya" Tugon naman ni Jes.






"Alam ko po Tita at handa naman po ako sa legal na proseso na yan... Hindi ko po kasi alam pero ang gaan po ng pakiramdam ko sa kanya" Sagot ni Celine at tumingin sa akin na para bang humihingi ng tulong.





"We will adopt her Jes... Handa kami sa mga gagawin proseso" Saad ko naman saka ngumiti sa kanya.






If adopting Cyd will make her plus happy then we will adopt that child..




____________________________



Sorry for delayed updates


Not edited...

Continue Reading

You'll Also Like

379K 5.1K 43
Are you afraid on risking ?? Iniisip mo bang baka di maging worth it ? Na baka masaktan ka lang ? Are you the type of person who always wants to...
143K 2.6K 32
Am I so dumb to be in this situation I made? a situation which is killing me? I'm just so Inlove with her which caused my PAINFUL FALL thos is a GxG...
1.3K 59 12
SUBAYBAYAN PO NATIN ANG ISTORYA NINA SAGE CALEIGH AT DEM PAISLEY. ANO KAYA ANG MGA MANGYAYARI SA PAGKIKITA NG ISANG MAHIYAING BABAE GALING SA PROBIN...
2.4K 199 54
"isang daang tula challenge" start: March 18 2020 end: ?